Skip to content

Tungkol Sa’kin: Ang karunungan na natutunan ko mula sa mabigat uminom at napakayamang playboy

Gusto kong ibahagi kung paano naging makabuluhan sa akin ang Ebanghelyo, isa itong paglalakbay na lubhang naapektuhan ni Solomon at ng kaniyang buong pusong pagtugis sa kasiyahan at sa karunungan. Makakatulong ito upang mas magkaroon kayo ng mas personal na pag-intindi sa mga artikulo sa website na ito. Nga pala, ako ay si Ragnar Oborn at ako ay naninirahan sa Canada. Ako ay kasal at mayroon akong isang anak na lalaki. Nag-aral ako sa University of Toronto, University of New Brunswick, at sa Acadia University.

Pagkabalisa sa Isang May Pribilehiyong Kabataan

Ako ay ipinanganak sa isang upper middle class at propesyonal na pamilya. Orihinal kaming mula sa Sweden, at lumipat kami sa Canada noong ako ay bata pa lamang, at habang lumalaki ako, kami ay nanirahan sa iba’t iba pang mga bansa na katulad na lamang ng Algeria, Alemanya, Cameroon, at sa wakas, bumalik din kami sa Canada upang ako ay mag-aral sa unibersidad. Kagaya na lamang ng iba, ginusto ko (at patuloy pang ginugusto) na ma-experience ang isang punong buhay—na may kaligayahan, kapayapaan, kabuluhan, at layunin—kasama ng pagiging konektado sa iba’t ibang mga tao.

Sa pagtira sa iba’t ibang mga lugar na ito—ang relihiyon at ang ibang mga sekular na paniniwala—at bilang isang masigasig na mambabasa, ako ay naging exposed sa iba’t ibang mga ideya kung ano nga ba ang ‘totoo’ at kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘punong buhay’. Napansin ko na kahit ako (at karamihan ng mga nasa kanluran) ay mayroong yaman na unprecedented, mga teknolohiya at mga oportunidad upang makamit ang mga goals na ito, at ang paradox ay nagmistulang mas mailap ang mga tao. Napansin kong ang mga relasyon ay mas disposable at pansamantala kaysa ang mga relasyon ng mga tao noong nakaraang mga henerasyon. Ang mga terminong kagaya ng ‘rat race’ ay ginagamit upang ilarawan ang ating mga pang araw-araw na kabuhayan. Sinabi sa akin na kung tayo ay makakakuha ng ‘kaunti pa’ ay mararating din natin ito. Ngunit gaano pa karami? At kaunti pang ano? Pera? Kaalaman sa siyensiya? Teknolohiya? Kaligayahan?

Bilang isang bata, mayroon akong naramdamang angst na mailalarawan ko bilang hindi malinaw na pagkabagabag. Dahil ang aking ama ay isang expatriate na consulting engineer sa Africa, ako ay nakikihalubilo sa mga mayayaman, at may pribilehiyong mga edukadong teenagers na mula sa kanluran. Ngunit ang buhay doon ay lubhang simple, at wala masyadong ibang bagay na makapagpapaligaya sa amin. Kung kaya’t ako at ang aking mga kaibigan ay patuloy na nangangarap na mabalik sa aming mga inang bayan upang ma-enjoy ang TV, masasarap na mga pagkain, mga oportunidad, at ang kasarapan ng pamumuhay sa kanluran—at siguro kami ay magiging ‘satisfied’. Ngunit sa tuwing ako ay bibisita sa Canada o sa Europa, matapos ang unang bahagi ng excitement, babalik na naman ang aking pagkabagabag. At mas malala, napansin ko rin ito sa mga taong naninirahan doon at nandoroon na lamang palagi. Kung ano man ang mayroon sila (at ito ay mas marami kung susukatin) mayroong pa ring kagustuhan pa ng mas marami. Akala ko ay matatagpuan ko ‘ito’ kung magkakaroon ako ng sikat na girlfriend. At noong una, akala ko ay mapupuno nito ang kawalan sa akin, ngunit matapos ang ilang buwan, bumalik na naman ang pagkabagabag.

Akala ko ay kapag nakatapos ako ng high school, ‘makakarating’ ako…tapos akala ko ito na ay noong makakakuha ako ng driver’s license dahil makakamit ko na ang indepence—akala ko matapos ang mga ito, matatapos na ang aking paghahanap. Ngayong ako ay mas matanda na, nakakarinig ako ng ibang mga tao na masa-satisfy lamang sila kapag sila ay nag-retire na. Iyon na ba ‘yon? Tayo nga ba ay nabubuhay upang habulin ang iba’t ibang mga bagay? Iniisip natin na ang susunod na bagay na matatagpuan natin ay ibibigay sa atin ang satisfaction na hinahanap natin. Tapos…matatapos na ang ating mga buhay. Para namang wala itong saysay.

Ang Karunungan ni Solomon

Sa mga panahong iyon, ang mga kasulatan ni Solomon ay nagkaroon ng malalim na impact sa akin. Si Solomon, na hari ng sinaunang Israel na kilala para sa kaniyang karunungan, ay nagsulat na ilang mga libro sa Lumang Tipan. Sa Eclesiastes, inilarawan niya ang parehong pagkabagabag na aking nararamdaman. Isinulat niya ang sumusunod:

“Sinabi ko sa aking sarili, ‘Pumarito ka ngayon, susubukin ko ang kasayahan; magpakasarap ka.’ Ngunit ito rin ay walang kabuluhan. Aking sinabi tungkol sa halakhak, ‘Ito’y kalokohan’ at sa kasayahan, ‘Anong halaga nito?’ Siniyasat ng aking isipan kung paano pasasayahin ang aking katawan sa pamamagitan ng alak—pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking isipan—at kung paano maging hangal, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa silong ng langit sa iilang araw ng kanilang buhay. Gumawa ako ng mga dakilang gawa; nagtayo ako ng mga bahay at nagtanim ako para sa sarili ko ng mga ubasan. Gumawa ako para sa sarili ko ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sari-saring punungkahoy na nagbubunga. Gumawa ako para sa sarili ko ng mga tipunan ng tubig, upang diligin ang gubat na pagtatamnan ng mga lumalaking punungkahoy. Ako’y bumili ng mga aliping lalaki at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay.

Nagkaroon din ako ng mga malaking ari-arian ng mga bakahan at mga kawan, higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem. Nagtipon din ako para sa akin ng pilak at ginto, at ng kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan. Kumuha ako ng mga mang-aawit na lalaki at babae, at maraming asawa na kasiyahan ng laman. Kaya’t naging dakila ako, at nahigitan ko ang lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; ang aking karunungan ay nanatili naman sa akin. At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait. Hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking gantimpala para sa lahat ng aking pagpapagod.”

Eclesiastes 2:1-10

Kayamanan, kasikatan, katalinuhan, mga proyekto, mga babae, kaligayahan, kaharian, career, mga alak…mayroon nitong lahat si Solomon—at mas nahihigitan niya ang kahit sinuman sa kaniyang panahon at sa ating panahon ngayon. Ang katalinuhan ni Albert Einstein, ang kayamanan ni Bill Gates, ang royal pedigree ni Prince William sa British Royal Family—mayroon siya nitong lahat. Sino nga ba ang makakatlo sa kombinasyong ito? Maiisip nating si Solomon mismo ay magiging satisfied sa lahat nang ito. Pero kaniyang napagpasyahan ang sumusunod:

“Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem. Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan. Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kanyang pagpapagal, na kanyang pinagpapaguran sa ilalim ng araw? Isang salinlahi ay umaalis, at dumarating ang isang salinlahi naman, ngunit ang daigdig ay nananatili magpakailanman. Sumisikat ang araw, at lumulubog din ang araw, at nagmamadali sa dakong kanyang sinisikatan. Ang hangin ay humihihip sa timog, at patungo sa hilaga na nagpapaikut-ikot; at paikut-ikot na ang hangin ay humahayo, at ang hangin ay bumabalik sa iniikutan nito. Lahat ng mga ilog ay sa dagat nagtutungo, ngunit ang dagat ay hindi napupuno; sa dakong inaagusan ng mga ilog, doon ay muli silang umaagos. Lahat ng mga bagay ay nakakapagod, higit sa masasabi ng tao; ang mata sa pagtingin ay hindi nasisiyahan, ni ang tainga sa pakikinig ay walang kabusugan.

Ang nangyari ay siyang mangyayari, at ang nagawa na ay siyang gagawin, at walang bagong bagay sa ilalim ng araw. May bagay ba na masasabi tungkol dito, ‘Tingnan mo, ito ay bago’? Ganyan na iyan, sa nauna pa sa ating mga kapanahunan. Ang mga tao noong una ay hindi naaalala, ni magkakaroon ng alaala pa man tungkol sa mga tao ng mga taong susunod pagkatapos nila. Ginamit ko ang aking isipan upang hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat ng ginawa sa silong ng langit. Iyon ay isang malungkot na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng mga tao upang pagkaabalahan. Aking nakita ang lahat ng ginawa sa ilalim ng araw; at tingnan mo, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.”

Eclesiastes 1:1-14

“Nang magkagayo’y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito. At muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin, at walang mapapakinabang sa ilalim ng araw. Kaya’t ako’y bumaling upang isaalang-alang ang karunungan, ang kaululan at ang kahangalan; sapagkat ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? Ang kanya lamang nagawa na. Nang magkagayo’y aking nakita, na ang karunungan ay nakakahigit sa kahangalan, na gaya ng liwanag na nakakahigit sa kadiliman. Ang mga mata ng pantas ay nasa kanyang ulo, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman; gayunma’y aking nakita na isang kapalaran ang dumarating sa kanilang lahat.

Nang magkagayo’y sinabi ko sa aking sarili, ‘Kung ano ang nangyari sa hangal ay mangyayari rin sa akin; kaya’t bakit pa nga ako naging napakarunong?’ At sinabi ko sa puso ko na ito man ay walang kabuluhan. Sapagkat kung paano sa pantas ay gayundin sa hangal, walang alaala magpakailanman; na sa mga araw na darating ay malilimutan nang lahat. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang! Sa gayo’y kinamuhian ko ang buhay, sapagkat ang ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin, sapagkat lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin. Kinamuhian ko ang lahat kong pagpapagal na aking ginawa sa ilalim ng araw; yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin. At sinong nakakaalam kung siya’y magiging isang pantas o isang hangal? Gayunman ay mamumuno siya sa lahat ng aking pinagpaguran, at sa aking ginamitan ng aking karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan. Kaya’t ako’y bumalik at aking ibinigay ang aking puso sa kawalang pag-asa sa lahat ng gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.

Sapagkat kung minsan ang taong gumawa na may karunungan, kaalaman, at kakayahan ay iiwanan ang lahat upang pakinabangan ng taong hindi nagpagod para dito. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan. Sapagkat ano ang natatamo ng tao sa lahat ng kanyang ginagawa at pinagpaguran sa ilalim ng araw? Sapagkat lahat ng kanyang araw ay punô ng sakit at ang kanyang gawa ay pagdaramdam; at pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kanyang isip. Ito man ay walang kabuluhan.”

Eclesiastes 2:11-23

Parang hindi naman masaya! Sa isa niyang tula, sa Awit ng mga Awit, ni-record niya ang isang erotic at malapulang apoy na pangangaliwang kaniyang ginawa—ito ay isang bagay na lalong hindi makapagbibigay ng life-long na satisfaction. Ngunit sa huli, ang pangangaliwang ito ay hindi nga nagbigay sa kaniya ng satisfaction na kaniyang ninanais.

Kahit saan ako tumangin, kahit sa aking mga kaibigan o sa lipunan, parang ang mga paghahangad ni Solomon ng punong buhay ay ang mga bagay na sinusubukan. Ngunit sinabi niya sa akin na hindi niya naman nakita ang mga ito sa landas na kaniyang tinahak. Kung kaya’t aking na-sense na hindi ko rin ito makikita roon, kung kaya’t aking kailangang lakbayin ang road less travelled na kung tawagin.

Kasama ng mga isyung ito, ako rin ay nabagabag na isa pang aspeto ng buhay. Nabagabag din nito si Solomon.

“Sapagkat ang kapalaran ng mga anak ng mga tao at ang kapalaran ng mga hayop ay magkatulad; kung paanong namamatay ang hayop, namamatay din ang tao. Silang lahat ay may isang hininga. Ang tao ay walang kalamangan sa mga hayop; sapagkat lahat ay walang kabuluhan. Lahat ay tumutungo sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay muling babalik sa alabok. Sinong nakakaalam kung ang espiritu ng tao ay umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa lupa?”

Eclesiastes 3:19-21

Woody Allen vs. Solomon

Ang kamatayan ay lubos na huli at naghaharing lubos ng higit sa atin. Kagaya na lamang ng sinabi ni Solomon, ito ay nakatadhana para sa lahat ng tao, mabait man o masama, relihiyoso man o hindi. Idinirekta at ini-release ni Woody Allen ang pelikulang, ‘You Will Meet A Tall Dark Stranger’. Ito ay isang katawa-tawa at seryosong pagtingin sa kamatayan. Sa isang interview sa Cannes Film Festival, inilarawan niya ang kaniyang pagtanaw sa kamatayan gamit ang kaniyang tanyag na katatawanan:

“Ang relasyon ko sa kamatayan ay nananatiling pareho pa rin—ako ay lubos na laban dito. Ang kaya ko na lamang gawin ay hintayin ito. Wala namang advantage ang pagtanda—hindi ka naman nagiging mas matalino, hindi ka naman nagiging mas marunong, hindi ka naman nagiging mas mahinahon, hindi ka naman nagiging mas mabait—wala namang nangyayari. Sa halip, ang iyong likod ay mas sumasakit, mas lalo kang naiimpatso, mas lumalabo ang iyong mga mata, at kailangan mo na rin ng hearing aid. Napakasamang negosyo ng pagtanda at maipapayo kong huwag niyo itong gawin kung maiiwasan niyo ito.”

Tinapos niya ito sa kung paano dapat harapin ang buhay kahit na hindi natin maiiwasan ang kamatayan:

“Ang tao ay dapat mayroong kahibangan upang mabuhay. Kung titignan mo ang buhay ng lubos na matapat at lubos na malinaw, nagiging unbearable ang buhay dahil isa itong enterprise na sadyang napakalupit. Ito ay ang aking perspective, at ito ay lagi nang naging perspective ko sa buhay—mayroon akong malupit at pessimistang tanaw dito…Nararamdaman kong ang buhay ay malupit, masakit, nightmarish, walang dahilang experience at ang tanging paraan upang ika’y maging masaya ay kung magsisinungaling ka sa iyong sarili.”

Ito na nga lamang ba ang ating mga choices? Pipiliin na lamang ba natin ang tapat na paraan ni Solomon na nakatalaga sa lubos na kawalang pag-asa at walang saysay, o ang paraan ni Woody Allen at ‘magsisinungaling tayo sa ating mga sarili’ upang makapamuhay tayo sa mas masayang ‘delusyon’? Para namang hindi kaakit-akit ang dalawang pagpipiliang ito. Malapit sa usaping kamatayan ang usapin patungkol sa kawalang-hanggan. Mayroon nga ba talagang ‘Langit’, o (mas nakatatakot) mayroon nga bang lugar para sa kawalang-hanggang paghahatol—ang ‘Impyerno’?

Noong aking senior year sa high school, mayroon kaming assignment na mangolekta ng isang daang piraso ng literatura (mga tula, awit, maikling kuwento, etc.). Karamihan sa aking koleksyon ay pumapatungkol sa mga isyung ito at pinapahintulutan ako nitong ‘ma-meet’ at marinig ang marami pang iba na siyang kumalaban sa parehong mga katanungan. At sila nga’y aking na-meet—mula sa iba’t ibang mga kapanahunan, iba’t ibang educational backgrounds, lifestyles, pilosopiya, at mga genre.

Ang Ebanghelyo—Handa ka na bang i-kunsidera ito?

Ako rin ay nagsama ng iba’t ibang tanyag na kasabihan ni Hesus na nakatala sa ebanghelyo ng Bibliya kagaya ng:

“Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako’y pumarito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.” — Juan 10:10

Napag-isip-isip ko na siguro…siguro nga, ito ang sagot sa mga katanungang aking tinatanong. Pagkatapos ng lahat, ang ebanghelyo (kung alin ay siyang naging isang more-or-less walang kabuluhang relihiyosong salita) ay nangangahulugang ‘ang magandang balita’. Ang Ebanghelyo nga ba ay ang magandang balita? O mas malapit nga ba ito sa tsismis? Upang masagot ito, alam kong kinakailangan kong maglakbay sa dalawang landas. Una, kinakailangan kong magsimulang mag-develop ng kaalaman at pang-unawa sa Ebanghelyo. Pangalawa, sa pamamagitan ng pagtira sa iba’t ibang lugar na may iba’t iba ring mga relihiyosong kultura, ako ay nakakilala ng iba’t ibang tao at nakabasa ng iba’t ibang mga manunulat na may maraming pagtutol, at mayroong maraming ideya na tutol sa Ebanghelyo ng Bibliya. Sila ay mga may alam at matatalinong mga tao. Kinailangan kong maging kritikal mag-isip pagdating sa Ebanghelyo, upang hindi maging isang mindless na kritiko o maging isang empty-headed na mananampalataya.

Mayroong isang makatotohanang sense na kapag ang isang tao ay nag-embark sa ganitong klase ng paglalakbay, siya ay hindi naman talaga makararating, ngunit aking napag-alaman na ang Ebanghelyo nga ay nagbibigay ng sagot sa mga isyung ito na itinaas ni Solomon. Ang buong punto nito ay upang ma-address ang mga sumusunod: isang punong buhay, kamatayan, kawalang-hanggan, at mga practikal na concern kagaya ng pag-ibig sa ating pamilya, mga relasyon, pagkakasala, takot, at pagpapatawad. Ang claim ng Ebanghelyo ay ito ay isang pundasyon kung saan maitatayo natin ang ating mga buhay. Ang iba man ay hindi magugustuhan ang mga sagot na ibinibigay sa Ebanghelyo, ang iba man ay hindi sumasang-ayon ay hindi naniniwala rito, dahil ngunit ina-address nito ang mga makataong katanungang ito, lubhang kahangalan ang hindi pagiging informed dito.

Akin ring napag-alaman na, minsan, ang Ebanghelyo ay nakakapagbigay sa akin ng pakiramdam kung saan hindi ako komportable. Sa mga panahong maraming mga bagay ang nakapagse-seduce sa atin na maging kampante, ang Ebanghelyo ay china-challenge ang aking puso, isip, kaluluwa, at lakas na, kahit na naghahandog ito ng buhay, ito ay hindi buhay na madali. Kung bibigyan mo ng panahon ang iyong sarili upang ikunsidera ang Ebanghelyo, baka makita mo rin ang mga ito. Isang lugar na maganda magsimula ay ang pagtingin sa isang key sentence na nagbubuod sa mensahe ng Ebanghelyo.