Sa huling article nakita natin na nakakuha si Abraham ng righteousness sa pamamagitan ng pagtitiwala. Makikita ito sa maikling pangungusap:
“Sumampalataya siya sa Panginoon; at ito’y ibinilang na katuwiran sa kanya.” (Genesis 15:6)
Ang Paniniwala ay Hindi Tungkol sa Pag-e-exist ng Diyos
Isipin natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘paniniwala’. Karamihan sa mga tao ay iniisip na ang ibig sabihin ng ‘paniniwala’ ay paniniwalang ang Diyos ay nag-e-exist. Iniisip natin na gusto lamang ng Diyos na paniwalaan natin na naririyan lamang Siya. Ngunit iba ang sinasabi ng Bibliya. Sinasabi sa Bibliya na:
“Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa. Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa.” (Santiago 2:19)
Nilalaro ng Bible ang mga salita rito gamit ang sarcasm para sabihin na ang paniniwala na si God ay nag-e-exist ay hindi sapat para tayo ay maging kasing bait kagaya ng Demonyo. Totoo na si Abraham ay naniniwala sa existence ng Diyos, ngunit hindi iyon ang punto ng kaniyang righteousness. Ang Diyos ay nangako kay Abraham na bibigyan niya ito ng anak na lalaki. Iyon ang pangako na pipiliin ni Abraham na paniwalaan o hindi–kahit na alam ni Abraham na siya na ay nasa kaniyang 80 anyos at ang kaniyang asawa ay nasa 70 anyos na rin. Nagtiwala siya na ang Diyos ay ibibigay ang pangako na naipangako sa kaniya. Ang paniniwala, sa istoryang ito, ay nangangahulugan din na pagtitiwala. Pinili ni Abraham na magtiwala sa Diyos na bibigyan siya nito ng anak na lalaki.
Nang mas piliin ni Abraham na magtiwala sa pangako ng isang anak na lalaki na ibibigay sa kaniya ng Diyos–ang Diyos ay nagbigay sa kaniya–ng righteousness. Sa huli, nakuha ni Abraham ang dalawang pangako sa kaniya (ang isang anak na lalaki kung saan ang isang dakilang bansa ay magmumula) at ang kaniyang righteousness.
Righteousness–Hindi Mula sa Merit o sa Pagsisikap
Ang righteousness ni Abraham ay hindi niya ‘kinita’; kung hindi, ito ay ‘ibinigay’ sa kaniya. Ano ang pagkakaiba? Kung ang isang bagay ay ‘kinita’, ibig sabihin ay pinagtrabahuhan mo ito–ito ay nararapat sa’yo. Ito ay katulad ng pagkuha ng sahod para sa trabahong ginagawa mo. Ngunit kapag ang isang bagay ay binigay sa’yo, ito ay bigay. Ito ay hindi kinita or na-merit, kun’di simpleng binigay.
Iniisip natin na sa mas paggawa natin ng mabubuting mga bagay kaysa sa masasamang mga bagay, sa paggawa ng magandang, o sa pag-meet natin sa mga obligasyon ay nararapat tayong makakuha o maka-merit ng righteousness. Ipinapakita ni Abraham na ang ideyang ito ay mali. Hindi niya tinangkang kitain ang righteousness. Mas simple niyang piniling maniwala sa pangakong ibinigay sa kaniya, at ang righteousness ay ibinigay sa kaniya.
Ang Paniniwala ni Abraham: Itinaya Niya ang Buhay Niya Rito
Ang pagpili na maniwala sa pangako na siya’y magkakaroon ng anak na lalaki ay simple, ngunit hindi ito madali. Noong siya’y unang napangakuan ng ‘Dakilang Bansa’ siya’y 75 na taong gulang at iniwan niya ang kaniyang bayan upang maglakbay patungo sa Canaan. Halos sampung taon na ang nakakalipas at sina Abraham at Sarah ay wala pa ring anak–wala rin ang bansa! “Bakit hindi pa tayo binibigyan ng Diyos ng anak na lalaki kung kaya niya naman tayong bigyan?” Siguro ay inisip niya ‘yan. Naniwala si Abraham sa pangakong siya’y magkakaroon ng anak na lalaki dahil nagtiwala siya sa Diyos, kahit na hindi niya naman naiintindihan ang lahat ng bagay na pumapatungkol sa pangako, o kahit na hindi lahat ng tanong sa kaniyang isipan ay mayroong sagot.
Ang paniniwala sa pangako ay nangangailangan ng aktibong paghihintay. Ang kanilang buong buhay ay nagambala habang sila ay naninirahan sa mga tent sa kanilang paghihintay sa pangako. Mas madali na lamang na gumawa ng mga dahilan at umuwi na lamang sa Mesopotamia (ngayon ay kilala bilang Iraq) dahil ilang taon na ang nakakaraan, at kung saan ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang pamilya ay naninirahan pa noon. Mas komportable ang kanilang buhay doon.
Ang pagtitiwala niya sa pangako ang naging prayoridad niya kaysa sa mga normal na mga layunin sa buhay–sekyuridad, kaginhawahan at ang kanilang kapakanan. Pwede naman siyang hindi na maniwala sa pangako kahit na siya ay naniniwala pa rin sa existence ng Diyos at siya pa rin ay magpapatuloy sa kanilang relihiyosong aktibidad at sa paggawa ng mabuti. Kung gayon ay mame-maintain niya ang kaniyang relihiyon ngunit hindi siya ‘mabibigyan’ ng righteousness.
Ang Ating Halimbawa
Sa Bibliya, tinatrato si Abraham na isang halimbawa para sa atin. Ang paniniwala ni Abraham sa mga pangako ng Diyos, at ang pagbibigay ng righteousness, ito ay isang pattern para sa atin. Ang Bibliya ay may iba’t ibang mga pangako na ginawa ang Diyos para sa ating lahat. Tayo ay dapat ding mamili kung tayo ay maniniwala sa mga ito.
Naririto ang isang halimbawa ng isang pangako:
“Subalit ang lahat ng tumatanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos, na ipinanganak hindi sa dugo, o sa kalooban ng laman, o sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.” (Juan 1: 12-13)
Ngayon, alam natin na ang pangako kay Abraham ay nagkatotoo. Hindi maitatanggi na ang mga Hudyo ngayon na nag-e-exist bilang isang bayan ay ang dakilang bansa na galing kay Abraham. Ngunit kagaya ni Abraham, ngayon, tayo ay nakakaharap ng pangako na para bang walang kasiguraduhan. Parang si Abraham, tayo ay dapat mamili kung tayo nga ba ay maniniwala sa pangako–o hindi.
Sino ang Nagbabayad sa Righteousness?
Ipinapakita ni Abraham na ang righteousness ay binibigay na parang isang regalo. Kapag ikaw ay nakakuha ng isang regalo, hindi mo ito binabayaran–kapag binayaran mo ito, hindi na ito isang regalo. Ang may bigay ng regalo ang siyang nagbabayad. Ang Diyos, ang nagbibigay ng righteousness, ang siyang nagbabayad para sa righteousness. Paano Niya ito ginagawa? Makikita natin ito sa susunod na article.