Ang Katiyakan at Kapangyarihan ng Pentekost

Ang Araw ng Pentekost ay laging natatapat na Linggo. Ipinagdiriwang nito ang isang napaka-remarkable na araw, ngunit hindi lamang nito ipinagdiriwang kung ano ang nangyari nang araw na ito kun’di kung kailan at bakit ito nangyari na nagre-reveal sa kamay ng Diyos, at ng napakamakapangyarihang regalo para sa’yo.

Ang Pangyayari noong Pentekost

Kung narinig mo na ang ‘Pentokost’, maaaring alam mo na ito ang araw kung kailan ang Espiritu Santo ay bumaba upang manirahan sa mga tagasunod ni Hesus. Ito ang araw kung kailan ang Simbahan, ang ‘mga tinawag’ ng Diyos, ay ipinanganak. Ang mga kaganapang ito ay nakatala sa Mga Gawa 2 ng Bibliya. Noong araw na iyon, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa unang 120 na tagasunod ni Hesus at sila’y nagsimulang magsalita ng malakas sa iba’t ibang mga wika mula sa buong mundo. Isa itong napakalaking komosyon kung kaya’t ang libu-libong mga tao na nasa Jerusalem noong araw na ‘yon ay lumabas upang makita kung ano nga ba ang nangyayari. Sa harap ng natipon na masa, si Pedro ay ipinalaganap ang unang mensahe ng ebanghelyo at ‘tatlong libo ang nadagdag sa kanilang bilang noong araw na iyon’ (Mga Gawa 2:41). Ang bilang ng mga tagasunod ng ebanghelyo ay lubhang lumalawak matapos ang Linggo ng Pentekost.

Ang araw na ito ay naganap 50 na araw matapos ang resureksyon ni Hesus. Sa loob ng 50 na araw na ito ay ang panahon kung kailan ang mga disipulo ni Hesus ay naging kumbinsido na si Hesus ay muling nabuhay mula sa kamatayan. Noong Linggo ng Pentekost, isinapubliko nila ito at dahil dito, ang kasaysayan ay nabago. Kung naniniwala ka man sa resureksyon o hindi, masasabi rin nating ang buhay mo ay nagbago at naging apektado ng dahil sa mga kaganapan noong Linggo ng Pentekost.

Ang ganitong pag-intindi ng Pentekost, kahit tama, ay hindi pa rin kumpleto. Maraming tao ang may kagustuhan na umulit ang Linggo ng Pentekost sa iba ngunit parehong experience. Dahil ang mga unang disipulo ni Hesus ay may experience na Pentekostal sa pamamagitan ng ‘paghihintay sa regalo ng Espiritu’, sa ngayon, ang mga tao ay umaasa na sa pamamagitan ng ‘paghihintay’ Siya ay babalik mula sa parehong paraan. Sa makatuwid, maraming tao ang nagmamakaawa at naghihintay sa Diyos upang magdala na isa pang Pentekost. Ang pag-iisip na ito ay nag-a-assume na ang nagdala sa Espiritu ng Diyos noon ay ang paghihintay at ang pagdarasal. Ang pag-iisip na ito ay nangangaligta sa katiyakan nito–dahil ang Pentekost na nakatala sa Mga Gawa 2 ay hindi ang unang Pentekost.

Ang Pentekost Mula sa Batas ni Moises

Ang ‘Pentekost’ ay isa talagang taunang pista sa Lumang Tipan. Si Moises (1,500 B.C.) ay nagtatag ng ilang mga pista upang ipagdiwang sa loob ng isang taon. Ang Paskuwa ang unang pista ng mga Hudyo sa buong taon. Si Hesus ay ipinako sa araw ng Pista ng Paskuwa. Ang ekstaktong oras ng kaniyang kamatayan ang eksaktong sakripisyo ng mga tupa ng Paskuwa ay nagbibigay ng palatandaan.

Ang pangalawang pista ay ang Pista ng ‘Unang Bunga’, at ang Batas ni Moises ay nagsasabing dapat itong ipagdiwang sa ‘araw matapos’ ang Sabado ng Paskuwa (Linggo). Si Hesus ay nabuhay muli ng Linggo, kung kaya’t ang kaniyang muling pagkabuhay ay eksaktong nangyari noong Pista ng Unang Bunga. Dahil ang kaniyang muling pagkabuay ay nangyari nong ‘Unang Bunga’, ang pangako na ang ating resureksyon ay susunod kinamamayaan (para sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya). Ang kaniyang muling pagkabuhay ay literal na ‘unang bunga’, kagaya na lamang ng isinapropesiya ng pangalan ng pista.

Tiyak na 50 na araw matapos ang Linggo ng ‘Unang Bunga’, ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang Pentekost (ang ‘pente’ ay 50, at ito rin ay tinatawag na Pista ng mga Linggo dahil ito ay binibilang ng pitong linggo). Ang mga Hudyo ay ipinagdiriwang na ang Pentekost ng 1,500 na taon noong ang Pentekost sa Mga Gawa 2 ay nangyari. Ang dahilan kung bakit mayroong mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo noong Pentekost na iyon sa Jerusalem para marinig ang mensahe ni Pedro ay tiyak na dahil sila’y nandoon upang ipagdiwang ang Pentekost ng Lumang Tipan. Sa ngayon, ipinagdiriwang pa rin ng mga Hudyo ang Pentekost ngunit tinatawag na nila itong Shavuot.

Ating babasahin mula sa Lumang Tipan kung paano nga ba ipinagdiriwang ang Pentekost:

“Hanggang sa kinabukasan pagkalipas ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limampung araw; pagkatapos ay mag-aalay kayo ng handog na bagong butil sa Panginoon. Mula sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay upang iwagayway, na ang bawat isa ay dalawang ikasampung bahagi ng isang efa na mula sa piling harina, at lulutuin na may pampaalsa bilang unang bunga sa Panginoon. (Levitico 23:16-17)

Ang Katiyakan ng Pentekost: Ebidensiya ng Utak

Mayroong tiyak na timing ang Pentekost sa Mga Gawa 2 dahil nangyari ito sa mismong araw ng taon kagaya ng Pentekost sa Lumang Tipan (Pista ng mga Linggo). Ang pagkakapako ni Hesus na nagyari noong Paskuwa, ang muling pagkabuhay ni Hesus na nangyari noong Unang Bunga, at ang Pentekost ng Mga Gawa 2 na nangyari noong Pista ng mga Linggo ng Hudyo, ay nagpapakita ng isang koordinasyon ng pag-iisip sa pamamagitan ng kasaysayan. Sa dinami-rami ng araw sa isang taon, bakit kaya ang pagkakapako ni Hesus, ang kaniyang muling pagkabuhay, at ang pagdating ng Espiritu Santo ay sabay na nangyari sa bawat araw ng mga pista sa Lumang Tipan, maliban na lamang kung sila nga ay pinlano? Ang tiyak na mga planong ganito ay nangyayari lamang kung mayroong utak sa likod nito.

Ang mga kaganapan sa Bagong Tipan ay tiyak na nangyari kasabay ng tatlong Tagsibol sa Pista sa Lumang Tipan

‘Ginawa’ nga lamang ba ni Lucas ang Pentekost?

Mayroong ilang mga magsasabi na si Lucas (ang manunulat ng Mga Gawa) ay ginawa lamang ang mga kaganapan sa Mga Gawa 2 para ‘mangyari’ ito sa Pista ng Pentekost. Kung gayon, siya dapat ang magiging ‘utak’ sa likod ng timing na ito. Ngunit hindi sinasabi sa kaniyang tala na ang Mga Gawa 2 ay ‘magfu-fulfill’ sa Pista ng Pentekost., hindi rin naman ito binabanggit dito. Ngunit bakit nga ba siya mag-aabala pa na gumawa ng dramatikong mga kaganapan upang ‘mangyari’ sa araw na iyon at hindi na lamang tulungan ang mga mambabasa na makita kung paano ito ‘magfu-fulfill’ sa Pista ng Pentekost? Sa makatuwid, si Lucas ay gumawa ng napakagandang trabaho na itala ang mga kaganapan kaysa interpretahin ito kung kaya’t kalimitan sa mga tao ngayon ay hindi alam na ang mga kaganapan sa Mga Gawa 2 ay nangyaring kasabay ng Pista ng Pentekost sa Lumang Tipan. Maraming tao ang nag-iisip na ang Pentekost ay nangsimula lamang sa Mga Gawa 2. Dahil kalimitan sa mga tao ngayon ay hindi aware sa koneksyon ng dalawa, magiging imposible ang sitwasyon ni Lukas at ang kanyang pagiging henyo para imbentuhin ang koneksyon ng dalawa kung kaya’t lubos niya itong ipinaliwanag.

Pentekost: Ang Bagong Kapangyarihan

Sa halip, tinuturo tayo ni Lukas sa isang propesiya sa Lumang Tipan sa libro ni Joel na nag-predict na isang araw ang Espiritu ng Diyos ay bubuhos sa lahat ng tao. Ang Pentekost sa Mga Gawa 2 ay nag-fulfill sa propesiyang ito.

Isang rason kung bakit ang Ebanghelyo ay ang ‘magandang balita’ ay dahil nagbibigay ito ng kapangyarihan na mamuhay ng kakaibang buhay–ng mas magandang buhay. Ngayon, ang buhay ay isa nang union sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. At ang union na ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbuhos ng Espiritu ng Diyos–na nagsimula noong Linggo ng Pentekost sa Mga Gawa 2. Ang Magandang Balita ay ngayon, pwede na tayong mamuhay sa ibang lebel, at ng may relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu. Ipinapaliwanag ito ng Bibliya sa ganitong paraan:

“Sa kanya’y kayo rin naman, na nakarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo. Siya ang katibayan ng ating mana, hanggang sa ikatutubos ng pag-aari, sa ikapupuri ng kanyang kaluwalhatian.” (Efeso 1:13-14)

“Ngunit kung ang Espiritu niyaong bumuhay na muli kay Jesus ay nananatili sa inyo, siya na bumuhay na muli kay Cristo mula sa mga patay ay magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na naninirahan sa inyo.” (Roma 8:11)

“At hindi lamang sangnilikha, kundi pati naman tayo na mayroong mga unang bunga ng Espiritu, na tayo nama’y dumaraing din sa ating mga sarili, sa masidhing paghihintay ng pagkukupkop, ang pagtubos sa ating katawan.” (Roma 8:23)

Ang paninirahan ng Espiritu ng Diyos ay isa ring unang bunga, dahil ang Espiritu ay isang pastulan–isang garantiya–ng pagkumpleto ng ating transpormasyon bilang ‘mga anak ng Diyos’.

Ang ebanghelyo ay nag-aalok ng isang masaganang buhay ngunit hindi sa pamamagitan ng pag-aari, pleasure, estado, kayamanan at lahat ng ibang lumilipas na maliliit na mga bagay na hinahabol ng mundong ito, na siya ring sinasabing bulang walang laman ani Solomon–ngunit sa pamamagitan ng paninirahan ng Espiritu ng Diyos. Kung totoo nga ito–na ang Diyos ay nag-aalok na manirahan at bigyan tayo ng kapangyarihan–ito ay napakagandang balita. Ang Pentekost sa Lumang Tipan kasama ng pagdiriwang ng masarap na tinapay na niluto na may pampaalsa ay sinasabing nagpapakita ng paparating na masaganang buhay. Ang katiyakan sa pagitan ng Luma at Bagong Pentekost ay isang perpektong ebidensiya na ang Diyos nga ang ‘Utak’ sa likod ng mga kaganapang ito at ito ang kapangyarihan ng masaganang buhay.

Ang Palaisipan ng Propesiya sa Mga Awit 22

Ilang taon na ang nakararaan, ang aking kaibigan at katrabaho na si ‘J’ ay nagtungo sa aking mesa. Si J ay matalino at edukado–at tiyak na hindi naniniwala sa ebanghelyo. Ngunit siya ay para bang curious, at ito ay nagreresulta sa ilang mga mainit-init at bukas na pag-uusap sa pagitan naming dalawa. Hindi pa siya talaga nakakabasa ng Bibliya, kung kaya’t hinikayat ko siya noon at upang imbestigahan ito.

Isang araw ay nagpunta siya sa aking opisina na may dalang Bibliya upang ipakita sa akin na siya niyang sinisiyasat ito. Binuksan niya ng random ang Bibliya sa gitna, at tinanong ko siya kung ano nga ba ang kaniyang binabasa. Ganito ang aming naging pag-uusap:

“Binabasa ko ang Mga Awit 22,” ani niya.

“Talaga?” Sabi ko. “May ideya ka ba kung ano ang binabasa mo?”

“Binabasa ko ang tungkol sa pagkakapako ni Hesus,” sagot ni J.

“Magandang hula iyan,” sinabi ko habang tumatawa, “Ngunit ikaw ay maaga ng isang libong taon. Ang Mga Awit 22 ay isinulat ni David noong 1,000 B.C., at ang pagkakapako ni Hesus ay noong 30 C.E..”

Dahil hindi naman pamilyar si J sa Bibliya, hindi niya namalayan na ang Mga Awit ay hindi ang nagdadala ng tala ng buhay ni Hesus na isinulat ng mga tao sa kaniyang panahon. Nakakarinig lamang si J ng mga kuwento tungkol kay Hesus, kasama na rin ang kaniyang pagkakapako, at mula sa pagkakabukas ng kaniyang Bibliya ng random, at mula sa kaniyang perspektibo, ito ay naglalarawan sa pagkakapako. Dahil hindi niya alam ang totoong mga tala sa Bibliya, inakala niyang ito ang kuwento ng krusipiksyon. Kami ay parehong natawa dahil sa pagkakabasa at interpreta niya ng Bibliya.

Matapos non ay tinanong ko sa J kung ano ang nabasa niya sa Mga Awit 22 para akalain na ang kuwentong kaniyang binabasa ay pumapatungkol sa pagkakapako ni Hesus. Dito nagsimula ang aming pag-iimbestiga. Iniimbitahan ko kayong ikunsidera ang mga pagkakapareho na napansin ni J sa pamamagitan ng pagtatabi sa mga sipi. Para lubos pang makatulong, aking kinulayan ng magkakaparehong kulay ang mga teksto na may pagkakapareho.

Ang Pagkakatulad ng mga Talaga sa Ebanghelo Tungkol sa Pagkakako na May Kasamang mga Detalye sa Mga Awit 22

Detalye ng Pagkakapako mula sa Ebanghelyo

Mga Awit 22–na isinulat noong 1,000 B.C.

(Mateo 27:31-48) Ipinako si Hesus sa krus… 39“Siya’y inalipusta ng mga nagdaraan at pailing-iling, 40na nagsasabi, ‘Ikaw na gigiba sa templo, at sa ikatlong araw ay itatayo ito, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!’ 41Sa gayunding paraan ay nilibak siya ng mga punong pari, kasama ang mga eskriba at ng matatanda na nagsasabi, 42 ‘Niligtas siya ng iba; hindi na mailigtas ang kanyang sarili. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo sa kanya. 43Nagtiwala siya sa Diyos; kanyang iligtas siya ngayon kung ibig niya, 46At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus na may malakas na tinig, na sinasabi, ‘Eli, Eli, lama sabacthani?’ na ang kahulugan ay ‘Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Tumakbo kaagad ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha, pinuno ito ng suka, inilagay sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin.” (Marcos 15:16-20) 16“Pagkatapos ay dinala siya ng mga kawal sa bulwagan na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong batalyon. Siya’y kanilang dinamitan ng kulay-ube, at nang makapagtirintas ng isang koronang tinik ay ipinatong nila ito sa kanya. 18At pinasimulan nilang pagpugayan siya, ‘Mabuhay, Hari ng mga Judio!’ 19Hinampas nila ang kanyang ulo ng isang tungkod, dinuraan siya at lumuhod sa harapan niya. 20Pagkatapos na siya’y kanilang libakin, inalis nila ang kanyang kulay-ube na balabal at isinuot sa kanya ang kanyang mga damit. At siya’y kanilang inilabas upang ipako sa krus. 37Si Jesus ay sumigaw nang malakas at nalagutan ng hininga.” (Juan 19:34) “Subalit tinusok ng sibat ng isa sa mga kawal ang kanyang tagiliran at biglang lumabas ang dugo at tubig.” (Juan 20:25) “Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, ‘Nakita namin ang Panginoon.’ Ngunit sinabi niya sa kanila, ‘Malibang makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kanyang tagiliran ay hindi ako maniniwala.” (Juan 19:23-24) “Nang maipako ng mga kawal si Jesus, kanilang kinuha ang kanyang mga kasuotan at hinati sa apat na bahagi, sa bawat kawal ay isang bahagi. Gayundin ang tunika, at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas. Kaya’t sinabi nila sa isa’t isa, ‘Huwag natin itong punitin, kundi tayo’y magpalabunutan kung kanino mapupunta.”

1‘Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?’ Bakit napakalayo mo sa pagtulong sa akin, sa mga salita na aking karaingan? O Diyos ko, sumisigaw ako kapag araw, ngunit hindi ka sumasagot man lamang, at kapag gabi, hindi ako makatago ng kapahingahan. Silang lahat na nakakakita sa akin ay tinatawanan ako; nginungusuan nila akou, iiling-iling ang kanilang mga ulo. ‘Ipinagkatiwala niya ang kaniyang usapin sa Panginoon; hayaan kanyang iligtas siya, hayaang kanyang sagipin siya, sapagkat kanyang kinaluluguran siya!’ Ngunit ikaw ang kumuha sa akin mula sa bahay-bata; iningatan mo ako nang ako’y nasa dibdib ng aking ina. 10 Sa iyo ako’y inilagak mula sa aking pagluwal, at mula nang ako’y ipagbuntis ng aking ina ang Diyos ko’y ikaw. 11Sa akin ay huwag kang lumayo, sapagkat malapit ang gulo, at walang sinumang sasaklolo. 12 Paliligiran ako ng maraming toro, ng malalakas na toro ng Basan ay pinalilibutan ako. 13 Sa akin ang kanilang bibig ay binuksan nila ng maluwang, gaya ng sumasakmal at leong umuungal.
14 Ako’y ibinubuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nakakalas sa pagkakabit; ang aking puso ay parang pagkit, ito ay natutunaw sa loob ng aking dibdib. 15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang basag na banga, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; sa alabok ng kamatayan ako’y iyong inihihiga. 16Oo, ang mga aso ay nakapaligid sa akin, pinaligiran ako ng isang pangkat ng mga gumagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa. 17Lahat ng aking mga buto ay aking mabibilang, sa akin sila’y nakatingin at ako’y tinitititgan. 18Kanilang pinaghatian ang aking mga kasuotan, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran.”

Ang fact na si J ay nagbigay ng lohikal ngunit maling kongklusyon na ang Mga Awit 22 ay ang tala ng mga eye-witness sa pagkakapako noong Biyernes Santo, ay dapat makapagbigay sa atin ng katanungan. Paano nga ba natin ipapaliwanag ang pagkakapareho sa pagitan ng mga tala sa ebanghelyo at ng Mga Awit 22? Ito nga ba ay pagkakataon at coincidence na ang mga detalyeng ito ay sobrang magkakatugma at isinasama rin dito na ang mga damit ay PAREHONG mahahati (ang mga damit na may tahi ay mapupunit sa mga tahi at pagpapasa-pasahan ng mga sundalo) AT magkakaroon ng palabunutan (ang mga damit na walang tahi ay masisira sa pamamagitan ng pagkakapunit dito kung kaya’t sila ay nagpalabunutan para rito).

 Ang Mga Awit 22 ay isinulat bago ang pagkakapako sa krus ngunit inilalarawan pa rin dito ang iba’t ibang detalye (pagkakapako sa kamay at paa, ang pagkalas ng mga buto–ang pakaka-stretch ng buto sa pamamagitan ng pagkakasabit). Sa pagdaragdag, ang Ebanghelyo ni Juan ay nagsasaad na may dugo at tubig na dumaloy noong tinusok ng sibat ang tagiliran ni Hesus, at sinasabi rito na nagkaroon ng fluid buildup sa kaniyang pericardium cavity na pumapalibot sa kaniyang puso. Namatay si Hesus dahil sa atake sa puso. Pareho ito ng kahulugan sa Mga Awit 22 na sinasabing ‘ang aking puso ay parang pagkit’. Ang salitang Hebreo sa b. 16 ng Mga Awit 22 ay nai-translate sa ‘pagtusok’ ay literal na nangangahulugang ‘kagaya ng leon’. Sa madaling salita, ang mga kamay at paa ay niluray at binugbog habang sila ay ipinapako. Kung gayon, ano nga ba ang gagawin natin sa lahat ng ito?

Si Hesus, sa pamamagitan ng mga pluma ng manunulat ng Ebanghelyo, ay ipinapaliwanag na ang pagkakapareho ng mga ito ay prophetic. Binigyang inspirasyon ng Diyos ang mga propeta sa Lumang Tipan ilang daang taon bago mabuhay si Hesus para mahulaan ang detalye ng kaniyang buhay at kamatayan upang ating malaman na lahat ng ito ay nakasaad sa plano ng Diyos. Ang tawag dito ay ‘prophetic fulfillment’ dahil katulad ito ng pagkakaroon ng banal na lagda sa mga pangyayari noong Biyernes Santo dahil walang sinumang tao ang makakahula sa hinaharap. Ito ay ebidensya ng intervention ng Diyos sa kasaysayan.

Ang Paliwanag ni Bart Ehrman

Si Bart Ehrman ay isang kilalang iskolar ng Bibliya at kritiko ng Ebanghelyo. Siya rin ay isa sa kumokontra ng mga credentials ng Mga Awit 22 dahil ayon sa kanya, mali ito at ang punto ng kuwentong ito sa Ebanghelyo ay ang ‘Mesiyas’ o ang ‘Kristo’ ay ang taon na siyang dapat isasakripisyo, at ayon sa kaniya, walang sinasabing ang biktima ng sakripisyo sa Mga Awit 22 ay ang ‘Mesiyas’.

“Ngunit ano nga ba ang gagawin natin sa katotohanan na walang propesiyang Hudyo na nagsasabing ang Mesiyas ay maghihirap at mamamatay?” (Bart Ehrman, Jesus Interrupted, p. 234)

Ngunit nagbibigay ito ng isa pang isyu. Hindi lang naman isa ang propesiya (kagaya ng Mga Awit 22) na kailangang gampanan ni Hesus, ngunit marami ang mga ito. Ang mga propesiyang ito ay isinulat ng iba’t ibang mga manunulat sa iba’t ibang mga panahon at mula sa iba’t ibang mga social strata na mula sa panahon ng Lumang Tipan–at kaya natin itong patunayan dahil pwede natin itong i-check kung nangyari nga ba ang mga ito o hindi. Kung kaya’t para patunayan ang challenge ni Ehrman, si Daniel na naninirahan sa exile sa Babylon noong 550 B.C. ay nagkaroon ng pangitain noong siya ay pinagsabihan ng prophetic na bugtong:

“Kaya’t iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu’t dalawang sanlinggo. Ito’y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan. Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.” (Daniel 9:25-26)

Hmmm. May lubos akong respeto sa iskolar na ito ng Bagong Tipan, ngunit nakaligtaan niya ito sa Lumang Tipan. Dito natin makikita, kagaya na lamang ng kaniyang challege, ang propesiya ng ‘Ang Anointed’ (Kristo = Mesiyas) ay magiging cut off. Ang timing nito at ang detalye ng ‘cut off’, na siyang nakini-kinita ang kahulugan ng kamatayan ni Hesus, ay siyang nagre-refute ng pahayag ni Ehrman na walang propesiya sa Lumang Tipan na ang ‘Kristo’ ay siyang magdurusa at mamamatay.

Ang Paliwanag ni Spong

Mayroong ibang mga tao na kagaya ni Shelby Spong na nagsasabing ang pagkakatulad ng Mga Awit 22 sa mga kaganapan sa pagkakapako noong Biyernes Santo ay simpleng dahil sa katotohanan na ang mga manunulat ng Ebanghelyo ay gumawa na lamang ng kanilang mga sariling kasulatan para lamang maihalintulad ito sa propesiya. Mayroon siyang napakadetalyadong verse-by-verse na analysis na nagpapakita sa pagkakatulad ng Mga Awit 22 at ng pagkakapako ni Hesus sa Ebanghelyo. Ngunit ang sinasabi sa teorya ni Spong ay kailangan lamang niya ng eksplanasyon sa kung bakit magkatulad ang mga ito. Ngunit ang eksplanasyong ito ay siya ring hindi nagbibigay pansin sa testimonya ng mga mananalaysay na mula pa sa labas ng Bibliya. Sinasabi sa atin nina Josephus at Tacitus ang mga sumusunod:

“Sa panahong ito ay mayroong napakatalinong tao…Hesus…mabuti, at…walang bahid ng kasalanan. At maraming mga Hudyo at iba’t ibang tao na mula pa sa iba’t ibang nasyon ang kaniyang naging mga disipulo. Hinatulan Siya ni Pilato upang ipako sa krus para mamatay.” (Josephus, 90 A.D., Antiquities xviii. 33/Si Josephus ay isang Mananalaysay na Hudyo)

“Si Christus, ang nagtatag ng pangalan, ay siyang pinapatay ni Pontio Pilato, ang prokurator ng Judea sa paghahari ni Tiberius.” (Tacitus, 117 A.D., Annals xv. 44/Si Tacitus ay isang Mananalaysay sa Roman)

Ang kanilang mga testimonya ay sumasang-ayon sa ebanghelyo na si Hesus ay siyang ipinako nga sa krus. Importante ito dahil marami ang mga detalye sa Mga Awit 22 na siyang simpleng mga partikular na kaganapan noong ipinako si Hesus. Kung ang mga manunulat ng ebanghelyo ay gagawa ng sarili nilang mga kaganapan kaysa sabihin ang mga aktwal na ganap upang ito ay maging ‘fit’ sa Mga Awit 22, kakailanganin nilang gumawa ng sarili nilang pagkakapako. Ngunit walang sinuman mula sa panahong iyon na tumangging naganap ang pagkakapako, at ang mananalaysay na Hudyo na si Josephus ay tahasang sinabi na ito ang dahilan ng kaniyang pagkakapatay.

Ang Mga Awit 22 at ang Legasiya ni Hesus

Ngunit ang Mga Awit 22 ay hindi nagtatapos sa bersong 18 kagaya ng nasa itaas–nagpapatuloy pa ito. Pansinin natin kung paanong ang mood ay matagumpay sa huli–matapos mamatay ng tao!

“Ang dukha ay kakain at masisiyahan, yaong mga humanap sa kanya ay magpupuri sa Panginoon! Mabuhay nawa ang inyong mga puso magpakailanman. Maaalala ng lahat ng mga dulo ng lupa, at sa Panginoon ay manunumbalik sila; at lahat ng mga sambahayan ng mga bansa ay sa harapan mo magsisamba. Sapagkat sa Panginoon ang kaharian, at siya ang namumuno sa mga bansa. Oo, sa kanya ang lahat ng masasagana sa lupa ay kakain at sasamba; sa harapan niya ay yumuyukod ang lahat ng bumabalik sa alabok, at siya na hindi mapapanatiling buháy ang kanyang kaluluwa. Ang susunod na salinlahi sa kanya ay magsisilbi, ang Panginoon ay ibabalita ng mga tao sa darating na salinlahi. Sila’y darating at maghahayag ng kanyang katuwiran sa isang bayang isisilang, na dito ay siya ang may kagagawan.” (Mga Awit 22:26-30)

Pansinin natin na hindi ito pumapatungkol sa detalye ng kaganapan ng kamatayan ng isang tao. Ang mgaa detalye ng kamatayang ito ay sinasabi sa unang bahagi ng Mga Awit. Ina-address na ngayon ng salmista ang impact ng kamatayan ng taong ito sa mga ‘salinlahi’ at sa mga ‘susunod na henerasyon’ (berso 30). Ngunit sino nga ba ang mga ito? Tayo ang mga ito na siyang namumuhay nang 2,000 na taon matapos ang pagkakapako. Sinasabi sa atin ng salmista na ang ‘salinlahi’ na siyang sumusunod sa ‘pierced’ na tao na siyang namatay ng isang nakakapangilabot na kamatayan ay siyang ‘pagsisilbihan’ siya at siyang ‘mapapagsabihan ng tungkol sa kaniya’. Nahuhulan sa berso 27 ang geographic na saklaw ng impact na ito–ito ay pupunta sa ‘dulo ng mundo’ at sa ‘bawat pamilya sa iba’t ibang bayan’ at magdudulot ito na ‘magbalik sa Panginoon’. Nahuhulaan sa berso 29 na ‘siya na hindi mapapanatiling buhay ang kanyang kaluluwa’ (ito ay lahat tayo dahil lahat din naman tayo ay mamamatay) ay luluhod sa kaniya balang araw. Ang kabanalan ng taong ito ay ipagsisigawan sa lahat ng tao na hindi pa nabubuhay (ang ‘mga hindi pa buhay’) sa oras ng kaniyang kamatayan.

Walang sinumang makagagawa ng mas magandang hula sa subsequent na legasiya ng kamatayan ni Hesus kaysa sa Mga Awit 22. Halos 2,000 na taon matapos si Hesus ay ating ipinagdiriwang ang Biyernes Santo na siyang nagha-highlight sa impact ng kamatayan ni Hesus, na siyang nagfu-fulfill sa kongklusyon ng Mga Awit 22 na tama lamang kagaya ng kung paano nahulaan ito ng mga bersong nauna sa kaniya. Sino pa sa kasaysayan ng mundo ang maaaring gumawa ng isang claim na ang mga detalye ng kanyang kamatayan pati na rin ang legacy ng kanyang buhay hanggang sa malayong hinaharap ay hinuhulaan 1,000 taon bago pa man siya mabuhay?

Ang kongklusyon ng Awit 22 ay walang kinalaman sa kung ang mga ulat ng ebanghelyo ay hiniram mula dito o binubuo ang mga pangyayari sa pagpapako sa krus sapagkat ito ay kasalukuyang nakikitungo sa maraming mga kaganapan sa hinaharap–ito ang nasa ating kasalukuyang panahon. Ang mga manunulat ng ebanghelyo, na naninirahan sa ika-1 na siglo ay hindi kayang ‘gumawa’ ng sarili nilang mga kaganapan sa impact ng kamatayan ni Jesus hanggang sa ating panahon. Hindi nila alam kung ano ang magiging epekto nito. Paano isasama ng Spong ang katotohanang ito sa kanyang paliwanag? Hindi niya ginagawa. Binabalewala niya ang huling bahagi ng Mga Awit 22.

Siguro, kagaya ng kaibigan kong si J, maaari mo ring kuhanin ang oportunidad na ito upang ikunsidera ang Mga Awit 22 sa liwanag ng pagkakapako ni Hesus. Kakailanganin mo ng kaunting mental na effort. Ngunit huwag mo itong hayaang pumigil sa’yo. Ang reward ay worth it dahil ang tao na pinag-uusapan sa Mga Awit 22 ang nangako ng sumusunod:

“Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako’y pumarito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.” (Juan 10:10)

Gagawin nitong fulfilling ang inyong Pasko ng Pagkabuhay. Naririto ang buong Mga Awit 22, at ang tala ng pagkakapako ayon kina Mateo, Marcos, Lukas, at Juan. Nawa’y maranasan niyo ang mga ito at hindi lamang sa Biyernes Santo kun’di sa araw araw.

Paano nga ba naisapropesiya ang detalye ng kamatayan ni Kristo?

Ang pagiging ‘cut off’ ni Kristo ay nahulaan nang may detalye ng mga Propeta sa Lumang Tipan

Sa huling post, nakita natin na nahulaan ni Daniel na ang ‘Kristo’ ay magiging ‘cut off’ matapos ang ilang cycle ng mga taon. Ang hula na ito ni Daniel ay naisakatuparan nang matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–dito rin siya naipresenta bilang ang Kristo ng Israel–eksaktong 173,880 na araw matapos maipasa ang Kautusan ng Persya upang buuing muli ang Jersusalem. Ang pariralang ‘cut off’ ay pumapatungkol sa imahen ni Isaias na may sanga na tutubo mula sa isang patay na tuod. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin niya rito?

Ipinapakita sa Isaias sa isang makasaysayang timeline. Siya ay nabuhay noong panahon ng mga Haring Davidic

Mayroon ding ibang mga propesiya si Isaias na isinulat sa kaniyang libro, gumagamit din siya ng iba’t ibang tema maliban sa Sanga. Isang tema niya ang pumapatungkol sa pagdating ng isang Lingkod. Sino nga ba ang ‘Lingkod’ na ito? Ano nga ba ang kaniyang gagawin? Ating titignan ang isang sipi para sa mga detalye. Aking kinopya ito ng eksakto, ngunit mayroong ibang sipi tungkol sa aking mga personal na komento.

Ang Paparating na Lingkod. Ang Kumpletong Sipi Mula sa Isaias 52:13 hanggang sa Isaias 53:12

“Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay, siya’y dadakilain at itataas, at magiging napakataas. Kung paanong marami ang namangha sa kanya[a]— ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao, at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya; sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita, at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.” (Isaias 52:13-15)

Alam natin na ang Lingkod ay magiging tao na lalaki, dahil tinutukoy siya ni Isaias gamit ang mga panghalip na ginagamit para sa mga lalaki, at partikular na inilalarawan ang mga darating na mga pangyayari (mula sa mga parirala na ‘ay magtatagumpay…’, ‘siya’y dadakilain at itataas…’, at marami pang iba), kung kaya’t ito ay isang tahasang propesiya. Ngunit tungkol nga ba saan ang propesiyang ito?

Nang mag-offer ang mga Paring Hudyo ng mga alay para sa mga Israelita, winisikan nila ito ng dugo na mula sa alay mismo–sinisimbulo ito na ang kanilang mga kasalanan ay siya nang natakpan at hindi na ito maaaring gamitin ng laban sa kanila. Ngunit sinasabi rito na ang Lingkod ay wiwisikan ang ‘maraming bansa’, kung kaya’t sinasabi ni Isaias na, sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay din ng parehong pagwiwisik para rin sa kasalanan ng mga hindi Hudyo na katulad na lamang ng ginagawa ng mga Pari sa Lumang Tipan para sa mga mananampalatayang Hudyo. Dahil dito, nagiging parallel ito sa hula ni Zacarias na ang Sanga ay magiging Pari, at siya rin mismo ang makakapag-isa ng tungkulin ng parehong Hari at Pari, dahil ang pari lamang ang puwedeng magwisik ng dugo. Ang global na saklaw ng ‘maraming bansa’ ay sumusunod sa mga historikal at napapatunayang mga pangako na naibigay, ilang siglo na ang nakararaan kay Abraham, na ang ‘lahat ng bansa’ ay pagpapalain sa pamamagitan ng kaniyang mga anak.

Ngunit sa pagwiwisik ng maraming bansa, ang mismong ‘anyo’ at ‘hugis’ ng Lingkod ay nahulaan na magiging ‘napakarumi’ at ‘sira’. At dahil hindi pa masyadong klaro kung ano nga ba ang gagawin ng Lingkod na ito, sinasabing isang araw ang mga bansang ito ay siya rin nilang ‘maiintindihan’.

“Sinong naniwala sa aming narinig? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagkat siya’y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa. Siya’y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya. Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya’y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.” (Isaias 53:1-3)

Kahit na ang Lingkod ay wiwisikan ang maraming bansa, siya rin ay ‘hahamakin’ at ‘hindi siya pahahalagahan’, at siya rin ay puno ng ‘pagdurusa’ at ‘sanay sa kalungkutan’.

“Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan. Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” (Isaias 53:4-5)

Aalisin ng Lingkod ang ‘ating’ mga sakit. Ang Lingkod din na ito ay ‘nasugatan’ at ‘binugbog’ bilang ‘parusa’. Ang parusang ito ay maghahatid sa atin (ang mga tao sa maraming bansa) ng ‘kapayapaan’ at dahil din dito ay gagaling tayo.

Akin itong isinusulat ngayong Biyernes Santo. Parehong ang sekular at ang mga biblikal na sources ay sinasabing 2,000 na taon na ang nakararaan (ngunit 700+ na taon matapos isulat ni Isaias ang hula niyang ito), ipinako sa krus si Hesus. Dahil dito, siya ay literal na nasugatan, kagaya na lamang nang hula ni Isaias na ang Lingkod ay masusugatan sa pamamagitan ng pako ng krusipiksyon.

“Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.” (Isaias 53:6)

Nakita natin sa Corrupted… Pag-miss sa Target, na ang biblikal na paglalarawan sa kasalanan ay ‘pag-miss sa hinahangad na target’. Kagaya na lamang ng baluktot na arrow, tayo rin ay pupunta  sa ‘sarili nating direksyon’. Ang Lingkod na ito ay dadalhin ang parehong kasalanan (kasamaan) na atin nang dala dala.

“Siya’y inapi, at siya’y sinaktan, gayunma’y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi, kaya’t hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.” (Isaias 53:7)

Ang Lingkod na ito ay magiging parang kordero na dinadala sa kaniyang ‘katayan’. Ngunit hindi siya nagsalita o kahit ‘ibuka man lamang ang kaniyang bibig’. Nakita natin sa Tanda ni Abraham na ang tupa ay ipinalit bilang alay kapalit ng kaniyang anak. Ang tupang ito–isang kordero–ay kinatay. Si Hesus din ay pinatay sa parehong lugar (Bundok Moriah = Jerusalem). Nakita rin natin sa Paskuwa na mayroong kordero na kinatay sa mismong Paskuwa–at si Hesus din ay mismong pinatay noong Paskuwa.

“Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya; at tungkol sa kanyang salinlahi, na itinuring na siya’y itiniwalag sa lupain ng mga buháy, at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.” (Isaias 53:8)

Ang Lingkod ay naging ‘cut off’ mula sa ‘lupain ng mga buhay’. Ito mismo ang eksaktong termino na ginamit ni Daniel noong hinulaan niya kung ano nga ba ang mangyayari sa Kristo matapos siyang ipresenta sa Israel bilang ang kanilang Mesiyas. Ang hula ni Isaias ay mayroong mas malawak na detalye kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘cut off’, at ayon sa kaniya, ito ay ‘ma-cut off mula sa lupain ng mga buhay’–simple lamang ang ibig sabihin nito, ito ay kamatayan! Kung kaya’t sa mapalad na Biyernes Santo, si Hesus ay namatay, at literal na ‘na-cut off mula sa lupain ng mga buhay’, at ito ay ilang araw lamang matapos siyang maipresenta bilang ang Mesiyas sa kaniyang matagumpay na pagdating.

“At ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng karahasan, o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.” (Isaias 53:9)

Bagaman si Hesus ay na-execute at namatay bilang isang kriminal (‘ang kaniyang libingan ay kasama ng masasama’), sinasabi ng mga manunulat ng ebanghelyo na isang mayamang lalaki mula sa namumunong Sandherin, Jose ng Arimathea, ay kinuha ang labi ni Hesus at inilibing niya ito sa kaniyang sariling libingan (Mateo 27:60). Naisakatuparan ni Hesus ang parehong panig ng hulang paradoxical–kahit na siya ay ‘ginawan ng libingan na kasama ang mga masasama’, siya rin ay ‘mayaman kahit pa sa kaniyang kamatayan’.

“Gayunma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; kanyang inilagay siya sa pagdaramdam; kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan, makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw; at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.” (Isaias 53:10)

Ang kubuuan ng malupit na kamatayang ito ay hindi lamang isang teribleng aksidente o kamalasan. Ito ay ang malinaw na ‘kalooban ng Panginoon’ na siyang masaktan. Ngunit bakit nga ba? Kagaya na lamang nga mga kordero sa sistema ng pag-aalay ni Moises, ang mga kordero ay alay upang ang mga tao na nagbibigay ng nasabing alay ay mawala ang mga kasalanan, at dito, ang ‘buhay’ ng Lingkod na ito ay isa ring ‘alay para sa mga kasalanan’. Ngunit para sa kasalanan nino? Dahil ikinukunsidera na ang ‘maraming mga bansa’ ay ‘wiwisikan’ (sa itaas), ito ay ang kasalanan ng mga tao sa ‘maraming bansa’. Para ito sa ‘lahat’ ng ‘tumalikod’ at ‘naligaw ng landas’. Ang pinapatungkulan ni Isaias ay ikaw at ako.

“Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.” (Isaias 53:11)

Bagaman ang daanan ng Lingkod ay kakila-kilabot, dito ay para bang nagbago ang tono at naging optimistic at matagumpay. Matapos ang teribleng pagdurusa (ng pagiging ‘cut off mula sa lupain ng mga buhay’ at pagkakaroon ng ‘libingan’), ang Lingkod na ito ay makikita ang ‘liwanag ng buhay’. Mabubuhay siyang muli? Aking tinignan ang isyu ng resureksyon. Naririto ang pagkahula.

At sa ‘pagkakakita sa liwanag ng buhay’, ang Lingkod na ito ay ‘mabibigyang katuwiran’ ang marami. Ang ‘pagbibigay katuwiran’ ay kapareho ng pagbibigay ng ‘kabanalan’. Maaalala natin na si Abraham ay naging ‘credited’ o binigyan ng ‘kabanalan’. Sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay katuwiran o magke-credit ng kabanalan sa ‘marami’.

“Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga lumalabag; gayunma’y pinasan niya ang kasalanan ng marami, at namagitan para sa mga lumalabag. (Isaias 53:12)

Ang daanan ng Lingkod ay misteryosong nagtuturo sa krusipiksyon at resureksyon ni Hesus, kung kaya’t may iilang mga kritiko na nagsasabing ang naratibo ng ebanghelyo ay ginawa para partikular na maging ‘angkop’ para sa sipi ng Lingkod. Ngunit sa kongklusyong ito, nilabanan ni Isaias ang mga kritikong ito. Ang kongklusyon ay hindi ang hula ng krusipiksyon at resureksyon, kung hindi, ang impact ng kamatayang ito marami nang taon matapos itong maganap. Ano nga ba ang hula ni Isaias? Ang Lingkod na ito, bagaman siya ay mamamatay bilang isang kriminal, ay isang araw magiging kabilang sa mga ‘dakila’. Ang mga manunulat ng ebanghelyo ay hindi maaaring ‘maiangkop’ ang parteng ito sa naratibo ng ebanghelyo, dahil ang ebanghelyo mismo ay naisulat lamang ng ilang dekada matapos ang krusipiksyon ni Hesus–at noong mga panahong ito, ang impact ng kamatayan ni Hesus ay siya pa ring pingdududahan.

Sa mata ng mundo, si Hesus pa rin ay ang na-execute na lider ng na-reject na kulto noong isulat ang ebanghelyo. Tayo ay naririto, 2,000 na taon na matapos, at makikita natin ang impact ng kamatayan ni Hesus, at mare-realize natin kung paano sa kurso ng kasaysayan siya ay naging ‘dakila’. Hindi ito kayang makini-kinita ng mga manunulat ng ebanghelyo. Ngunit nakita ito ni Isaias. Ang Lingkod, na kilala rin bilang ang Sanga, ay magpapahikayat sa mga tao palapit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga boluntaryong sakripisyo–upang sambahin siya–kagaya na lamang nang nahulaan ni Hesus nang tawagin niya ang kaniyang sarili na ‘Anak ng Tao’ sa kaniyang paglilitis sa Sanhedrin.

Ang Sanga: Pagtubo sa Eksaktong Oras Para Putulin

Tayo ay patuloy na tumitingin sa tema ng Sanga na umaabot sa mga kasulatan ng ilan sa mga propeta ng Lumang Tipan. Nakita natin na si Jeremias ay ipinagpatuloy ang tema noong 600 B.C. (ang tema na sinimulan ni Isaias 150 taon ang nakararan) at idineklara niya na ang Sanga na ito ay siyang magiging Hari. Sinundan ni Zacarias si Jeremias, at sa nakaraang post ay nakita natin kung paano nahulaan ni Zacarias na ang Sanga ay papangalanang Hesus, at pag-iisahin niya ang tungkulin ng Hari at ng Pati–ito ay isang bagay na hindi pa kailanman nangyayari sa kasaysayan ng mga Israelita.

Ang Palaisipan ni Daniel sa Oras ng Pagdating ng Anointed

Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Si Daniel, na siyang nabuhay sa kalagitnaan ng panahon nina Jeremias at Zacarias, ay nagbanggit ng titulo na ang ‘Anointed’ (na ating nakita rito na = ‘Kristo’ o ‘Mesiyas’), at sa parehong panahon ay nagbanggit sa tema ng Sanga sa isang kamangha-manghang palaisipan na nakapaghula kung kailan maibubunyag ang Mesiyas. Sa panahong 538 B.C., isinulat ni Daniel ang sumumunod:

“Kaya’t iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu’t dalawang sanlinggo. Ito’y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan. Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.” (Daniel 9:25-26)

Sa kadahilanang ang Anointed = Kristo = Mesiyas (tignan dito), alam natin na si Daniel ay nagsusulat tungkol sa darating na Kristo. Nagbigay si Daniel ng espesipikong oras ng pagsisimula (“paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem”) at espesipikong agwat ng oras (“pitong ‘sanlinggo’ at animpapu’t dalawang ‘sanlinggo’”) na siyang magtatapos sa pagbubunyas kay Kristo (o ng Anointed) na siya ring ‘mapuputol’. Ang kalahatang istraktura ng hula na ito ay maliwanag. Ngunit kaya nga ba nating masubaybayan ang pagbubunyag sa Kristo? Ating simulan sa pamamagitan ng pagtingin sa nasimulan na pag-tick ng propetang orasan.

Ang Paglalabas ng Kautusan na Panumbalikin at Muling Itayo ang Jerusalem

Matapos ang halos 100 taon matapos mabuhay si Daniel, si Nehemias ay tagapagdala ng kopa ng Persyanong Emperador na si Artaxerxes. Dahil dito, nangangahulugan na si Nehemias ay isang tao na mayroong access sa pinakamakapangyarihang tao sa Imperyong Persya. Sa kontekstong iyon, siya ay humingi at nakatanggap ng royal na kautusan upang panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Ito ang kaniyang sinabi:

“Sa buwan ng Nisan, nang ikadalawampung taon ni Artaxerxes na hari, samantalang mayroong alak sa harapan niya, kinuha ko ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi pa ako naging malungkot nang gayon sa kanyang harapan. At sinabi ng hari sa akin, ‘Bakit malungkot ang iyong mukha, samantalang wala ka namang sakit? Ito’y walang iba kundi kalungkutan ng puso.’ Nang magkagayo’y lubha akong natakot. Sinabi ko sa hari, ‘Mabuhay ang hari magpakailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha, gayong ang lunsod, ang lugar ng mga libingan ng aking mga ninuno ay giba, at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy?’ Nang magkagayo’y sinabi ng hari sa akin, ‘Ano ang iyong kahilingan?’ Kaya’t ako’y nanalangin sa Diyos ng langit. Sinabi ko sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari at kung ang iyong lingkod ay nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, suguin mo ako sa Juda, sa lunsod ng libingan ng aking mga ninuno, upang aking muling maitayo ito.’ Sinabi ng hari sa akin, (ang reyna ay nakaupo sa tabi niya), ‘Gaano katagal kang mawawala, at kailan ka babalik?’ Sa gayo’y ikinalugod ng hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kanya ng panahon. Sinabi ko naman sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari, bigyan sana ako ng mga sulat para sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, upang ako’y kanilang paraanin hanggang sa ako’y makarating sa Juda; at isang sulat para kay Asaf na tagapag-ingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga troso upang gawing mga biga sa mga pintuan ng kuta ng templo at para sa pader ng lunsod at sa bahay na aking papasukan.’ Ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking hiniling, sapagkat ang mabuting kamay ng aking Diyos ay nasa akin. At ako’y pumunta sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Ang hari ay nagsugo na kasama ko ang mga punong-kawal ng hukbo at mga mangangabayo.” (Nehemias 2:1-9)

Dito ay makikita natin ang royal na utos, na mayroong mga liham na sumusuporta kasama ng militar ng Imperyong Persya para panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Dahil ang Persyanong Emperador na si Artaxerxes ay kilala sa sekular na kasaysayan, at dahil ang utos na ito ay tumutukoy sa simula ng pamumuno ni Artaxerxes (ika-20 na taon sa buwan ni Nisan), at makikita natin kung kailan ito. Naging Emperador si Artaxerxers matapos ang kamatayan ng kaniyang ama na si Xerxes noong Disyembre 465 B.C. at dahil ang kautusang ito ay naipatupad noong Nisan 1 (Marso/Abril) nang kaniyang ika-20 na taon, masasabing ang naipatupad ang kautusan noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C.

Pitong ‘Sanlinggo’ at Animnapu’t Dalawang ‘Sanlinggo’

Ngunit ano nga ba itong mga ‘sanlinggo’ na ginagamit ni Daniel upang masubaybayan ang oras? Sa Batas ni Moises, mayroong cycle ng pitong taon kung saan ang lupain ay kinakailangang maipahinga mula sa paglilinang ng agrikultura kada pitong taon. Makikita ito sa sumusunod:

“‘Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Pagdating ninyo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang lupain ay mangingilin ng isang Sabbath sa Panginoon. Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong pupungusan mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang kanyang bunga. Subalit ang ikapitong taon ay magiging ganap na kapahingahan sa lupain, isang Sabbath sa Panginoon; huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni pupungusan ang iyong ubasan.’” (Levitico 25:2-4)

Sa konteksto ng sinasabi ni Daniel ay ‘taon’, kung kaya’t ang ‘sanlinggo’ ay cycle ng pitong taon. Kung kaya’t sa kasong ito, ang pitong ‘sanlinggo’ at animnapu’t dalawang ‘sanlinggo’ ay arithmecally na masasabing (7 + 62) * 7 = 483 na taon.

Ang 360-Araw na Taon

Ang haba ng taon ay bahagyang nagpapapakumplikado sa mga bagay. Sa panahon ngayon, ginagamit natin ang solar year (=365.24219879 na araw kada taon) dahil atin nang nasusukat ang pag-inog ng earth sa paligid ng araw. Noong mga panahon na iyon, common na pagbasehan ang taon sa pamamagitan ng pag-inog ng earth sa buwan (ito pa rin ang ginagamit na kalendaryo ng Islam), at ito ay nagbibigay ng 354 na araw kada taon, o sa paggamit ng 12 na 30-araw kada buwan na nagbibigay ng 360 na araw kada taon. Sa ibang mga kaso, sila ay nag-adjust para ‘magawa’ ang pagkakaiba-iba sa mga pag-inog. (Sa ating kalendaryong Western, tayo ay gumagamit ng leap year–366 na araw–para mai-adjust ang sumusobrang araw, at mayroon ding ibang mga leap years na hindi nasusunod.) Sa sinaunang sibilisasyon ng mga tiga-Ehipto, Babylonia, Indiyano at Griyego, common ang 360-araw na kalendaryo. Mapapansin natin na ito ang kalendaryong sinusundan ni Daniel. Ang ilan pang mga rason sa paggamit ng 360-araw kada taon na kalendaryo ay makikita rito.

Ang Scheduled na Pagdating ng Kristo

Sa pamamagitan ng mga impormasyong ito, atin ng makakalkula kung kailan nga ba darating ang Kristo base sa propesiya ni Daniel. Ang 483 na taon na may 360-araw kada taon ay magbibigay sa atin ng sumusunod:

483 na taon * 360-araw kada taon = 173,880 na araw

Sa ating modernong kalendaryo, mabibigyan tayo nito ng 476 na taong solar na may tirang 25 na araw. (173,880 / 365.24219879 = 476 na may 25 na tira).

Ang pinakaunang punto sa kalkulasyong ito ay ang kautusan ni Artaxerxes na naipatupad noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C. Kapag dinagdagan ito ng 476 na taong solar, bibigyan tayo nito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D. (Walang taong 0, ang kalendaryo ay nagmumula sa 1 B.C. patungo sa 1 A.D. sa isang taon, kung kaya’t arithmetically, ito ay -444 + 476 + 1 = 33). Kung kukunin natin ang natitirang 25 na araw at ia-add natin ito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D., tayo ay babalik sa ika-30 ng Marso taong 33 A.D., ito ay nakatala sa timeline sa ilalim, o kagaya na lamang ng sinabi ni Hoehner (na aking sinundan ang mga kalkulasyon):

“Sa pag-add ng 25 na araw sa ika-5 ng Marso (444 B.C.) tayo ay darating sa ika-30 ng Marso (33 A.D.), na siyang Nisan 10. Ito ay araw ng matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem…” (Hoener, Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI, 1977, pg. 16)

The Timeline of Daniel's prophecy of 'sevens' culminating in Jesus Triumphant entry

Ito ang timeline ng propesiya ni Daniel na ‘sanlinggo’ na nag-culminate sa matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem

Matagumpay na Pagdating ni Hesus–Ang Araw na Iyon

Ito ay ang Linggo ng Palaspas, ang mismong araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem. Sa may palagay na ating nagawa ang lahat sa itaas at sa paggamit ng basic na aritmetika, makikita natin na ang palaisipan ni Daniel na ‘sanliggo’ ay dadalhin tayo sa eksaktong araw na ito. Ito ang araw na siyang ipinresenta si Hesus bilang ang Hari o ang Kristo sa nasyon ng mga Hudyo. Alam natin ito dahil si Zacarias (na siyang nanghula sa pangalan ng Kristo) ay sinulat ang sumusunod:

“Magalak ka nang husto, O anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem! Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo; siya’y matuwid at matagumpay, mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.” (Zacarias 9:9)

Ang pinakahihintay na Hari ay maibubunyag at papunta sa Jerusalem na sakay ng isang asno at sinasalubong ng mga sumisigaw at nagsasayang mga tao. Sa araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–sa mismong araw din na iyon na nahulaan ni Daniel sa kaniyang palaisipan na ‘sanlinggo’–si Hesus ay sumakay papuntang Jerusalem sa isang asno. Sinasabi ni Lucas ang sumusunod:

“Nang malapit na siya at nakita ang lunsod, ito’y kanyang iniyakan, na sinasabi, ‘Kung sa araw na ito ay alam mo sana ang mga bagay na tungo sa kapayapaan! Subalit ngayo’y nakakubli ito sa iyong mga mata. Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na ang mga kaaway mo ay magtatayo ng muog sa palibot mo at papaligiran ka, at gigipitin ka sa bawat panig. At ibabagsak ka sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Sa iyo’y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.’” (Lucas 19:41-44)

Sinasabi rito na lumuha si Hesus hindi dahil hindi nakilala ng mga tao ang mismong araw na siyang nahulaan nina Zacarias at Daniel. Lumuha si Hesus dahil hindi nila nakilala na sa araw na iyon, ang Kristo ay maibubunyag, at isang hindi inaasahang pangyayari ang mangyayari. Nahulaan ni Daniel, sa parehong berso kung saan binigay niya ang palaisipan ng ‘sanliggo’ ang sumusunod:

“Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na. At siya’y gagawa ng isang matibay na tipan sa marami sa loob ng isang linggo, at sa kalagitnaan ng sanlinggo ay kanyang patitigilin ang handog at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay darating ang isang mangwawasak, hanggang sa ang iniutos na wakas ay maibuhos sa mangwawasak.” (Daniel 9:26-27)

Sa halip na makuha ang trono para maghari, ang Kristo ay ‘maka-cut off’ at magkakaroon ng ‘wala’. Sa pamamagitan ng paggamit ng pariralang ‘cut off’ (sa ilang mga Bibliya, ang salin nito ay ‘ang mamamatay’), si Daniel ay pumapatungkol sa ‘Sanga’, na galing sa tuod ni Jesse, na nasa propesiya ni Isaias, na pinaliwanagang mabuti ni Jeremias, na mayroong pangalan na nahulaan ni Zacarias, at ngayon ay nakini-kinita nina Daniel at Zacarias. Ang Sanga ay mapuputol o magiging ‘cut off’. At ang siyudad ng Jerusalem ay masisira (na siyang nangyari noong 70 A.D.). Ngunit paano nga bang mapuputol ang Sanga na ito? Babalikan natin si Isaias sa ating susunod na post upang magkaroon ng mas malinaw pa na kasagutan.

*Ang mga reperesiyang ginamit ay ang Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI ni Hoehner, Harold W.

Ang Sanga: Pinangalanan ng Daang Taon Bago ang Kaniyang Kapanganakan

Nakita natin kung paano ginamit ni Isaias ang imahe ng Sanga. Ang ‘siya’ mula sa natumbang dinastiya ni David, at nagtataglay ng karunungan at kapangyarihan ay darating. Sinundan ito ni Jeremias na nagsabing ang Sanga na ito ay makikilala bilang ang Panginoon (ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan) mismo.

Ipinagpatuloy ni Zacarias ang Sanga

Nagbalik si Zacarias pagkatapos ng pagpapatapon sa Babylonia upang muling itayo ang Templo

Ang propeta na si Zacarias ay nabuhay noong 520 B.C., matapos ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem matapos ang unang pagpapatapon sa Babylonia. Noong panahong iyon, ang mga Hudyo ay muling itinatayo ang kanilang nasirang templo. Ang Punong Pari noon ay isang lalaki na nagngangalang Josue, at siya niyang sinimulang muli ang mga trabaho ng mga pari. Ang propetang si Zacarias at ang Punong Pari na si Josue ay nagsanib puwersa sa pamumuno sa mga Hudyo. Ito ang sinabi ng Diyos tungkol kay Josue, sa pamamagitan ni Zacarias:

“‘Pakinggan mo ngayon, O Josue na pinakapunong pari, ikaw at ang iyong mga kaibigan na nakaupo sa harapan mo, sapagkat sila’y mga palatandaan ng mga bagay na mangyayari. Ilalabas ko ang aking lingkod na Sanga. Sapagkat, narito, ang bato na aking inilagay sa harapan ni Josue, sa ibabaw ng isang bato na may pitong mata, narito, ako’y mag-uukit ng titik nito,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.’” (Zacarias 3:8-9)

Ang Sanga! Sinimulan ni Isaias 200 taon ang nakalilipas, na sinundan ni Jeremias 60 taon ang nakalilipas, at si Zacarias ay mas pinalalawig pa ang tema ng ‘Sanga’. Dito, tinatawag din ang Sanga na ‘aking tagapaglingkod’. Sa ilang paraan, ang Punong Pari na si Josue sa Jerusalem noong 520 B.C., na siyang kasamahan ni Zacarias, ay simboliko sa pagdating ng Sanga. Ngunit paano? Sinasabing sa ‘loob ng isang araw’ ang mga kasalanan ay aalisin ng Panginoon. Ngunit paano nga ba ito mangyayari?

Ang Sanga: Pakikipag-isa sa Pari at Hari

Ipinaliwanag ito na Zacarias. Para lubos natin itong maintindihan, kailangan nating malaman na ang tungkulin ng Pari at Hari ay istrikto at magkahiwalay sa Lumang Tipan. Walang sinuman sa mga Haring Davidic ang puwedeng maging pari, at walang sinuman sa mga pari ang puwedeng maging hari. Ang tungkulin ng pari ay ang mamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao sa pagsasagawa ng mga hayop na isasakripisyo para sa Diyos upang matubos ang kasalanan ng mga tao. Ang tungkulin naman ng hari ay ang mamahala nang may hustiya sa trono. Pareho itong mahalaga, at pareho rin itong katangi-tangi. Ngunit naisulat pa rin ito ni Zacarias mula sa hinaharap:

“Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi: ‘Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias. Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari. Sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito ang lalaking ang pangala’y Sanga: sapagkat siya’y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon. Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya’y magtataglay ng karangalan, at siya’y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya’y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.’” (Zacarias 6:9-13)

Dito, kontra sa lahat ng dating mga patakaran, ang Punong Pari noong panahon ni Zacarias (Josue) ay siyang maglalagay ng malaharing korona na sumisimbulo sa Sanga. Ating alalahanin na si Josue ay ‘sumisimbulo ng mga bagay na paparating’. Si Josue, na siyang Punong Pari, ay naglagay ng malaharing korona, at nakini-kinita niya ang pakikipag-isa ng Hari at Pari sa iisang tao–isang pari sa trono ng Hari. Hindi lamang iyon, isinulat din ni Zacarias na ‘Josue’ ang pangalan ng Sanga. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ang Pangalang ‘Josue’ ay Ang Pangalang ‘Hesus’

Upang lubos natin itong maintindihan, kailangan nating alalahanin ang kasaysayan ng translation ng Lumang Tipan. Ang orihinal na Hebreong Lumang Tipan ay isinalin sa Griyego noong 250 B.C.E., at ito ay kilala bilang ang Septuagint o LXX. Ito ay malawakan pa rin na ginagamit, at nakita natin kung paanong ang pangalang ‘Kristo’ ay unang ginamit sa LXX at susundan natin ang analysis na ito para kay ‘Josue’.

joshuajesus-diagram

‘Josue’ = ‘Hesus’, at pareho itong nagmula sa Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’

Kagaya na lamang ng nakikita natin sa imahe, ang Josue ay ang Ingles na transliteration sa orihinal na Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’. Ipinapakita ng quadrant #1 kung paano isinulat ni Zacarias ang pangalang ‘Josue’ sa Hebreo noong 520 B.C.E. Ito ay naging transliterated bilang ‘Josue’ sa Ingles (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Josue sa Ingles. Noong ang LXX ay naisalin mula sa Hebreo patungo sa Griyego noong 250 B.C.E., ang Yhowshua ay naging transliterated patungo sa Iesous (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #2). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Iesous sa Griyego. Noong ang Griyego ay naisalin sa Ingles, ang Iesous ang naging transliterated patungo sa ‘Hesus’ (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang Iesous sa Griyego ay kapareho ng pangalang Hesus sa Ingles.

Si Hesus ay tinatawag na Yhowshuwa kapag siya ay kinakausap sa Hebreo, ngunit sa Griyegong Bagong Tipan, ang kaniyang pangalan ay nakasulat bilang ‘Iesous’–kahawig kung paano ito isinulat sa Griyegong Bagong Tipan LXX. Noong ang Bagong Tipan ay isinalin mula sa Griyego patungo sa Ingles (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3), ang pangalang ‘Iesous’ ay naging transliterated patungo sa pamilyar na pangalang ‘Hesus’. Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga pangalang ‘Hesus’ = ‘Josue’, ang ‘Hesus’ ay nanggaling mula sa mga Griyego, at ang ‘Josue’ ang nanggaling naman ng direkta mula sa Hebreo. Parehong sina Hesus ng Nazareth, at ang Punong Pari na sa Josue nang 520 B.C.E. ay mayroong magkaparehong pangalan, at sila ay pareho ring tinawag na ‘Yhowshuwa’ sa kanilang sariling wika na Hebreo. Sa Griyego, sila ay parehong tinawag na ‘Iesous’.

Si Hesus ng Nazareth ay Ang Sanga

Ngayon, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang propesiya ni Zacarias. Ito ay isang hula, na gawa noong 520 B.C.E., na ang pangalan ng darating na Sanga ay ‘Hesus’, at ito ay direktang nagtuturo kay Hesus ng Nazareth.

Ang pagdating ni Hesus, ayon kay Zacarias, ay makakapag-isa sa tungkulin ng Hari at ng Pari. Ano nga ba ang ginagawa ng mga pari? Sa ngalan ng mga tao, sila ay nag-aalay ng mga sakripisyo sa Diyos para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga tao. Tinatakpan ng pari ang kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay. Sa parehong paraan, ang darating na Sanga na si ‘Hesus’ ay siya ring magiging alay para ang Panginoon ay ‘maalis ang kasalanan ng lupaing ito sa isang araw’–ito ang araw na inialay ni Hesus ay kaniyang sarili.

Si Hesus ng Nazareth ay kilala rin sa labas ng ebanghelyo. Ang Talmud na Hudyo, si Josephus, at ang iba’t iba pang makasaysayang manunulat ay nagsulat ng patungkol kay Hesus–parehong ang mga kaibigan at ang mga kaaway ay laging pumapatungkol sa kaniya bilang ‘Hesus’ o ‘Kristo’, kung kaya’t ang kaniyang pangalan ay hindi naimbento sa Ebanghelyo. Ang pangalan niya ay nahulaan ni Zacarias 500 taon bago pa man siya maisilang.

Si Hesus ay nanggaling ‘mula sa tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay kaniyang mga ninuno. Si Hesus ay nagtataglay ng kakaibang karunungan at pang-unawa na nagbubuklod sa kaniya mula sa iba. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kaalaman ay patuloy na nagpapahanga sa parehong mga kritiko at tagasunod niya. Hindi maitatanggi ang kaniyang kapangyarihan na maipapakita mula sa mga milagrong kaniyang naipamalas sa ebanghelyo. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang ipagsawalang bahala. Si Hesus ay nagtataglay ng mga katangian ng pambihirang karunungan at kapangyarihan na sinasabi ni Isaias na, isang araw, ay magmumula sa Sanga.

Ngayon, isipin natin ang buhay ni Hesus ng Nazareth. Siya na mismo ang nagpahayag na siya ay isang hari–Ang Hari, sa makatuwid. Ito ang ibig sabihin ng ‘Kristo’. Ngunit ang mga ginawa niya habang siya ay nasa lupa ay mga gawa ng pari. Ang tungkulin ng pari ay mag-alay ng mga katanggap-tanggap na sakripisyo sa ngalan ng mga Hudyo. Ang kamatayan ni Hesus ay may kabuluhan dahil ito mismo ay isang alay sa Diyos, sa ngalan nating mga tao. Ang kaniyang kamatayan ay nag-aalis ng mga kasalanan at pagkakasala ng lahat ng tao, hindi lamang ng mga Hudyo. Ang kasalanan ng lupain ay literal na natanggal ‘sa isang araw’, kagaya na lamang ng sinabi ni Zacarias–sa araw na namatay si Hesus nang mabayaran ang lahat ng kasalanan. Sa kaniyang kamatayan, siya ay tumupad sa lahat ng tungkulin bilang Pari, kahit na siya ay mas kilala bilang ‘Ang Kristo’ o Ang Hari. Siya niya ngang pinag-isa ang dalawang mga tungkulin. Ang Sanga, ang siyang tinawag ni David na ‘Kristo’, ay ang Pari-Hari. Ang kaniya ring pangalan ay nahulaan ni Zacarias 500 na taon bago pa siya isilang.

Ang Tanda ng Sangay: Ang Patay na Tuod ay Isinilang Muli

Si Hesus ay mayroong mga kritiko na nagkuwestiyon sa kaniyang awtoridad. Sinasagot niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga propetang nauna sa kaniya na nagsasabing nakini-kinita nila ang kaniyang buhay. Naririto ang isang halimbawa ng sagot ni Hesus:

“Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39)

Sa madaling salita, nagke-claim si Hesus na siya ay nasa propesiya sa Lumang Tipan, na siyang nauna sa kaniya ng ilang daang taon. Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagke-claim na kumukuha sila ng inspirasyon sa Diyos para sa kani-kanilang mga isinusulat. Dahil walang sinuman ang makakahula sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan, sinabi ni Hesus na ito ay siya ngang ebidensiya para makumpirma kung siya nga ba ay dumating bilang parte ng plano ng Diyos o hindi. Ito ay isang pagsubok upang makita kung totoo nga ba ang Diyos, at kung Siya nga ba ay nagsasalita. Maaari nating basahin ang Lumang Tipan para, sa ating sarili, ay ma-examine at maikunsidera ang parehong katanungang ito.

Una, ito ay ilan sa mga pagsusuri. Ang pagdating ni Hesus ay mayroong pahiwatig sa pinakaunang bahagi ng Lumang Tipan. Pagkatapos ay nakita natin na ang sakripisyo ni Abraham ay ipinahiwatig ang siyang lugar kung saan, sa kinabukasan, ay siya ring isasakripisyo si Hesus habang ang Paskuwa naman ay ipinahiwatig ang araw sa taon kung kailan ito mangyayari. Nakita rin natin na sa Mga Awit 2 kung paano ginamit ang titulong ‘Kristo’ upang ipahiwatig ang pagdating ng Hari. Ngunit hindi lamang ito rito nagtatapos. Marami pang dokumento ang naisulat na mayroong pagtanaw sa kinabukasan na ginagamitan ng iba’t ibang titulo at tema. Mayroong tema na sinimulan si Isaias (750 B.C.) na siya ring na-develop sa Lumang Tipan. Ito ang pagdating ng Sanga.

Si Isaias at ang Sanga

Ang laraw sa ibaba ay nagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline kasama ng ibang manunulat mula sa Lumang Tipan:

Pagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline. Siya ay nabuhay noong panahon na ang mga namumuno ay mga Haring Davidic

Makikita natin mula sa timeline na ang libro ni Isaias ay isinulat sa kapanahunan ng royal na dinastiya ni David (1,000-600 B.C.). Noong mga panahon na iyon (ca. 750 B.C.), and dinastiya at ang kaharian ay corrupt. Nagsumamo si Isaias sa mga hari na sila ay magbalik loob na sa Diyos at sa kaugalian at sa espirito ng Mosaic na Batas. Ngunit alam din ni Isaias na hindi magsisisi ang Israel, kung kaya’t nagsaad siya ng propesiya na ang Israel ay masisira at ang royal na dinastiya ay magtatapos.

Ang imahe na ginamit ni Isaias para sa dinastiya bilang isang puno

Gumamit siya ng specific na metapora o imahe para sa royal na dinastiya. Inihalintulad niya ito sa isang matayog na puno. Ang punong ito ay mayroong ugat na si Jesse, ang ama ni Haring David. Nagsimula ang dinastiya kay Jesse at sumunod kay David, at sumunod sa kaniyang tagapagmana na si Solomon, at ang puno ay nagpatuloy na lumago at nag-develop.

Una, Isang Puno…Sumunod, Isang Tuod…Sumunod, Isang Sanga

Isinulat ni Isaias na ang ‘puno’ na siyang dinastiya ay malapit nang maputol at maging isang tuod. Naririto kung paano niya sinimulan ang imahe ng puno na siya niyang ginawang isang palaisipan ng isang tuod at isang sanga:

“May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat. At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon…” (Isaias 11:1-2)

Ang dinastiya na inilalarawan bilang ang Tuod ni Jesse–ang ama ni David

Ang pagpuputol ng ‘puno’ na ito ay nangyari makalipas ang 150 na taon matapos mabuhay si Isaias. Ito ay sinasabing nasa 600 B.C. nang ang mga tiga-Babylonia ay sinakop ang Jerusalem at isinama ang mga tao nito at ang kanilang hari upang ipatapon sa Babylonia (ang pulang panahon sa timeline na nasa itaas). Si Jesse ang ama ni Haring David, at siya rin ang ugat ng dinastiya ni David. Ang ‘Tuod ni Jesse’ ay isang metapora para sa nalalapit na pagkasira ng dinastiya ni David.

Ang Sanga: Ang Darating na ‘Siya’ Mula kay David na Nagdadala ng Karunungan

Ang sibol mula sa patay na tuod ni Jesse

Ngunit ang propesiyang ito ay siya ring tumanaw ng mas malayo pa sa kinabukasan at hindi lamang sa pagputol sa mga hari. Nahulaan ni Isaias na kahit na ang ‘tuod’ ay mukhang patay (kagaya na lamang kung paano nagmumukha ang mga tuod), isang araw sa kinabukasan, mayroong isang sibol na kilala bilang ang Sanga, na sisibol mula sa tuod na iyon, kagaya na lamang kung paano ang ilang mga sibol ay umuusbong mula sa mga tuod ng mga puno. Ang Sanga ay tinutukoy na ‘siya’ kung kaya’t si Isaias ay tumutukoy sa isang specific na tao, na manggagaling mula sa linya ni David pagkatapos maputol ng dinastiya. Ang taong ito ay magkakaroon ng ibang klaseng kalidad ng karunungan, kapangyarihan at kaalaman na para bang ang Espiritu ng Diyos ay nasa kaniya.

Hesus… Ang ‘Siya’ na Mula kay David na Nagtataglay ng Karunungan

Akma kay Hesus ang mga requirement na manggagaling sa ‘tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay ang kaniyang mga ninuno. Naging hindi pangkaraniwan si Hesus dahil sa karunungan at pang-unawa na kaniyang taglay. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kabatiran sa pakikitungo sa kaniyang mga kalaban at sa kaniyang mga disipulo ay patuloy na nagpapahanga sa kaniya mga kritiko at taga sunod magpanoon pa man. Ang kapangyarihan niya sa ebanghelyo sa pamamagitan ng mga mirakulo ay sadyang hindi maikakaila. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang hindi pansinin. Akma kay Hesus ang mga katangian na siyang nagtataglay ng kahanga-hangang karunungan at kapangyarihan na siyang nahulaan ni Isaias na, isang araw, ay siyang manggagaling sa Sanga.

Si Jeremias at Ang Sanga

Ito ay maihahalintulad sa isang posteng pananda na inilatag ni Isaias sa kasaysayan. Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Ang posteng pananda na ito ay isa lamang sa iilang mga palatandaan. Si Jeremias ay siyang nabuhay nang 150 na taon matapos kay Isaias. Noong ibinubuwag ang dinastiya ni David sa kaniyang harapan, isinulat niya ito:

“Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y magbabangon para kay David ng isang matuwid na Sanga. At siya’y mamumuno bilang hari at gagawang may katalinuhan, at maggagawad ng katarungan at katuwiran sa lupain. Sa kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda at ang Israel ay tiwasay na maninirahan. At ito ang pangalan na itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ang ating katuwiran’.” (Jeremias 23:5-6)

Si Jeremias ay nagpalawig sa tema ng Sanga mula sa dinastiya ni David na siyang pinangunahan ni Isaias 150 na taon ng mas maaga. Ang Sanga ang magiging isang Hari na siyang maghahari. Ngunit ito mismo ang nakasaad sa propesiya na nagmumula sa Mga Awit 2 na pumapatungkol sa pagdating ng Anak ng Diyos/Kristo/Mesiyas. Maaari nga ba na ang Sanga at ang Anak ng Diyos ay iisa lamang?

Ang Sanga: Ang Panginoon Ang Ating Katuwiran

Ngunit ano nga ba ang itatawag sa Sanga? Siya ay tatawaging ‘Panginoon’ na siyang magiging ‘ating’ (ito ay tayo–mga tao) Katuwiran. Kagaya na lamang ng nakita natin kay Abraham, ang problema sa ating mga tao ay tayo ay masyadong mga ‘corrupt’, kung kaya’t kailangan natin ng ‘katuwiran’. Sa paglalarawan ng Sanga rito, makikita natin na mayroong pahiwatig na ang mga tao sa kinabukasan ni Jeremias ay makakamtan ang kanilang kinakailangang ‘katuwiran’ sa pamamagitan ng Panginoon–si YHWH mismo (YHWH ang pangalan para sa Diyos sa Lumang Tipan). Ngunit paano nga ba ito mangyayari? Magtutuon tayo ng pansin kay Zacarias na siyang magbibigay ng iba pang detalye para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pagde-develop sa tema ng Paparating na Sanga, na siya ring makakahula pati na rin sa pangalan ni Hesus. Ito ang ating titingnan sa susunod.

Ang Talumpati ng Pamamaalam ni Moises: Ang Pagmamartsa ng Kasaysayan sa Kumpas ng Tambol

Ang mga Pagpapala at mga Sumpa ni Moises

Si Moises ay nabuhay noong 3,500 na taon na ang nakakalipas, at siya rin ang nagsulat ng unang limang libro ng Bibliya–ito ay kilala bilang ang Pantateuch o ang Torah. Sa kaniyang ikalimang libro na Deuteronomio nakasaad ang mga huling proklamasyon na kaniyang ginawa bago siya mamatay. Ito ay ang mga pagpapala para sa mga Israelita–ang mga Hudyo, ngunit ito rin ay ang kaniyang mga sumpa. Isinulat ni Moises na ang mga pagpapala’t sumpa na ito ay ang siyang maghuhulma sa kasaysayan at siya ring dapat pagnilay-nilayan, hindi lamang ng mga Hudyo, pero para na rin sa mga tao sa iba’t ibang mga bansa. Ito ay isinulat para pag-isipang mabuti ng mga tao. Ang kumpletong mga pagpapala at sumpa ay naririto. Aking ibubuod ang pangunahing mga punto sa ilalim.

Ang Pagpapala ni Moises

Sinimulang ilarawan ni Moises ang mga pagpapalang makakamit ng mga Israelita kung sila ay susunod sa mga Batas. Ang mga batas na ito ay ibinigay sa mga nauna nang libro, at dito nabibilang ang Sampung Utos. Ang mga pagpapalang ito ay mula sa Diyos, at ang mga ito ay sadyang dakila na ang mga tao sa ibang mga bansa ay makakakilala sa mga pagpapalang ito. Ang kalalabasan ng mga pagpapalang ito ay:

“Makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila’y matatakot sa iyo.” (Deteronomio 28:10)

…at ang mga Sumpa

Gayunpaman, kung ang mga Israelita ay mabibigong sumunod sa mga Utos, sila ay makakatanggap ng mga Sumpa na siyang tatapat at sasalamin sa Pagpapala. Ang mga Sumpang ito ay makikita ng mga karatig na mga bansa upang:

“Ikaw ay magiging katatakutan, isang kawikaan at isang bukambibig sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.” (Deuteronomio 28:37)

At ang mga sumpang ito ay mas magiging malawig sa kasaysayan.

“Ang mga iyon ay magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailanman.” (Deuteronomio 28:46)

Ngunit nagbigay ng babala ang Diyos na ang pinaka-worst na parte ng mga sumpa ay magmumula sa ibang mga bansa.

Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng paglipad ng agila; isang bansang ang wika’y hindi mo nauunawaan; bansang may mabangis na mukha na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni mahahabag sa bata. Kanyang kakainin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa ikaw ay mawasak. Wala ring ititira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay mapuksa niya. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong bayan, hanggang sa ang mataas at may pader na kuta na iyong pinagtitiwalaan ay bumagsak sa iyong buong lupain. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga bayan sa buong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 28:49-52)

Mapupunta ito mula sa masama hanggang sa mas masama.

“Kung paanong ang Panginoon ay natutuwa na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na kayo’y lipulin at puksain. Kayo’y palalayasin sa lupain na inyong pinapasok upang angkinin. Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo’y maglilingkod kayo sa ibang mga diyos na yari sa kahoy at bato na hindi ninyo kilala, ni ng inyong mga ninuno. Sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa, kundi bibigyan ka doon ng Panginoon ng isang nanginginig na puso, lumalabong paningin, at nanghihinang kaluluwa.” (Deuteronomio 28:62-65)

Ang mga Pagpapala at Sumpa na ito ay itinatag sa pamamagitan ng isang tipan (isang kasunduan) sa pamamagitan ng Diyos at ng mga Israelita:

“Upang ikaw ay makipagtipan sa Panginoon mong Diyos, at sa kanyang pangako na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Diyos sa araw na ito; upang kanyang itatag ka sa araw na ito bilang isang bayan, at upang siya’y maging iyong Diyos, na gaya ng kanyang ipinangako sa iyo at sa iyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi lamang sa inyo ko ginagawa ang tipang ito at ang pangakong ito; kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harapan ng Panginoon nating Diyos, at gayundin sa hindi natin kasama sa araw na ito.” (Deuteronomio 29:12-15)

Sa madaling salita, ang tipan na ito ay nagbibigkis sa mga bata o sa mga susunod na henerasyon. Sa makatuwid, ang tipan na ito ay nakadirekta sa mga susunod na henerasyon–parehong mga Israelita at mga dayuhan.

“Ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel para sa sakuna, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan. Ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na babangon pagkamatay ninyo, at ang dayuhan na magmumula sa malayong lupain ay magsasabi, kapag nakita nila ang mga salot ng lupaing iyon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon, at ang buong lupaing iyon ay sunóg na asupre, at asin, na hindi nahahasikan, hindi nagbubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra, Adma at Zeboyin, na winasak ng Panginoon sa kanyang matinding galit. Kaya’t lahat ng mga bansa ay magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? Ano ang dahilan ng pagpapakita ng ganitong matinding galit?’” (Deuteronomio 29:21-24)

At ang sagot ay:

“Kaya’t sasabihin ng mga tao, ‘Sapagkat kanilang tinalikuran ang tipan ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na kanyang ginawa sa kanila nang kanyang ilabas sila sa lupain ng Ehipto; at sila’y humayo at naglingkod sa ibang mga diyos, at sinamba nila ang mga diyos na hindi nila nakilala na hindi niya ibinigay sa kanila. Kaya’t ang galit ng Panginoon ay nag-init laban sa lupaing ito, at dinala sa kanya ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito.” (Deuteronomio 29:25-27)

Nangyari ba ang mga Pagpapala at Sumpa?

Walang neutral na pumapatungkol dito. Ang mga Pagpapala ay sadyang kasiya-siya, ngunit ang mga Sumpa ay lubos na malubha. Ngunit ang pinakaimportanteng tanong na ating pwedeng tanungin ay: “Nangyari nga ba ang mga ito?” Hindi naman mahirap hanapin ang kasagutan sa tanong na ito. Karamihan sa Lumang Tipan ay ang mga record ng kasaysayan ng mga Israelita, at mula rito ay makikita natin ang kanilang kasaysayan. Mayroon ding mga records sa labas ng Lumang Tipan, katulad na lamang ng mula sa isang mananalaysay na Hudyo na si Josephus, o ang mananalaysay na Graeco-Roman na si Tacitus, at marami na ring natagpuan na mga arkeolohical na monumento. Ang mga sources na ito ay sumasang-ayon at siya ring nagpipinta ng consistent na larawan ng kasaysayan ng mga Israelita o mga Hudyo. Ang buod ng kasaysayang ito, na ibinigay mula sa pagbuo ng isang timeline ay makikita rito. Basahin ninyo at i-assess ninyo kung ang mga Sumpa ni Moises ay siya ngang nangyari.

Ang Konklusyon sa mga Pagpapala at mga Sumpa ni Moises

Ngunit ang Talumpati ng Pamamaalam ni Moises ay hindi naman nagtapos sa mga Sumpa. Ito ay nagpapatuloy. Naririto ang kung paano binigay ni Moises ang kaniyang huling pahayag.

“Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harapan mo, at iyong bulay-bulayin ang mga iyon sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Diyos at magbalik ka sa Panginoon mong Diyos at sundin mo at ng iyong mga anak nang buong puso at kaluluwa ang kanyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, babawiin ng Panginoon mong Diyos ang iyong pagkabihag at mahahabag sa iyo. Ibabalik at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Kung ang pagkakabihag sa iyo ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng langit, mula roo’y titipunin at kukunin ka ng Panginoon mong Diyos. Dadalhin ka ng Panginoon mong Diyos sa lupaing inangkin ng iyong mga ninuno, at iyong aangkinin, at gagawan ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya nang higit kaysa iyong mga ninuno.” (Deuteronomio 30:1-5)

Matapos si Moises, maraming mga manunulat sa Lumang Tipan ang nagpatuloy sa pangakong una niyang binanggit–na mayroong magiging restorasyon pagkatapos ng mga Sumpa. Ginamit ni Ezekiel ang imahe ng mga patay na zombie na muling nagsisibuhay upang maipakita sa atin ang larawan. Ang mga huling manunulat na ito ay nagbigay ng mga mapangahas, magugulo at detalyadong hula. Kapag pinagsama-sama natin ito, sila ay bumubuo ng isang kahanga-hangang set ng mga hula na siya ngang nangyayari ngayon.

Mga Sign ng Paskuwa ni Moises

Nang mamatay si Abraham, ang kaniyang mga descendants ay tinawag na mga Israelita. 500 na taon ang nakakaraan at sila ay naging isang malaking tribo. Ngunit sila rin ay naging mga alipin ng mga taga Ehipto.

Ang Exodo

Ang lider ng mga Israelita ay si Moises. Inutusan ng Diyos si Moises na magtungo sa Paro ng Ehipto at sabihin na palayain ang mga Israelita mula sa pagkakaalipin. Dito nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng Paro at ni Moises na nagbunga ng siyam na salot para sa Paro at mga taga Ehipto. Ngunit sa kabila ng mga salot na ito, hindi pa rin sumang-ayon ang Paro sa pagpapalaya sa mga Israelita kung kaya’t nagbigay pa ng ika-sampung salot ang Diyos. Ang buong account sa kung ano ang nangyari sa ika-Sampung Salot mula sa Bibliya ay naka-link dito.

Ang ika-sampung salot ay magdadala ng kamatayan mula sa Anghel ng Kamatayan sa lahat ng mga unang anak na lalaki sa buong lupain–lahat maliban sa may mga bahay kung saan ang isang tupa ay inialay at ang dugo ng nasabing tupa ay nakapinta sa mga frames ng pintuan sa kani-kaniyang mga kabahayan. Kung ang Paro ay hindi sumunod, ang kaniyang unang anak na lalaki at ang tagapagmana ng kaniyang trono ay mamamatay. Lahat ng bahay sa Ehipto na hindi magsakripisyo ng tupa at hindi magpinta ng dugo sa kani-kanilang mga pintuan ay mamamatayan ng kanilang mga unang anak na lalaki. Kung kaya’t ang Ehipto ay sumailalim sa isang pambansang kalamidad.

Sa mga bahay ng mga Israelita (at mga taga Ehipto) kung saan may tupa na naisakripisyo at dugo na nakapinta sa mga pintuan ay pinangakuan na magiging ligtas. Ang Anghel ng Kamatayan ay lalagpas sa bahay na iyon. Ito ang dahilan kung bakit ang araw na iyon ay tinawag na Paskuwa.

Paskuwa–Isang Sign Para Kanino?

Iniisip ng mga tao na ang mga dugo na nakapinta sa mga pintuan ay para lamang sa Anghel ng Kamatayan. Ngunit ating pansinin kung ano ang nakasulat sa Bibliya:

“Ang dugo ay magiging sa inyo’y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan; kapag aking nakita ang dugo, lalampasan ko kayo at walang salot na papatay sa inyo, kapag pinuksa ko ang lupain ng Ehipto.” (Exodo 12:13)

Kahit na hinanap ng Diyos ang nakapintang dugo sa mga pintuan, at kapag nakita niya ito, lalagpasan ng Kamatayan ang nasabing mga bahay, ang dugo ay hindi isang sign para sa Kaniya. Sinasabing ang dugo ay isang ‘sign para sa’yo’–mga tao, na kasama ikaw at ako.

Ngunit paano ito naging isang sign? Matapos ang pangyayaring ito, inutos ng Diyos ang sumusunod:

Ipagdiwang ang araw na iyon bilang isang pangmatagalang ordinansa para sa mga henerasyon pang susunod. Sa araw na papasukin ninyo ang lupain, sundin ninyo ang seremonyang ito. Ito ang alay sa Paskuwa para sa Diyos.

“Inyong sasabihin, ‘Ito ang paghahandog ng paskuwa ng Panginoon, sapagkat kanyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Ehipto, nang kanyang patayin ang mga Ehipcio at iniligtas ang ating mga bahay.’ At ang taong-bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.” (Exodo 12:27)

Ang Pambihirang Kalendaryo ng Paskuwa

Sa katunayan, makikita natin sa simula ng kuwentong ito na ang ika-sampung salot ay ang dahilan kung paano nagsimula ang sinaunang kalendaryo ng mga Israelita (Jewish).

“Ang Panginoon ay nagsalita kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto, na sinasabi, ‘Ang buwang ito’y magiging pasimula ng inyong mga buwan; ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.’” (Exodo 12:1-2)

Simula ng panahong iyon, sinimulan ng mga Israelita ang kalendaryo na ipinagdiriwang ang Paskuwa sa parehong araw taon taon. Sa loob ng 3,5000 na taon, ipinagdiriwang pa rin ng mga Israelita ang Paskuwa taon taon sa pag-alala kung paano ang kanilang mga ninuno ay nasagip mula sa kamatayan. Dahil ang kalendaryo ng mga Israelita ay may maliit na pagkakaiba mula sa kalendaryo ng mga Western, ang araw ng Paskuwa ay naiiba taon taon sa kalendaryo ng mga Western.

Si Hesus at ang Paskuwa

Ito ang modern-day na ekesena ng mga Israelita sa paghahanda ng pagdiriwang ng Paskuwa sa pag-alala ng unang Paskuwa na naganap noong 3,500 na taon na ang nakakaraan
Ito ang modern-day na ekesena ng mga Israelita sa paghahanda ng pagdiriwang ng Paskuwa sa pag-alala ng unang Paskuwa na naganap noong 3,500 na taon na ang nakakaraan

Kung ating sinusubaybayan ang pagdiriwang ng Paskuwa sa ating kasaysayan, makakapansin tayo ng isang bagay na kakaiba. Pansinin natin kung paano nangyari ang pag-aresto at ang paglilitis ni Hesus:

“Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa palasyo ng gobernador. Noon ay maaga pa at sila’y hindi pumasok sa punong-himpilan, upang hindi marumihan, at upang sila’y makakain ng kordero ng paskuwa. ‘Ngunit kayo’y may kaugalian na maaari kong pakawalan ang isang tao para sa inyo sa Paskuwa. Gusto ba ninyong pakawalan ko para sa inyo ang Hari ng mga Judio?’ Sila’y sumigaw na muli, ‘Hindi ang taong ito, kundi si Barabas.’ Si Barabas ay isang tulisan.” (Juan 18:28, 39-40)

Ang mga rabbinical na kasulatan ng mga Israelita ay sumasang-ayon nang si Hesus ay binitay:

“Si Hesus ay binitay noong bisperas ng Paskuwa…” (Sandhedrin 43a of Babylonian Talmud; binanggit sa Jesus and Christian Origins outside the New Testament ni FF Bruce, p. 56, 1974, 215 pp)

Si Hesus at inaresto at binitay noong Paskuwa sa kalendaryo ng mga Israelita–ang parehong araw kung saan lahat ng mga Hudyo ay nagsakripisyo ng tupa sa pag-alala sa mga tupa noong 1,500 B.C. na naging sanhi ng paglagpas ng Kamatayan. Alalahanin natin mula sa Sakripisyo ni Abraham, isa sa mga titulo ni Hesus ay ang sumusunod:

“Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!’” (Juan 1:29)

Si Hesus, na siyang ‘Kordero ng Diyos’, ay isinakripusyo sa parehong araw na ang lahat ng Hudyo na buhay noon ay nagsakripisyo ng mga tupa sa pag-alala ng pinakaunang Paskuwa na nagsimula ng kanilang kalendaryo. Ito ang dahilan kung bakit ang Paskuwa ng mga Israelita ay natataaon sa kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay ipinagdiriwang para alalahanin ay pagkamatay ni Hesus, at dahil sa kung anong nangyari sa Paskuwa, ang Pasko ng Pagkabuhay at ang Paskuwa ay ginaganap na makalapit sa isa’t isa. (Dahil ang kalendaryo ng mga Western ay iba, ang Pasko ng Pagkabuhay at ang Paskuwa ay hindi natatapat sa parehong araw, ngunit kadalasan ay ipinagdiriwang ito sa parehong linggo).

Signs, Signs, Kahit Saan may Signs

Alalahanin natin ang pinakaunang Paskuwa noong panahon ni Moises kung saan ang dugo ay isang ‘sign’, hindi lamang para sa Diyos, ngunit para rin sa atin. Isipin natin kung ano nga ba ang ginagawa ng mga signs sa pagkunsidera sa mga signs na sumusunod:

Ang mga signs ay mga pointer sa ating utak na nagiging sanhi para tayo ay mag-isip kung ano nga ba ang tinuturo ng mga sings na ito
Ang mga signs ay mga pointer sa ating utak na nagiging sanhi para tayo ay mag-isip kung ano nga ba ang tinuturo ng mga sings na ito

Sa tuwing nakikita natin ang ‘bungo at ang crossbones’ na sign ay naiisip natin ang kamatayan at panganib. Ang sign ng ‘Arkong Ginto’ ay nagpapaisip sa atin ng McDonald’s. Ang ‘√’ sa bandana ni Nadal ay ang sign para sa Nike. Nais ng Nike na maisip natin sila sa tuwing makikita natin ang bandana ni Nadal. Ang mga signs na ito ay ginawa para mag-direct sa ating isipian na isipin, hindi ang mga signs na ito, kun’di kung ano ang pinapatungkulan nito.

Sinabi ng Diyos kay Moises na ang dugo noong unang Paskuwa ay isang sign. Ano nga ba ang pinapatungkulan ng Diyos sa sign na ito? Kasama ang kahanga-hangang timing ng pagsasakripisyo sa mga tupa sa parehong araw na isinakripisyo si Hesus, ang ‘Kordero ng Diyos’, ito ay isang sign na pumapatungkol sa pagdating ng sakripisyo ni Hesus.

Gumagana ito sa utak natin kagaya ng ipinapakita ng diagram sa ilalim:

Ang Paskuwa ay isang sign na nagtuturo kay Hesus sa pamamagitan ng kakaibang timing ng Paskuwa at ng pakapako ni Hesus
Ang Paskuwa ay isang sign na nagtuturo kay Hesus sa pamamagitan ng kakaibang timing ng Paskuwa at ng pakapako ni Hesus

Ang sign na ito ay nagtuturo sa atin upang isipin ang sakripisyo ni Hesus. Sa unang Paskuwa, ang mga tupa ay isinakripisyo at ang mga dugo nito ay ipininta para lagpasan ng kamatayan ang mga tao. Ang sign na nagtuturo kay Hesus ay nagsasabi na ang ‘Kordero ng Diyos’ ay siya ring isinakripisyo at ang kaniyang dugo ay tumulo para lagpasan tayo ng kamatayan.

Kasama ang sakripisyo ni Abraham sa lugar kung saan ang lalaking tupa ay namatay para si Isaac ay mabuhay ay ang Bundok Moriah–ito ang parehong lugar kung saan si Hesus ay isinakripisyo 2,000 na taon ang nakalipas. Ito ay ibinigay para ‘makita’ natin ang ibig sabihin ng kaniyang sakripisyo sa pamamagitan ng pagturo sa lokasyon. Ang Paskuwa ay siya ring nagtuturo sa sakripisyo ni Hesus, ngunit gumagamit ito ng ibang sign–tinuturo nito ang araw sa kalendaryoang siya ring kalendaryo na nagsimula noong unang Paskuwa. Sa dalawang magkaibang paraan, ang pinakaimportanteng mga kuwento sa Lumang Tipan ay pumapatungkol mismo sa kamatayan ni Hesus sa paggamit ng mga tupang isinakripisyo. Hindi ako makaisip ng kahit sinong tao sa kasaysayan na ang kamatayan (o mga tagumpay sa buhay) ay masyadong nakini-kinita sa dalawang dramatikong paraan. Ikaw din ba?

Ang dalawang kaganapang ito (ang sakripisyo ni Abraham at ang Paskuwa) dapat ay nagpapakita sa atin na siya ngang makatwiran na ikunsidera na si Hesus ay nasa gitna ng isang Banal na Plano.

Ngunit bakit nga ba inilagay ng Diyos ang mga signs na ito sa sinaunang kasaysayan para ma-predict ang pagkapako ni Hesus? Bakit nga ba ito lubhang importante? Ano nga ba ang dahilan para kailanganin ng mundo ang mga madugong simbolo? At may kaugnayan pa ba ito sa atin sa ngayon? Para masagot natin ang mga tanong na ito at para lubos nating maintindihan kung ano ang nangyari sa simula, kailangan nating tignan ang pinakasimulang bahagi ng Bibliya.

Abraham: Kung Paano Magkakaloob ang Diyos

Si Abraham ay nabuhay 4,000 na taon na ang nakakaraan, naglakbay siya papuntang Israel. Pinangakuan siya ng isang anak na lalaki na kalaunan ay magiging ‘dakilang bansa’, ngunit kinailangan niyang maghintay hanggang siya ay napakatanda na para makitang ipanganak ang kaniyang anak. Ang mga Hudyo at Arabo ngayon ay galing kay Abraham, dahil dito makikita natin na ang pangako ng Diyos kay Abraham ay nagkatotoo at siya ay isang importanteng tao sa kasaysayan na nakilala bilang ama ng mga dakilang bansa.

Lubha ang kasiyahan ni Abraham nang makita niyang tumanda ang kaniyang anak na si Isaac. Ngunit isang beses, sinubok ng Diyos si Abraham sa isang kahanga-hangang paraan. Ito ang sinabi ng Diyos:

“At kanyang sinabi, ‘Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya bilang handog na susunugin sa itaas ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.’” (Genesis 22:2)

Ang utos na ito ay mahirap intindihin. Bakit hihilingin ng Diyos na isakripisyo ni Abraham ang kaniyang anak? Ngunit si Abraham ay natutong magtiwala sa Diyos–kahit hindi niya lubos na naiintidihan ang mga dahilan.

“Si Abraham ay maagang bumangon at inihanda ang kanyang asno. Isinama niya ang dalawa sa kanyang mga batang tauhan at si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin; at siya’y naghanda at pumunta sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.” (Genesis 22:3)

Matapos ang tatlong araw na puno ng paglalakbay, narating din nila ang bundok.

“At sila’y dumating sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos. Nagtayo roon si Abraham ng isang dambana, inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng kahoy na nasa ibabaw ng dambana. Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang patalim upang patayin ang kanyang anak.” (Genesis 22:9-10)

Handa si Abraham na sundin ang utos sa kaniya ng Diyos. Ngunit bago niya ialay ang kaniyang anak, may isang kahanga-hangang bagay na nangyari.

“Ngunit tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, ‘Abraham, Abraham.’ At kanyang sinabi, ‘Narito ako.’ At sa kanya’y sinabi, ‘Huwag mong sasaktan ang bata, o gawan man siya ng anuman, sapagkat ngayon ay nalalaman ko na ikaw ay may takot sa Diyos, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak.’ Kaya’t tumingin si Abraham, at nakita niya ang isang tupang lalaki sa likuran niya na ang mga sungay ay sumabit sa mga tinik. Lumapit si Abraham at kinuha ang tupa, at siyang inialay na handog na susunugin kapalit ng kanyang anak.” (Genesis 22:11-13)

Sa pinakahuling minuto, nailigtas si Isaac mula sa kamatayan at nakakita naman si Abraham ng isang lalaking tupa at ito ang kaniyang ginawang alay. Nagkaloob ang Diyos ng isang lalaking tupa at ang tupang ito ang pumalit kay Isaac bilang alay.

Nais kong magtanong dito. Sa puntong ito ng kuwento, ang lalaking tupa ba ay patay o buhay?

Bakit ako nagtatanong? Dahil ngayon, si Abraham ay magbibigay na ng pangalan sa lugar na ito ngunit kalimitan ay nakakaligtaan ng mga tao ang importansiya nito. Ang kuwento ay nagpapatuloy…

“Kaya’t tinawag ni Abraham ang lugar na iyon Yahweh-yireh. Kaya’t sinasabi hanggang sa araw na ito: ‘Sa bundok ng Panginoon ito ay ipagkakaloob.’” (Genesis 22:14)

Ito ang isa pang tanong: Ang pangalan bang ibinigay ni Abraham sa lugar na iyon (Ang Panginoon ay Magkakaloob) ay nasa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap?

Pagtingin sa Hinaharap, Hindi sa Nakaraan

Malinaw naman na ito ay nasa hinaharap. Maraming tao ang nakakaisip na nang pinangalanan ni Abraham ang lugar na iyon, ang kaniyang pag-iisip ay nasa lalaking tupa na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakahuli sa thicken at siyang isinakripisyo sa halip na kay Isaac. Ngunit nang pinangalanan ni Abraham ang lugar na iyon, ang lalaking tupa ay patay na at siya nang naisakripisyo. Kung iniisip ni Abraham ang lalaking tupa–na siya nang patay at naisakripisyo–siguro ay pinangalanan niya ang lugar na ‘Ang Diyos ay Nagkaloob’–nasa nakaraan. At dapat, mababasa ang closing comment na “Kaya’t sinasabi hanggang sa araw na ito: ‘Sa bundok ng Panginoon ito ay ipinagkaloob.’” Ngunit ang pangalan ay nakatuon sa hinaharap, hindi sa nakaraan. Hindi iniisip ni Abraham ang siya nang patay na lalaking tupa. Ipinangalan niya ito para sa isang bagay–sa hinaharap. Ngunit ano nga ba ito?

Saan ang Lugar na Iyon?

Alalahanin natin kung saan naganap ang sakripisyo, na nakalathala sa simula ng kuwento:

(“Kunin mo si Isaac…Dalhin mo siya sa lupain ng Moriah.”)

Naganap ang lahat ng ito sa ‘Moriah’. Ngunit saan nga ba ito? Noong panahon ni Abraham (2,000 B.C.), ito ay isang kagubatan na may kaunting mga palumpong, mga ligaw na tupa, at sina Abraham at Isaac sa bundok. Ngunit isang libong taon ang nakalipas (1,000 B.C.), itinayo ni Haring David ang siyudad ng Jerusalem sa lugar na ito, at ang kaniyang anak na si Solomon ang nagtayo ng pinakaunang Jewish Temple doon. Ating mababasa sa Lumang Tipan na:

“Pinasimulang itayo ni Solomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem sa ibabaw ng Bundok Moria,” (2 Cronica 3:1)

Ang Bundok Moriah ay naging Jerusalem, ang siyudad ng mga Hudyo na may Jewish Temple. Sa ngayon, ang lugar na ito ay isang sagradong lugar para sa mga Hudyo, at ang Jerusalem ay ang kabiserang lungsod ng Israel.

Ang Sakripisyo nina Abraham at ni Hesus

Isipin natin ang mga titulo ni Hesus. Ang pinakatanyag na titulo ni Hesus ay ‘Kristo’. Ngunit mayroon pa siyang ibang mga titulo katulad ng mga sumusunod:

“Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!’” (Juan 1:29)

Si Hesus ay kilala rin bilang ang ‘Kordero ng Diyos’. Ating tingnan ang huling bahagi ng buhay ni Hesus. Saan siya inaresto at saan din siya ipinako? Ang lugar na pinagdausan ng mga ito ay sa Jerusalem (ito ay ang parehong lokasyon ng ‘Bundok Moriah’). Malinaw na sinasabi rito na:

“At nang kanyang malaman na siya’y sakop ni Herodes, kanyang ipinadala siya kay Herodes, na nang panahong iyon ay nasa Jerusalem din.” (Lucas 23:7)

Ang pagkakaaresto, paglilitis at kamatayan ni Hesus ay naganap sa Jerusalem (Bundok Moriah). Ang timeline na makikita sa ibaba ay nagpapakita ng mga kaganapan na nangyari sa Bundok Moriah.


Ito ang mga major events na naganap sa Bundok Moriah

Mabalik tayo kay Abraham. Bakit niya pinangalanan ang lugar na iyon na nasa panghinaharap, ‘Ang Diyos ay Magkakaloob’? Nasagip si Isaac sa pinakahuling minuto nang may nakitang tupa si Abraham na isasakripisyo kapalit ng kaniyang anak. Dalawang libong taon na din ang nagdaan, tinawag si Hesus na ‘Kordero ng Diyos’ at siya ay isinakripisyo sa eksaktong lokasyon–para ikaw at ako ay mabuhay.

Isang Banal na Plano

Para bang mayroong isang Isip na nagkonekta sa dalawang kaganapan na ito kahit na sila ay pinagbubuklod ng 2,000 na taon ng kasaysayan. Ang nagbibigay ng natatanging koneksiyon sa mga kaganapang ito ay ang unang kaganapan ay nagpapahiwatig sa ikalawang kaganapan sa pamamagitan ng pangalan na nasa panghinaharap. Ngunit paano nga ba malalaman ni Abraham kung ano ang mangyayari sa hinaharap? Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Para makini-kinita ang hinaharap at para mangyari ang mga kaganapang ito sa eksaktong lugar ay isang ebidensiya na ito ay hindi plano ng isang tao, kun’di plano mula sa Diyos. Gusto ng Diyos na pag-isipan natin ito kagaya ng nasa ibaba:


Ang sakripisyo ni Abraham sa Bundok Moriah ay isang sign na nagtuturo sa sakripisyo ni Hesus

Magandang Balita Para sa Lahat ng Bansa

Ang kuwentong ito ay mayroon ding pangako para sa’yo. Sa huli ng kuwento, pinangako ng Diyos kay Abraham ang sumusunod:

“At sa pamamagitan ng iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa, sapagkat sinunod mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18)

Kung ikaw ay nabibilang sa kahit isa sa mga ‘bansa sa lupa’, ito ang isang pangako para sa’yo na nagbibigay sa’yo ng ‘pagpapala’ mula sa Diyos.

Ngunit ano nga ba ang ‘pagpapala’ na ito? Paano mo ito makukuha? Isipin natin ang kuwento. Kagaya na lamang ng pagsagip ng lalaking tupa kay Isaac mula sa kamatayan, si Hesus na siyang Kordero ng Diyos, sa pamamagitan ng kaniyang sakripisyo sa parehong lugar, ay sinagip tayo mula sa kamatayan. Kung ito ay totoo, ito ay isang napakagandang balita.

Ang sakripisyo ni Abraham sa Bundok Moriah ay isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa buong sinaunang kasaysayan. Ang kaganapang ito ay inaalala at pinagsasalu-saluhan ng iba’t ibang mga tao sa buong mundo magpahanggang ngayon. Ngunit ito rin ay isang kuwento para sa’yo na nabuhay 4,000 na taon sa hinaharap.

Pagkuha ng Righteousness–Ang Halimbawa ni Abraham

Sa huling article nakita natin na nakakuha si Abraham ng righteousness sa pamamagitan ng pagtitiwala. Makikita ito sa maikling pangungusap:

“Sumampalataya siya sa Panginoon; at ito’y ibinilang na katuwiran sa kanya.” (Genesis 15:6)

Ang Paniniwala ay Hindi Tungkol sa Pag-e-exist ng Diyos

Isipin natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘paniniwala’. Karamihan sa mga tao ay iniisip na ang ibig sabihin ng ‘paniniwala’ ay paniniwalang ang Diyos ay nag-e-exist. Iniisip natin na gusto lamang ng Diyos na paniwalaan natin na naririyan lamang Siya. Ngunit iba ang sinasabi ng Bibliya. Sinasabi sa Bibliya na:

“Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa. Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa.” (Santiago 2:19)

Nilalaro ng Bible ang mga salita rito gamit ang sarcasm para sabihin na ang paniniwala na si God ay nag-e-exist ay hindi sapat para tayo ay maging kasing bait kagaya ng Demonyo. Totoo na si Abraham ay naniniwala sa existence ng Diyos, ngunit hindi iyon ang punto ng kaniyang righteousness. Ang Diyos ay nangako kay Abraham na bibigyan niya ito ng anak na lalaki. Iyon ang pangako na pipiliin ni Abraham na paniwalaan o hindi–kahit na alam ni Abraham na siya na ay nasa kaniyang 80 anyos at ang kaniyang asawa ay nasa 70 anyos na rin. Nagtiwala siya na ang Diyos ay ibibigay ang pangako na naipangako sa kaniya. Ang paniniwala, sa istoryang ito, ay nangangahulugan din na pagtitiwala. Pinili ni Abraham na magtiwala sa Diyos na bibigyan siya nito ng anak na lalaki.

Nang mas piliin ni Abraham na magtiwala sa pangako ng isang anak na lalaki na ibibigay sa kaniya ng Diyos–ang Diyos ay nagbigay sa kaniya–ng righteousness. Sa huli, nakuha ni Abraham ang dalawang pangako sa kaniya (ang isang anak na lalaki kung saan ang isang dakilang bansa ay magmumula) at ang kaniyang righteousness.

Righteousness–Hindi Mula sa Merit o sa Pagsisikap

Ang righteousness ni Abraham ay hindi niya ‘kinita’; kung hindi, ito ay ‘ibinigay’ sa kaniya. Ano ang pagkakaiba? Kung ang isang bagay ay ‘kinita’, ibig sabihin ay pinagtrabahuhan mo ito–ito ay nararapat sa’yo. Ito ay katulad ng pagkuha ng sahod para sa trabahong ginagawa mo. Ngunit kapag ang isang bagay ay binigay sa’yo, ito ay bigay. Ito ay hindi kinita or na-merit, kun’di simpleng binigay.

Iniisip natin na sa mas paggawa natin ng mabubuting mga bagay kaysa sa masasamang mga bagay, sa paggawa ng magandang, o sa pag-meet natin sa mga obligasyon ay nararapat tayong makakuha o maka-merit ng righteousness. Ipinapakita ni Abraham na ang ideyang ito ay mali. Hindi niya tinangkang kitain ang righteousness. Mas simple niyang piniling maniwala sa pangakong ibinigay sa kaniya, at ang righteousness ay ibinigay sa kaniya.

Ang Paniniwala ni Abraham: Itinaya Niya ang Buhay Niya Rito

Ang pagpili na maniwala sa pangako na siya’y magkakaroon ng anak na lalaki ay simple, ngunit hindi ito madali. Noong siya’y unang napangakuan ng ‘Dakilang Bansa’ siya’y 75 na taong gulang at iniwan niya ang kaniyang bayan upang maglakbay patungo sa Canaan. Halos sampung taon na ang nakakalipas at sina Abraham at Sarah ay wala pa ring anak–wala rin ang bansa! “Bakit hindi pa tayo binibigyan ng Diyos ng anak na lalaki kung kaya niya naman tayong bigyan?” Siguro ay inisip niya ‘yan. Naniwala si Abraham sa pangakong siya’y magkakaroon ng anak na lalaki dahil nagtiwala siya sa Diyos, kahit na hindi niya naman naiintindihan ang lahat ng bagay na pumapatungkol sa pangako, o kahit na hindi lahat ng tanong sa kaniyang isipan ay mayroong sagot.

Ang paniniwala sa pangako ay nangangailangan ng aktibong paghihintay. Ang kanilang buong buhay ay nagambala habang sila ay naninirahan sa mga tent sa kanilang paghihintay sa pangako. Mas madali na lamang na gumawa ng mga dahilan at umuwi na lamang sa Mesopotamia (ngayon ay kilala bilang Iraq) dahil ilang taon na ang nakakaraan, at kung saan ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang pamilya ay naninirahan pa noon. Mas komportable ang kanilang buhay doon.

Ang pagtitiwala niya sa pangako ang naging prayoridad niya kaysa sa mga normal na mga layunin sa buhay–sekyuridad, kaginhawahan at ang kanilang kapakanan. Pwede naman siyang hindi na maniwala sa pangako kahit na siya ay naniniwala pa rin sa existence ng Diyos at siya pa rin ay magpapatuloy sa kanilang relihiyosong aktibidad at sa paggawa ng mabuti. Kung gayon ay mame-maintain niya ang kaniyang relihiyon ngunit hindi siya ‘mabibigyan’ ng righteousness.

Ang Ating Halimbawa

Sa Bibliya, tinatrato si Abraham na isang halimbawa para sa atin. Ang paniniwala ni Abraham sa mga pangako ng Diyos, at ang pagbibigay ng righteousness, ito ay isang pattern para sa atin. Ang Bibliya ay may iba’t ibang mga pangako na ginawa ang Diyos para sa ating lahat. Tayo ay dapat ding mamili kung tayo ay maniniwala sa mga ito.

Naririto ang isang halimbawa ng isang pangako:

“Subalit ang lahat ng tumatanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos, na ipinanganak hindi sa dugo, o sa kalooban ng laman, o sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.” (Juan 1: 12-13)

Ngayon, alam natin na ang pangako kay Abraham ay nagkatotoo. Hindi maitatanggi na ang mga Hudyo ngayon na nag-e-exist bilang isang bayan ay ang dakilang bansa na galing kay Abraham. Ngunit kagaya ni Abraham, ngayon, tayo ay nakakaharap ng pangako na para bang walang kasiguraduhan. Parang si Abraham, tayo ay dapat mamili kung tayo nga ba ay maniniwala sa pangako–o hindi.

Sino ang Nagbabayad sa Righteousness?

Ipinapakita ni Abraham na ang righteousness ay binibigay na parang isang regalo. Kapag ikaw ay nakakuha ng isang regalo, hindi mo ito binabayaran–kapag binayaran mo ito, hindi na ito isang regalo. Ang may bigay ng regalo ang siyang nagbabayad. Ang Diyos, ang nagbibigay ng righteousness, ang siyang nagbabayad para sa righteousness. Paano Niya ito ginagawa? Makikita natin ito sa susunod na article.