Skip to content

Ano ang Kasaysayan ng mga Hudyo?

Ang mga Hudyo ay ang isa sa mga pinakamatatandang mga tao sa mundo. Ang kanilang kasaysayan ay nakatala sa Bibliya sa pamamagitan ng mga mananalaysay sa labas ng Bibliya, at magpahanggang sa arkeolohiya. Mayroong pinakamaraming facts na pumapatungkol sa kasaysayan ng mga Hudyo kaysa sa kasaysayan ng ibang mga tao. Gagamitin natin ngayon ang mga impormasyong ito para ibuod ang kanilang kasaysayan. Para mas madaling sundan ang kasaysayan ng mga Israelita (ang terminong ginagamit para sa mga Hudyo sa Lumang Tipan), tayo ay gagamit ng mga timelines.

Abraham: Ang Pagsisimula ng Family Tree ng mga Hudyo

Ang timeline na ito ay magsisimula kay Abraham. Pinagkalooban siya ng pangako para sundan siya ng mga bansa at nagkaroon siya ng ilang mga pagtatagpo kasama ang Diyos na nagtapos sa simbolikong pag-aalay ng kaniyang anak na si Isaac. Ang pag-aalay na ito ay isang sign na pumapatungkol kay Hesus sa pamamagitan ng pagmamarka ng lokasyon kung saan si Hesus ay siya ring isasakripisyo sa hinaharap. Nagpapatuloy ang timeline sa berde kung saan ang mga inapo ni Isaac ay naging mga alipin sa Ehipto. Ang panahong ito ay nagsimula nang si Jose, apo ni Issac, ay pinamunuan ang mga Israelita na magtungo sa Ehipto, kung saan kalaunan sila ay naging mga alipin.

Namumuhay sila sa Ehipto bilang mga alipin ng Paro
Namumuhay sila sa Ehipto bilang mga alipin ng Paro

Moises: Ang Mga Israelita ay Naging Isang Bansa sa Ilalim ng Diyos

Pinamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Salot ng Paskuwa na siyang sumira sa Ehipto at nagbigay ng dahilan para ang mga Israelita Exodo mula sa Ehipto ay tumawid papunta sa lupain ng Israel. Bago pumanaw si Moises ay ipinahayag niya muna ang mga Pagpapala at mga Sumpa para sa mga Israelita (ang timeline ay magiging berde mula sa dilaw). Ang mga Israelita ay magkakaroon ng Pagpapala kung susundin nila ang Diyos, ngunit makakaranas naman sila ng mga Sumpa kung sila ay hindi susunod. Ang mga Pagpapala’t Sumpang ito ay susunod pa rin sa mga Hudyo matapos ang napakaraming mga taon.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang ang mga Israelita ay tumira sa kanilang lupain ngunit wala pa rin silang Hari at hindi pa rin naitatatag ang kanilang kabiserang lungsod na Jerusalem–ibang mga tao ang nagmamay-ari nito noong panaho nila. Ngunit noong 1,000 B.C., lahat ito ay nagbago sa pamamagitan ni Haring David.

Pagtira kasama ang mga Haring Davidics na namamala mula sa Jerusalem
Pagtira kasama ang mga Haring Davidics na namamala mula sa Jerusalem

Nagtatag si David ng Royal Dynasty sa Jerusalem

Sinakop ni David ang Jerusalem at ginawa niya itong kabiserang lungsod ng Israel. Nakatanggap siya ng pangako na magkakaroon ng pagdating ng isang ‘Kristo’, at mula noon, ang mga Hudyo ay naghintay para sa ‘Kristo’ na dumating. Ang anak ni David na si Solomon ang sumunod na naging hari, at si Solomon ay siyang nagtayo ng Unang Templo ng mga Hudyo sa Jerusalem. Ang mga inapo ni Haring David ay nananatiling mga pinuno para sa 400 na taon at ang panahong ito ay makikita sa aqua-blue (1,000-600 B.C.). Ang panahong ito ay sinasabing ang panahon ng kaluwalhatian ng mga Israelita–pinangakuan sila ng mga pagpapala. Ang Israel ay isang napakalakas na bansa na may isang advanced na lipunan, kultura at ang kanilang Templo. Ngunit nakatala rin sa Lumang Tipan ang kanilang lumalagong korapsyon at pagsamba sa mga idolo sa panahong ito. Ilang mga propeta noong panahong ito ang nagbigay ng babala sa mga Israelita na ang mga Sumpa ni Moises ay magkakatotoo kapag sila ay hindi nagbago. Ngunit ang mga babalang ito ay kanilang ipinasawalang bahala.

Ang Unang Pagpapatapon ng mga Hudyo sa Babylon

Sa wakas, noong 600 B.C., ang mga Sumpa ni Moises ay siya ring nagkatotoo. Ang isang makapangyarihang Hari mula sa Babylonia na si Nebuchadnezzar ay dumating–kagaya na lamang ng hula ni Moises 900 na taon na ang nakalipas noong isinulat niya ang mga Sumpa:

“Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng paglipad ng agila; isang bansang ang wika’y hindi mo nauunawaan; bansang may mabangis na mukha na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni mahahabag sa bata. Kanyang kakainin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa ikaw ay mawasak. Wala ring ititira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay mapuksa niya. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong bayan, hanggang sa ang mataas at may pader na kuta na iyong pinagtitiwalaan ay bumagsak sa iyong buong lupain. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga bayan sa buong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 28:49-52)

Nilupig ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem. Hindi lang niya ito nilupig, sinunog din niya ito at kaniyang winasak ang Templo ni siyang itinayo ni Solomon. Siya rin niyang ipinatapon ang mga Israelita sa Babylonia. Tanging ang mga mahihirap na Israelita ang naiwan sa Israel. Tumutupad ito sa mga hula ni Moises na:

“Kung paanong ang Panginoon ay natutuwa na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na kayo’y lipulin at puksain. Kayo’y palalayasin sa lupain na inyong pinapasok upang angkinin. Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo’y maglilingkod kayo sa ibang mga diyos na yari sa kahoy at bato na hindi ninyo kilala, ni ng inyong mga ninuno.” (Deuteronomio 28:63-64)


Sinakop at ipinatapon sa Babylonia
Sinakop at ipinatapon sa Babylonia

Sa loob ng 70 na taon, sa panahon na ipinapakita na nakapula, ang mga Israelita ay tumira bilang mga exiles sa lupang pinangako kay Abraham at sa kaniyang mga inapo.

Pagbabalik Mula sa Pagpapatapon sa Ilalim ng mga Persyano

Matapos ang lahat ng ito, sinakop ng Persyanong Emperado na si Cyrus ang Babylonia at dahil dito, si Cyrus ang naging pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Pinayagan niyang bumalik sa Israel ang mga Israelita.

Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Persya
Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Persya

Gayunpaman, hindi na isang malayang bansa ang Israel dahil sila na ay naturang isang probinsya sa ilalim ng Imperyo ng Persya. Nagpatuloy ito ng 200 pang taon at makikita ito naka-pink sa timeline. Sa panahong ito, ang Templo ng mga Hudyo (na kilala bilang ikalawang templo) at ang siyudad ng Jerusalem ay kanilang itinayong muli.

Ang Panahon ng mga Griyego

Nang sakupin ni Alexander the Great ang Imperyo ng Persya, ginawa niyang probinsa ang Israel sa ilalim ng Imperyo ng Griyego para sa susunod pang 200 na taon. Makikita ito na naka-dark blue sa timeline.

Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Griyego
Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Griyego

Ang Panahon ng mga Romano

Tinalo ng mga Romano ang Imperyo ng Griyego at sila ang naging dominanteng puwersa sa mundo. Ang Israel ay muling naging probinsya sa Imperyong ito kagaya ng ipinapakita na naka-light yellow sa timeline. Ito ang panahon kung saan si Hesus ay nabuhay. Maipapaliwanag dito kung bakit may mga sundalong Romano sa ebanghelyo–dahil pinamunuan ng mga Romano ang mga Hudyo sa Lupain ng Israel sa panahon ni Hesus.

Pagtira sa Israel bilang parte ni Imperyo ng Romano
Pagtira sa Israel bilang parte ni Imperyo ng Romano

Ang Pangalawang Pagpapatapon ng mga Hudyo sa Ilalim ng mga Romano

Mula sa panahon ng mga-tiga Babylonia (600 B.C.), ang mga Israelita (o mga hudyo) ay hindi na naging malaya kagaya ng kanilang pamumuhay sa ilalim ni Haring David. Sila ay pinagharian ng iba’t ibang mga Imperyo. Lalong nagalit ang mga Hudyo dahil dito at sila ay naghimagsik labas sa pamumuno ng mga Romano. Nang dumating ang mga Romano, sinira nila ang Jerusalem (70 A.D.), sinunog nila ang ikalawang Templo, at ipinatapon nila ang mga Hudyo sa kabuuan ng Imperyo ng Romano upang sila ay maging mga alipin. Ito ang ikalawang pagpapatapon ng mga Hudyo. Dahil sadyang napakalaki ng Roma, ang mga Hudyo ay nagkalat sa buong mundo.

Sinira ng mga Romano ang Jerusalem at ang Templo noong 70 A.D., at ang mga Hudyo ay ipinatapon sa iba’t ibang parte ng mundo
Sinira ng mga Romano ang Jerusalem at ang Templo noong 70 A.D., at ang mga Hudyo ay ipinatapon sa iba’t ibang parte ng mundo

Ganito namuhay ang mga Hudyo sa loob ng 2,000 na taon: kalat sa iba’t ibang mga bansa at hindi kailanman tinanggap sa mga bansang ito. Sa iba’t ibang mga bansang ito, sila ay nakaranas ng persekusyon. Ang mga persekusyong ito ay parkular na totoo sa Kristyanong Europa. Mula sa Espanya, sa Kanlurang Europa, hanggang sa Russia ay sadyang mapanganib na namuhay ang mga Hudyo sa mga Krisryanong Kaharian na ito. Ang mga Sumpa ni Moises noong 1,500 B.C. ay isang eksaktong paglalarawan kung paano sila namuhay.

“Sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa, kundi bibigyan ka doon ng Panginoon ng isang nanginginig na puso, lumalabong paningin, at nanghihinang kaluluwa.” (Deuteronomio 28:65)

Ang mga Sumpa laban sa mga Israelita ay ibinigay para ang mga tao magtanong:

“Kaya’t lahat ng mga bansa ay magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? Ano ang dahilan ng pagpapakita ng ganitong matinding galit?” (Deuteronomio 29:24)

At ang sagot ay:

“Sila’y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain dahil sa galit, sa poot, at sa malaking pagngingitngit, at sila’y itinaboy sa ibang lupain, gaya sa araw na ito.” (Deuteronomio 29:28)

Ipinapakita ang kabuuan ng 1,900 na panahon sa timeline sa ibaba. Ang panahong ito ay ipinapakita sa mahabang pulang bar.

Ang Makasaysayang Timeline ng mga Hudyo--itinatampok dito ang dalawang panahon ng pagpapatapon sa kanila
Ang Makasaysayang Timeline ng mga Hudyo–itinatampok dito ang dalawang panahon ng pagpapatapon sa kanila

Makikita natin sa kasaysayan ng mga Hudyo na sila ay sumailalim sa dalawang panahon ng pagpapatapon, ngunit ang ikalawang pagpapatapon ay mas matagal kaysa sa una.

Ang Ika-20 na Siglo ng Holocaust

Ang persekusyon laban sa mga Hudyo ay dumating sa kaniyang rurok nang si Hitler, sa pamamagitan ng Alemanyang Nazi, ay sinubukang puksain ang lahat ng mga Hudyo na nakatira sa Europa. Muntik na siyang magtagumpay, ngunit siya ay natalo at mayroong ilang Hudyo na nakaligtas.

Ang Modernong Re-birth ng Israel

Ang katunayan na mayroong mga tao na kinikilala ang kanilang mga sarili bilang mga ‘Hudyo’ matapos ang ilang daang taon na sila ay walang sariling bansa ay sadyang pambihira. Ngunit pinayagan nito ang huling mga salita ni Moises, na isinulat 3,500 na taon na ang nakakaraan, na magkatotoo. Noong 1948, sa pamamagitan ng United Nations, nakita ng mga Hudyo ang kahanga-hangang re-birth ng modernong estado ng Israel, kagaya na lamang ng isinulat ni Moises ilang siglo na ang nakakaraan:

“Babawiin ng Panginoon mong Diyos ang iyong pagkabihag at mahahabag sa iyo. Ibabalik at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Kung ang pagkakabihag sa iyo ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng langit, mula roo’y titipunin at kukunin ka ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 30:3-4)

Ito rin ay naging kahanga-hanga dahil ang estadong ito ay itinayo sa kabilang ng napakalaking oposisyon. Karamihan sa mga bansang pumapaligid sa Israel ay naglungsad ng war laban sa Israel noong 1948, 1956, 1967 at muli, noong 1973. Ang Israel, na isang napakaliit na bansa, ay kadalasang nasa ilalim ng war laban sa limang iba’t ibang mga bansa sa pare-parehong oras. Gayunpaman, hindi lamang nakaligtas ang Israel–ang mga teritoryo rin nito ay mas lumawak. Matapos ang war noong 1967, nakuhang muli ng mga Hudyo ang Jerusalem, ang kanilang makasaysayang kabiserang lungsod na itinatag ni David 3,000 na taon na ang nakakaraan. Ito ang resulta ng pakakabuo ng estado ng Israel, at ang konsikwensya na hatid ng mga war na ito ay ang bumuo sa pinakamahirap na problemang pampulitika na kinakaharap ng ating mundo sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *