Kahit na ang Israel ay isang maliit na bansa, lagi itong nasa balita. Ang balita ay patuloy na nagre-report patungkol sa mga Hudyong bumabalik sa Israel, sa teknolohiyong naimbento doon, ngunit pati na rin sa conflict, mga giyera at tensyon sa mga taong pumapaligid dito. Bakit? Ating tingnan ang kasaysayan ng Israel mula sa libro ng Genesis mula sa Bibliya, inilalahad dito na noong 4,000 na taon na ang nakakaraan, mayrong isang taong nagpunta sa isang camping trip sa isang parte ng mundo na ngayon ay talagang napakakilala. Sinasabi rin sa Bibliya na ang kasaysayang ito ay makaaapekto sa ating kinabukasan.
Ang sinaunang taong ito ay si Abraham (kilala rin bilang Abram). Pwede nating seryosohin ang kaniyang istorya dahil ang mga lugar at ang mga lungsod na kaniyang binisita ay nakasaad sa iba pang mga lumang kasulatan.
Ang Pangako kay Abraham
Ang Diyos ay nagbigay ng pangako kay Abraham.
“Gagawin kitang isang malaking bansa, ikaw ay aking pagpapalain, gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at ikaw ay magiging isang pagpapala. Pagpapalain ko ang magbibigay ng pagpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo; at sa pamamagitan mo ang lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain.” (Genesis 12:2-3)
Ang Pangalan ni Abraham ay Naging Dakila
Karamihan sa atin ay nagwa-wonder kung mayroon nga bang Diyos at kung ang Diyos na ito nga ba ang nakasaad sa Bibliya. Sa Bibliya, sinasabi ng Diyos na ‘gagawin Kong dakila ang pangalan mo’ at ngayon, ang pangalan ni Abraham/Abram ay kilala sa buong mundo. Ang pangako ay nagkatotoo. Ang pinakaunang kopya ng Genesis na natagpuan ay ang Dead Sea Scrolls at pinaniniwalaang ito ay umaabot sa 200-100 B.C. at ibig sabihin ay ang pangako ng Diyos ay nakasulat na mula pa noong panahong iyon. Noong panahon ding iyon, hindi naman kilala ang pangalan ni Abraham kung kaya’t ang pangako ay magkakatotoo lamang matapos itong maisulat, hindi bago.
…Sa Pamamagitan ng Kaniyang Dakilang Bansa
Nakakagulat na wala naman talagang ginawang importante si Abraham sa kaniyang buhay. Hindi naman siya magaling na manunulat, hari, imbentor o lider ng militar. Wala siyang ginawa kung hindi mag-camp out kung saan sinabi sa kaniya at maging ama sa ilang mga anak. Ang kaniyang pangalan ay naging dakila dahil ang mga batang kaniyang naging anak ay naging mga bansa na nagtago ng mga records mula sa kaniyang buhay–at ang mga indibidwal at mga bansa na nagmula sa kaniya ay naging dakila. Ito ay eksakto kung paano ito ipinangako mula sa Genesis 12 (“Gagawin kitang isang malaking bansa…Gagawin kong dakila ang iyong pangalan”). Wala nang ibang tao sa buong kasaysayan na sobrang sikat dahil sa kaniyang mga descendants at sa halip na mula sa mga mahuhusay na kaniyang nagawa mula sa kaniyang buhay.
…Sa Pamamagitan ng Will ng Gumagawa ng Pangako
Ang mga Hudyo na nag-descend mula kay Abraham ay hindi naman talaga ang bansa na ina-associate natin sa kadakilaan. Hindi sila sumakop ng mga mahuhusay na mga empires kagaya ng mga taga Roma, hindi rin sila nagsipagtayo ng mga malalaking monumento kagaya ng mga pyramids ng mga taga Ehipto. Ang kanilang dangal ay nagmula sa Batas at Libro na kanilang sinulat; mula sa mga ilang remarkable na indibidwal na mga Hudyo; at sila ay nananatili na parang mga iba’t ibang grupo ng tao para sa ilang libong taon. Ang kanilang kadakilaan ay hindi dahil sa kahit anong nagawa nila, sa halip napapatunayan ito ng kung ano ang nangyari sa kanila at sa pamamagitan nila. Sinasabi sa pangako ng paulit-ulit na “Gagawin ko…” Ang kanilang unique na kadakilaan ay nangyari dahil pinahintulutan ito ng Diyos na mangyari at hindi dahil sa abilidad, pananakop o kapangyarihan nilang pangsarili.
Ang pangako kay Abraham ay nagkatotoo dahil nagtiwala siya sa pangako at pinili niyang mamuhay ng iba sa nakararami. Ating isipin kung paano na lang kung ang pangako ay mabibigo, sa halip ito ay nagkatotoo, at ito ay patuloy na naga-unfold, kagaya ng nakasaad libu-libong tao na ang nakakaraan. Ang kaso ay malakas na ang pangako ay nagkatotoo lamang dahil sa pangako at awtoridad ng Gumagawa ng Pangako.
Ang Paglalakbay na Umuuga Pa Rin sa Mundo
Sinasabi sa Bibliya na “Kaya’t umalis si Abram ayon sa sinabi sa kanya ng Panginoon” (v. 4). Nagsimula siya sa kaniyang paglalakbay, ipinapakita sa mapa na ito ay nananatili sa paggawa ng kasaysayan.
Pagpapala sa Atin
Mayroon ding iba pang mga nakapangako. Ang pagpapala ay hindi lamang para kay Abraham. Sinasabi na “at sa pamamagitan mo ang lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain” (sa pamamagitan ni Abraham). Dapat natin itong pagtuunan ng pansin dahil ikaw at ako ay parte ng ‘lahat ng tao sa lupa’–hindi mahalaga kung ano ang ating relihiyon, kulay, background, nasyonalidad, social status, o sa kung anong wika tayo nakakapagsalita. Ang pangako ng pagpapala ay kinabibilangan ng lahat ng tao na buhay ngayon. Paano? Kailan? Anong klaseng pagpapala? Hindi ito malinaw na nakasaad dito ngunit alam natin na ang unang mga parte ng pangakong ito ay siya nang nagkatotoo, maaari tayong magkaroon ng confidence na ang huling parte ay magkakatotoo rin. Matatagpuan natin ang susi para ma-unlock ang misteryong ito sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pagsunod sa paglalakbay ni Abraham sa susunod na article.