Ang Sanga: Pinangalanan ng Daang Taon Bago ang Kaniyang Kapanganakan

Nakita natin kung paano ginamit ni Isaias ang imahe ng Sanga. Ang ‘siya’ mula sa natumbang dinastiya ni David, at nagtataglay ng karunungan at kapangyarihan ay darating. Sinundan ito ni Jeremias na nagsabing ang Sanga na ito ay makikilala bilang ang Panginoon (ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan) mismo.

Ipinagpatuloy ni Zacarias ang Sanga

Nagbalik si Zacarias pagkatapos ng pagpapatapon sa Babylonia upang muling itayo ang Templo

Ang propeta na si Zacarias ay nabuhay noong 520 B.C., matapos ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem matapos ang unang pagpapatapon sa Babylonia. Noong panahong iyon, ang mga Hudyo ay muling itinatayo ang kanilang nasirang templo. Ang Punong Pari noon ay isang lalaki na nagngangalang Josue, at siya niyang sinimulang muli ang mga trabaho ng mga pari. Ang propetang si Zacarias at ang Punong Pari na si Josue ay nagsanib puwersa sa pamumuno sa mga Hudyo. Ito ang sinabi ng Diyos tungkol kay Josue, sa pamamagitan ni Zacarias:

“‘Pakinggan mo ngayon, O Josue na pinakapunong pari, ikaw at ang iyong mga kaibigan na nakaupo sa harapan mo, sapagkat sila’y mga palatandaan ng mga bagay na mangyayari. Ilalabas ko ang aking lingkod na Sanga. Sapagkat, narito, ang bato na aking inilagay sa harapan ni Josue, sa ibabaw ng isang bato na may pitong mata, narito, ako’y mag-uukit ng titik nito,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.’” (Zacarias 3:8-9)

Ang Sanga! Sinimulan ni Isaias 200 taon ang nakalilipas, na sinundan ni Jeremias 60 taon ang nakalilipas, at si Zacarias ay mas pinalalawig pa ang tema ng ‘Sanga’. Dito, tinatawag din ang Sanga na ‘aking tagapaglingkod’. Sa ilang paraan, ang Punong Pari na si Josue sa Jerusalem noong 520 B.C., na siyang kasamahan ni Zacarias, ay simboliko sa pagdating ng Sanga. Ngunit paano? Sinasabing sa ‘loob ng isang araw’ ang mga kasalanan ay aalisin ng Panginoon. Ngunit paano nga ba ito mangyayari?

Ang Sanga: Pakikipag-isa sa Pari at Hari

Ipinaliwanag ito na Zacarias. Para lubos natin itong maintindihan, kailangan nating malaman na ang tungkulin ng Pari at Hari ay istrikto at magkahiwalay sa Lumang Tipan. Walang sinuman sa mga Haring Davidic ang puwedeng maging pari, at walang sinuman sa mga pari ang puwedeng maging hari. Ang tungkulin ng pari ay ang mamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao sa pagsasagawa ng mga hayop na isasakripisyo para sa Diyos upang matubos ang kasalanan ng mga tao. Ang tungkulin naman ng hari ay ang mamahala nang may hustiya sa trono. Pareho itong mahalaga, at pareho rin itong katangi-tangi. Ngunit naisulat pa rin ito ni Zacarias mula sa hinaharap:

“Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi: ‘Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias. Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari. Sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito ang lalaking ang pangala’y Sanga: sapagkat siya’y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon. Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya’y magtataglay ng karangalan, at siya’y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya’y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.’” (Zacarias 6:9-13)

Dito, kontra sa lahat ng dating mga patakaran, ang Punong Pari noong panahon ni Zacarias (Josue) ay siyang maglalagay ng malaharing korona na sumisimbulo sa Sanga. Ating alalahanin na si Josue ay ‘sumisimbulo ng mga bagay na paparating’. Si Josue, na siyang Punong Pari, ay naglagay ng malaharing korona, at nakini-kinita niya ang pakikipag-isa ng Hari at Pari sa iisang tao–isang pari sa trono ng Hari. Hindi lamang iyon, isinulat din ni Zacarias na ‘Josue’ ang pangalan ng Sanga. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ang Pangalang ‘Josue’ ay Ang Pangalang ‘Hesus’

Upang lubos natin itong maintindihan, kailangan nating alalahanin ang kasaysayan ng translation ng Lumang Tipan. Ang orihinal na Hebreong Lumang Tipan ay isinalin sa Griyego noong 250 B.C.E., at ito ay kilala bilang ang Septuagint o LXX. Ito ay malawakan pa rin na ginagamit, at nakita natin kung paanong ang pangalang ‘Kristo’ ay unang ginamit sa LXX at susundan natin ang analysis na ito para kay ‘Josue’.

joshuajesus-diagram

‘Josue’ = ‘Hesus’, at pareho itong nagmula sa Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’

Kagaya na lamang ng nakikita natin sa imahe, ang Josue ay ang Ingles na transliteration sa orihinal na Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’. Ipinapakita ng quadrant #1 kung paano isinulat ni Zacarias ang pangalang ‘Josue’ sa Hebreo noong 520 B.C.E. Ito ay naging transliterated bilang ‘Josue’ sa Ingles (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Josue sa Ingles. Noong ang LXX ay naisalin mula sa Hebreo patungo sa Griyego noong 250 B.C.E., ang Yhowshua ay naging transliterated patungo sa Iesous (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #2). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Iesous sa Griyego. Noong ang Griyego ay naisalin sa Ingles, ang Iesous ang naging transliterated patungo sa ‘Hesus’ (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang Iesous sa Griyego ay kapareho ng pangalang Hesus sa Ingles.

Si Hesus ay tinatawag na Yhowshuwa kapag siya ay kinakausap sa Hebreo, ngunit sa Griyegong Bagong Tipan, ang kaniyang pangalan ay nakasulat bilang ‘Iesous’–kahawig kung paano ito isinulat sa Griyegong Bagong Tipan LXX. Noong ang Bagong Tipan ay isinalin mula sa Griyego patungo sa Ingles (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3), ang pangalang ‘Iesous’ ay naging transliterated patungo sa pamilyar na pangalang ‘Hesus’. Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga pangalang ‘Hesus’ = ‘Josue’, ang ‘Hesus’ ay nanggaling mula sa mga Griyego, at ang ‘Josue’ ang nanggaling naman ng direkta mula sa Hebreo. Parehong sina Hesus ng Nazareth, at ang Punong Pari na sa Josue nang 520 B.C.E. ay mayroong magkaparehong pangalan, at sila ay pareho ring tinawag na ‘Yhowshuwa’ sa kanilang sariling wika na Hebreo. Sa Griyego, sila ay parehong tinawag na ‘Iesous’.

Si Hesus ng Nazareth ay Ang Sanga

Ngayon, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang propesiya ni Zacarias. Ito ay isang hula, na gawa noong 520 B.C.E., na ang pangalan ng darating na Sanga ay ‘Hesus’, at ito ay direktang nagtuturo kay Hesus ng Nazareth.

Ang pagdating ni Hesus, ayon kay Zacarias, ay makakapag-isa sa tungkulin ng Hari at ng Pari. Ano nga ba ang ginagawa ng mga pari? Sa ngalan ng mga tao, sila ay nag-aalay ng mga sakripisyo sa Diyos para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga tao. Tinatakpan ng pari ang kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay. Sa parehong paraan, ang darating na Sanga na si ‘Hesus’ ay siya ring magiging alay para ang Panginoon ay ‘maalis ang kasalanan ng lupaing ito sa isang araw’–ito ang araw na inialay ni Hesus ay kaniyang sarili.

Si Hesus ng Nazareth ay kilala rin sa labas ng ebanghelyo. Ang Talmud na Hudyo, si Josephus, at ang iba’t iba pang makasaysayang manunulat ay nagsulat ng patungkol kay Hesus–parehong ang mga kaibigan at ang mga kaaway ay laging pumapatungkol sa kaniya bilang ‘Hesus’ o ‘Kristo’, kung kaya’t ang kaniyang pangalan ay hindi naimbento sa Ebanghelyo. Ang pangalan niya ay nahulaan ni Zacarias 500 taon bago pa man siya maisilang.

Si Hesus ay nanggaling ‘mula sa tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay kaniyang mga ninuno. Si Hesus ay nagtataglay ng kakaibang karunungan at pang-unawa na nagbubuklod sa kaniya mula sa iba. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kaalaman ay patuloy na nagpapahanga sa parehong mga kritiko at tagasunod niya. Hindi maitatanggi ang kaniyang kapangyarihan na maipapakita mula sa mga milagrong kaniyang naipamalas sa ebanghelyo. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang ipagsawalang bahala. Si Hesus ay nagtataglay ng mga katangian ng pambihirang karunungan at kapangyarihan na sinasabi ni Isaias na, isang araw, ay magmumula sa Sanga.

Ngayon, isipin natin ang buhay ni Hesus ng Nazareth. Siya na mismo ang nagpahayag na siya ay isang hari–Ang Hari, sa makatuwid. Ito ang ibig sabihin ng ‘Kristo’. Ngunit ang mga ginawa niya habang siya ay nasa lupa ay mga gawa ng pari. Ang tungkulin ng pari ay mag-alay ng mga katanggap-tanggap na sakripisyo sa ngalan ng mga Hudyo. Ang kamatayan ni Hesus ay may kabuluhan dahil ito mismo ay isang alay sa Diyos, sa ngalan nating mga tao. Ang kaniyang kamatayan ay nag-aalis ng mga kasalanan at pagkakasala ng lahat ng tao, hindi lamang ng mga Hudyo. Ang kasalanan ng lupain ay literal na natanggal ‘sa isang araw’, kagaya na lamang ng sinabi ni Zacarias–sa araw na namatay si Hesus nang mabayaran ang lahat ng kasalanan. Sa kaniyang kamatayan, siya ay tumupad sa lahat ng tungkulin bilang Pari, kahit na siya ay mas kilala bilang ‘Ang Kristo’ o Ang Hari. Siya niya ngang pinag-isa ang dalawang mga tungkulin. Ang Sanga, ang siyang tinawag ni David na ‘Kristo’, ay ang Pari-Hari. Ang kaniya ring pangalan ay nahulaan ni Zacarias 500 na taon bago pa siya isilang.

Ang Tanda ng Sangay: Ang Patay na Tuod ay Isinilang Muli

Si Hesus ay mayroong mga kritiko na nagkuwestiyon sa kaniyang awtoridad. Sinasagot niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga propetang nauna sa kaniya na nagsasabing nakini-kinita nila ang kaniyang buhay. Naririto ang isang halimbawa ng sagot ni Hesus:

“Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39)

Sa madaling salita, nagke-claim si Hesus na siya ay nasa propesiya sa Lumang Tipan, na siyang nauna sa kaniya ng ilang daang taon. Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagke-claim na kumukuha sila ng inspirasyon sa Diyos para sa kani-kanilang mga isinusulat. Dahil walang sinuman ang makakahula sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan, sinabi ni Hesus na ito ay siya ngang ebidensiya para makumpirma kung siya nga ba ay dumating bilang parte ng plano ng Diyos o hindi. Ito ay isang pagsubok upang makita kung totoo nga ba ang Diyos, at kung Siya nga ba ay nagsasalita. Maaari nating basahin ang Lumang Tipan para, sa ating sarili, ay ma-examine at maikunsidera ang parehong katanungang ito.

Una, ito ay ilan sa mga pagsusuri. Ang pagdating ni Hesus ay mayroong pahiwatig sa pinakaunang bahagi ng Lumang Tipan. Pagkatapos ay nakita natin na ang sakripisyo ni Abraham ay ipinahiwatig ang siyang lugar kung saan, sa kinabukasan, ay siya ring isasakripisyo si Hesus habang ang Paskuwa naman ay ipinahiwatig ang araw sa taon kung kailan ito mangyayari. Nakita rin natin na sa Mga Awit 2 kung paano ginamit ang titulong ‘Kristo’ upang ipahiwatig ang pagdating ng Hari. Ngunit hindi lamang ito rito nagtatapos. Marami pang dokumento ang naisulat na mayroong pagtanaw sa kinabukasan na ginagamitan ng iba’t ibang titulo at tema. Mayroong tema na sinimulan si Isaias (750 B.C.) na siya ring na-develop sa Lumang Tipan. Ito ang pagdating ng Sanga.

Si Isaias at ang Sanga

Ang laraw sa ibaba ay nagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline kasama ng ibang manunulat mula sa Lumang Tipan:

Pagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline. Siya ay nabuhay noong panahon na ang mga namumuno ay mga Haring Davidic

Makikita natin mula sa timeline na ang libro ni Isaias ay isinulat sa kapanahunan ng royal na dinastiya ni David (1,000-600 B.C.). Noong mga panahon na iyon (ca. 750 B.C.), and dinastiya at ang kaharian ay corrupt. Nagsumamo si Isaias sa mga hari na sila ay magbalik loob na sa Diyos at sa kaugalian at sa espirito ng Mosaic na Batas. Ngunit alam din ni Isaias na hindi magsisisi ang Israel, kung kaya’t nagsaad siya ng propesiya na ang Israel ay masisira at ang royal na dinastiya ay magtatapos.

Ang imahe na ginamit ni Isaias para sa dinastiya bilang isang puno

Gumamit siya ng specific na metapora o imahe para sa royal na dinastiya. Inihalintulad niya ito sa isang matayog na puno. Ang punong ito ay mayroong ugat na si Jesse, ang ama ni Haring David. Nagsimula ang dinastiya kay Jesse at sumunod kay David, at sumunod sa kaniyang tagapagmana na si Solomon, at ang puno ay nagpatuloy na lumago at nag-develop.

Una, Isang Puno…Sumunod, Isang Tuod…Sumunod, Isang Sanga

Isinulat ni Isaias na ang ‘puno’ na siyang dinastiya ay malapit nang maputol at maging isang tuod. Naririto kung paano niya sinimulan ang imahe ng puno na siya niyang ginawang isang palaisipan ng isang tuod at isang sanga:

“May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat. At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon…” (Isaias 11:1-2)

Ang dinastiya na inilalarawan bilang ang Tuod ni Jesse–ang ama ni David

Ang pagpuputol ng ‘puno’ na ito ay nangyari makalipas ang 150 na taon matapos mabuhay si Isaias. Ito ay sinasabing nasa 600 B.C. nang ang mga tiga-Babylonia ay sinakop ang Jerusalem at isinama ang mga tao nito at ang kanilang hari upang ipatapon sa Babylonia (ang pulang panahon sa timeline na nasa itaas). Si Jesse ang ama ni Haring David, at siya rin ang ugat ng dinastiya ni David. Ang ‘Tuod ni Jesse’ ay isang metapora para sa nalalapit na pagkasira ng dinastiya ni David.

Ang Sanga: Ang Darating na ‘Siya’ Mula kay David na Nagdadala ng Karunungan

Ang sibol mula sa patay na tuod ni Jesse

Ngunit ang propesiyang ito ay siya ring tumanaw ng mas malayo pa sa kinabukasan at hindi lamang sa pagputol sa mga hari. Nahulaan ni Isaias na kahit na ang ‘tuod’ ay mukhang patay (kagaya na lamang kung paano nagmumukha ang mga tuod), isang araw sa kinabukasan, mayroong isang sibol na kilala bilang ang Sanga, na sisibol mula sa tuod na iyon, kagaya na lamang kung paano ang ilang mga sibol ay umuusbong mula sa mga tuod ng mga puno. Ang Sanga ay tinutukoy na ‘siya’ kung kaya’t si Isaias ay tumutukoy sa isang specific na tao, na manggagaling mula sa linya ni David pagkatapos maputol ng dinastiya. Ang taong ito ay magkakaroon ng ibang klaseng kalidad ng karunungan, kapangyarihan at kaalaman na para bang ang Espiritu ng Diyos ay nasa kaniya.

Hesus… Ang ‘Siya’ na Mula kay David na Nagtataglay ng Karunungan

Akma kay Hesus ang mga requirement na manggagaling sa ‘tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay ang kaniyang mga ninuno. Naging hindi pangkaraniwan si Hesus dahil sa karunungan at pang-unawa na kaniyang taglay. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kabatiran sa pakikitungo sa kaniyang mga kalaban at sa kaniyang mga disipulo ay patuloy na nagpapahanga sa kaniya mga kritiko at taga sunod magpanoon pa man. Ang kapangyarihan niya sa ebanghelyo sa pamamagitan ng mga mirakulo ay sadyang hindi maikakaila. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang hindi pansinin. Akma kay Hesus ang mga katangian na siyang nagtataglay ng kahanga-hangang karunungan at kapangyarihan na siyang nahulaan ni Isaias na, isang araw, ay siyang manggagaling sa Sanga.

Si Jeremias at Ang Sanga

Ito ay maihahalintulad sa isang posteng pananda na inilatag ni Isaias sa kasaysayan. Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Ang posteng pananda na ito ay isa lamang sa iilang mga palatandaan. Si Jeremias ay siyang nabuhay nang 150 na taon matapos kay Isaias. Noong ibinubuwag ang dinastiya ni David sa kaniyang harapan, isinulat niya ito:

“Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y magbabangon para kay David ng isang matuwid na Sanga. At siya’y mamumuno bilang hari at gagawang may katalinuhan, at maggagawad ng katarungan at katuwiran sa lupain. Sa kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda at ang Israel ay tiwasay na maninirahan. At ito ang pangalan na itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ang ating katuwiran’.” (Jeremias 23:5-6)

Si Jeremias ay nagpalawig sa tema ng Sanga mula sa dinastiya ni David na siyang pinangunahan ni Isaias 150 na taon ng mas maaga. Ang Sanga ang magiging isang Hari na siyang maghahari. Ngunit ito mismo ang nakasaad sa propesiya na nagmumula sa Mga Awit 2 na pumapatungkol sa pagdating ng Anak ng Diyos/Kristo/Mesiyas. Maaari nga ba na ang Sanga at ang Anak ng Diyos ay iisa lamang?

Ang Sanga: Ang Panginoon Ang Ating Katuwiran

Ngunit ano nga ba ang itatawag sa Sanga? Siya ay tatawaging ‘Panginoon’ na siyang magiging ‘ating’ (ito ay tayo–mga tao) Katuwiran. Kagaya na lamang ng nakita natin kay Abraham, ang problema sa ating mga tao ay tayo ay masyadong mga ‘corrupt’, kung kaya’t kailangan natin ng ‘katuwiran’. Sa paglalarawan ng Sanga rito, makikita natin na mayroong pahiwatig na ang mga tao sa kinabukasan ni Jeremias ay makakamtan ang kanilang kinakailangang ‘katuwiran’ sa pamamagitan ng Panginoon–si YHWH mismo (YHWH ang pangalan para sa Diyos sa Lumang Tipan). Ngunit paano nga ba ito mangyayari? Magtutuon tayo ng pansin kay Zacarias na siyang magbibigay ng iba pang detalye para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pagde-develop sa tema ng Paparating na Sanga, na siya ring makakahula pati na rin sa pangalan ni Hesus. Ito ang ating titingnan sa susunod.