Ating tinignan kung paano ang sangkatauhan ay nahulog mula sa kanilang unang estado noong sila ay nilikha. Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang Diyos ay may plano na nakabase sa isang Pangako na ginawa Niya sa simula ng kasaysayan.
Ang Bibliya–Talagang Isang Library
Una, naririto ang ilang mga facts na pumapatungkol sa Bibliya. Ang Bibliya ay isang koleksiyon ng mga libro na isinulat ng iba’t ibang mga manunulat. Pinaniniwalaang 1,500 na taon ang lumipas para maisulat ang mga librong ito mula sa simula hanggang sa wakas. Kaya’t masasabing ang Bibliya ay isang library at ito ang katangiang nagbubuklod dito mula sa ibang Mahuhusay na mga Libro. Kung ang Bibliya ay isinulat lamang ng isang tao, o ng isang grupo na kila-kilala ang isa’t isa ay hindi tayo masusurpresa sa pagkakaisa nito, ngunit ang mga manunulat sa Bibliya ay pinaghihiwalay ng daan-daan at libu-libong mga taon. Ang mga manunulat na ito ay nagmumula sa iba’t ibang mga bansa, may iba’t ibang mga wika, at may iba’t ibang antas ng pamumuhay. Ngunit ang kani-kanilang mga mensahe at mga hula ay ipinagdurugtong-dugtong ang isa’t isa at ang mga katotohanan sa kasaysayan na nakalathala sa labas ng Bibliya. Ang mga pinakalumang kopya ng mga libro ng Lumang Tipan (ang mga libro bago si Hesus) na nag-e-exist pa hanggang sa ngayon ay mula pa noong 200 BC. Ang mga nag-e-exist na mga kopya naman ng Bagong Tipan ay nagmumula pa noong 125 AD at sa huli.
Ang Pangako ng Ebanghelyo sa Hardin
Makikita natin sa pinakasimula ng Bibliya ang isang halimbawa kung saan nahuhulaan ng Bibliya ang hinaharap. Bagaman ito ay pumapatungkol sa Simula, ito ay isinulat na may pagtingin at pag-iisip sa Huli. Dito ay makikita natin ang Pangako noong hinarap ng Diyos si Satanas (na nasa anyo ng isang ahas) na may palaisipan matapos lamang niyang dalhin ang mga tao sa pagbagsak ng sangkatauhan.
“Maglalagay ako sa iyo at sa babae ng pagkapoot sa isa’t isa, at sa iyong binhi at sa kanyang binhi. Ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” (Genesis 3:15)
Makikita natin na ito ay prophetic dahil ito ay nasa panghinaharap. Mayroon ding limang magkakaibang karakter na binabanggit. Ito ay sina:
- Ako = Diyos
- Ikaw = Ahas o Satanas
- Ang babae
- Ang magiging anak ng babae
- Ang magiging anak ng ahas o ni Satanas
Ang Panako ay hinuhulaan kung paano ang mga karakter na ito ay makaka-relate sa hinaharap. Ipinapakita ito sa ilalim:
Hindi sinasabi kung sino ‘ang babae’ ngunit sinasabi ng Diyos na magkakaroon sina Satanas ang babae ng ‘anak’. Mayroon magiging ‘poot’ o galit sa pagitan ng mga anak at sa pagitan ng babae at ni Satanas. Si Satanas ay ‘dudurog sa sakong’ ng anak ng babae habang ang anak ng babae naman ay ‘dudurog sa ulo’ ni Satanas.
Sino ang Anak?–isang lalaki
Gumawa tayo ng ilang mga obserbasyon, ngayon naman ay oras na para sa kongklusyon. Dahil ang ‘anak’ ng babae ay isang ‘lalaki’, maaari na tayong mag-alis ng ilang mga posibilidad. Ang anak ay ‘lalaki’ at hindi ‘babae’. Ang anak ay ‘lalaki’ at hindi ‘sila’, kung kaya’t hindi ito grupo ng mga tao o isang bayan. Ang anak ay ‘lalaki’ kung kaya’t siya ay isang tao at hindi isang ‘bagay’. Ang anak ay hindi isang pilosopiya, katuruan, sistema ng pulitika o relihiyon–kaya’t lahat ng ito ay mga ‘bagay’. Kung ‘bagay’ sana ito, ito rin sana ang ating magiging sagot para sugpuin at ayusin ang korapsyon dahil ang mga tao rin naman ay palaging nag-iisip ng mga bagong sistema at relihiyon. May iba namang naisip ang Diyos–isang ‘lalaki’–isang single na taong lalaki. Ang ‘lalaking’ ito ang dudurog sa ulo ni Satanas.
Ating pansining ang hindi nasasabi. Hindi sinasabi ng Diyos na ang anak na ito ay mangagaling sa babae at lalaki, kung hindi ito ay manggagalang lamang sa babae. Ito ay hindi pangkaraniwan dahil laging nakatala sa Bibliya na ang mga anak na lalaki ay manggagaling lamang mula sa mga ama. Mayroong ibang mga tao na ang tanaw sa Bibliya ay ‘sexist’ dahil ang mga nakatala lamang dito ay ang mga ama at mga anak na lalaki. Ngunit sa parteng ito ay iba–walang pangako na nagsasabing may anak na lalaki na manggagaling sa isang ama. Ang sinasabi lamang ay mayroong isang anak na manggangaling sa babae, na walang nagpapatungkol sa kalalakihan.
May Isang mas Huling Propeta na Tumayo sa Isang Pangako
Matapos ang daan-daang taon, may isang propeta mula sa Lumang Tipan na nagsaad sa mga sumusunod:
“Kaya’t ang Panginoon mismo ang magbibigay sa inyo ng tanda. Narito, isang birhen ang maglilihi, at manganganak ng isang lalaki, at kanyang tatawagin ang kanyang pangalan na Emmanuel.” (Isaias 7:14, 750 BC)
Mahigit na 700 na taon ang lumipas pagkatapos ni Isaias, ipinanganak si Hesus (na sinasabi sa Bagong Tipan) na mula sa isang birhen–na tumupad sa sinabi ni Isaias. Ngunit si Hesus nga ba ay nakini-kinita na kahit sa ganoong kaagang panahon–maging sa pinakasimula ng kasaysayan ng sangkatauhan? Akma ito sa deskripsyon na ang anak ay isang ‘lalaki’, hindi isang ‘babae’, hindi ‘sila’ o ‘ito’. Sa ganoong perspektibo, kung babasahin mo ang palaisipan ito ay magkakaroon ng kahulugan.
‘Durugin ang kaniyang Sakong?’
Ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin na si Satanas ay dudurugin ang ‘kaniyang sakong’? Isang taon ay nagtrabaho ako sa kagubatan ng Cameroon. Kinailangan naming magsuot ng makakapal na bota na gawa sa goma kahit na napakainit dahil ang mga ahas ay humihiga at nagbabalatkayo sa mga matataas na damo at kaya nilang kagatin ang iyong paa–ang iyong sakong–at ikamamatay mo ito. Matapos ang experience na iyon sa kagubatan, lahat ay mas nagkaroon ng kahulugan sa akin. Ang ‘lalaki’ ang dudurog kay Satanas, ang ahas, ngunit ang ‘lalaki’ ay mamamatay sa proseso. Ito ay nagbibigay babala sa tagumpay na matatamo mula sa sakripisyo ni Hesus.
‘Ang Babae’–isang Double Meaning
Kung ang Pangako sa Simula ay pumapatungkol kay Hesus, edi ang babae na tinutukoy ay ang birheng babae na magluluwal sa kaniya–si Maria. Ngunit mayroon din itong ikalawang kahulugan. Pansinin natin kung paano ang isa pang propeta mula sa Lumang Tipan ay nagre-refer sa Israel:
“Sapagkat aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kanyang bibig, at sila’y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. Sa araw na iyon ay igagawa kita ng pakikipagtipan sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na gumagapang sa lupa; at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang digmaan sa lupain, at pahihigain kita nang tiwasay. At gagawin kitang asawa ko magpakailanman; gagawin kitang asawa ko sa katuwiran at sa katarungan, sa tapat na pag-ibig at sa kaawaan. Gagawin kitang asawa ko sa katapatan; at makikilala mo ang Panginoon.” (Hoseas 2:17-20, 800 BC)
Ang Israel, sa Bibliya, ay tumutukoy sa asawa ng Diyos–isang babae. Pagkatapos, ang pinakahuling libro sa Bibliya, ay naglalarawan ng conflict kung saan ang babaeng ito ay kakailanganing dumaan muna sa kaniyang mga kaaway.
“At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nakadamit ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa, at sa kanyang ulo ay may isang putong ng labindalawang bituin; siya’y nagdadalang-tao at sumisigaw sa hirap sa panganganak at sa sakit ng pagluluwal. At may isa pang tanda na nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa kanyang mga ulo’y may pitong diadema.
Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At tumayo ang dragon sa harapan ng babae na malapit nang manganak, upang lamunin ang anak ng babae pagkapanganak niya. At siya’y nanganak ng isang batang lalaki na siyang magpapastol na may pamalong bakal sa lahat ng mga bansa. Ngunit ang kanyang anak ay inagaw at dinala sa Diyos at sa kanyang trono. Tumakas ang babae sa ilang, at doon ay ipinaghanda siya ng Diyos ng isang lugar, upang doon siya’y alagaan nila ng isang libo dalawang daan at animnapung araw. At nagkaroon ng digmaan sa langit, si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagdigma sa dragon.
Ang dragon at ang kanyang mga anghel ay nakipagdigma, ngunit hindi sila nagwagi, ni wala ng lugar para sa kanila sa langit. At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya’y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay itinapong kasama niya. At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsasabi, ‘Ngayo’y dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kanyang Cristo, sapagkat itinapon na ang tagapag-paratang sa ating mga kapatid na siyang nagpaparatang sa kanila sa harapan ng ating Diyos, araw at gabi.
At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan. Kaya’t magalak kayo, O mga langit at kayong mga naninirahan diyan! Kahabag-habag ang lupa at dagat sapagkat ang diyablo’y bumaba sa inyo na may malaking poot, palibhasa’y alam niya na maikli na lamang ang kanyang panahon!’ Nang makita ng dragon na siya’y itinapon sa lupa, inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalaki. Ngunit ang babae’y binigyan ng dalawang pakpak ng malaking agila upang makalipad siya mula sa harap ng ahas patungo sa ilang hanggang sa kanyang lugar, na pinaalagaan sa kanya ng isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
At ang ahas ay nagbuga mula sa kanyang bibig ng tubig sa babae na gaya ng isang ilog upang tangayin siya ng agos. Ngunit ang babae ay tinulungan ng lupa at ibinuka nito ang kanyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon mula sa kanyang bibig. Nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang digmain ang nalabi sa binhi ng babae, ang mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at ang mga may patotoo ni Jesus.” (Apocalipsis 12: 1-17, 90 AD)
Dahil si Jesus ay isang Hudyo, siya ay, sa magkaparehong oras, ang anak ni Maria, ang babae, at ng Israel, ang babae. Ang Pangako ay nagkatotoo sa parehong paraan. Ang sinaunang ahas ay may poot sa Israel, ‘sa babae’, at siyang nagdeklara ng giyera sa kaniya. Naipapaliwanag dito ang natatanging mga problema na pinagdaan ng mga Hudyo sa kanilang napakahabang kasaysayan, at ito ay nahulaan na mula pa sa unang-una.
Ang anak ng Ahas?
Ngunit sino ang anak ni Satanas? Sa huling libro ng Bibliya, may mga pahina at libu-libong taon na ang nakaraan matapos ang Pangako sa Genesis, hinulaan na may isang taong darating. Pansinin ang deskripsyon:
“Ang halimaw na nakita mo ay buháy noon at ngayo’y wala na, at malapit nang umahon mula sa di-matarok na kalaliman at patungo sa kapahamakan. At silang mga naninirahan sa lupa, na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila ang halimaw, sapagkat buháy noon ngunit ngayo’y wala na at darating pa. ‘Kailangan dito ang pag-iisip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae; sila rin ay pitong hari,’” (Apocalipsis 17:8-9, isinulat ni Juan ca. 90 AD)
Inilalarawan dito ang isang digmaan sa pagitan ng anak ng babae at ng anak ni Satanas. Ngunit ito ay unang ipinahayag sa Pangako ng Genesis, at sa pinakaunang parte ng Bibliya, na may pagpupuno sa mga detalye nang kalaunan. Ang countdown sa huling palighasan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas ay nagsimula matagal nang nakakaraan sa Hardin. Maaari ka ngang mapaisip na ang kasaysayan nga ay totoong istorya-niya.