Kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng mundo sa sports at pulitika ay mabilis ding makakalimutan sa susunod na mag-move on tayo sa iba’t ibang mga libangan, championships o iba pang kaganapang pampulitika. Nakita natin sa ating nakaraang article na ito ay totoo noong sinaunang panahon ni Abraham. Ang mga importanteng bagay na napagtagumpayan ng mga tao na tumira noong 4,000 libong taon na ang nakakaraan ngayon ay tuluyan na nating nalimot, ngunit ang isang pangako na tahimik na sinabi ng isang indibidwal, bagaman ay hindi napapansin dati, ay siya pa ring lumalago at nagsisipaglahad sa ating mga mata. Ang pangakong ibinigay kay Abraham noong 4,000 libong taon na ang nakakaraan ay nagkatotoo. Siguro nga’y nag-e-exist ang Diyos at Siya ay gumagalaw sa mundong ito.
Ang Reklamo ni Abraham
Ilang taon na rin ang nakalilipas mula sa buhay ni Abraham mula ng ang Pangako na nakatala sa Genesis 12 ay nailahad. Sa pagiging masunurin ni Abraham, siya ay lumipat sa Canaan (Lupang Pangako) na ngayon ay kilala bilang Israel, ngunit ang pangako na pagkapanganak ng isang anak na lalaki ay hindi nangyari. Kung kaya’t si Abraham ay nagsimula nang mag-alala.
“Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa isang pangitain, ‘Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila. Ngunit sinabi ni Abram, ‘O Panginoong Diyos, anong ibibigay mo sa akin, yamang ako’y patuloy na walang anak at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damasco? At sinabi ni Abram, ‘Hindi mo ako binigyan ng anak at isang alipin na ipinanganak sa aking bahay ang magiging tagapagmana ko.’” (Genesis 15:1-3)
Ang Pangako ng Diyos
Si Abraham ay naca-camping sa labas ng Lupain at naghihintay siya upang simulan ang ‘Dakilang Bansa’ na ipinangako sa kaniya. Ngunit wala namang nagyari at siya ay 85 na taon na (sampung taon na ang nakalipas simula nang siya ay lumipat). Nagreklamo siya na hindi tumupad sa Pangako Niya ang Diyos. Ang kanilang pag-uusap ay nagpatuloy sa:
“Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, ‘Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; ang iyong sariling anak ang magiging tagapagmana mo. Siya’y dinala niya sa labas at sinabi, ‘Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.’ At sinabi sa kanya, ‘Magiging ganyan ang iyong binhi.” (Genesis 15: 4-5)
Mas pinalawak pa ng Diyos ay Kaniyang unang Pangako sa pagdedeklara na si Abraham ay magkakaroon ng anak na lalaki na magiging accountable sa tao kagaya ng mga bituin sa kalangitan. At ang mga taong ito ay mabibiyayaan ng Lupang Pangako–na ngayon ay tinatawag nating Israel.
Ang Tugon ni Abraham: Epekto ng Walang Hanggan
Paano ang magiging tugon ni Abraham sa mas pinalawak na Pangako? Ang sumusunod ay isang pangungusap na tinatrato mismo ng Bibliya na isa sa pinaka importanteng pangungusap sa buong Bibliya. Tumutulong ito para maunawaan natin ang Bibliya at para makita natin ang puso ng Diyos. Sinasabi rito:
“Sumasampalataya siya sa Panginoon; at ito’y ibinilang na katuwiran sa kanya.” (Genesis 15:6)
Mas madali nating mauunawaan ang pangungusap na ito kung papalitan natin ang mga panghalip ng mga pangalan. Mababasa ito bilang:
“Sumampalataya si Abraham sa Panginoon; at ibinilang ng Diyos ang katuwiran kay Abraham.” (Genesis 15:6)
Ito ay isang maikli at simpleng pangungusap, ngunit ito ay significant. Bakit? Dahil sa maikling pangungusap na ito, nakamit ni Abraham ang ‘righteousness’. Ito ang nag-iisang kalidad na kailangan nating maitama bago tayo humarap sa Diyos.
Pag-aaralan ang Ating Problema: Korapyson
Mula sa punto-de-bista ng Diyos, tayo ay gawa sa imahe ng Niya ngunit mayroong nangyari sa atin na nagdala sa ating pagkaka- corrupt. Sinasabi ng Bibliya:
“Ang Panginoon ay nakadungaw mula sa langit sa mga anak ng mga tao, upang tingnan kung may sinumang kumikilos na may talino, na hinahanap ang Diyos. Silang lahat ay naligaw, sila ay pare-parehong naging masasama; walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” (Mga Awit 14: 2-3)
Ang ating sariling korapsyon ay nagreresulta sa ating paggawa ng hindi mabuti–ito ay nagdudulot ng emptiness at kamatayan. Kung pinagdududahan mo ito, basahin mo na lamang ang mga headlines ng mga balita sa buong mundo para makita natin kung anu-ano nga ba ang pinaggagagawa ng mga tao sa nakaraang 24 oras. Ang ibig sabihin nito ay tayo ay nakahiwalay sa matuwid na Diyos dahil tayo mismo ay nagkukulang sa katuwiran.
Ang ating korapsyon ang nagre-repel sa Diyos sa parehong paraan na tayo ay umiiwas sa katawan ng isang patay na daga. Hindi natin gugustuhing malapit dito. Kung kaya’t ang mga salita ng propetang si Isaiah sa Bibliya ay nagkatotoo.
“Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan. Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon, at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.” (Isaias 64:6)
Si Abraham at ang Righteousness
Dito sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Abraham, makakakita tayo ng tahimik na deklarasyon na nakakuha si Abraham ng righteousness, isang uri na katanggap-tanggap sa Diyos–kahit na si Abraham ay may kasalanan. Ngunit ano nga ba ang ‘ginawa’ ni Abraham para makamit ang righteousness na ito? Simpleng sinasabi na si Abraham ay ‘naniwala’. Iyon lamang? Tayo ay nagtatangkang makamit ang righteousness sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang mga bagay, ngunit ang taong ito, si Abraham, nakuha niya lamang ito sa simpleng ‘paniniwala’.
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng paniniwala? At ano nga ba ang kinalaman nito sa righeteousness nating lahat? Tatalakayin natin ito sa susunod.