Noong nakaraan ay tinignan natin kung ano ang ibig sabihin sa Bibliya kapag sinabi na ang mga tao ay gawa sa ‘imahe ng Diyos’. Dito maipapaliwanag kung bakit ang buhay ng tao ay mahalaga. Gayunpaman, ipinagpapatuloy ng Bibliya ang pagkakalikha para talakayin ang isang seryosong problema. Ang problemang ito ay makikita mula sa libro ng Awit (awit) mula sa Bibliya.
Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha’y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa,
na sa kanya’y gumagalang at sumasamba.
Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama,
wala ni isa man, wala nga, wala! (Mga Awit 14:2-3)
Sinasabi rito na ‘lahat’ tayo ay naging ‘corrupt’. Bagaman tayo ay ‘likha sa imahe ng Diyos’, mayroon sa atin na isang bagay na sumira ng imaheng ito para sa ating lahat. Ang korapsyon ay nagpapakita ng napiling kalayaan mula sa Diyos (‘lahat ay napaliko’ mula sa ‘paghahangad sa Diyos’) at sa hindi paggawa ng ‘mabuti’.
Nag-iisip na mga Elves at Orcs
Para mas maunawaan natin, ating ipagkumpara ang mga orcs at elves mula sa pelikulang Lord of the Rings. Ang mga orcs ay mga pangit at masasamang mga nilalang. Ang mga elves ay maganda at payapang mga nilalang (tignan si Legolas). Ngunit ang mga orcs ay minsan ring naging mga elves na naging corrupt na lamang dahil kay Sauron. Ang mga orihinal na imahe ng mga elf sa loob ng mga orcs ay nasira na nang tuluyan. Sa parehong paraan na sinasabi ng Bibliya kung paano naging corrupted ang mga tao. Ang nilikha ng Diyos ay mga elves ngunit tayo’y nagmimistulang mga orcs.
Halimbawa, alam natin kung ano ang siyang ‘tama’ at ‘mali’ na pag-uugali. Ngunit hindi tayo patuloy na namumuhay nang ayon sa ating nalalaman. Kagaya ito ng isang computer virus na sumisira sa tamang pagtakbo ng isang computer. Ang ating moral code ay naririyan pa rin–ngunit nahawahan na ito ng nasabing virus. Nagsisimula ang Bibliya sa mga taong mababait at magaganda ang mga asal, ngunit sila rin ay nagiging mga corrupted. Dito naaangkop ang kung ano man ang naoobserbahan natin mula sa ating mga sarili. Ngunit nagdudulot din ito ng isang katanungan: bakit tayo ginawa ng Diyos na ganito? Alam natin kung ano ang tama at mali ngunit tayo pa rin ay nagiging corrupted. Kagaya ng reklamo ng ateista na si Christopher Hitchens:
“…Kung gusto talaga ng Diyos na mawala ang mga ito sa kaisipan ng tao [i.e. mga corrupt], dapat ay nagdahan-dahan pa siya sa pag-iimbento ng ibang pang mga nilalang.” Christopher Hitchens, 2007, God is not great: How religion spoils everything, p. 100
Ngunit nakaligtaan niya ang isang bagay na sadyang napakaimportante, ang sabi sa Bibliya ay hindi tayo ginawa ng Diyos na ganito, ngunit mayroong nakakikilabot na pangyayari matapos tayong malikha. Ang mga sinaunang tao ay naghimasik laban sa Diyos at nang dahil sa kanilang rebelyon, sila ay tuluyan nang nagbago at naging corrupted.
Ang Pagbagsak ng Sangkatauhan
Ito ay kalimitang tinatawag na Ang Pagbagsak. Si Adam, ang unang lalaki, ay nilikha ng Diyos. Mayroong kasunduan sa pagitan ng Diyos at ni Adam, parang isang kontrata ng kasal para sa katapatan, at sinira ito ni Adam. Nakalathala sa mga records sa Bibliya na si Adam ay kumain ng bunga mula sa ‘Puno ng Karunungan sa Mabuti at Masama’ kahit na napagkasunduan nilang hindi siya maaaring kumain ng bunga mula sa punong iyon. Ang kasunduan at ang puno mismo, ang nagbigay kay Adam ng kalayaang mamili kung siya ay mananatiling tapat sa Diyos o hindi. Si Adam ay nilikha mula sa imahe ng Diyos, at siya rin ay binigyan ng pagkakataon na maging kaibigan ng Diyos. Ngunit si Adam ay walang pagpipilian hinggil sa kaniyang nilikha, kaya’t pinayagan siya ng Diyos na piliin ang kaniyang pakikipagkaibigan sa Diyos. Kagaya ng pagpipilian na ang pagtayo ay hindi totoo kung ang pag-upo ay imposible, ang pakikipagkaibigan at pagtitiwala ni Adam sa Diyos ay kinakailangang maging sarili niyang desisyon. Ang desisyong ito ay nakasentro sa kautusang hindi siya pwedeng kumain ng bunga mula sa isang natatanging puno. Ngunit pinili ni Adam na magrebelde. Ang nasimulan ni Adam sa kaniyang pagrerebelde ay hindi na natigil at nananatili sa lahat ng henerasyon maging sa atin sa kasalukuyan. Tayo ay titingin sa kasunod kung ano nga ba ang ibig sabihin nito.