Pagtanaw sa Ebanghelyo sa Lente ng COVID-19, Kuwarentina, at Bakuna

Ang novel coronavirus o COVID-19 ay sumulpot mula sa China noong katapusan ng 2019. Matapos lamang ang ilang buwan, ang virus na ito ay sumasalanta na sa buong mundo. Mayroon nang 5,000,000 tao na nakakuha ng impeksiyon at mayroon nang 280,000 tao na namatay dahil dito, at patuloy pang kumakalat ang virus na ito sa iba’t iba pang mga bansa.

Ang malakidlat sa bilis na pagkalat ng COVID-19 ay siya ngang lumikha ng takot sa buong mundo. Hindi alam ng mga tao kung ano nga ba ang dapat nilang gawin dahil sa patuloy na paglaganap ng nakahahawang sakit na ito sa buong mundo. Ngunit sabi nga ng mga medical professionals, ang tagumpay sa pag-contain sa COVID-19 ay nakasalalay sa isang strategy lamang: social distancing o kuwarentina. Dahil dito, nag-set up ng lockdown at isolation rules ang mga awtoridad sa iba’t ibang bansa. Sa karamihan sa mga lugar, hindi maaaring mag-meet ang mga tao na nasa malalaking mga grupo, kinakailangan ding may distansiya na dalawang metro mula sa isa’t isa—at kung ikaw ay nakipaghalubilo sa isang tao na nag-positve sa coronavirus ay kinakailangan mong mag-isolate at hindi ka pwedeng makipaghalubilo sa iba.

Sabay-sabay na naghahanap ng bakuna ang mga medical researchers ngayon. Ang strategy ay kapag mayroon nang na-develop na bakuna ay mai-inject ito sa iba’t ibang mga tao upang ang kanilang mga katawan ay mag-develop ng resistance sa coronavirus.

Ang mga extreme na patakaran na mag-isolate, magkuwarentina, at mag-develop ng bakuna para sa coronavirus ay nagbibigay ng isang living illustration ng isa pang patakaran upang manggamot ng isa pang virus: isang pang-espirituwal. Ang patakarang ito ay nasa puso ng misyon ni Hesus at ng kaniyang Ebanghelyo sa Kaharian ng Langit. Kung ang coronavirus nga ay isang napakalaking concern kung kaya’t ang iba’t ibang lipunan sa buong mundo ay dumadaan sa mahigpit na steps upang maunawaan ang sakit na ito at upang maprotektahan ang kani-kanilang mga mamamayan. Kung gayon importante rin na maunawaan natin ang espirituwal na counterpart nito, upang tayo ay hindi mahuli ng walang kamalayan sa threat na ito. Ang pandemyang COVID-19 ay makakapagturo sa atin upang ating maunawaan ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kasalanan, langit, impiyerno, at ang misyon ni Hesus.

Una, ang nakahahawang sakit…

Isang Nakamamatay at Nakahahawang Impeksyon

Kagaya ng COVID-19 na isang paksang hindi kanais-nais ngunit ito rin ay isang paksang hindi natin maiiwasan, ang Bibliya rin ay nagpapahayag ng maraming paksang tumutukoy sa kasalanan at sa resulta ng mga kasalanang ito⁠—ang mga ito rin ay mga paksang iniiwasan natin kung maaari. Ang imahen na ginagamit ng Bibliya upang i-describe ang kasalanan ay isang nakahahawang sakit na lumaganap na sa sanlibutan, at unti-unting pumapatay sa sangkatauhan.

“Kaya’t kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan, kaya’t dumating sa lahat ng mga tao ang kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12)

“Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan. Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon, at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.” (Isaias 64:6)

Si Moises at ang Ahas na Tanso

Isang istorya na nagkokonekta sa sakit at kamatayan, na siyang ni-link ni Hesus sa kaniyang misyon, ay ang istorya ng pamumutiktik ng mga ahas sa isang kampo ng mga Israelita noong panahon ni Moises. Kinailangan nila ng lunas bago sila lamunin ng kamatayan.

“Sila’y naglakbay mula sa bundok ng Hor patungo sa Dagat na Pula upang umikot sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng mga tao ay nainip sa daan. Ang bayan ay nagsalita laban sa Diyos at laban kay Moises, ‘Bakit ninyo kami iniahon mula sa Ehipto, upang mamatay sa ilang? Sapagkat walang pagkain at walang tubig at ang kaluluwa namin ay nasusuya na sa walang kuwentang pagkaing ito.’ Pagkatapos, ang Panginoon ay nagsugo ng mga makamandag na ahas sa mga taong-bayan, at tinuklaw ng mga ito ang mga tao, kaya’t marami sa Israel ang namatay. Ang bayan ay pumunta kay Moises at nagsabi, ‘Kami ay nagkasala, sapagkat kami ay nagsalita laban sa Panginoon at laban sa iyo. Idalangin mo sa Panginoon, na kanyang alisin sa amin ang mga ahas.’ At idinalangin ni Moises ang bayan. At sinabi ng Panginoon kay Moises, ‘Gumawa ka ng isang makamandag na ahas at ipatong mo sa isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay kapag tumingin doon.’ Kaya’t si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin, at kapag may nakagat ng ahas, at tumingin ang taong iyon sa ahas na tanso ay nabubuhay. (Mga Bilang 21:4-9)

Sa buong Lumang Tipan, nagiging marumi ang isang tao sa pamamagitan ng nakahahawang sakit, sa paghawak ng patay, o nang dahil sa kasalanan. Ang tatlong ito ay maiuugnay sa isa’t isa. Maisusuma ng Bagong Tipan ang sitwasyon natin kagaya na lamang nito:

“Kayo noo’y mga patay sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan, na dati ninyong nilakaran, ayon sa lakad ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway.” (Efeso 2:1-2)

Ang kamatayan sa Bibliya ay nangangahulugan ng ‘paghihiwalay’ at napapaloob dito ang parehong pisikal (humihiwalay ang kaluluwa sa katawan) at espirituwal (ang kaluluwa ay humihiwalay sa Diyos) na kamatayan. Kagaya na lamang ng isang virus na nasa loob natin, nagiging sanhi ng agarang espirituwal na kamatayan ang kasalanan, at ito rin ay kalaunang humahantong sa pisikal na kamatayan.

Bagama’t mas gugustuhin nating hindi pag-isipan ang mga bagay na ito, tinatrato ng Bibliya ang kasalanan na tunay kagaya na lamang kung paano natin itrato ang COVID-19. Gayon pa man, ang Bibliya rin ay nagtuturo kung ano nga ba ang bakuna para rito.

Ang Bakuna: Sa Pamamagitan ng Kamatayan ng Binhi

Sa simula pa man, nag-develop na ang Bibliya ng tema ng paparating na binhi. Ang binhi ay isang mahalagang pakete ng DNA na kayang mag-unfurl at mag-develop patungo sa isang bagong buhay. Ang DNA sa isang binhi ay specific na impormasyon kung saan ang mga malalaking molecules ng mga specific na hugis (proteins) ay gawa. Sa kasong ito, maihahalintulad natin ito sa isang bakuna, na siyang mga malalaking molecules (antigens) ng mga specific na hugis. Sa simula pa lamang, ang paparating na binhi ay nangangakong mareresolba ang mga problema ng kasalanan at kamatayan.

“Maglalagay ako sa iyo at sa babae ng pagkapoot sa isa’t isa, at sa iyong binhi at sa kanyang binhi. Ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” (Genesis 3:15)

Maaaring magtungo rito para sa detalye ng kababaihan at ng kanilang mga binhi. Ang binhi ay maipapangako na magmumula kay Abraham at magpapatuloy sa lahat ng bansa.

“At sa pamamagitan ng iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa, sapagkat sinunod mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18)

Sa mga kasong ito, ang binhi ay singular. Ang paparating na binhi ay ‘siya’, hindi ‘nila’ at hindi rin ‘ito’.

Sa Ebanghelyo, mabubunyag na si Hesus ang ipinangakong binhi—ngunit may twist dito—kinakailangang mamatay ng binhi.

“Sinagot sila ni Jesus, ‘Dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay mananatiling nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, ay nagbubunga ng marami.’” (Juan 12:23-24)

Ang kaniyang kamatayan ay alang-alang sa ating lahat.

“Kundi nakikita natin si Jesus, na sa sandaling panahon ay ginawang mababa kaysa mga anghel, na dahil sa pagdurusa ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat.” (Mga Hebreo 2:9)

Sa ibang mga uri ng bakuna, ang virus ay pinapatay at siya nilang ini-inject sa ating mga katawan upang ang ating mga katawan ay makakapag-produce ng mga kinakailangang antibodies. Sa pamamagitan nito, madedepensahan ng ating mga immune system ang katawan natin mula sa virus. Sa parehong paraan, ang kamatayan ni Hesus ay nagiging sanhi upang manirahan sa ating kalooban ang binhi upang tayo’y makapag-develop ng immune defence laban sa espirituwal na virus—ang kasalanan.

“Ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay hindi patuloy na nagkakasala, sapagkat ang kanyang binhi ay nananatili sa kanya at hindi siya maaaring magkasala, sapagkat siya’y ipinanganak ng Diyos.” (1 Juan 3:9)

Ngunit dahil wala pang natutuklasang sapat na bakuna, ang tangi nating opsyon (kagaya na lamang ng COVID-19 dahil wala pang nade-develop na bakuna) ay kuwarentina. Ito rin ay totoo sa espirituwal na kaharian. Ang kuwarentinang ito ay mas kilala bilang ang Impiyerno.

Ngunit bakit nga ba?

Kuwanrentina: Separasyon ng Langit at Lupa

Nagturo si Hesus patungkol sa pagdating ng ‘Kaharian ng Langit’. Sa tuwing naiisip natin ang ‘langit’, kadalasan ay naiisip natin ang sitwasyon o ang pumapaligid dito—ang ‘mga kalyeng ginto’. Ngunit ang pinakahigit na pag-asa para sa kaharian ay ang magkaroon ng lipunan na mayroong mga mamamayan na may tapat at hindi makasariling mga karakter. Pansinin natin kung paano tayo namumuhay sa mga ‘kaharian’ ng lupa upang maprotektahan natin ang ating mga sarili laban sa isa’t isa. Tayong lahat ay mayroong mga lock sa ating mga bahay, ang iba pa ay mayroong mga napaka-advanced na security systems. Nila-lock din natin ang ating mga kotse, at pinaalalahanan natin ang mga bata na huwag makipag-usap sa mga taong hindi nila kilala. Lahat ng lungsod ay mayroong mga kapulisan, at maingat nating pinoprotektahan ang ating mga online data. Kapag naisip natin na ang lahat ng mga sistema, mga kagawian, at mga pamamaraan na ating inilaan sa ‘kaharian ng ating mundo’ ay naririto lamang upang protektahan tayo, mare-realize natin na dahil dito, maaari rin nating makita ang kislap ng problema ng kasalanan sa kalangitan.

Kung magtatayo ang Diyos ng kaharian ng ‘langit’ at siya niya tayong aanyayahan na maging mga mamayan nito, agad-agad natin itong gagawin na impiyerno kagaya na lamang kung paano natin pinabayaan ang mundong ito. Ang mga ginto sa kalye ay unti-unting mawawala. Ang kasalanan sa ating katawan ay kinakailangang alisin, kagaya na lamang kung paano natin kinakailangang alisin ang COVID-19 upang maging healthy ang ating lipunan. Wala ni isang tao na ‘naka-miss’ (sa kahulugan ng kasalanan) sa perpektong standard na ito ang makakapasok sa kaharian—dahil kung meron man, mawawasak ang ating kaharian. Kung kaya’t kinakailangan nating sumailalim sa kuwarentina.

Ngunit ano nga ba ang mangyayari sa mga nakuwarentina at hindi hinayaang makapasok? Sa ating mundo, kung ikaw ay hindi hinayaang makapasok sa isang bansa, hindi ka pwedeng mag-participate sa mga resources at benefits (makatanggap ng welfare, medical treatment, etc.) ng bansang iyon. Ngunit sa lahat lahat, ang mga tao sa buong mundo; kahit na ang mga terorista na silang mga tumatakbo mula sa iba’t ibang mga bansa, ay nag-eenjoy ng parehong mga basic amenities ng kalikasan: kagaya na lamang ng paglanghap ng hangin, at pagtingin sa liwanag.

Ngunit sino nga ba ang lumikha sa liwanag? Sinasabi sa Bibliya:

“At sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag.” (Genesis 1:3)

Kung totoo man ito, kung gayon ay ang lahat ng liwanag ay pag-aari Niya—at hinihiram lamang natin ito ngayon. Ngunit sa huling pagtatatag ng Kaharian ng Langit, ang liwanag ay magiging Kaharian Niya. Kung kaya’t ang ‘labas’ ang magiging ‘kadiliman’—kagaya na lamang kung paano ito inilarawan ni Hesus sa parabulang ito:

“Kaya’t sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas. Doon ay ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.’” (Mateo 22:13)

Kung totoo man na mayroon ngang Lumikha, ang karamihan sa mga bagay na ating pinagsasawalang bahala at ang mga bagay na inaakala natin na ‘sa atin’ ay talaga ngang sa Kaniya. Nagsisimula ito sa pinaka-basic na entity kagaya na lamang ng ‘liwanag’, ang mundo na pumapaligid sa atin, at ang ating mga natural na abilidad kagaya na lamang ng ating pag-iisip o pagsasalita—wala naman talaga tayong ginawa upang malikha ang mga abilidad na ito—nagamit na lamang natin ang mga ito ng basta. Kapag na-finalize na ang Kaharian, muling babawiin ng May-ari ang mga ito.

Noong lumaganap ang COVID-19 at naging banta ito sa ating buhay at nang ito ay naghasik ng kaguluhan sa ating lahat, wala tayong naging argumento nang iginiit ng mga eksperto na tayo ay dapat sumailalim sa kuwarentina. Kung kaya’t hindi na rin ito sorpresa na marinig na itinuro ni Hesus ang kuwentong ito sa kaniyang parabula na pumapatungkol sa isang taong mayaman at si Lazarus:

“Bukod dito, may isang malaking banging inilagay sa pagitan natin, upang ang mga nagnanais tumawid buhat dito patungo sa inyo ay hindi maaari at wala ring makatatawid mula riyan patungo sa amin.” (Lucas 16:26)

Pagkuha ng Bakuna: Ang Eksplanasyon ni Hesus para sa Ahas na Tanso

Minsan nang naipaliwanag ni Hesus ang kaniyang misyon gamit ang istorya ni Moises at ng mga makamandag na ahas. Isipin natin kung ano nga ba ang maaaring mangyari sa mga tao na nakagat ng mga ahas na ito.

Kapag nakagat ng ahas ang isang tao, ang venom na pumapasok sa katawan ay tinatawag na antigen, maihahalintulad ito sa isang virus infection. Sa normal na panggagamot, kinakailangang sipsipin palabas ang venom at itali ng mabuti at mahigpit ang nakagat na parte upang ang dugo ay hindi mag-flow at upang ang venom ay hindi na kumalat sa iba pang bahagi ng katawan. Kinakailangan din na huwag masyadong gumalaw ng taong nakagat upang bumaba ang heart rate at hindi nito agad-agad i-pump ang venom sa buong katawan.

Noong naimpeksyon ng ahas ang mga Israelita, sinabi sa kanila na kinakailangan nilang tumingin sa ahas na tanso na nakalagay sa tikin upang sila ay gumaling. Siguro nga ay navi-visualize mo ang isang taong nakagat na siyang tumayo mula sa kaniyang kama upang tignan ang kalapit na ahas na tanso at biglang gumaling. Ngunit mayroong 3,000,000 na tao sa kampo ng mga Israelita (nabilang nila ang mahigit sa 600,000 na lalaki na pumapailalim sa military age)⁠—ang bilang na ito ay kasing laki ng isang modernong lungsod. Malaki ang chances na ang mga nakagat ay ilang kilometro ang layo, at hindi rin nila abot tanaw ang tikin ng ahas na tanso. Kung kaya’t ang mga taong nakagat ay kinakailangang magdesisyon. Pwede silang sumunod sa standard na pangangalaga na nagsasabing kailangan itali ng mahigpit ang sugat at magpahinga upang ma-restrict ang pag-flow ng dugo at upang hindi kumalat ang venom. O pwede rin naman nilang pagkatiwalaan ang lunas na sinabi ni Moises at maglakad ng ilang kilometro, na siyang pwede magpataas ng pag-flow ng dugo at ikalat ang venom sa katawan, upang matignan ang ahas na tanso na nakalagay sa tikin. Ang magdedetermina sa aksyon ng mga tao ay ang tiwala o ang kawalan ng tiwala nila sa salita ni Moises.

“Tinutukoy ito ni Hesus nang sinabi niya ang sumusunod: Kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, kailangan din namang itaas ang Anak ng Tao; upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:14-15)

Sinasabi ni Hesus na ang ating sitwasyon ay kagaya na lamang ng istoryang iyon. Ang mga ahas na siyang namumugad sa kampo ay maihahalintulad sa kasalanan na nasa loob natin at sa kasalanan na nasa lipunan natin ngayon. Tayo ay naimpeksyon gamit ang venom ng kasalanan at ito ay magreresulta sa ating kamatayan⁠—isang eternal na kamatayan na magre-require sa atin na magkuwarentina mula sa Kaharian ng Langit. Naikonekta rin niya na maihahalintulad ang pagkakataas niya sa krus at ang pagkakataas ng ahas na tanso sa tikin. Kagaya na lamang kung paano napapagaling ng ahas na tanso ang mga Israelita mula sa nakamamatay na venom, kaya rin niya tayong pagalingin. Kinakailangang tumingin ng mga Israelita sa nakataas na ahas. Ngunit para magawa ito, kinakailangan nilang magtiwala sa solusyong ibinigay ni Moises at maging counter-intuitive upang hindi mapabagal ang kani-kanilang mga heart rate. Ang nagligtas sa kanila ay ang kanilang tiwala sa ibinigay ng Diyos sa kanila. Pareho ito sa atin ngayon. Hindi man natin makikita ng pisikal ang krus, pero mayroon tayong tiwala na ang ibinigay ng Diyos ay maililigtas tayo mula sa impeksyon ng kasalanan at kamatayan.

“Ngunit sa kanya na hindi gumagawa, kundi sumasampalataya sa kanya na umaaring-ganap sa masamang tao, ang kanyang pananampalataya ay itinuturing na katuwiran.” (Roma 4:5)

Hindi natin maaaring pagkatiwalaan ang ating sariling abilidad upang labanan ang impeksyon, ngunit mapagkakatiwalaan natin ang Diyos na siyang lumikha ng bakuna sa pamamagitan ng Binhi. Pinagkakatiwalaan natin siya ukol sa detalye ng bakuna. Ito ang dahilan kung bakit nangangahulugan na ‘magandang balita’ ang ‘Ebanghelyo’. Sino man na naimpeksyon ng nakamamatay na sakit at siyang nakarinig na may available at libreng bakuna⁠—ito ay talaga ngang isang magandang balita.

Halika at Tignan

Syempre, kailangan natin ng rason upang pagkatiwalaan ang parehong diagnosis at bakuna. Hindi natin dapat basta-basta na lamang ibigay ang ating tiwala. Sinasabi ito sa isa sa pinakamatandang diskusyon na pumapatungkol sa temang ito ang sumusunod:

“Natagpuan ni Felipe si Nathanael, at sinabi sa kanya, ‘Natagpuan namin iyong isinulat ni Moises sa Kautusan, at gayundin ng mga propeta, si Jesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose.’ Sinabi sa kanya ni Nathanael, ‘Mayroon bang mabuting bagay na maaaring manggaling sa Nazaret?’ Sinabi sa kanya ni Felipe, ‘Halika at tingnan mo.’” (Juan 1:45-46)

Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo upang makita, at maeksamina ang Binhi. Marami ritong mga artikulo na tutulong sa atin para sa mga katanungan na mayroon tayo, kagaya ng muling pagkabuhay, ang reliability ng Bibliya, at ang pangkalahatang buod ng Ebanghelyo. Halika at tignan natin kagaya na lamang ng ginawa ni Nathanael noong sinaunang panahon.

Paano nga ba naging unique ang love story nina Ruth at Boaz?

Kung magbibigay nga tayo ng ilang mga classic na love story, maisa – suggest natin sina Helen ng Troy at Paris (na silang nagpasimula sa kung tawagin ay Trojan War, na siyang lubhang nag-dramatize sa Iliad), Cleaopatra at Mark Antony (na siyang pag-ibig ay pumulupot sa digmaang sibil sa pagitan ng Roma at ni Octavian o Augustus Caear), Romeo at Juliet, at Beauty at ang Beast, o siguro ay sina Cinderella at Prince Charming. Dahil sa kanila, ang kasaysayayn, pop culture, at romantic fiction ay siyang nabuo at nagbibigay ng marubdob na love stories na pumupukaw sa ating mga puso, emosyon at imahinasyon.

Ang Love Story nina Ruth at Boaz

Nakamamanghang isipin na ang pag-ibig na nag-spark sa pagitan nina Ruth at Boaz ay nagpapatunay na mas tumagal at mas marangal ito kaysa sa iba’t ibang mga nabanggit natin na love affairs. Masasabi rin natin na naaapektuhan pa rin tayo ng pag-ibig na ito—at ito nga ay tatlong libong taon na ang nakakaraan matapos magtagpo ang dalawang magkasintahan. Ang pagmamahalan ring ito ay nagpapakita ng mistikal at espirirituwal na pag-ibig na inihahandog din sa ating lahat. Ang istorya nina Ruth at Boaz ay nagpapatungkol sa cross-cultural at forbidden love, imigrasyon, at ang relasyon ng isang makapangyarihang lalaki at ng isang bulnerableng babae⁠—masasabing magagamit rin ang paksang ito sa kasalukuyang era ng #MeToo. Ito rin ay nagiging blueprint kung paano tayo dapat mag-establish ng isang malusog na kasal o relasyong pang-asawa. Dahil sa mga ito, ang love story nina Ruth at Boaz ay dapat malaman ng lahat.

⁠Ang kanilang pag-ibig ay nakatala sa Libro ng Ruth sa Bibliya. Isa itong maikling libro na may 2,400 lamang na salita⁠ – ito ay dapat mabasa ng lahat! Naitala ito noong 1,150 BCE, at ito ay ang isa sa mga pinakalumang love story na naitala sa buong kasaysayan. Naging inspirasyon din ito sa iba’t ibang mga pelikula.

Mga pelikula mula sa Hollywood na naglalarawan sa love story ni Ruth

Ang Love Story ni Ruth

Si Naomi at ang kaniyang asawa, kasama ng kanilang dalawang anak na lalaki, ay lumisan sa Israel upang matakasan ang tagtuyot at manirahan sa kalapit na bansa ng Moab (ito ay ang bansang Jordan sa panahon ngayon). Matapos makapag-asawa ng dalawang lokal na babae, ang dalawang anak na lalaki ay silang namatay, pati na rin ang asawa ni Naomi. Kung kaya’t naiwan na lamang siya kasama ng kaniyang dalawang manugang na babae. Napagdesisyunan ni Noami na gusto na niyang bumalik sa Israel, at ang isa niyang manugang, si Ruth, ay siyang nagdesisyon na samahan siya. Matapos ang maraming taon, nakabalik din si Naomi sa Bethlehem bilang isang biyuda at siyang may kasamang isang bata at bulnerableng imigranteng babae na mula sa Moab: si Ruth.

Ang Pagtatagpo nina Ruth at Boaz

Dahil wala masyadong kita, nagpupunta si Ruth sa isang bukid upang tipunin ang mga natitirang butil na naiwan ng mga lokal na magsasaka. Dahil sa Batas ni Moises, isa itong sosyal na safety net, kung saan inuutusan ang mga magsasaka na mag-iwan ng ilang mga tirang butil sa kanilang mga bukid upang tipunin ng mga taong walang makain. Napaka-random na makita ni Ruth ang kaniyang sarili na nagtitipon ng mga butil mula sa bukid ng isang mayamang haciendero na nagngangalang Boaz. Napansin ni Boaz si Ruth kasama ng ibang mga nagtatrabaho upang magtipon ng butil na iniwan ng kaniyang mga magsasaka. Matapos niyang makita si Ruth, initusan niya ang kaniyang mga tauhan na mag-iwan pa ng ilang mga butil sa bukid para makapagtipon pa si Ruth ng mas maraming butil.

Nagtagpo sina Ruth at Boaz. Napakaraming mga obra maestra ang nagawa na naglalarawan sa pagtatagpo ng dalawa

Dahil maraming butil ang kaniyang natitipon, bumabalik si Ruth sa bukid ni Boaz araw-araw upang magtipon pa ng mga tirang butil. Sinisigurado ni Boaz na hindi naha-harass o namomolestya si Ruth ng kaniyang mga tauhan. Mapapansing interesado sina Ruth at Boaz sa isa’t isa, ngunit dahil sa pagkakaiba ng kanilang edad, social status, at nasyonalidad, wala sa kanilang dalawa ang gumagawa ng paraan upang magkausap. Kung kaya’t gumawa ng paraan si Naomi upang maging match maker ng dalawa. Inutusan niya si Ruth na humiga sa tabi ni Boaz isang gabi pagkatapos niyang magdiwang sa pagtitipon ng ani. Naintindihan ni Boaz ang hakbang na ito bilang isang proposal, kung kaya’t napagdesisyunan niyang pakasalan si Ruth.

Kamag-anak ng Tagapagtubos

Ngunit ang sitwasyon ay mas komplikado kaysa sa pag-ibig nilang dalawa. Kamag-anak ni Boaz si Naomi, at dahil manugang niya si Ruth, magkamag-anak sina Boaz at Ruth sa pamamagitan ng kasal. Kinakailangan siyang pakasalan ni Boaz bilang ang kaniyang ‘kamag-anak ng tagapagtubos’. Nangangahulugan ito na, sa ilalim ng Batas ni Moises, pakakasalan siya ni Boaz ‘sa ngalan’ ng kaniyang unang asawa (ang anak na lalaki ni Naomi) at siya rin ay magpo-provide para sa kaniya. Nakasama sa batas na ito na kailangang bilhin ni Boaz ang bukirin ng pamilya ni Naomi (at syempre, pakasalan si Ruth). Kung kaya’t ang kasal ni Ruth kay Boaz ay nakasalalay kung mayroong isa pang lalaki na may gustong kumuha ng responsibilidad na alagaan sina Naomi at Ruth. Sa isang public na pagtitipon, ang mga city elders ay ang mga kauna-unahang hindi sumang-ayon sa kasalang ito dahil malalagay ang kanilang mga sariling bukirin sa kapahamakan. Kung kaya’t malaya si Boaz na bilhin at tubusin ang bukirin ng pamilya ni Naomi, at siyang pakasalan si Ruth.

Ang Pamana nina Ruth at Boaz

Sa kanilang unyon, nagkaroon sila ng anak na tatawaging Obed. Si Obed ay siyang magiging Lolo ni Haring David. Si David ay pinangakuan na ang isang ‘Kristo’ ay magmumula sa kaniyang pamilya. Marami pang mga propesiya ang naibigay at sa wakas, si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem, ang siyang parehong bayan kung saan nagtagpo sina Ruth at Boaz, maraming taon na ang nakararaan. Ang kanilang pagmamahalan, kasal at linya ng pamilya ay nagresulta ng isang supling na kung saan, ngayon, ay siyang nakabase ang ating modernong kalendaryo, at mga global na holidays kagaya ng Pasko at Easter⁠—hindi na masama para sa pagmamahalan na nangyari sa isang maalikabok na nayon tatlong libong taon na ang nakararaan.

Paglalarawan sa Mas Malaking Love Story

Ang chivalry at respeto kung paano tinrato ng mayaman at makapangyarihang Boaz si Ruth, isang banyagang babae, ay isang modelo ng pagkakaiba ng pangha-harass at eksploytasyon na nagiging common na sa ating panahon sa pamamagitan ng #MeToo. Ang historical na impact ng linya ng pamilya na nai-produce ng pagmamahalan at kasal na ito, kapansin-pansin sa tuwing makikita natin ang petsa sa ating mga devices, ay nagbibigay sa love story na ito ng matatag na pamana. Pero ang love story nina Ruth at Boaz ay siya ring nagpapakita ng mas malaki pang pag-ibig⁠—isang pag-ibig kung saan ikaw at ako ay siya ring imbitado.

Inilalarawan tayo ng Bibliya sa isang paraan na nage-evoke kay Ruth na nagsasabing:

“At aking ihahasik siya para sa akin sa lupa; at ako’y mahahabag sa kanya na hindi nagtamo ng kahabagan. At aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, ‘Ikaw ay aking bayan’; at siya’y magsasabi, ‘Ikaw ay aking Diyos.’” ⁠

Hoseas 2:23

Ang propetang si Hoseas mula sa Lumang Tipan (ca 750 BC) ay gumamit ng pagkakasundo sa pagkasira ng kaniyang sariling kasal upang magbigay larawan sa Diyos at sa pag-abot Niya sa atin gamit ang Kaniyang pag-ibig. Kagaya na lamang ni Ruth na siyang pumasok sa bayan bilang isang taong hindi minamahal, ngunit biglang pinakitaan ng pagmamahal ni Boaz, ninanais Niyang pakitaan tayo ng Kaniyang pagmamahal kahit na parang malayo tayo sa Kaniyang pag-ibig. Ito ay nakatala sa Bagong Tipan kung paano tayo ninanais abutin ng Diyos lalo na ang mga taong malayo sa pagmamahal Niya.

Gaya naman ng sinasabi niya sa Hoseas, ‘Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan; at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”

⁠Roma 9:25

Paano nga ba naipapakita ang Kaniyang pagmamahal? Si Hesus, ang inapo ng supling mula kina Boaz at Ruth, ay ang Diyos na come-in-the-flesh at dahil dito, siya ay ang ating ‘kamag-anak’, kagaya na lamang ni Boaz kay Ruth. Binayaran ni Hesus ang ating utang dahil sa ating kasalanan sa Diyos noong siya ay naipako sa krus.

“Siya ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.”

Tito 2:14

Kung paano naging ‘kamag-anak at tagapagtubos’ si Boaz na siyang nagbayad upang matubos si Ruth, si Hesus ay ang ating ‘kamag-anak at tagapagtubos’ na siyang nagbayad (ng kaniyang buhay) upang matubos tayo.

Ang Modelo Para sa Ating Mga Kasal

Ang paraan kung paano tinubos ni Hesus (at Boaz) at siyang mapanalunan ang kaniyang bride ay iminomodelo kung paano natin dapat itayo ang ating mga kasal. Ipinapaliwanag ng Bibliya kung paano natin dapat itatatag ang ating mga kasal:

“Pasakop kayo sa isa’t isa dahil sa takot kay Cristo. Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Cristo na ulo ng iglesya, na siya ang tagapagligtas ng katawan. Subalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay. Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya; upang kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita, upang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.

Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanya-kanyang sariling asawa gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili. Sapagkat walang sinumang napoot sa kanyang sariling katawan, kundi inaalagaan at iniingatan ito, gaya naman ni Cristo sa iglesya; sapagkat tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan. Dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila, subalit ako ay nagsasalita tungkol kay Cristo at sa iglesya. Gayunman, dapat ibigin ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling asawa gaya ng kanyang sarili, at igalang ng babae ang kanyang asawa.”

Efeso 5:21-33

Kung paano naitaguyod nina Boaz at Ruth ang kanilang kasal base sa pagmamahal at respeto, gayon din ang pag-aaruga ni Hesus para sa simbahan ay modelo rin para sa mga asawang lalaki upang kanilang mahalin ang kanilang mga asawang babae, kung kaya’t dapat nating tangkaing ipundar ang ating mga kasalan sa parehong mga paniniwala.

Isang Kasalang Imbitasyon Para Sa’yo at Sa’kin

Kagaya na lamang ng mga magagandang love stories, nagco-conclude rin ang Bibliya sa isang kasalan. Kagaya na lamang kung paano binayaran ni Boaz ang pagtubos kay Ruth para matupad ang kanilang kasal. Ang presyo na binayaran ni Hesus ay siya ring nagbigay katuparan para sa ating kasal. Ang kasal ay hindi figurative pero totoo, at ang mga tumatanggap ng imbitasyon sa kaniyang kasal ay tinatawag na ‘Ang Bride ni Kristo’. Kagaya na lamang ng sinasabi sa sumusunod:

“Tayo’y magalak at tayo’y magpakasaya at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero, at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili.”

Apocalipsis 19:7

Ang mga tumanggap ng alok ni Hesus na pagtubos ay magiging ‘bride’ niya. Ang makalangit na kasal na ito ay inaalok sa ating lahat. Ang Bibliya ay nagtatapos sa imbitasyon para sa iyo at sa akin na pumunta sa kaniyang kasal.

“Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, ‘Halika.’ At ang nakikinig ay magsabi, ‘Halika.’ At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.”

Apocalipsis 22:17

Ang relasyon sa pagitan nina Ruth at Boaz ay isang modelo ng pag-ibig na siya pa rin nating nararamdaman sa panahon ngayon. Ito ay larawan ng heavenly na romance ng Diyos na siyang nagmamahal sa atin. Pakakasalan Niya ang Kaniyang bride na siyang tatanggap sa kaniyang proposal sa kasal. Kagaya na lamang ng ibang mga proposal na kasal, ang alok na ito ay dapat nating timbangin kung dapat nga ba natin itong tanggapin. Simulan natin sa ‘plano’ na nakalatag sa simula pa lamang, dito rin natin makikita kung gaano Siya kaseryoso, ito ay kung paano tayo tutubusin ng Tagapagligtas, at ito ay kung gaano katagal na nahulaan bago natin malaman kung ito na nga ba ang proposal ng Diyos.

Bakit Nilikha ng Mabuting Diyos ang Masamang Demonyo?

Sinasabi sa Bibliya na ang demonyo (o si Satanas) na nagpakita bilang isang ahas ang nag-udyok kina Adan at Eba upang magkasala na siyang nagdala sa kanilang pagbagsak. Ngunit nagbibigay ito ng isang importanteng katanungan: Bakit nga ba nilikha ng Diyos ang ‘masamang’ demonyo (na nangangahulugang ‘kalaban’) upang ma-corrupt ang Kaniyang mga mabubuting likha?

Lusiper Ang Nagniningning

Sinasabi sa Bibliya na nilikha ng Diyos ang isang makapangyarihan, matalino, at magandang espiritu na siyang puno ng lahat ng mga anghel. Tinawag siyang Lusiper (na nangangahulugang ‘Ang Nagniningning’)—at siya ay lubos na magaling. Ngunit si Lusiper din ay mayroong kagustuhan na siya ay pwedeng maging malaya sa pagpili. Mayroong sipi sa Isaias 14 na nagtatala ng mga pagpili na kaniyang ginawa:

“Ano’t nahulog ka mula sa langit, O Tala sa Umaga, anak ng Umaga! Paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpabagsak sa mga bansa! Sinabi mo sa iyong puso, ‘Ako’y aakyat sa langit; sa itaas ng mga bituin ng Diyos akin itatatag ang aking trono sa itaas; ako’y uupo sa bundok na pinagtitipunan sa malayong hilaga. Ako’y aakyat sa itaas ng mga kaitaasan ng mga ulap, gagawin ko ang aking sarili na gaya ng Kataas-taasan.’” — Isaias 14:12-14

Kagaya ni Adan, si Lusiper din ay nagdesisyon. Pwede niyang tanggapin na ang Diyos ay ang Diyos o pwede niyang piliin na siya rin ay magiging diyos. Sa paulit-ulit niyang sinabing, “Gagawin ko”, nagpapakita ito na siya ay nagdesisyong suwayin ang Diyos at ideklara ang sarili niya bilang ang ‘Kataas-taasan’. Mayroong sipi sa Ezekiel na nagbibigay ng parallel na tala ng pagbagsak ni Lusiper:

“Ikaw ay nasa Eden na halamanan ng Diyos; bawat mahahalagang bato ay iyong kasuotan, ang sardio, topacio, diamante, berilo, onix, jaspe, zafiro, karbungko, at esmeralda; at ang ginto at ang pagkayari ng iyong pandereta ng iyong mga plauta ay nasa iyo; sa araw na ikaw ay lalangin inihanda ang mga ito. Inilagay kita na may pinahirang kerubin na nagbabantay; ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Diyos; ikaw ay naglalakad sa gitna ng mga batong apoy. Ikaw ay sakdal sa iyong mga landas mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kasamaan ay matagpuan sa iyo.

Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay napuno ka ng karahasan, at ikaw ay nagkasala; kaya’t inihagis kita bilang maruming bagay mula sa bundok ng Diyos, at winasak kita, O tumakip na kerubin mula sa gitna ng mga batong apoy. Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong pinasama ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan. Inihagis kita sa lupa; aking inilantad ka sa harapan ng mga hari, upang pagsawaan ka ng kanilang mga mata.” – Ezekiel 28:13-17

Ang kagandahan, katalinuhan, at kapangyarihan ni Lusiper—ang lahat ng mabubuting bagay na siyang nilikha sa kaniya ng Diyos—ay naghatid sa kaniya sa kapalaluan. Ang kaniyang kapalaluan ay naghatid sa kaniyang rebelyon, ngunit hindi naman nawala ang kaniyang kapangyarihan at kakayanan. Ngayon, siya na ay nangunguna sa isang kosmikong pag-aalsa sa pagitan ng kaniyang Manlilikha upang makita kung sino ang ang magiging Diyos. Ang kaniyang estratehiya ay mag-enlist ng sangkatauhan upang samahan siya—sa pamamagitan ng pagtutukso sa kanila upang gawin ang mga kagustuhan na siya niya ring ginawa—mahalin ang kanilang mga sarili, maging malaya mula sa Diyos, at suwayin Siya. Ang puso ng pagsubok ng kagustuhan ni Adan ay pareho ng kay Lusiper; sa presentasyon lamang sila nagkakaiba. Pareho nilang piniling maging ‘diyos’ sa kanilang mga sarili.

Satanas — Paggalaw sa pamamagitan ng ibang tao

Ang sipi mula sa Isaias ay dumidirekta sa ‘Hari ng Babilonia’ at ang sipi mula sa Ezekiel ay nakadirekta sa ‘Hari ng Tyre’. Ngunit mula sa paglalarawan na ibinigay, malinaw na walang ibang tao na nakadirekta rito. Ang “Gaagawin ko” na nakasulat sa Isaias ay naglalarawan ng isang nilalang na siyang itinapon sa mundo upang parusahan dahil sa kagustuhan nitong ilagay ang trono niya nang mas mataas pa sa trono ng Diyos. Sa Ezekiel naman ay tinutukoy ang isang ‘malaanghel na tagapagtanggol’ na siyang inalis mula sa Eden at sa ‘bundok ng Diyos’. Si Satanas (o Lusiper) ay kadalasang inilalagay ang kaniyang sarili sa likod o bilang ibang tao. Sa Genesis, nagsalita siya sa pamamagitan ng isang ahas. Sa Isaias, namuno siya sa pamamagitan ng Hari ng Babilonia, at sa Ezekiel naman, inangkin niya ang Hari ng Tyre.

Bakit nag-alsa si Lusiper laban sa Diyos?

Ngunit bakit nga ba gustong i-challenge ni Lusiper ang all-powerful at ang all-knowing na May Likha? Parte ng pagiging ‘matalino’ ay ang pag-alam kung kaya mo nga bang talunin ang iyong kalaban. Oo, mayroon ngang kapangyarihan si Lusiper, ngunit hindi pa rin ito sapat upang labanan ang May Likha. Bakit niya nga ba hahayaang mawala sa kaniya ang lahat para sa isang bagay na hindi naman niya mapapanalunan? Sa tingin ko, ang isang ‘matalinong’ anghel ay mare-recognize ang kaniyang mga limitasyon laban sa Diyos—at kaniyang pipigilan at ititigil ang kaniyang pag-aalsa. Kung kaya’t bakit nga ba niya ito itinuloy? Lubha akong nalito sa katanungang ito sa loob ng maraming taon.

Ngunit akin ding na-realize na mapapaniwalaan lamang ni Lusiper na ang Diyos ay ang kaniyang all-powerful na May Likha sa pamamagitan ng pananampalataya—kagaya na lamang ng lahat sa atin. Isina-suggest ng Bibliya na ang mga anghel ay nilikha noong linggo ng pagkalikha. Halimbawa, sinasabi sa sipi ng Job ang sumusunod:

“At mula sa ipu-ipo’y sumagot ang Panginoon kay Job: ‘Sino ba itong nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salitang walang kaalaman? Bigkisan mo tulad sa lalaki ang iyong baywang, tatanungin kita at ikaw sa akin ay magsasaysay. Nasaan ka nang ilagay ko ang mga pundasyon ng lupa? Sabihin mo, kung mayroon kang pang-unawa. Sinong nagpasiya ng mga sukat niyon—tiyak na alam mo! O sinong nag-unat ng panukat sa ibabaw nito? Sa ano nakabaon ang kanyang mga pundasyon? O sinong naglagay ng batong panulok niyon; nang sama-samang umawit ang mga tala sa umaga, at ang lahat ng mga anak ng Diyos ay nagsigawan sa tuwa?’” — Job 38:1-7

Ating bigyang larawan si Lusiper na nalikha at siyang unti-unting namulat noong linggo ng paglikha, saan man sa uniberso. Ang kaniyang tanging nalalaman ay siya na ngayo’y nag-eexist at siya na rin ay mulat, at mayroong isa pang Likha na nagsasabihin lumikha sa kaniya at sa uniberso. Ngunit paano nga ba malalaman ni Lusiper kung totoo nga ba ito? Siguro ang sinasabing ‘may likha’ na ito ay siya ring lumabas sa existence sa mga bituin bago lumabas si Lusiper sa existence. At dahil ang ‘may likha’ na ito ay dumating ng mas maaga sa eksena, siya ay (siguro) mas malakas at (siguro) mas matalino kaysa sa kaniya—ngunit siguro ay hindi naman. Siguro ay silang dalawa ng ‘may likha’ ay pareho lamang na lumabas sa existence. Kaya lamang tanggapin ni Lusiper ang Salita ng Diyos sa kaniya na nilikha Niya ito na ang Diyos mismo ay walang hanggan at walang katapusan. Ngunit sa kaniyang pagmamataas, mas pinili niyang paniwalaan ang kaniyang pantasya.

Siguro nga ay nagmimistulang far-fetched na paniniwalaan ni Lusiper na parehong sila ng Diyos (at ang iba pang mga anghel) ay ‘lumabas’ na lamang sa existence. Ngunit ito ang parehong basic na ideya sa likod ng mga pinakabagong kaisipan sa modernong kosmolohiya. Mayroong kosmik na pagbabagu-bago ng kawalan, at nang dahil sa pagbabagu-bagong ito, lumitaw ang uniberso—at ito ang esensiya ng mga teorya sa modernong kosmolohiya. Sa panimula, ang lahat—mula kay Lusiper at kina Richard Dawkins at Stephen Hawking, hanggang sa’yo at sa’kin—kailangan nating magdesisyon sa pananampalataya kung ang uniberso nga ba ay self-contained o ito nga ba ang nilikha at sinusustentuhan ng Diyos na May Likha.

Sa madaling salita, ang pagkakita ay hindi paniniwala. Si Lusiper ay makakakita at kakausap sa Diyos. Ngunit kakailanganin pa rin niyang tanggapin ‘sa pananampalataya’ na ang Diyos ay ang lumikha sa kaniya. Maraming tao ang nagsasabi na kung ang Diyos lamang ay ‘magpapakita’ sa kanila, sila ay maniniwala. Ngunit sa Bibliya, maraming tao ang nakakita at nakarinig sa Diyos—ngunit hindi pa rin Siya pinaniwalaan. Ang isyu ay kung sila ay tatanggap at magtitiwala sa Kaniyang Salita tungkol sa Kaniya at sa kanila. Mula kina Adan at Eba, hanggang kina Cain at Abel, hanggang kay Noah, hanggang sa mga tiga Ehipto at ang unang Paskuwa, hanggang sa pagtawid ng mga Israelita sa Red Sea—hanggang sa mga tao na nakakita ng mga mirakulo ni Hesus—ang ‘pagkakita’ ay hindi nagreresulta sa pagtitiwala. Ang pagbagsak ni Lusiper ay consistent dito.

Ano ang ginagawa ng Demonyo ngayon?

Sinasabi sa Bibliya na hindi nilikha ng Diyos ang ‘masamang demonyo’, ngunit nilikha niya ang isang makapangyarihan at matalinong malaanghel sa nilalang. Sa pamamagitan ng pagmamataas, pinangunahan niya ang pag-aalsa laban sa Diyos—at dahil dito, siya ay naging corrupted habang itinatago pa rin niya ang kaniyang orihinal na kaluwalhatian. Ikaw, ako, at ang sangkatauhan ay naging parte ng battleground sa paligsahang ito sa pagitan ng Diyos at ng kaniyang ‘kalaban’ (demonyo). Ang istratehiya ng demonyo ay hindi maglibut-libot gamit ang sinister na balabal na itim kagaya ng mga ‘Black Riders’ mula sa Lord of the Rings at magbigay ng mga masasamang sumpa sa’tin. Sa halip, mas pinipili niyang linlangin tayo mula sa pagtubos sa’tin na ipinangako ng Diyos mula pa sa simula ng panahon, mula kay Abraham, mula kay Moises, at natapos sa kamatayan at sa muling pagkabuhay ni Hesus. Kagaya na lamang ng sinasabi sa Bibliya:

“At hindi nakapagtataka! Sapagkat maging si Satanas man ay nagpapanggap na anghel ng liwanag. Kaya’t hindi nakapagtataka na ang kanyang mga ministro naman ay magpanggap na mga ministro ng katuwiran. Ang kanilang wakas ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.” — 1 Corinto 11:14-15

Sa kadahilanang kaya ni Satanas at ng kaniyang mga alagad na magtago bilang ‘liwanag’, tayo ay mas madali nang malilinlang. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ay lagi na lamang parang tumatakbo papalayo sa ating instincts at laban sa lahat ng kultura.

Ang Bibliya ba ay tekstuwal na mapagkakatiwalaan? O ito ba ay siya nang naging corrupted?

Tekstuwal na Pagpuna at ang Bibliya

Sa ating scientific at edukadong panahon, maraming paniniwalang non-scientific na pinaniniwalaan ng mga nakatatanda sa atin ay ating nakukuwestiyon. Ang pagdududang ito ay lalong totoo para sa Bibliya. Lalong-lalo na sa kadahilanang ang Bibliya ay naisulat dalawang libong taon na ang nakararaan. Sa karamihan ng millenia na ito ay walang printing press, photocopy machines o kahit na mga publishing companies. Kung kaya’t ang mga orihinal na manuskrito ay kinopkopya sa pamamagitan ng kamay, at pasalin-salin sa mga henerasyon, may mga wikang namatay at mayroon din namang mga wikang naisilang, at sa pagbabago ng mga imperyo at pag-akyat ng bagong mga kapangyarihan. Dahil ang mga orihinal na manuskrito ay matagal na panahon nang nawawala, paano nga ba natin malalaman na ang mga nakatalang bagay na ating nababasa sa Bibliya ngayon ay ang siya ngang mga salita na isinulat ng mga manunulat nito? O ang Bibliya nga ba ay nagbago na o siya nang naging corrupted, siguro sa kamay ng mga lider ng simbahan, o mga pari at monghe na silang nagnanais na baguhin ang mensahe upang siyang umangkop sa kanilang mga layunin?

Ang Prinsipyo ng Tekstuwal na Pagpuna

Likas na totoo ang tanong na ito sa alin mang sinaunang kasulatan. Ang timeline sa ibaba ay naglalarawan ng proseso kung saan ang mga sinaunang kasulatan ay siyang naipepreserba sa paglipas ng mga panahon. Nagpapakita ito ng isang halimbawa ng isang sinaunang dokumento na naisulat noong 500 B.C. (ang petsang ito ay random na pinili). Ang orihinal nito ay palaging hindi nagtatagal, kung kaya’t bago ito mabulok, mawala, o masira, isang manuskritong kopya nito ay nagagawa (unang kopya). Ang mga propesyonal na uri ng mga tao na kung tawagin ay ‘scribes’ ang gumagawa ng pagkopya nito. Sa pagtagal ng panahon, ang mga kopya ng orihinal na manuskrito ay siya ring nakokopya (ikalawa at ikatlong kopya). Sa isang punto, isang kopya ang itinatago upang ito ay siyang magamit at upang ito ay mapreserba para sa kasalukuyang panahon (ikatlong kopya). Sa ating halimbawa, ang kasalukuyang kopya ay naisulat noong 500 A.D. Ibig sabihin, ito ay ang pinakaunang estado ng dokumentong ito na ating malalaman ay nagmumula sa 500 A.D.

Dahil dito, sa panahon mula sa 500 B.C. hanggang sa 500 A.D. (nakalabel na x sa diagram) ay ang panahon kung saan hindi tayo makakakuha ng mga pagpapatunay na kopya dahil lahat ng mga manuskrito sa panahong ito ay siya nang nawala. Halimbawa, kung mayroong pagkakamali (intensyonal man o hindi) na nagawa noong kinopya ang ikalawang kopya mula sa unang kopya, hindi na natin ito magagawang pag-aralan dahil ang parehong dokumentong ito ay wala na. Ang panahon kung saan nag-predate ang mga kopya sa kasalukuyan (ang period x) ay ang pagitan ng tekstuwal na walang katiyakan. Dahil dito, ang prinsipyo na ginagamit upang tugunan ang mga katanungan na pumapatungkol sa tekstuwal na reliability ay ang pagtanaw sa haba ng panahong ito. Ang mas maikling agwat (‘x’ sa diagram) ay mas tiyak tayo na nilalagay natin ang siguradong preserbasyon ng dokumento sa kasalukuyan, dahil ang panahon ng pag-aalinlangan ay siya nang nabawasan.

Syempre, kadalasan ay mayroong higit pa sa isang manuskritong kopya ang isang dokumento na nag-eexist sa kasalukuyan. Ipalagay natin na mayroon tayong dalawang kopya ng manuskrito at sa parehong section sa kanilang dalawa ay makikita natin ang mga sumusunod na pahayag:

Ang orihinal na manunulat ay siyang nagsulat ng tungkol kay Juana o ng tungkol kay Juan, at ang lahat ng mga sumusunod na manuskrito ay naglalaman ng error sa pagkopya. Ang tanong ay: alin sa dalawa ang siyang naglalaman ng error? Mula sa mga available na manuskrito, ito ay siya nang napakahirap na madetermina.

Ngayon naman ay ipagpalagay natin na may nakita tayong dalawa pang mga kopya ng manuskrito ng parehong akda, tulad ng ipinapakita sa ibaba:

Ngayon ay mas madali na nating mahuhulaan kung aling manuskrito ang mayroong error. Kadalasan ay isang beses lamang nagagawa ang error kaysa magawa ang parehong error ng tatlong beses, kung kaya’t ang ikalawang manuskrito ay siyang mayroong error sa pagkopya, at ang manunulat ay siyang nagsusulat ng patungkol kay Juana, at hindi kay Juan.

Ang simpleng halimbawang ito ay naglalarawan sa ikalawang prisipyo na ginagamit upang ma-verify ang integridad ng mga manuskrito. Ang higit na maraming manuskritong nag-eexist sa panahon ngayon, ay mas madali nang ma-detect at maitama ang mga errors nito, at ma-access ang mga nilalaman ng orihinal na manuskrito.

Tekstuwal na Pagpuna sa Classical na Kasulatang Greco-Roman Kumpara sa Bagong Tipan

Ngayon ay mayroon tayong dalawang mga indicators na base sa dalawang mga ebidensiya na ginagamit upang madetermina ang tekstuwal na reliability ng sinaunang mga dokumento:

  1. Ang pagsukat ng panahon mula sa orihinal na komposisyon at sa pinakaunang umiiral na kopya ng manuskrito.
  2. Ang pagbibilang ng mga kopya ng manuskrito.

Dahil ang mga indicators na ito ay tumutukoy sa kahit anong sinaunang kasulatan, maaari natin itong gamitin sa mga katanggap-tanggap na gawa ng kasaysayan, kagaya na lamang ng nasa ibaba (1):

ManunulatKailan
Isinulat
Pinakamaagang KopyaTime Span
Caesar 50 BC 900 AD 95010
Plato 350 BC 900 AD 12507
Aristotle* 300 BC 1100 AD 14005
Thucydides 400 BC 900 AD 13008
Herodotus 400 BC 900 AD 13008
Sophocles 400 BC 1000 AD 1400100
Tacitus 100 AD 1100 AD 100020
Pliny 100 AD 850 AD 7507

*Mula sa kahit anong gawa

Ang mga manunulat na ito ay nagrerepresenta sa mga major na classical na manunulat ng sinaunang panahon⁠—ito ang mga kasulatan na humulma sa pag-unlad ng Western na sibilisasyon. Sa karaniwan, ang mga ito ay unti-unting naipapasa sa atin bilang mga 10-100 na manuskrito na siyang naipepreserba sa simula ng 1000 na taon matapos maisulat ang orihinal na manuskrito. Mula sa siyentipikong point-of-view, ang mga data na ito ay maikukunsiderang mga control na experiment natin dahil binubuo ito ng mga data (classical na kasaysayan at pilosopiya) na siyang katanggap-tanggap at ginagamit ng mga akademiko at mga unibersidad sa buong mundo.

Ang sumusunod na mga table ay nagkukumpara sa mga kasulatan sa Bagong Tipan gamit ang sumusunod na mga criteria (2). Ito ay maikukunsidera bilang ang ating experimental na data na siyang maikukumpara sa ating control na data, kagaya na lamang ng kahit anong siyentipikong imbestigasyon.

MSSKailan IsinulatPetsa ng MSSTime Span
John Rylan 90 AD 130 AD 40 yrs
Bodmer Papyrus 90 AD 150-200 AD 110 yrs
Chester Beatty* 60 AD 80 AD 20 yrs
Codex Vaticanus 60-90 AD 325 AD 265 yrs
Codex Sinaiticus 60-90 AD 350 AD 290 yrs

* Tradisyonal na napetsahan noong 200 AD, ngunit ang bagong pananaliksik ay tumutukoy sa isang mas maagang petsa ng 80 AD

Ang table sa itaas ay siyang nagbibigay ng maikling highlight para sa iilang mga umiiral na manuskrito. Ang bilang ng mga manuskrito ng Bagong Tipan ay siyang napakalawak, kung kaya’t magiging imposible itong ilista lahat sa iisang table. Kagaya na lamang ng sinabi ng isang iskolar (3) na siyang lubhang nag-aral ng isyung ito:

“Tayo ay mayroong mahigit na 24,000 MSS na kopya ng mga bahagi ng Bagong Tipan na umiiral sa panahon ngayon. Walang ibang dokumento sa sinaunang panahon ang siyang lalapit sa bilang at pagpapatunay dito. Sa paghahambing, ang ILIAD ni Homer ay pumapangalawa dahil mayroon itong 643 MSS na siyang nananatili.”

Isa namang nangungunang iskolar ng British Museum (4) ang nagpapatunay dito:

“Ang mga iskolar ay nasisiyahan na dahil sila ay nagmamay-ari ng kabuuan ng totoong teksto ng pangunahing mga manunulat na Griyego at Romano… ngunit ang ating kaalaman ng kanilang mga naisulat ay dumidipende sa maliit lamang na MSS, samantalang ang MSS ng Bagong Tipan ay nabibilang sa… libo.”

Ang Tekstuwal na Pagpuno sa Bagong Tipan at si Constantine

At karamihan sa bilang ng mga manuskritong ito ay sobrang luma na. Nagmamay-ari ako ng isang libro na pumapatungkol sa pinakaunang dokumento ng Bagong Tipan. Ang introduction nito ay nagsisimula sa:

“Ang librong ito ay nagpo-provide ng pagsasalin ng 69 na pinakaunang manuskrito ng Bagong Tipan…na nagmumula pa noong maagang ikalawang siglo hanggang sa maagang ikaapat na siglo (100-300 A.D.). Naglalaman ito ng ⅔ ng teksto ng Bagong Tipan.”

Lubha itong mahalaga dahil ang mga manuskritong ito ay nagmumula bago pa man dumating ang Romanong Emperador na si Constantine (circa 325 A.D.) at ang pagtaas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko, na minsan ay parehong napagbibintangan ng pagbabago sa mga Biblical na teksto. Sa katotohanan ay maaari nating ma-test ang claim na ito sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga teksto ng bago dumating si Constantine (dahil hawak natin ang mga ito) at ang mga teksto na siyang dumating pagkatapos ni Constantine. Nang ma-test natin ang mga ito, nakita natin na ang mga ito ay pareho. Ang mensahe ng teksto noong 200 A.D. ay pareho ng nasa 1200 A.D. Hindi nabago nina Constantine o ng Simbahang Katoliko ang Bibliya. Ito ay hindi isang relihiyosong pahayag, kun’di isang pahayag na siyang nagbabase sa purong siyantipikong data. Ang table sa ibaba ay naglalarawan ng timeline ng mga manuskrito mula sa kung saan nababase ang Bagong Tipan sa Bibliya:

Mga Implikasyon ng Tekstuwal na Pagpuna sa Bibliya

Ano nga ba ang ating makukuha mula rito? Tiyak nating masasabi na masusukat natin talaga na ang Bagong Tipan ay siyang na-verify sa mas mataas na antas kaysa sa ibang mga classical na gawa. Ang verdict na siyang nagtuturo sa ebidensiya ay siyang malalagom ng mga sumusunod (6):

“Para maging skeptical sa resulta ng teksto ng Bagong Tipan ay siyang pagpalagay na ang lahat ng classical at mga sinaunang gawa ay siyang mapadpad sa karimlan, sa dahilan na walang iba pang mga dokumento na mula sa sinaunang panahon ang siyang mas pinatototohanan biographically kagaya na lamang ng Bagong Tipan.”

Sinasabi ng akademiko na tayo ay dapat maging consistent, kung magpapasya tayo na pagdudahan ay reliability na pagpepreserba sa Bibliya, dapat nating iwaksi ang lahat ng ating nalalaman na pumapatungkol sa pangkalahatan ng classical na kasaysayan⁠—at ito ay hindi pa nagagawa ng kahit sinong informed na historian. Alam din natin na ang mga teksto sa Bibliya ay hindi nababago kahit ang mga panahon, wika, at imperyo ay nagbabago, dahil ang pinakamaagang umiiral na MSS ay nagbibigay ng petsa para sa mga pangyayaring ito. Halimbawa na lamang, alam natin na walang sinumang lubhang masigasig na monghe ang siyang naidagdag sa mga mirakulo ni Hesus sa mga account ng Bibliya, dahil nasasaatin ang mga manuskrito na siyang nagbibigay ng petsa ng mga medyebal na monghe at ang lahat ng mga may petsa na manuskrito ay siyang nagtatala ng mga mirakulong accounts ni Hesus.

Paano ang pagsasalin ng Bibliya?

Ngunit paano nga ba ang mga error na nasasangkot sa pagsasalin, at ang katotohanan na napakarami na ngang bersyon ng Bibliya sa panahon ngayon? Hindi ba nakikita rito na imposibleng maditermina ang eksakto at orihinal na mga kasulatan na isinulat ng mga manunulat?

Una, dapat nating iklaro ang isa sa mga napaka-common na misconception. Maraming tao ang naniniwala na ang Bibliya natin ngayon ay dumaan sa napakahabang proseso ng pagsasalin, na may isang bagong wika na naisasalin mula sa luma, isang proseso na parang ganito: Griyego-Latin-Medyebal na Ingles-Ingles ni Shakespeare-Modernong Ingles-Iba pang Modernong Wika. Ngunit, sa makatuwid, sa lahat ng wika ngayon ay naisalin na direktang mula sa orihinal nitong wika. Para sa Bagong Tipan, ang salin ay ganito: Griyego-Kahit anong modernong wika. Para naman sa Lumang Tipan, ang salin ay ganito: Hebreo- Kahit anong modernong wika. Ang base na Griyego at Hebreong mga teksto ay siyang mga standard. Kung kaya’t ang mga pagkakaiba sa mga bersyon ng Bibliya ay nagmumula sa kung paanong pinili ng mga tagapagsalin na isalin ang mga parirala sa tatanggap na wika.

Dahil sa napakalawak na mga classical na literatura na siyang nakasulat sa Griyego (ang orihinal na wika ng Bagong Tipan), ito ay naging posible na tiyak na maisalin ang mga orihinal na kaisipan at salita ng mga orihinal na manunulat. Sa katunayan, ang iba’t ibang mga modernong bersyon ay siyang magpapatunay dito. Halimbawa, basahin natin ang isa sa mga kilalang berso sa iba’t ibang mga pangkaraniwang bersyon, at pansinin ang mga kaunting pagbabago sa salita, ngunit iisa ang ideya at ang kahulugan:

“For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus or Lord.” —Romans 6:23 New International Version

“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggang kay Cristo Jesus na ating Panginoon.” —Roma 6:23 Filipino Standard Version

“Porque la paga del pecado es muerte, mintras que la dadiva de Dios es vida eterna en Cristo Jesús, nuestro Señor.”—Romanos 6:23 Nueva Verción Internacional

“Car le salaire que verse le péché, c’est la mort, mais le don de la grâce que Dieu accorde, c’est la vie éternelle dans l’union avec Jésus-Christ norte Seigneur.” —Romain 6:23 La Bible du Semeur

“τὰ γὰρ ὀψώνια τῆς ἁμαρτίας θάνατος, τὸ δὲ χάρισμα τοῦ θεοῦ ζωὴ αἰώνιος ἐν Χριστῷ Ἰησοῦ τῷ κυρίῳ ἡμῶν.” —ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 6:23 SBL Greek New Testament

Makikita natin na walang mga hindi pagkakaunawan sa pagitan ng mga salin—at sinasabi nila ang parehong mga ideya ngunit sa iba’t ibang mga gamit na salita.

Sa pagbubuod, hindi oras o salin ang nag-corrupt sa mga ideya at kaisipan na naipapahayag sa orihinal na manuskrito ng Bibliya upang itago ito sa atin sa kasalukuyan. Alam natin na ang Bibliya sa kasalukuyan ay eksaktong mababasa sa kung ano ang naisulat ng mga manunulat sa panahon noon. Ito ay tekstuwal na reliable.

Importanteng ma-realize natin kung ano ang mga ipinapakita at ang mga hindi ipinapakita ng pag-aaral na ito. Hindi nito pinapatunayan na ang Bibliya ay talaga ngang ang Salita ng Diyos. Mapagtatalunan pa rin na kahit na ang orihinal na mga ideya ng mga manunulat ng Bibliya ay siya ngang eksaktong naihahatid sa ating sa kasalukuyan, hindi nito napapatunayan o ipapahiwatig na ang mga orihinal na mga ideya na ito ay tama o na ang mga ito ay galing nga sa Diyos. Totoo nga. Ngunit sa pag-iintindi ng tekstuwal na reliability ng Bibliya ay nagbibigay ng start-point kung saan tayo ay makapagsisimulang seryosong imbestigahan ang Bibliya upang makita kung ang iilan sa mga tanong dito ay masasagot, at upang maging informed tayo kung ano nga ba ang mensahe. Ipinapahayag ng Bibliya na ang mensahe nito ay isang pagpapala mula sa Diyos. Paano kung mga tyansa ngang ito ay totoo? Bigyan natin ng panahon upang pag-aralanan ay ilan sa mga importanteng pangyayari sa Bibliya na ipinapaliwanag sa website na ito.

Importanteng ma-realize natin kung ano ang mga ipinapakita at ang mga hindi ipinapakita ng pag-aaral na ito. Hindi nito pinapatunayan na ang Bibliya ay talaga ngang ang Salita ng Diyos. Mapagtatalunan pa rin na kahit na ang orihinal na mga ideya ng mga manunulat ng Bibliya ay siya ngang eksaktong naihahatid sa ating sa kasalukuyan, hindi nito napapatunayan o ipapahiwatig na ang mga orihinal na mga ideya na ito ay tama o na ang mga ito ay galing nga sa Diyos. Totoo nga. Ngunit sa pag-iintindi ng tekstuwal na reliability ng Bibliya ay nagbibigay ng start-point kung saan tayo ay makapagsisimulang seryosong imbestigahan ang Bibliya upang makita kung ang iilan sa mga tanong dito ay masasagot, at upang maging informed tayo kung ano nga ba ang mensahe. Ipinapahayag ng Bibliya na ang mensahe nito ay isang pagpapala mula sa Diyos. Paano kung mga tyansa ngang ito ay totoo? Bigyan natin ng panahon upang pag-aralanan ay ilan sa mga importanteng pangyayari sa Bibliya na ipinapaliwanag sa website na ito.

____________________________________________

  1. McDowell, J., Evidence that Demands a Verdict, pp. 42-48, 1979
  2. Comfort, P.W., The Origin of the Bible, p. 193, 1992
  3. McDowell, J., Evidence that Demands a Verdict, p. 40, 1979
  4. Kenyon, F.G., (dating direktor ng British Museum), Our Bible and the Ancient Manuscripts, p. 23, 1941
  5. Comfort, P.W., The Text of the Earliest New Testament Greek Manuscripts, p. 17, 2001
  6. Montgomery, History and Christianity, p. 29, 1971

Ano ang Sampung Utos? Ano nga ba ang kanilang itinuturo?

Si Moises ang nagsulat ng unang limang libro sa Bibliya na naglalarawan sa kapanganakan ng bayan ng mga Israelita maraming taon na ang nakararaan. Ang misyon ni Moises ay i-deliver ang bansang ito upang maging ilaw sa kaniyang mga karatig na bansa. Sinimulan ito ni Moises nang kaniyang pinamunuan ang mga Israelita (o ang mga Hudyo) upang kumawala sa pagiging alipin sa Ehipto. Ang rescue mission na ito ay kilala bilang ang Paskuwa–kung saan pinalaya ng Diyos ang mga Israelita sa paraan na itinuturo nito ang kalayaan ng sangkatauhan sa hinaharap. Ngunit ang misyon ni Moises ay hindi nasasara sa pamumuno sa mga Israelita upang kumawala sa pang-aalipin ng mga tiga Ehipto. Misyon din ni Moises na pamunuan at gabayan ang mga Israelita patungo sa bagong paraan ng pamumuhay. Kung kaya’t limampung araw matapos ang Paskuwa ng sumagip sa mga Israelita, pinamunuan sila ni Moises patungo sa Bundok Sinai (o Bundok Horeb) kung saan tinanggap nila ang mga Utos.

Ano nga ba ang mga utos na tinanggap ni Moises? Bagaman ang kumpletong mga Utos ay medyo mahaba, nang una ay nakatanggap si Moises ng lista ng mga moral na utos na isinulat mismo ng Diyos sa isang tablet na gawa sa bato, at ito ay kilala bilang ang Sampung Utos (o Decalogue). Ang Sampung ito ay ang bumuo ng buod ng mga Utos–ang moral na prerequisites bago ang iba–at ito na nga ang active na kapangyarihan ng Diyos upang manghikayat na mag-repent.

Ang Sampung Utos

Naririto ang Sampung Utos na isinulat ng Diyos sa bato at siyang naitala ni Moises sa Bibliya sa ilalim ng libro ng Exodo:

“Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, ‘Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin; ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Huwag kang papatay. Huwag kang mangangalunya. Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa.’ Nang masaksihan ng buong bayan ang mga kulog at kidlat, ang tunog ng trumpeta at ang bundok na umuusok, ay natakot sila at nanginig, at sila’y tumayo sa malayo.” (Exodo 20:1-18)

Ang Pamantayan ng Sampung Utos

Sa panahon ngayon, madalas nating makalimutan na ang mga ito ay siyang mga utos. Hindi sila mga suggestions. Hindi rin sila rekomendasyon. Ngunit sa anong hangganan nga ba natin ito dapat sundin? Ang mga sumusunod ay siyang dumating bago ang pagbibigay ng Sampung Utos.

“Si Moises ay umakyat tungo sa Diyos, at tinawag siya ng Panginoon mula sa bundok, na sinasabi, ‘Ganito ang sasabihin mo sa sambahayan ni Jacob, at sasabihin mo sa mga anak ni Israel: Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig at tutuparin ang aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari na higit sa lahat ng bayan; sapagkat ang buong daigdig ay akin.’” (Exodo 19:3,5)

Ito ay ibinigay pagkatapos ng Sampung Utos.

“Kanyang kinuha ang aklat ng tipan, binasa sa pandinig ng bayan, at kanilang sinabi, ‘Lahat ng sinabi ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magiging masunurin.” (Exodo 24:7)

Atin itong lubos na pag-isipan. Minsan sa aking mga exams sa paaralan, nagbibigay ang aming guro ng multiple questions (para sa 20 na halimbawa) ngunit ire-require niya lamang na sagutan ang iilang mga tanong. Halimbawa, pwede tayong mamili ng 15 na taong sa loob ng 20 upang sagutan. Halos ang lahat ng mga estudyante ay pipiliin ang 15 na pinakamadaling mga tanong upang kaniyang sagutan. Sa ganitong paraan ay para bang dinalian ng guro ang exam.

Maraming tao ang nagtatrato sa Sampung Utos sa parehong paraan. Iniisip nila na ang Diyos, matapos ibigay ang Sampung Utos, ay nagsasabing, “Atimin niyong gawin ang pinakamadaling anim mula sa sampung ito.” Ganito tayo mag-isip dahil instinctively nating ini-imagine ang Diyos na binabalanse ang ating mga ‘magagandang gawain’ laban sa ating mga ‘masasamang gawain’. Kapag ang ating magagandang merits ay mas mabigat o nagkakansela sa ating mga masasamang pag-uugali, tayo ay umaasa na ito ay sapat na upang anihin ang pabor ng Diyos o upang makakuha ng pass papunta sa langit. Dahil sa parehong rason, marami sa atin ang nagtatangkang umani ng mga relihiyosong merit sa pamamagitan ng paggawa ng mga relihiyosong activities kagaya na lamang ng pagpunta sa simbahan, moske o templo, pagdarasal, pagfa-fasting, at pagbibigay ng pera sa mga mahihirap. Tayo ay umaasa na sana, ang mga kilos na ito ay maibabalanse ang mga panahon na hindi natin sinunod ang isa sa mga Sampung Utos.

Gayunpaman, ang matapat na pagbabasa natin sa Sampung Utos ay nagpapakita na hindi ito ibinigay para hindi sundin. Ang mga tao ay dapat sumunod at panatilihin ang LAHAT ng utos–sa kahit anong panahon pa man. Ang lubos na kahirapan ng pagsunod dito ay umani ng maraming rebel laban sa Sampung Utos. Ang tanyag na ateista na si Christopher Hitchens ay inatake ang Sampung Utos sa dahilang ito:

“…at dumating ang apat na tanyag na ‘hindi dapat’ na siyang sumusuway sa pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, at sa maling saksi. Sa wakas, mayroon nang pagbabawal sa kasakiman, ang pagbabawal sa pagnanais sa ‘iyong kapwa’…ari-arian. Sa halip ng pagko-condemn sa mga maling gawain, mayroong kakaibang sinasabi sa pagko-condemn sa maruming pag-iisip. Nagde-demand ito ng imposible. Maari nating pigilan ang isang tao sa paggawa ng masama, ngunit para pigilan ang isang tao mula sa pag-iisip ay siyang sobra na. Kung gusto talaga ng Diyos na maging malinis ang mga tao mula sa masasamang pag-iisip, dapat siya ay naging mas maingat sa pag-iimbento ng ibang nilalang.” (Christopher Hitchens, 2007, God is not great: How religion spoils everything, p.99-100)

Bakit nga ba binigay ng Diyos ang Sampung Utos?

Ngunit kung ating iniisip na tumatanggap ang Diyos ng 50% na effort, o na ang Diyos ay nagkakamali sa pagde-demand ng imposible ay hindi natin lubos na naiintindihan ang dahilan at layunin ng Sampung Utos. Ibinigay ang Sampung Utos upang tulungan tayong kilalalin ang ating mga problema.

Tayo’y mag-illustrate sa pamamagitang ng halimbawa. Sabihin nating ikaw ay bumagsak ng malakas sa sahig at ang iyong braso ay lubhang sumakit–masakit man ito ngunit hindi ka pa sigurado kung ano nga ba ang naging internal na pinsala. Nabali nga ba ang buto mo sa braso o hindi? Hindi ka sigurado kung ito nga ba ay gagaling o kakailanganin mo ng cast sa iyong braso. Kung kaya’t ikaw ay sumailalim sa x-ray at ang imahe ng x-ray ng iyong braso ay naglalahad na kailangan mo nga ng cast dahil ang buto mo sa braso ay nabali. Pinagaling ba ng x-ray ang iyong braso? Mas naging maayos ba ang braso mo dahil sa x-ray? Hindi. Ang buto mo sa braso ay bali pa rin, ngunit ngayon alam mong ito nga ay siyang bali, at kailangan mo itong lagyan ng cast upang ito ay tuluyang gumaling. Hindi naresolba ang problema sa pamamagitan ng x-ray, sa halip ay nailahad nito ang problem para ikaw ay sumailalim sa tamang mga treatment.

Ang Utos ay naglalahad sa mga Kasalanan

Sa parehong paraan na ang Sampung Utos ay ibinigay ay upang ang problema sa ating kalooban ay mailahad–ang ating mga kasalanan. Ang salitang kasalanan o ‘sin’ ay literal na nangangahulugang ‘ang nawawala’ sa target na inaasahan ng Diyos mula sa atin sa pamamagitan ng ating pagtrato sa ibang tao, sa ating sarili, at sa Diyos. Sinasabi sa Bibliya na:

“Ang Panginoon ay nakadungaw mula sa langit sa mga anak ng mga tao, upang tingnan kung may sinumang kumikilos na may talino, na hinahanap ang Diyos. Silang lahat ay naligaw, sila ay pare-parehong naging masasama; walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” (Mga Awit 14:2-3)

Lahat tayo ay mayroong panloob na problema ng pagka-corrupt nang dahil sa kasalanan. Ito ay seryoso dahil ang Diyos mismo ay nagsasabi na ang ating ‘magagandang gawain’ (na ating inaasahan na magkakansela sa ating mga kasalanan) ay:

“Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan. Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon, at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.” (Isaias 64:6)

Ang ating mga relihiyosong merit sa mga relihiyosong paggawa o sa pagtulong sa ating kapwa ay siya lamang ‘maruruming kasuotan’ laban sa ating mga kasalanan.

Ngunit sa halip na kilalanin ang ating mga problema, lagi na lamang nating kinukumpara ang ating sarili sa ibang mga tao (ating sinusukat ang ating sarili laban sa maling mga standard), lagi tayong nagsusumikap na makakuha ng mas maraming relihiyosong merit, o sumuko na lamang at mamuhay ng para sa sarap. Samakatuwid, pinasimulan ng Diyos ang Sampung Utos upang:

“Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay ‘walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,’ sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” (Roma 3:20)

Kung ating sisiyasatin ang ating buhay sa pamamagitan ng standard ng Sampung Utos, magmimistulan itong x-ray na nagpapakita ng ating internal na problema. Hindi ‘maaayos’ ng Sampung Utos ang ating mga problema, sa halip ay maliwanag nitong ibinubunyag ang problema natin para tayo ay tumanggap ng remedyo na siyang ibinibigay ng Diyos. Sa halip na magpatuloy sa self-deception, ang mga Utos ay nagpapakita sa atin ng ating mga sarili sa pinaka-accurate na paraan.

Ang regalo ng Diyos ay ibinigay sa pamamagitan ng repentance

Ang remedyo na ibinibigay ng Diyos ay ang regalo ng kapatawaran mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ang regalo ng buhay ay siya lamang ibinibigay sa atin kung tayo ay mayroong tiwala o pananampalataya sa Kaniyang mga gawa.

“…at nalalaman natin na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at tayo ay sumasampalataya kay Cristo Jesus, upang ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinumang laman.” (Galacia 2:16)

Kagaya na lamang ng pagkaka-justified ni Abraham sa harap ng Diyos, tayo rin ay maaaring mabigyan ng katuwiran. Ang repentance ay palagi na lamang hindi naiintidihan ng karamihan, ngunit ang mag-repent ay simpleng nangangahulugan na ‘baguhin ang ating pag-iisip’. Pumapaloob dito ay paglayo mula sa kasalanan at pagpunta patungo sa Diyos at sa regalong Kaniyang inaalok. Ito ay ipinapaliwanag sa Bibliya:

“Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” (Mga Gawa 3:19)

Ang pangako para sa akin at para sa iyo ay kung tayo ang magre-repent at lalapit sa Diyos, ang ating mga kasalanan ay hindi na bibilangin laban sa atin at tayo ay siyang pagkalolooban ng buhay.

Ang Sampung Utos sa Kalendaryo

Kasama ng unang Paskuwa at ng pagsubok ni Abraham na siyang nag-stamp ng pirma ng Diyos sa planong ito upang tayo ay maging assured na ito nga ay Kaniya. Ang espisipikong araw kung kailan ang Sampung Utos ay ibinigay kay Moises ay siya ring nagtuturo sa pagdating ng Espiritu ng Diyos. Ang Pista ng mga Linggo ng mga Hudyo, o ang Shavuot, ay nakatugma rin sa pagbibigay ng Sampung Utos, na siya ring tumutugma sa eksaktong araw ng Pentekost sa Mga Gawa 2 na siyang dumating ang Espiritu Santo.

Ang pagbibigay ng Sampung Utos na ipinapakita ang relasyon nito sa Pista ng mga Linggo at sa pagdating ng Espiritu Santo noong Pentekost. Ang Pista ng mga Linggo, ang Sampung Utos, at ang Pagdating ng Espiritu Santo ay siyang nasa iisang araw sa kalendaryo
Ang pagbibigay ng Sampung Utos na ipinapakita ang relasyon nito sa Pista ng mga Linggo at sa pagdating ng Espiritu Santo noong Pentekost. Ang Pista ng mga Linggo, ang Sampung Utos, at ang Pagdating ng Espiritu Santo ay siyang nasa iisang araw sa kalendaryo

Ipinapakita na ang araw kung kailan ang Espiritu ay dumating upang manirahan sa mga taong repentant ay dumadapo sa parehong araw na ginugunita ang pagbibigay ng Sampung Utos ay ang sagot ng Diyos sa reklamo ni Christopher Hitchens. Ang Diyos ay ‘maingat na nag-iimbento ng ibang nilalang’–isang nilalang na siyang pinaninirahan ng Kaniyang Espiritu, upang tayo ay magkaroon ng abilidad na mamuhay ng iba. Ang katiyakan sa timing ay, siya na namang Kaniyang pirma na nakasulat sa canvas ng oras upang tayo ay magiging assured na parehong ang Utos at ang Espiritu ay siya ngang galing sa Diyos.

Saan nga ba galing ang ‘Kristo’ mula sa Hesukristo?

Minsan, nagtatanong-tanong ako sa iba’t ibang tao kung ano nga ba ang apelyido ni Hesus. Kadalasan ang kanilang mga sagot ay, “Siguro ang apelyido niya ay ‘Kristo’ pero hindi ako sigurado.” Kasunod kong tinatanong ay, “Kung gayon, noong bata ba si Hesus ay dinadala siya nina Jose Kristo at Maria Kristo sa palengke?” Sa pagkakarinig sa ganoong paraan, nare-realize nila na hindi pala ‘Kristo’ ang apelyido ni Hesus. Kung gayon, ano nga ba ang ‘Kristo’? Saan nga ba ito nagmula? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.

Translation vs. Transliteration

Una, kailangan nating malaman ang ilan sa mga basics ng translation. Minsan ang mga translators ay pinipiling i-translate ang ilang mga salita batay sa kanilang parehong tunog kaysa sa kahulugan, lalo na sa mga pangalan at titulo. Ito ay kilala bilang transliteration. Sa Bibliya, ang mga translators ay kinailangang magdesisyon kung ang mga salita rito (lalo na ang mga pangalan at titulo) ay mas magiging mainam sa translated na wika sa pamamagitan ng translation (sa kahulugan) o sa pamamagitan ng transliteration (sa tunog). Sa totoo lang, wala naman talagang tiyak na patakaran.

Ang Septuagint

Ang Bibliya ay unang nai-translate noong 250 B.C. noong ang Hebreong Lumang Tipan ay nai-translate sa Griyego. Ang translation na ito ay ang Septuagint (o LXX) at ito ay ginagamit pa rin hanggang ngayon. Dahil ang Bagong Tipan ay isinulat 300 na taon na ang lumipas sa Griyego, ang mga manunulat nito ay siya nang pinagbasehan ang Griyegong Septuagint at hindi ang Hebreong Lumang Tipan.

Translation at Transliteration sa Septuagint

Ipinapakita ng larawan sa baba kung paano ito nakaaapekto sa modernong araw na mga Bibliya.

Ipinapakita rito ang daloy ng translation mula sa orihinal patungo sa modernong araw na Bibliya
Ipinapakita rito ang daloy ng translation mula sa orihinal patungo sa modernong araw na Bibliya

Ang Lumang Tipan ay isinulat sa Hebreo–quadrant 1. Ang mga arrow mula sa #1 patungo sa #2 ay nagpapakita ng translation nito patungo sa Griyego sa quadrant #2 noong 250 B.C. Ang Lumang Tipan ngayon ay nakasalin na sa dalawang wika: Hebreo at Griyego. Ang Bagong Tipan ay isinulat sa Griyego kung kaya’t ito ay nagsimula sa quadrant #2. Parehong ang Luma at Bagong tipan ay mayroong salin sa Griyego dahil ito ang unibersal na wika noon–halos 2,000 na taon na ang nakararaan.

Ang nasa ilalim naman (#3) ay isang modernong wika na kagaya na lamang ng Ingles. Kadalasan na ang Lumang Tipan ay naita-translate mula sa orihinal na Hebreo (mula sa #1 patungo sa #3) at ang Bagong Tipan naman ay mula sa Griyego (mula sa #2 patungo sa #3).

Ang Pinagmulan ng ‘Kristo’

Ngayon ay sinusundan natin ang parehong pagkakasunud-sunod, nungit ating pagtuonan ng pansin ang salitang ‘Kristo’ na lumitaw sa mga Ingles na Bagong Tipan.

Saan nga ba nagmula ang Kristo sa Bibliya?
Saan nga ba nagmula ang Kristo sa Bibliya?

Ang orihinal na salita na ginamit sa Hebreong Lumang Tipan ay ‘mashiyach’ na inilalarawan sa Hebreong dictionary bilang ‘anointed o consecrated’ na tao. Ang mga hari sa Hebreo ay matatawag na anointed dahil pinapahiran sila ng langis sa seremonya bago sila maging hari, kung kaya’t sila ay tinatawag na mga anointed o mashiyach. May propesiya rin sa Lumang Tipan na pumapatungkol sa specific na mashiyac. Para naman sa Septuagint, ang mga translators ay pumili ng salita sa Griyego na may parehong kahulugan: Χριστός (na katunog ng Christos), ito ay nagmula sa salita chrio, na nangangahulugang magpahid ng langis sa seremonyas. Kung gayon, ang Christos ay nai-translate ng mula sa kahulugan (at hindi transliterated mula sa tunog) mula sa orihinal na Hebreo na ‘mashiyach’ sa Griyegong Septuagint. Ang mga manunulat sa Bagong Tipan ay patuloy na gumamit ng salitang Christos sa kanilang mga kasulatan upang makilala si Hesus bilang ang mashiyach.

Sa Ingles na Bibliya, ang Hebreong Lumang Tipan na Mashiyach ay kadalasang naita-translate bilang ‘ang anointed’ at minsan ay nagiging transliterated bilang ‘Mesiyas’. Ang Christos naman sa Bagong Tipan ay transliterated bilang ‘Kristo’. Ang salitang ‘Kristo’ ay isang napaka-specific na titulo mula sa Lumang Tipan, nagmula ito sa translation mula sa Hebreo patungo sa Griyego, at naging transliteration mula sa Griyego patungo sa Ingles.

Dahil hindi naman natin kaagad nakikita ang salitang ‘Kristo’ sa Lumang Tipan ngayon, ang koneksyon nito sa Lumang Tipan ay mas mahirap makita. Ngunit mula sa pagsusuring ito, malalaman natin na ang Biblical na ‘Kristo’ = ‘Mesiyas’ = ‘Ang Anointed’ at na ito ay isang specific na titulo.

Ang Kristo na Hinintay sa ika-Unang Siglo

Nasa ilalim ang reaksiyon ni Haring Herodes noong ang mga Wise Men na nagmula sa Silangan ay dumating at hinanap ang ‘Hari ng mga Hudyo’, ito ay parte ng kilalang istorya sa Pasko. Pansinin nating ang ‘ang’ na nauna sa Kristo, kahit na hindi ito specific na pumapatungkol kay Hesus.

Nang marinig ito ni Haring Herodes, siya ay nagambala, pati na rin ang buong Jerusalem. Noong ipinatawag niya ang lahat ng mga punong saserdote at mga guro ng batas, siya niyang tinanong kung kailan ang Kristo ay siyang ipapanganak.

“Nang marinig ito ni Haring Herodes, siya ay nabahala, pati ang buong Jerusalem. Nang matipon niyang lahat ang mga punong pari at mga eskriba ng bayan, nagtanong siya sa mga ito kung saan isisilang ang Cristo.” (Mateo 2:3-4)

Ang ideya ng ‘ang Kristo’ ay karaniwang kaalaman sa pagitan ni Herodes at ng kaniyang tagapayo sa relihiyon–kahit noong hindi pa ipinapanganak si Hesus–at ito ay ginagamit dito kahit hindi ito specific na pumapatungkol kay Hesus. Ito ay dahil ang ‘Kristo’ ay nagmula sa Griyegong Lumang Tipan na siyang pangkaraniwang binabasa ng mga Hudyo noong ika-unang siglo. Ang ‘Kristo’ ay siyang isang titulo, hindi pangalan. Ito ay ginagamit na daang taon bago pa man magsimula ang Kristiyanismo.

Ang Lumang Tipan ay Nagpropesiya Tungkol sa ‘Ang Kristo’

Sa katunayan, ang ‘Kristo’ ay isang prophetic na titulo na nakasaad sa Mga Awit na isinulat ni David noong 1,000 B.C.–matagal na panahon bago pa ang kapanganakan ni Hesus.

“Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili, at ang mga pinuno ay nagsisangguni, laban sa Panginoon at sa kanyang binuhusan ng langis, na nagsasabi, ‘Ang kanilang panggapos ay ating lagutin, at itapon ang kanilang mga panali mula sa atin.’ Siya na nakaupo sa kalangitan ay tumatawa; at ang Panginoon ay kumukutya sa kanila. Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kanyang poot, at tatakutin sila sa kanyang matinding galit, na nagsasabi, ‘Gayunma’y inilagay ko ang aking hari sa Zion, sa aking banal na burol.’ Aking sasabihin ang tungkol sa utos ng Panginoon: Sinabi niya sa akin, ‘Ikaw ay aking anak”… (Mga Awit 2:2-7)

Sa Mga Awit 2 sa Septuagint ay mababasa ito sa sumusunod na paraan (inalagay ko ang transliterated na Christos upang inyong ‘makita’ ang Kristo na titulo kung paano rin ito makikita ng mambabasa ng Septuagint).

“Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili, at ang mga pinuno ay nagsisangguni, laban sa Panginoon at sa kanyang Kristo, na nagsasabi”. (Mga Awit 2)

Atin nang ‘makikita’ ang Kristo sa siping ito kagaya na lamang kung paano ito makikita ng mambabasa mula sa ika-unang siglo. Ngunit Ang Awit ay nagpatuloy pang magbigay ng mga pagtukoy sa paparating na Kristo. Aking inilagay ang standard na sipi na katabi ang sipi na transliterated na may ‘Kristo’ para makita natin ito ng maigi.

Mga Awit 132: Mula sa HebreoMga Awit 132: Mula sa Septuagint
Alang-alang kay David na iyong lingkod, mukha ng iyong binuhusan ng langis ay huwag mong italikod. Ang Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan na hindi niya tatalikuran: ‘Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Doo’y magpapasibol ako ng sungay para kay David, aking ipaghahanda ng ilawan ang aking binuhusan ng lagis.”Alang-alang kay David na iyong lingkod, mukha ng iyong Kristo ay huwag mong italikod. Ang Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan na hindi niya tatalikuran: ‘Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Doo’y magpapasibol ako ng sungay para kay David, aking ipaghahanda ng ilawan ang aking Kristo.”

Makikita natin sa Mga Awit 132 na ito ay nagsasalita sa panghinaharap (“…magpapasibol ako ng sungay para kay David…”) katulad na lamang ng napakarami pang mga sipi sa loob ng Lumang Tipan. Hindi naman ito dahil ang Bagong Tipan ay siya na lamang kumukuha ng iba’t iba mga ideya mula sa Lumang Tipan para ‘gawin’ itong angkop kay Hesus. Ang mga Hudyo ay siya lang laging naghihintay para sa kanilang Mesiyas (o Kristo). Ang katotohanan na sila ay naghihintay at naghahanap para sa pagdating ng Mesiyas ay siyang may kagagawan kung bakit ang propesiyang ito sa Lumang Tipan ay gumagamit ng panghinaharap.

Ang Propesiya sa Lumang Tipan: Tinutukoy na Kagaya ng Lock-Key na Sistema

Ang dahilan kung bakit ang Lumang Tipan ay siyang partikular na nagpe-predict sa hinaharap ay siyang gumagawa sa Bibliya na hindi pangkaraniwang uri literatura. Ito ay kagaya na lamang ng lock ng isang pinto. Ang mga lock ay may tiyak na hugis upang ang isang specific na ‘susi’ na bumabagay sa lock ang siya lamang makakapag-unlock dito. Kagaya na rin ito kung paanong ang Lumang Tipan ay isang lock. Nakita natin ang ilang halimbawa sa mga posts sa Ang Sakripisyo ni Abraham, Ang Simula ni Adan, at ang Paskuwa ni Moises. Idinaragdag din ng Mga Awit 132 ang requirement na sinasabing ‘ang Kristo’ ay kinakailangang manggaling sa linya ni David. Ito ang isang tanong na karapat dapat nating itanong: Si Hesus ba ang bagay na ‘susi’ na nag-a-unlock sa mga propesiya?

Ano ang Kasaysayan ng mga Hudyo?

Ang mga Hudyo ay ang isa sa mga pinakamatatandang mga tao sa mundo. Ang kanilang kasaysayan ay nakatala sa Bibliya sa pamamagitan ng mga mananalaysay sa labas ng Bibliya, at magpahanggang sa arkeolohiya. Mayroong pinakamaraming facts na pumapatungkol sa kasaysayan ng mga Hudyo kaysa sa kasaysayan ng ibang mga tao. Gagamitin natin ngayon ang mga impormasyong ito para ibuod ang kanilang kasaysayan. Para mas madaling sundan ang kasaysayan ng mga Israelita (ang terminong ginagamit para sa mga Hudyo sa Lumang Tipan), tayo ay gagamit ng mga timelines.

Abraham: Ang Pagsisimula ng Family Tree ng mga Hudyo

Ang timeline na ito ay magsisimula kay Abraham. Pinagkalooban siya ng pangako para sundan siya ng mga bansa at nagkaroon siya ng ilang mga pagtatagpo kasama ang Diyos na nagtapos sa simbolikong pag-aalay ng kaniyang anak na si Isaac. Ang pag-aalay na ito ay isang sign na pumapatungkol kay Hesus sa pamamagitan ng pagmamarka ng lokasyon kung saan si Hesus ay siya ring isasakripisyo sa hinaharap. Nagpapatuloy ang timeline sa berde kung saan ang mga inapo ni Isaac ay naging mga alipin sa Ehipto. Ang panahong ito ay nagsimula nang si Jose, apo ni Issac, ay pinamunuan ang mga Israelita na magtungo sa Ehipto, kung saan kalaunan sila ay naging mga alipin.

Namumuhay sila sa Ehipto bilang mga alipin ng Paro
Namumuhay sila sa Ehipto bilang mga alipin ng Paro

Moises: Ang Mga Israelita ay Naging Isang Bansa sa Ilalim ng Diyos

Pinamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Salot ng Paskuwa na siyang sumira sa Ehipto at nagbigay ng dahilan para ang mga Israelita Exodo mula sa Ehipto ay tumawid papunta sa lupain ng Israel. Bago pumanaw si Moises ay ipinahayag niya muna ang mga Pagpapala at mga Sumpa para sa mga Israelita (ang timeline ay magiging berde mula sa dilaw). Ang mga Israelita ay magkakaroon ng Pagpapala kung susundin nila ang Diyos, ngunit makakaranas naman sila ng mga Sumpa kung sila ay hindi susunod. Ang mga Pagpapala’t Sumpang ito ay susunod pa rin sa mga Hudyo matapos ang napakaraming mga taon.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang ang mga Israelita ay tumira sa kanilang lupain ngunit wala pa rin silang Hari at hindi pa rin naitatatag ang kanilang kabiserang lungsod na Jerusalem–ibang mga tao ang nagmamay-ari nito noong panaho nila. Ngunit noong 1,000 B.C., lahat ito ay nagbago sa pamamagitan ni Haring David.

Pagtira kasama ang mga Haring Davidics na namamala mula sa Jerusalem
Pagtira kasama ang mga Haring Davidics na namamala mula sa Jerusalem

Nagtatag si David ng Royal Dynasty sa Jerusalem

Sinakop ni David ang Jerusalem at ginawa niya itong kabiserang lungsod ng Israel. Nakatanggap siya ng pangako na magkakaroon ng pagdating ng isang ‘Kristo’, at mula noon, ang mga Hudyo ay naghintay para sa ‘Kristo’ na dumating. Ang anak ni David na si Solomon ang sumunod na naging hari, at si Solomon ay siyang nagtayo ng Unang Templo ng mga Hudyo sa Jerusalem. Ang mga inapo ni Haring David ay nananatiling mga pinuno para sa 400 na taon at ang panahong ito ay makikita sa aqua-blue (1,000-600 B.C.). Ang panahong ito ay sinasabing ang panahon ng kaluwalhatian ng mga Israelita–pinangakuan sila ng mga pagpapala. Ang Israel ay isang napakalakas na bansa na may isang advanced na lipunan, kultura at ang kanilang Templo. Ngunit nakatala rin sa Lumang Tipan ang kanilang lumalagong korapsyon at pagsamba sa mga idolo sa panahong ito. Ilang mga propeta noong panahong ito ang nagbigay ng babala sa mga Israelita na ang mga Sumpa ni Moises ay magkakatotoo kapag sila ay hindi nagbago. Ngunit ang mga babalang ito ay kanilang ipinasawalang bahala.

Ang Unang Pagpapatapon ng mga Hudyo sa Babylon

Sa wakas, noong 600 B.C., ang mga Sumpa ni Moises ay siya ring nagkatotoo. Ang isang makapangyarihang Hari mula sa Babylonia na si Nebuchadnezzar ay dumating–kagaya na lamang ng hula ni Moises 900 na taon na ang nakalipas noong isinulat niya ang mga Sumpa:

“Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng paglipad ng agila; isang bansang ang wika’y hindi mo nauunawaan; bansang may mabangis na mukha na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni mahahabag sa bata. Kanyang kakainin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa ikaw ay mawasak. Wala ring ititira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay mapuksa niya. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong bayan, hanggang sa ang mataas at may pader na kuta na iyong pinagtitiwalaan ay bumagsak sa iyong buong lupain. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga bayan sa buong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 28:49-52)

Nilupig ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem. Hindi lang niya ito nilupig, sinunog din niya ito at kaniyang winasak ang Templo ni siyang itinayo ni Solomon. Siya rin niyang ipinatapon ang mga Israelita sa Babylonia. Tanging ang mga mahihirap na Israelita ang naiwan sa Israel. Tumutupad ito sa mga hula ni Moises na:

“Kung paanong ang Panginoon ay natutuwa na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na kayo’y lipulin at puksain. Kayo’y palalayasin sa lupain na inyong pinapasok upang angkinin. Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo’y maglilingkod kayo sa ibang mga diyos na yari sa kahoy at bato na hindi ninyo kilala, ni ng inyong mga ninuno.” (Deuteronomio 28:63-64)


Sinakop at ipinatapon sa Babylonia
Sinakop at ipinatapon sa Babylonia

Sa loob ng 70 na taon, sa panahon na ipinapakita na nakapula, ang mga Israelita ay tumira bilang mga exiles sa lupang pinangako kay Abraham at sa kaniyang mga inapo.

Pagbabalik Mula sa Pagpapatapon sa Ilalim ng mga Persyano

Matapos ang lahat ng ito, sinakop ng Persyanong Emperado na si Cyrus ang Babylonia at dahil dito, si Cyrus ang naging pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Pinayagan niyang bumalik sa Israel ang mga Israelita.

Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Persya
Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Persya

Gayunpaman, hindi na isang malayang bansa ang Israel dahil sila na ay naturang isang probinsya sa ilalim ng Imperyo ng Persya. Nagpatuloy ito ng 200 pang taon at makikita ito naka-pink sa timeline. Sa panahong ito, ang Templo ng mga Hudyo (na kilala bilang ikalawang templo) at ang siyudad ng Jerusalem ay kanilang itinayong muli.

Ang Panahon ng mga Griyego

Nang sakupin ni Alexander the Great ang Imperyo ng Persya, ginawa niyang probinsa ang Israel sa ilalim ng Imperyo ng Griyego para sa susunod pang 200 na taon. Makikita ito na naka-dark blue sa timeline.

Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Griyego
Pagtira sa Israel bilang parte ng Imperyo ng Griyego

Ang Panahon ng mga Romano

Tinalo ng mga Romano ang Imperyo ng Griyego at sila ang naging dominanteng puwersa sa mundo. Ang Israel ay muling naging probinsya sa Imperyong ito kagaya ng ipinapakita na naka-light yellow sa timeline. Ito ang panahon kung saan si Hesus ay nabuhay. Maipapaliwanag dito kung bakit may mga sundalong Romano sa ebanghelyo–dahil pinamunuan ng mga Romano ang mga Hudyo sa Lupain ng Israel sa panahon ni Hesus.

Pagtira sa Israel bilang parte ni Imperyo ng Romano
Pagtira sa Israel bilang parte ni Imperyo ng Romano

Ang Pangalawang Pagpapatapon ng mga Hudyo sa Ilalim ng mga Romano

Mula sa panahon ng mga-tiga Babylonia (600 B.C.), ang mga Israelita (o mga hudyo) ay hindi na naging malaya kagaya ng kanilang pamumuhay sa ilalim ni Haring David. Sila ay pinagharian ng iba’t ibang mga Imperyo. Lalong nagalit ang mga Hudyo dahil dito at sila ay naghimagsik labas sa pamumuno ng mga Romano. Nang dumating ang mga Romano, sinira nila ang Jerusalem (70 A.D.), sinunog nila ang ikalawang Templo, at ipinatapon nila ang mga Hudyo sa kabuuan ng Imperyo ng Romano upang sila ay maging mga alipin. Ito ang ikalawang pagpapatapon ng mga Hudyo. Dahil sadyang napakalaki ng Roma, ang mga Hudyo ay nagkalat sa buong mundo.

Sinira ng mga Romano ang Jerusalem at ang Templo noong 70 A.D., at ang mga Hudyo ay ipinatapon sa iba’t ibang parte ng mundo
Sinira ng mga Romano ang Jerusalem at ang Templo noong 70 A.D., at ang mga Hudyo ay ipinatapon sa iba’t ibang parte ng mundo

Ganito namuhay ang mga Hudyo sa loob ng 2,000 na taon: kalat sa iba’t ibang mga bansa at hindi kailanman tinanggap sa mga bansang ito. Sa iba’t ibang mga bansang ito, sila ay nakaranas ng persekusyon. Ang mga persekusyong ito ay parkular na totoo sa Kristyanong Europa. Mula sa Espanya, sa Kanlurang Europa, hanggang sa Russia ay sadyang mapanganib na namuhay ang mga Hudyo sa mga Krisryanong Kaharian na ito. Ang mga Sumpa ni Moises noong 1,500 B.C. ay isang eksaktong paglalarawan kung paano sila namuhay.

“Sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa, kundi bibigyan ka doon ng Panginoon ng isang nanginginig na puso, lumalabong paningin, at nanghihinang kaluluwa.” (Deuteronomio 28:65)

Ang mga Sumpa laban sa mga Israelita ay ibinigay para ang mga tao magtanong:

“Kaya’t lahat ng mga bansa ay magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? Ano ang dahilan ng pagpapakita ng ganitong matinding galit?” (Deuteronomio 29:24)

At ang sagot ay:

“Sila’y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain dahil sa galit, sa poot, at sa malaking pagngingitngit, at sila’y itinaboy sa ibang lupain, gaya sa araw na ito.” (Deuteronomio 29:28)

Ipinapakita ang kabuuan ng 1,900 na panahon sa timeline sa ibaba. Ang panahong ito ay ipinapakita sa mahabang pulang bar.

Ang Makasaysayang Timeline ng mga Hudyo--itinatampok dito ang dalawang panahon ng pagpapatapon sa kanila
Ang Makasaysayang Timeline ng mga Hudyo–itinatampok dito ang dalawang panahon ng pagpapatapon sa kanila

Makikita natin sa kasaysayan ng mga Hudyo na sila ay sumailalim sa dalawang panahon ng pagpapatapon, ngunit ang ikalawang pagpapatapon ay mas matagal kaysa sa una.

Ang Ika-20 na Siglo ng Holocaust

Ang persekusyon laban sa mga Hudyo ay dumating sa kaniyang rurok nang si Hitler, sa pamamagitan ng Alemanyang Nazi, ay sinubukang puksain ang lahat ng mga Hudyo na nakatira sa Europa. Muntik na siyang magtagumpay, ngunit siya ay natalo at mayroong ilang Hudyo na nakaligtas.

Ang Modernong Re-birth ng Israel

Ang katunayan na mayroong mga tao na kinikilala ang kanilang mga sarili bilang mga ‘Hudyo’ matapos ang ilang daang taon na sila ay walang sariling bansa ay sadyang pambihira. Ngunit pinayagan nito ang huling mga salita ni Moises, na isinulat 3,500 na taon na ang nakakaraan, na magkatotoo. Noong 1948, sa pamamagitan ng United Nations, nakita ng mga Hudyo ang kahanga-hangang re-birth ng modernong estado ng Israel, kagaya na lamang ng isinulat ni Moises ilang siglo na ang nakakaraan:

“Babawiin ng Panginoon mong Diyos ang iyong pagkabihag at mahahabag sa iyo. Ibabalik at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Kung ang pagkakabihag sa iyo ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng langit, mula roo’y titipunin at kukunin ka ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 30:3-4)

Ito rin ay naging kahanga-hanga dahil ang estadong ito ay itinayo sa kabilang ng napakalaking oposisyon. Karamihan sa mga bansang pumapaligid sa Israel ay naglungsad ng war laban sa Israel noong 1948, 1956, 1967 at muli, noong 1973. Ang Israel, na isang napakaliit na bansa, ay kadalasang nasa ilalim ng war laban sa limang iba’t ibang mga bansa sa pare-parehong oras. Gayunpaman, hindi lamang nakaligtas ang Israel–ang mga teritoryo rin nito ay mas lumawak. Matapos ang war noong 1967, nakuhang muli ng mga Hudyo ang Jerusalem, ang kanilang makasaysayang kabiserang lungsod na itinatag ni David 3,000 na taon na ang nakakaraan. Ito ang resulta ng pakakabuo ng estado ng Israel, at ang konsikwensya na hatid ng mga war na ito ay ang bumuo sa pinakamahirap na problemang pampulitika na kinakaharap ng ating mundo sa kasalukuyan.

Simple at Makapangyarihan: Ano ang kahulugan ng pagpapa-kasakit ni Hesus?

Dumating si Hesus upang ipagka-loob Niya ang sarili upang matakasan ng lahat ng tao ang kasalanan at muling magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ang plano ng kaligtasan ay napaihayag sa pasimula pa lamang ng kasayasayan ng sangkatauhan. Ito ay ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng handog ni Abraham na tumutukoy sa Bundok ng Moriah kung saan si Hesus ay ipagkaka-loob bilang isang haing-handog. Ang haing-handog sa pagdiriwang ng Paskua ay tanda na tumutukoy sa araw at taon kung kailan ipagkaka-loob si Hesus bilang haing-handog.

Bakit ang sakripisyo ni Hesus ay mahalaga? Ito ay makabuluhang tanong. Ang Bibliya ay nagpapahayag ng Kautusan ng bangitin nito:

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan …(Roma 6:23)

“Kamatayan” ang literal na kahulugan ay “pagkahiwalay.” Kapag ang ating kaluluwa ay humiwalay mula sa ating katawan tayo ay mamamatay sa ating pisikal na katawaan.  Kahalintulad nito ay ating pagkahiwalay mula sa Diyos ay nagbunga ng ating kamatayan sa espirituwal. Ito ay naganap dahil ang Diyos ay Banal (walang bahid ng kasalanan) habang tayo ay naging makasalanan mula sa ating orihinal na kalagayan nang tayo ay unang likhain.

Ito ay maisalalarawan sa pamamagitan ng pag-gamit ng dalawang talampas kung saan ang Diyos ay nasa kabilang bahagi at tayo ay nasa kabilang tapat na pinaghihi-walay ng walang hanggang hukay. Tulad ng isang sanga na napahiwalay sa puno ay naging patay, gayun din naman tayo na napahiwalay mula sa Diyos at tayo ay nangamatay sa ating espirituwal na kalagayan.

Tayo ay napahiwalay mula sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan tulad ng malawak na bangin na naghihiwalay sa dalawang talampas.
Tayo ay napahiwalay mula sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan tulad ng malawak na bangin na naghihiwalay sa dalawang talampas.

Ang pagkahiwalay ay nagbubunga ng patuloy na pagkakasala at pagkatakot. Ano ang ating pangkaraniwang ginagawa upang makatawid tayo mula sa ating kinalalagyan tungo sa kabila bahagi ng bangin?  Marami tayong sinusubok na gawin tulad ng; pagtungo sa simbahan, templo o kaya ay sa Moske, pagiging relihiyoso, pagiging mabuting tao, pagtulong sa mahihirap o nangangailangan, pagmumuni-muni, pagdarasal, at marami pang iba. Ang mga nabanggit na mga mabubuting gawa para maging makabuluhan ay napakahirap at  para maisa-pamuhay ito ay napaka-mahirap.  Ito ay maipapaliwanag sa kasunod na larawan.

Ang Mabuting Pagsisikap- bagama’t mahalaga-hindi ito maaring maging tulay upang mapalapit sa Diyos mula sa pagiging hiwalay o malayo sa Kanya
Ang Mabuting Pagsisikap- bagama’t mahalaga-hindi ito maaring maging tulay upang mapalapit sa Diyos mula sa pagiging hiwalay o malayo sa Kanya

Ang balakid sa ating mga pagsisikap, sa mga mabuting gawa bagama’t ang mga ito ay hindi masama, lahat ng mga ito ay hindi sapat sapagkat ang kabayaran ng ating mga kasalanan ay “kamatayan”. Ang lahat ng ating pagsisikap ay tulad ng isang “tulay” na sinusubukang pag-abutin ang dalawang talampas na pinaghi-hiwalay ng isang malaking bangin na syang naghihiwalay sa atin mula sa Diyos, subalit hindi nito mapagtagpo ang dalawang dako. Dahil ang ating mga mabuting gawa ay hindi nito nilulutas ang pinaka-ugat ng ating suliranin. Tulad ng pagsisikap na pagalingin ang isang may kanser (nagbubunga ng kamatayan) sa pamamagitan ng pagkain lang ng mga gulay. Ang pagkain ng gulay ay hindi masama, ito nga ay mabuti-subalit hindi nito pinagagaling ang sakit na kanser. Sapagkat ang kanser ay nangangailangan ng ibang uri ng paggamot.

Ang Kautusan ay Masamang Balita-ito ay masama na kadalasan ay ayaw nating marinig kaya’t ating pinupunan ang ating buhay ng mga gawain at ng mga bagay sa pag-asang ang Kautusan ay maglalaho. Subalit ang Bibliya ay nagsasaad na ang Kautusan ng kasalanan at kamatayan ay nagdadala sa atin upang hanapin ang tunay na lunas nito na isang simple at makapangyarihan.

 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit… (Roma 6:23)

Ang payak na salitang “ngunit” ay nagsasaad na ang tinutungo ng mensahe ay ang pagbabago ng ating patutunguhan, tungo sa Mabuting Balita ng Ebanghelyo-na syang tanging lunas. Pinapakita nito ang kagandahang loob at pag-ibig ng Diyos.

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo-Jesus na ating Panginoon. (Roma 6:23)

Ang Mabuting Balita ng Ebanghelyo ay ang sakripisyo ng kamatayan ni Hesus na syang sapat na tulay na mag-aalis ng ating pagka-hiwalay mula sa Diyos. Alam natin ito sapagkat tatlong (3) araw pagkatapos mamatay, ay bumangon mula sa kamatayan ang Kanyang pisikal na katawan. Marami sa atin ay hindi nakaka-alam sa mga nagpapa-tunay ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang matibay na pagpapa-tunay nito ay maaaring makita at mapanuod tulad ng aking itinuro sa isang unibersidad (video link dito).  Ang sakripisyo ni Hesus ay sinisimbulo noon pa man ng maganap ang haing-handog ni Abraham at ng haing-handog ng Pagdiriwang ng Paskua. Ang mga gawaing yaon ay tumutukoy kay Hesus para ating makamtan ang tunay na lunas.

Si Hesus ay namuhay bilang isang tunay na tao na walang bahid ng kasalanan.  Kaya’t Sya lamang ang pwedeng maging tulay na mag-uugnay sa Diyos at tao, Siya ang Tulay ng Buhay na makikita natin sa larawan.

Si Hesus ang Tulay na magdudugtong sa dalawang malawak na pagitan na naghihiwalay sa Diyos at tao.
Si Hesus ang Tulay na magdudugtong sa dalawang malawak na pagitan na naghihiwalay sa Diyos at tao.

Ito ang sakripisyo ni Hesus na ipinagkaloob niya sa atin. Ito ay ipinagkaloob bilang isang “regalo” . Isipin mo ang regalo. Ang anumang regalo ay magiging tunay na regalo kung ito ay isang bagay na hindi mo pinaghirapan at hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapat-dapat.

Kung nakamit mo ang regalo dahil ikaw ay karapat-dapat, hindi na ito regalo – ito ay isang  bayad. Sa parehong paraan, ang sakripisyo ni Hesus ay hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapadapat. Bagkus, ito ay ipinagkaloob sa iyo bilang isang regalo. Ganun ito ka-simple.

At ano itong regalo? Ito ay “buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin na ang kasalanan ng nagdala sa atin ng kamatayan ay pinawawalang bisa na. Si Hesus bilang Tulay ng Buhay ay nagdulot ng ating muling pakiki-ugnayan sa Diyos at tanggapin ang buhay na walang hanggan. Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ganun ito maka-pangyarihan.

Paano tayo makaka-tawid sa “Tulay ng Buhay”? Muli, ating isipin yung regalo. Kapag mayroong isang tao na magbibigay sa iyo ng regalo, dapat mo itong “tanggapin.” Kapag ang isang regalo ay ipinagka-kaloob, tayo ay may dalawang kapasiyahan. Ang kapasiyahang hindi tatanggapin (“Salamat, subalit hindi ko matatanggap”) o kaya ang kapasiyahang tanggapin ito, (“Salamat, akin itong tinatanggap”).  Magkagayun, ang regaling ito ay dapat tanggapin. Hindi lamang sa aking isipan na ito ay aking nauunawaan.  Ipinakikita ng kasunod na larawan kung saan tayo ay dapat lumakad sa Tulay patungo sa Diyos upang tanggapin ang regaling kaloob sa atin.

Ang Sakripisyo ni Hesus ay isang regalo sa bawat isa sa atin na dapat nating tanggapin
Ang Sakripisyo ni Hesus ay isang regalo sa bawat isa sa atin na dapat nating tanggapin

Paano natin matatanggap ang regalo ito? Ang sabi ng Bibliya ay…

Kaya’t walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya’y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya. (Roma 10:12)

Ating pansinin na ang pangakong ito ay para sa “bawat isa.” Simula ng Siya ay nabuhay mula sa mga patay, si Hesus ay buhay magpa-hanggang ngayon at Siya ay Panginoon. Kaya’t kapag tumawag ka sa Kanya ikaw ay kanyang didinggin at ipagkaka-loob saiyo ang kanyang regalo. Tumawag ka sa Kanya at kausapin mo Siya. Maaring hindi mo pa nagagawa ito dati. Mayroong nakasulat na panalangin sa ibaba na magiging gabay mo. Hindi ito isang mahiwagang mga salita. ang bawat salita hindi nagbibigay ng kapangyarihan. Bagkus, tiwala lamang ang kailangan tulad ng pagtitiwala ni Abraham upang tanggapin natin ang regalo ng Diyos. Sa ating pagtitiwala at pananampalataya ay Kanyang didinggin ang ating panalangin. Ang Ebanghelyo ay makapangyarihan bagama’t simple. Hayaan mong sundan ang halimbawa ng panalangin.

Panginnong Hesus.  Aking inaamin na ako ay makasalanan na syang nagpahiwalay sa akin mula Diyos. Bagamat aking sinubukan ang lahat upang ako ay makalapit sa Iyo subalit ang mga ito ay hindi sapat. Aking nauunawaan na ang iyong kamatayan ay isang sakripisyo na naglinis sa aking mga kasalanan. Ako ay naniniwala na ikaw ay nabuhay mula sa mga patay pagkatapos mong ialay ang iyong sarili at ito ay sapat na sakripisyo. Ako po ay linisin nyo sa aking mga kasalanan at mailapit sa Diyos upang tanggapin ang buhay na walang hanggan. Ako pa ay palayain mo mula sa aking mga kasalanan sapagkat ayaw ko na pong maging alipin nito. Salamat po sa kaligtasan at simula ngayon ako po ay gabayan ninyo. Amen