Si Abraham ay nabuhay 4,000 na taon na ang nakakaraan, naglakbay siya papuntang Israel. Pinangakuan siya ng isang anak na lalaki na kalaunan ay magiging ‘dakilang bansa’, ngunit kinailangan niyang maghintay hanggang siya ay napakatanda na para makitang ipanganak ang kaniyang anak. Ang mga Hudyo at Arabo ngayon ay galing kay Abraham, dahil dito makikita natin na ang pangako ng Diyos kay Abraham ay nagkatotoo at siya ay isang importanteng tao sa kasaysayan na nakilala bilang ama ng mga dakilang bansa.
Lubha ang kasiyahan ni Abraham nang makita niyang tumanda ang kaniyang anak na si Isaac. Ngunit isang beses, sinubok ng Diyos si Abraham sa isang kahanga-hangang paraan. Ito ang sinabi ng Diyos:
“At kanyang sinabi, ‘Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya bilang handog na susunugin sa itaas ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.’” (Genesis 22:2)
Ang utos na ito ay mahirap intindihin. Bakit hihilingin ng Diyos na isakripisyo ni Abraham ang kaniyang anak? Ngunit si Abraham ay natutong magtiwala sa Diyos–kahit hindi niya lubos na naiintidihan ang mga dahilan.
“Si Abraham ay maagang bumangon at inihanda ang kanyang asno. Isinama niya ang dalawa sa kanyang mga batang tauhan at si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin; at siya’y naghanda at pumunta sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.” (Genesis 22:3)
Matapos ang tatlong araw na puno ng paglalakbay, narating din nila ang bundok.
“At sila’y dumating sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos. Nagtayo roon si Abraham ng isang dambana, inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng kahoy na nasa ibabaw ng dambana. Iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang patalim upang patayin ang kanyang anak.” (Genesis 22:9-10)
Handa si Abraham na sundin ang utos sa kaniya ng Diyos. Ngunit bago niya ialay ang kaniyang anak, may isang kahanga-hangang bagay na nangyari.
“Ngunit tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, ‘Abraham, Abraham.’ At kanyang sinabi, ‘Narito ako.’ At sa kanya’y sinabi, ‘Huwag mong sasaktan ang bata, o gawan man siya ng anuman, sapagkat ngayon ay nalalaman ko na ikaw ay may takot sa Diyos, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak.’ Kaya’t tumingin si Abraham, at nakita niya ang isang tupang lalaki sa likuran niya na ang mga sungay ay sumabit sa mga tinik. Lumapit si Abraham at kinuha ang tupa, at siyang inialay na handog na susunugin kapalit ng kanyang anak.” (Genesis 22:11-13)
Sa pinakahuling minuto, nailigtas si Isaac mula sa kamatayan at nakakita naman si Abraham ng isang lalaking tupa at ito ang kaniyang ginawang alay. Nagkaloob ang Diyos ng isang lalaking tupa at ang tupang ito ang pumalit kay Isaac bilang alay.
Nais kong magtanong dito. Sa puntong ito ng kuwento, ang lalaking tupa ba ay patay o buhay?
Bakit ako nagtatanong? Dahil ngayon, si Abraham ay magbibigay na ng pangalan sa lugar na ito ngunit kalimitan ay nakakaligtaan ng mga tao ang importansiya nito. Ang kuwento ay nagpapatuloy…
“Kaya’t tinawag ni Abraham ang lugar na iyon Yahweh-yireh. Kaya’t sinasabi hanggang sa araw na ito: ‘Sa bundok ng Panginoon ito ay ipagkakaloob.’” (Genesis 22:14)
Ito ang isa pang tanong: Ang pangalan bang ibinigay ni Abraham sa lugar na iyon (Ang Panginoon ay Magkakaloob) ay nasa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap?
Pagtingin sa Hinaharap, Hindi sa Nakaraan
Malinaw naman na ito ay nasa hinaharap. Maraming tao ang nakakaisip na nang pinangalanan ni Abraham ang lugar na iyon, ang kaniyang pag-iisip ay nasa lalaking tupa na ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakahuli sa thicken at siyang isinakripisyo sa halip na kay Isaac. Ngunit nang pinangalanan ni Abraham ang lugar na iyon, ang lalaking tupa ay patay na at siya nang naisakripisyo. Kung iniisip ni Abraham ang lalaking tupa–na siya nang patay at naisakripisyo–siguro ay pinangalanan niya ang lugar na ‘Ang Diyos ay Nagkaloob’–nasa nakaraan. At dapat, mababasa ang closing comment na “Kaya’t sinasabi hanggang sa araw na ito: ‘Sa bundok ng Panginoon ito ay ipinagkaloob.’” Ngunit ang pangalan ay nakatuon sa hinaharap, hindi sa nakaraan. Hindi iniisip ni Abraham ang siya nang patay na lalaking tupa. Ipinangalan niya ito para sa isang bagay–sa hinaharap. Ngunit ano nga ba ito?
Saan ang Lugar na Iyon?
Alalahanin natin kung saan naganap ang sakripisyo, na nakalathala sa simula ng kuwento:
(“Kunin mo si Isaac…Dalhin mo siya sa lupain ng Moriah.”)
Naganap ang lahat ng ito sa ‘Moriah’. Ngunit saan nga ba ito? Noong panahon ni Abraham (2,000 B.C.), ito ay isang kagubatan na may kaunting mga palumpong, mga ligaw na tupa, at sina Abraham at Isaac sa bundok. Ngunit isang libong taon ang nakalipas (1,000 B.C.), itinayo ni Haring David ang siyudad ng Jerusalem sa lugar na ito, at ang kaniyang anak na si Solomon ang nagtayo ng pinakaunang Jewish Temple doon. Ating mababasa sa Lumang Tipan na:
“Pinasimulang itayo ni Solomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem sa ibabaw ng Bundok Moria,” (2 Cronica 3:1)
Ang Bundok Moriah ay naging Jerusalem, ang siyudad ng mga Hudyo na may Jewish Temple. Sa ngayon, ang lugar na ito ay isang sagradong lugar para sa mga Hudyo, at ang Jerusalem ay ang kabiserang lungsod ng Israel.
Ang Sakripisyo nina Abraham at ni Hesus
Isipin natin ang mga titulo ni Hesus. Ang pinakatanyag na titulo ni Hesus ay ‘Kristo’. Ngunit mayroon pa siyang ibang mga titulo katulad ng mga sumusunod:
“Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!’” (Juan 1:29)
Si Hesus ay kilala rin bilang ang ‘Kordero ng Diyos’. Ating tingnan ang huling bahagi ng buhay ni Hesus. Saan siya inaresto at saan din siya ipinako? Ang lugar na pinagdausan ng mga ito ay sa Jerusalem (ito ay ang parehong lokasyon ng ‘Bundok Moriah’). Malinaw na sinasabi rito na:
“At nang kanyang malaman na siya’y sakop ni Herodes, kanyang ipinadala siya kay Herodes, na nang panahong iyon ay nasa Jerusalem din.” (Lucas 23:7)
Ang pagkakaaresto, paglilitis at kamatayan ni Hesus ay naganap sa Jerusalem (Bundok Moriah). Ang timeline na makikita sa ibaba ay nagpapakita ng mga kaganapan na nangyari sa Bundok Moriah.
Mabalik tayo kay Abraham. Bakit niya pinangalanan ang lugar na iyon na nasa panghinaharap, ‘Ang Diyos ay Magkakaloob’? Nasagip si Isaac sa pinakahuling minuto nang may nakitang tupa si Abraham na isasakripisyo kapalit ng kaniyang anak. Dalawang libong taon na din ang nagdaan, tinawag si Hesus na ‘Kordero ng Diyos’ at siya ay isinakripisyo sa eksaktong lokasyon–para ikaw at ako ay mabuhay.
Isang Banal na Plano
Para bang mayroong isang Isip na nagkonekta sa dalawang kaganapan na ito kahit na sila ay pinagbubuklod ng 2,000 na taon ng kasaysayan. Ang nagbibigay ng natatanging koneksiyon sa mga kaganapang ito ay ang unang kaganapan ay nagpapahiwatig sa ikalawang kaganapan sa pamamagitan ng pangalan na nasa panghinaharap. Ngunit paano nga ba malalaman ni Abraham kung ano ang mangyayari sa hinaharap? Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Para makini-kinita ang hinaharap at para mangyari ang mga kaganapang ito sa eksaktong lugar ay isang ebidensiya na ito ay hindi plano ng isang tao, kun’di plano mula sa Diyos. Gusto ng Diyos na pag-isipan natin ito kagaya ng nasa ibaba:
Magandang Balita Para sa Lahat ng Bansa
Ang kuwentong ito ay mayroon ding pangako para sa’yo. Sa huli ng kuwento, pinangako ng Diyos kay Abraham ang sumusunod:
“At sa pamamagitan ng iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa, sapagkat sinunod mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18)
Kung ikaw ay nabibilang sa kahit isa sa mga ‘bansa sa lupa’, ito ang isang pangako para sa’yo na nagbibigay sa’yo ng ‘pagpapala’ mula sa Diyos.
Ngunit ano nga ba ang ‘pagpapala’ na ito? Paano mo ito makukuha? Isipin natin ang kuwento. Kagaya na lamang ng pagsagip ng lalaking tupa kay Isaac mula sa kamatayan, si Hesus na siyang Kordero ng Diyos, sa pamamagitan ng kaniyang sakripisyo sa parehong lugar, ay sinagip tayo mula sa kamatayan. Kung ito ay totoo, ito ay isang napakagandang balita.
Ang sakripisyo ni Abraham sa Bundok Moriah ay isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa buong sinaunang kasaysayan. Ang kaganapang ito ay inaalala at pinagsasalu-saluhan ng iba’t ibang mga tao sa buong mundo magpahanggang ngayon. Ngunit ito rin ay isang kuwento para sa’yo na nabuhay 4,000 na taon sa hinaharap.