Nang mamatay si Abraham, ang kaniyang mga descendants ay tinawag na mga Israelita. 500 na taon ang nakakaraan at sila ay naging isang malaking tribo. Ngunit sila rin ay naging mga alipin ng mga taga Ehipto.
Ang Exodo
Ang lider ng mga Israelita ay si Moises. Inutusan ng Diyos si Moises na magtungo sa Paro ng Ehipto at sabihin na palayain ang mga Israelita mula sa pagkakaalipin. Dito nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng Paro at ni Moises na nagbunga ng siyam na salot para sa Paro at mga taga Ehipto. Ngunit sa kabila ng mga salot na ito, hindi pa rin sumang-ayon ang Paro sa pagpapalaya sa mga Israelita kung kaya’t nagbigay pa ng ika-sampung salot ang Diyos. Ang buong account sa kung ano ang nangyari sa ika-Sampung Salot mula sa Bibliya ay naka-link dito.
Ang ika-sampung salot ay magdadala ng kamatayan mula sa Anghel ng Kamatayan sa lahat ng mga unang anak na lalaki sa buong lupain–lahat maliban sa may mga bahay kung saan ang isang tupa ay inialay at ang dugo ng nasabing tupa ay nakapinta sa mga frames ng pintuan sa kani-kaniyang mga kabahayan. Kung ang Paro ay hindi sumunod, ang kaniyang unang anak na lalaki at ang tagapagmana ng kaniyang trono ay mamamatay. Lahat ng bahay sa Ehipto na hindi magsakripisyo ng tupa at hindi magpinta ng dugo sa kani-kanilang mga pintuan ay mamamatayan ng kanilang mga unang anak na lalaki. Kung kaya’t ang Ehipto ay sumailalim sa isang pambansang kalamidad.
Sa mga bahay ng mga Israelita (at mga taga Ehipto) kung saan may tupa na naisakripisyo at dugo na nakapinta sa mga pintuan ay pinangakuan na magiging ligtas. Ang Anghel ng Kamatayan ay lalagpas sa bahay na iyon. Ito ang dahilan kung bakit ang araw na iyon ay tinawag na Paskuwa.
Paskuwa–Isang Sign Para Kanino?
Iniisip ng mga tao na ang mga dugo na nakapinta sa mga pintuan ay para lamang sa Anghel ng Kamatayan. Ngunit ating pansinin kung ano ang nakasulat sa Bibliya:
“Ang dugo ay magiging sa inyo’y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan; kapag aking nakita ang dugo, lalampasan ko kayo at walang salot na papatay sa inyo, kapag pinuksa ko ang lupain ng Ehipto.” (Exodo 12:13)
Kahit na hinanap ng Diyos ang nakapintang dugo sa mga pintuan, at kapag nakita niya ito, lalagpasan ng Kamatayan ang nasabing mga bahay, ang dugo ay hindi isang sign para sa Kaniya. Sinasabing ang dugo ay isang ‘sign para sa’yo’–mga tao, na kasama ikaw at ako.
Ngunit paano ito naging isang sign? Matapos ang pangyayaring ito, inutos ng Diyos ang sumusunod:
Ipagdiwang ang araw na iyon bilang isang pangmatagalang ordinansa para sa mga henerasyon pang susunod. Sa araw na papasukin ninyo ang lupain, sundin ninyo ang seremonyang ito. Ito ang alay sa Paskuwa para sa Diyos.
“Inyong sasabihin, ‘Ito ang paghahandog ng paskuwa ng Panginoon, sapagkat kanyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Ehipto, nang kanyang patayin ang mga Ehipcio at iniligtas ang ating mga bahay.’ At ang taong-bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.” (Exodo 12:27)
Ang Pambihirang Kalendaryo ng Paskuwa
Sa katunayan, makikita natin sa simula ng kuwentong ito na ang ika-sampung salot ay ang dahilan kung paano nagsimula ang sinaunang kalendaryo ng mga Israelita (Jewish).
“Ang Panginoon ay nagsalita kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto, na sinasabi, ‘Ang buwang ito’y magiging pasimula ng inyong mga buwan; ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.’” (Exodo 12:1-2)
Simula ng panahong iyon, sinimulan ng mga Israelita ang kalendaryo na ipinagdiriwang ang Paskuwa sa parehong araw taon taon. Sa loob ng 3,5000 na taon, ipinagdiriwang pa rin ng mga Israelita ang Paskuwa taon taon sa pag-alala kung paano ang kanilang mga ninuno ay nasagip mula sa kamatayan. Dahil ang kalendaryo ng mga Israelita ay may maliit na pagkakaiba mula sa kalendaryo ng mga Western, ang araw ng Paskuwa ay naiiba taon taon sa kalendaryo ng mga Western.
Si Hesus at ang Paskuwa
Kung ating sinusubaybayan ang pagdiriwang ng Paskuwa sa ating kasaysayan, makakapansin tayo ng isang bagay na kakaiba. Pansinin natin kung paano nangyari ang pag-aresto at ang paglilitis ni Hesus:
“Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa palasyo ng gobernador. Noon ay maaga pa at sila’y hindi pumasok sa punong-himpilan, upang hindi marumihan, at upang sila’y makakain ng kordero ng paskuwa. ‘Ngunit kayo’y may kaugalian na maaari kong pakawalan ang isang tao para sa inyo sa Paskuwa. Gusto ba ninyong pakawalan ko para sa inyo ang Hari ng mga Judio?’ Sila’y sumigaw na muli, ‘Hindi ang taong ito, kundi si Barabas.’ Si Barabas ay isang tulisan.” (Juan 18:28, 39-40)
Ang mga rabbinical na kasulatan ng mga Israelita ay sumasang-ayon nang si Hesus ay binitay:
“Si Hesus ay binitay noong bisperas ng Paskuwa…” (Sandhedrin 43a of Babylonian Talmud; binanggit sa Jesus and Christian Origins outside the New Testament ni FF Bruce, p. 56, 1974, 215 pp)
Si Hesus at inaresto at binitay noong Paskuwa sa kalendaryo ng mga Israelita–ang parehong araw kung saan lahat ng mga Hudyo ay nagsakripisyo ng tupa sa pag-alala sa mga tupa noong 1,500 B.C. na naging sanhi ng paglagpas ng Kamatayan. Alalahanin natin mula sa Sakripisyo ni Abraham, isa sa mga titulo ni Hesus ay ang sumusunod:
“Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!’” (Juan 1:29)
Si Hesus, na siyang ‘Kordero ng Diyos’, ay isinakripusyo sa parehong araw na ang lahat ng Hudyo na buhay noon ay nagsakripisyo ng mga tupa sa pag-alala ng pinakaunang Paskuwa na nagsimula ng kanilang kalendaryo. Ito ang dahilan kung bakit ang Paskuwa ng mga Israelita ay natataaon sa kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang Pasko ng Pagkabuhay ay ipinagdiriwang para alalahanin ay pagkamatay ni Hesus, at dahil sa kung anong nangyari sa Paskuwa, ang Pasko ng Pagkabuhay at ang Paskuwa ay ginaganap na makalapit sa isa’t isa. (Dahil ang kalendaryo ng mga Western ay iba, ang Pasko ng Pagkabuhay at ang Paskuwa ay hindi natatapat sa parehong araw, ngunit kadalasan ay ipinagdiriwang ito sa parehong linggo).
Signs, Signs, Kahit Saan may Signs
Alalahanin natin ang pinakaunang Paskuwa noong panahon ni Moises kung saan ang dugo ay isang ‘sign’, hindi lamang para sa Diyos, ngunit para rin sa atin. Isipin natin kung ano nga ba ang ginagawa ng mga signs sa pagkunsidera sa mga signs na sumusunod:
Sa tuwing nakikita natin ang ‘bungo at ang crossbones’ na sign ay naiisip natin ang kamatayan at panganib. Ang sign ng ‘Arkong Ginto’ ay nagpapaisip sa atin ng McDonald’s. Ang ‘√’ sa bandana ni Nadal ay ang sign para sa Nike. Nais ng Nike na maisip natin sila sa tuwing makikita natin ang bandana ni Nadal. Ang mga signs na ito ay ginawa para mag-direct sa ating isipian na isipin, hindi ang mga signs na ito, kun’di kung ano ang pinapatungkulan nito.
Sinabi ng Diyos kay Moises na ang dugo noong unang Paskuwa ay isang sign. Ano nga ba ang pinapatungkulan ng Diyos sa sign na ito? Kasama ang kahanga-hangang timing ng pagsasakripisyo sa mga tupa sa parehong araw na isinakripisyo si Hesus, ang ‘Kordero ng Diyos’, ito ay isang sign na pumapatungkol sa pagdating ng sakripisyo ni Hesus.
Gumagana ito sa utak natin kagaya ng ipinapakita ng diagram sa ilalim:
Ang sign na ito ay nagtuturo sa atin upang isipin ang sakripisyo ni Hesus. Sa unang Paskuwa, ang mga tupa ay isinakripisyo at ang mga dugo nito ay ipininta para lagpasan ng kamatayan ang mga tao. Ang sign na nagtuturo kay Hesus ay nagsasabi na ang ‘Kordero ng Diyos’ ay siya ring isinakripisyo at ang kaniyang dugo ay tumulo para lagpasan tayo ng kamatayan.
Kasama ang sakripisyo ni Abraham sa lugar kung saan ang lalaking tupa ay namatay para si Isaac ay mabuhay ay ang Bundok Moriah–ito ang parehong lugar kung saan si Hesus ay isinakripisyo 2,000 na taon ang nakalipas. Ito ay ibinigay para ‘makita’ natin ang ibig sabihin ng kaniyang sakripisyo sa pamamagitan ng pagturo sa lokasyon. Ang Paskuwa ay siya ring nagtuturo sa sakripisyo ni Hesus, ngunit gumagamit ito ng ibang sign–tinuturo nito ang araw sa kalendaryo—ang siya ring kalendaryo na nagsimula noong unang Paskuwa. Sa dalawang magkaibang paraan, ang pinakaimportanteng mga kuwento sa Lumang Tipan ay pumapatungkol mismo sa kamatayan ni Hesus sa paggamit ng mga tupang isinakripisyo. Hindi ako makaisip ng kahit sinong tao sa kasaysayan na ang kamatayan (o mga tagumpay sa buhay) ay masyadong nakini-kinita sa dalawang dramatikong paraan. Ikaw din ba?
Ang dalawang kaganapang ito (ang sakripisyo ni Abraham at ang Paskuwa) dapat ay nagpapakita sa atin na siya ngang makatwiran na ikunsidera na si Hesus ay nasa gitna ng isang Banal na Plano.
Ngunit bakit nga ba inilagay ng Diyos ang mga signs na ito sa sinaunang kasaysayan para ma-predict ang pagkapako ni Hesus? Bakit nga ba ito lubhang importante? Ano nga ba ang dahilan para kailanganin ng mundo ang mga madugong simbolo? At may kaugnayan pa ba ito sa atin sa ngayon? Para masagot natin ang mga tanong na ito at para lubos nating maintindihan kung ano ang nangyari sa simula, kailangan nating tignan ang pinakasimulang bahagi ng Bibliya.