Ang mga Pagpapala at mga Sumpa ni Moises
Si Moises ay nabuhay noong 3,500 na taon na ang nakakalipas, at siya rin ang nagsulat ng unang limang libro ng Bibliya–ito ay kilala bilang ang Pantateuch o ang Torah. Sa kaniyang ikalimang libro na Deuteronomio nakasaad ang mga huling proklamasyon na kaniyang ginawa bago siya mamatay. Ito ay ang mga pagpapala para sa mga Israelita–ang mga Hudyo, ngunit ito rin ay ang kaniyang mga sumpa. Isinulat ni Moises na ang mga pagpapala’t sumpa na ito ay ang siyang maghuhulma sa kasaysayan at siya ring dapat pagnilay-nilayan, hindi lamang ng mga Hudyo, pero para na rin sa mga tao sa iba’t ibang mga bansa. Ito ay isinulat para pag-isipang mabuti ng mga tao. Ang kumpletong mga pagpapala at sumpa ay naririto. Aking ibubuod ang pangunahing mga punto sa ilalim.
Ang Pagpapala ni Moises
Sinimulang ilarawan ni Moises ang mga pagpapalang makakamit ng mga Israelita kung sila ay susunod sa mga Batas. Ang mga batas na ito ay ibinigay sa mga nauna nang libro, at dito nabibilang ang Sampung Utos. Ang mga pagpapalang ito ay mula sa Diyos, at ang mga ito ay sadyang dakila na ang mga tao sa ibang mga bansa ay makakakilala sa mga pagpapalang ito. Ang kalalabasan ng mga pagpapalang ito ay:
“Makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila’y matatakot sa iyo.” (Deteronomio 28:10)
…at ang mga Sumpa
Gayunpaman, kung ang mga Israelita ay mabibigong sumunod sa mga Utos, sila ay makakatanggap ng mga Sumpa na siyang tatapat at sasalamin sa Pagpapala. Ang mga Sumpang ito ay makikita ng mga karatig na mga bansa upang:
“Ikaw ay magiging katatakutan, isang kawikaan at isang bukambibig sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.” (Deuteronomio 28:37)
At ang mga sumpang ito ay mas magiging malawig sa kasaysayan.
“Ang mga iyon ay magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailanman.” (Deuteronomio 28:46)
Ngunit nagbigay ng babala ang Diyos na ang pinaka-worst na parte ng mga sumpa ay magmumula sa ibang mga bansa.
Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng paglipad ng agila; isang bansang ang wika’y hindi mo nauunawaan; bansang may mabangis na mukha na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni mahahabag sa bata. Kanyang kakainin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa ikaw ay mawasak. Wala ring ititira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay mapuksa niya. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong bayan, hanggang sa ang mataas at may pader na kuta na iyong pinagtitiwalaan ay bumagsak sa iyong buong lupain. Kanyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga bayan sa buong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.” (Deuteronomio 28:49-52)
Mapupunta ito mula sa masama hanggang sa mas masama.
“Kung paanong ang Panginoon ay natutuwa na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na kayo’y lipulin at puksain. Kayo’y palalayasin sa lupain na inyong pinapasok upang angkinin. Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo’y maglilingkod kayo sa ibang mga diyos na yari sa kahoy at bato na hindi ninyo kilala, ni ng inyong mga ninuno. Sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa, kundi bibigyan ka doon ng Panginoon ng isang nanginginig na puso, lumalabong paningin, at nanghihinang kaluluwa.” (Deuteronomio 28:62-65)
Ang mga Pagpapala at Sumpa na ito ay itinatag sa pamamagitan ng isang tipan (isang kasunduan) sa pamamagitan ng Diyos at ng mga Israelita:
“Upang ikaw ay makipagtipan sa Panginoon mong Diyos, at sa kanyang pangako na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Diyos sa araw na ito; upang kanyang itatag ka sa araw na ito bilang isang bayan, at upang siya’y maging iyong Diyos, na gaya ng kanyang ipinangako sa iyo at sa iyong mga ninuno, kina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi lamang sa inyo ko ginagawa ang tipang ito at ang pangakong ito; kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harapan ng Panginoon nating Diyos, at gayundin sa hindi natin kasama sa araw na ito.” (Deuteronomio 29:12-15)
Sa madaling salita, ang tipan na ito ay nagbibigkis sa mga bata o sa mga susunod na henerasyon. Sa makatuwid, ang tipan na ito ay nakadirekta sa mga susunod na henerasyon–parehong mga Israelita at mga dayuhan.
“Ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel para sa sakuna, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan. Ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na babangon pagkamatay ninyo, at ang dayuhan na magmumula sa malayong lupain ay magsasabi, kapag nakita nila ang mga salot ng lupaing iyon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon, at ang buong lupaing iyon ay sunóg na asupre, at asin, na hindi nahahasikan, hindi nagbubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra, Adma at Zeboyin, na winasak ng Panginoon sa kanyang matinding galit. Kaya’t lahat ng mga bansa ay magsasabi, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? Ano ang dahilan ng pagpapakita ng ganitong matinding galit?’” (Deuteronomio 29:21-24)
At ang sagot ay:
“Kaya’t sasabihin ng mga tao, ‘Sapagkat kanilang tinalikuran ang tipan ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na kanyang ginawa sa kanila nang kanyang ilabas sila sa lupain ng Ehipto; at sila’y humayo at naglingkod sa ibang mga diyos, at sinamba nila ang mga diyos na hindi nila nakilala na hindi niya ibinigay sa kanila. Kaya’t ang galit ng Panginoon ay nag-init laban sa lupaing ito, at dinala sa kanya ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito.” (Deuteronomio 29:25-27)
Nangyari ba ang mga Pagpapala at Sumpa?
Walang neutral na pumapatungkol dito. Ang mga Pagpapala ay sadyang kasiya-siya, ngunit ang mga Sumpa ay lubos na malubha. Ngunit ang pinakaimportanteng tanong na ating pwedeng tanungin ay: “Nangyari nga ba ang mga ito?” Hindi naman mahirap hanapin ang kasagutan sa tanong na ito. Karamihan sa Lumang Tipan ay ang mga record ng kasaysayan ng mga Israelita, at mula rito ay makikita natin ang kanilang kasaysayan. Mayroon ding mga records sa labas ng Lumang Tipan, katulad na lamang ng mula sa isang mananalaysay na Hudyo na si Josephus, o ang mananalaysay na Graeco-Roman na si Tacitus, at marami na ring natagpuan na mga arkeolohical na monumento. Ang mga sources na ito ay sumasang-ayon at siya ring nagpipinta ng consistent na larawan ng kasaysayan ng mga Israelita o mga Hudyo. Ang buod ng kasaysayang ito, na ibinigay mula sa pagbuo ng isang timeline ay makikita rito. Basahin ninyo at i-assess ninyo kung ang mga Sumpa ni Moises ay siya ngang nangyari.
Ang Konklusyon sa mga Pagpapala at mga Sumpa ni Moises
Ngunit ang Talumpati ng Pamamaalam ni Moises ay hindi naman nagtapos sa mga Sumpa. Ito ay nagpapatuloy. Naririto ang kung paano binigay ni Moises ang kaniyang huling pahayag.
“Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harapan mo, at iyong bulay-bulayin ang mga iyon sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Diyos at magbalik ka sa Panginoon mong Diyos at sundin mo at ng iyong mga anak nang buong puso at kaluluwa ang kanyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, babawiin ng Panginoon mong Diyos ang iyong pagkabihag at mahahabag sa iyo. Ibabalik at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Kung ang pagkakabihag sa iyo ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng langit, mula roo’y titipunin at kukunin ka ng Panginoon mong Diyos. Dadalhin ka ng Panginoon mong Diyos sa lupaing inangkin ng iyong mga ninuno, at iyong aangkinin, at gagawan ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya nang higit kaysa iyong mga ninuno.” (Deuteronomio 30:1-5)
Matapos si Moises, maraming mga manunulat sa Lumang Tipan ang nagpatuloy sa pangakong una niyang binanggit–na mayroong magiging restorasyon pagkatapos ng mga Sumpa. Ginamit ni Ezekiel ang imahe ng mga patay na zombie na muling nagsisibuhay upang maipakita sa atin ang larawan. Ang mga huling manunulat na ito ay nagbigay ng mga mapangahas, magugulo at detalyadong hula. Kapag pinagsama-sama natin ito, sila ay bumubuo ng isang kahanga-hangang set ng mga hula na siya ngang nangyayari ngayon.