Paano Nagbago Ang Aking Pananampalataya sa Paglipas ng mga Taon

ni Danica Tanjutco

Kung sasabihin mo sa akin dati na ganito ang aking magiging buhay, hinding-hindi kita paniniwalaan.

Palagi ko na lamang sinasabi na hindi ko naman talaga pinlano o ginustong maglakbay sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil, maging totoo naman tayo, ako ay isang small town girl na mula sa archipelago ng Pilipinas. Ngunit sa isang snap ng daliri, binago ng Diyos ang kurso ng aking buhay at binigyan Niya ng ibang kahulugan ang salitang ‘pagnanais’ sa aking puso. Habang ako rin ay lumalaki, ang aking pananampalataya ang nag-mature at ito ang lubhang nagpabago sa aking pagtingin sa buhay.

Ako ay nagmula sa Kristyano/Katolikong pamilya. Ito ay napaka-common na bagay sa Pilipinas! Ang pamilya ng aking nanay ay Protestante, at ang pamilya ng aking tatay ay Romano Katoliko. Kung kaya’t mayroong maliit na pagkaligaw sa aking mga paniniwala, dahil ako ay lubhang nalilito at hindi ko alam kung alin nga ba talaga ang aking dapat na paniwalaan. Para sa isang bata, lubha itong nakalilito! Dahil dito, aking nagawang kwestuyinin ang aking paghahatol, ang aking mga paniniwala, at ang aking moral. Dahil dito, ako ay naging isang litong bata.

Ako ay ipinasok sa Katolikong paaralan mula sa pre-school hanggang sa ika-4 na grado, at kami ay puwersahang pinapakain ng mga paniniwalang wala namang saysay. Hindi ko inaatake ang Simbahang Katoliko, ngunit walang kabuluhan ang mga ito para sa akin (mapanoon man o maging sa hanggang ngayon). Kung kaya’t parang ako ay naligaw, at mula sa aking pagkabata, inisip ko kung mayroon pa nga bang ibang bahagi tayong makikita at mararanasan mula sa Diyos kaysa sa mga istatwang nakikita ko sa simbahan at sa aking paaralan.

Lahat ng ito ay nagbago noong ako ay pumasok sa high school. Nakita ng aking mga magulang ang aking struggles at kung paano ko lubhang naging hate ang puwersahang pagdalo ko sa simbahang hindi ko nakikita ang kahulugan ng pagpunta. Dahil noong ako ay nag-aaral sa Katolikong paaralan, kami ay ‘puwersahang’ pinapa-attend ng misa tuwing Linggo. Bilang pruweba na ikaw nga ay dumalo ng misa, kami ay mayroong ‘Mass Card’ na kinakailangan naming papirmahan sa pari tuwing linggu-linggo. Seryoso ka? Ito ay isang kahibangan! Hindi mo puwedeng puwersahin ang mga tao na magpunta sa simbahan dahil magiging bored lamang sila, at hindi sila makikinig. Itung-ito ang mga naramdaman ko. Sa totoo lamang, hindi ko naman naramdamang mas malapit ako sa Diyos at hindi rin ako nakaramdam ng kapayapaan sa aking sarili. Pagkapoot ang aking naramdaman, at ito ay isang undersatement.

Isang summer bago ako maging high school, nagbakasyon ako sa kapatid ng aking nanay, na isang napakabuti na Kristyano (sa aking sariling standards). Siya ang Kristyanong babae na lubha kong ninais na maging, at sa tuwing magkukuwento siya nga mga kuwento patungkol sa Bibliya at kay Hesus, ang aking puso ay lubha na lamang na magagalak. Hindi ko pa naman nararanasan ang ganitong pakiramdam, ngunit lubhang napakasarap nito sa pakiramdam. Siya rin ang nag-udyok sa akin na magsimula ng isang prayer journal…ito ay isang aktibidad na ginagawa ko pa rin magpasahanggang ngayon. Sadly, ang tita ko ay namatay dahil sa cancer noong 2012. Pero hindi ko siya makalilimutan, at ako ay excited sa araw na makikita ko siya at makukuwento ko sa kaniya ang aking mga adventures kapag nagkita kaming muli sa langit.

Noong high school, nagmakaawa ako sa aking tatay na i-enroll niya ako sa isang Kristyanong paaralan. Isa itong struggle para sa kaniya dahil hindi naman ito ang kaniyang paniniwala, ngunit pumayag na rin siya. Para sa akin, ito ang isa sa napakabuting desisyon na nagawa ko sa aking buhay. Napakarami kong natutunan tungkol sa akin at napakarami ko ring natutunan tungkol sa Bibliya, at dahil dito, naging masaya ako. Nakaramdam din ako ng kapayapaan.

Ngunit ang paaralan lamang ay isang stepping stone upang aking makamit ang aking full potential bilang isa matatag na Kristyanong babae. Oo, mayroong mga oras na aking pinagdudahan ang aking pananampalataya. Mayroon ding oras na tinangka kong wakasan ang aking buhay dahil naramdaman kong hindi ako karapat-dapat na mabuhay pa. Hindi ito ang aking proudest moment, ngunit hindi ko rin ide-deny na nangyari ito. Dahil dito, ako ay mas malakas na kaysa noon. Habang buhay kong tatanawing isang malaking utang na loob na hindi ko nagawang wakasan ang aking buhay dahil kung nagtagumpay ako, hindi ko makikita at mare-realise kung gaano nga ba kaganda ang buhay, at kung gaano na lamang ako lubos na biyayaan ng Diyos.

Sa paglipas ng mga taon, ang aking pananampalataya ay nagbago⁠—at dahil dito, ako ay nagbago rin. Natutunan kong kontrolin ang aking init ng ulo, natutunan kong mahalin ang ibang mga tao, at natutunan kong mas intindihin ang iba’t iba pang mga sitwasyon, at mas marami pa akong ibang natutunan. Mas pinalawak ng Diyos ang naaabot ng aking tanaw, at mas nilakihan niya ang aking puso. Ni-restore niya kung ano man ang nawala sa akin, at pinalitan niya ito ng mas maganda pa. Kung tatanawin kong muli ang aking buhay, masasabi kong ang aking pananampalataya ay isa sa napakalaking tulong sa akin. Kung wala akong pananampalataya, siguradong ako na lamang ay bibitaw.

Hinihimok ko kayong kumapit sa inyong mga pananampalataya sa Diyos. Ang buhay ay lubhang nagiging mas maganda sa paglipas ng oras, at ang ating pananampalataya ay nagpapa-stable sa ating mga puso habang tayo ang humahawak sa mga pangako na ibinigay sa atin ng Diyos. Paniwalaan natin Siya, at huwang nating kalilimutan na alam Niya kung ako nga ang Kaniyang ginagawa. Ating panghawakan ang Salita ng Diyos. Manampalataya tayo sa lahat⁠—lalong lalo na sa ating sarili, at sa Diyos.

“Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.”

Mga Kawikaan 22:6