Si Moises ang nagsulat ng unang limang libro sa Bibliya na naglalarawan sa kapanganakan ng bayan ng mga Israelita maraming taon na ang nakararaan. Ang misyon ni Moises ay i-deliver ang bansang ito upang maging ilaw sa kaniyang mga karatig na bansa. Sinimulan ito ni Moises nang kaniyang pinamunuan ang mga Israelita (o ang mga Hudyo) upang kumawala sa pagiging alipin sa Ehipto. Ang rescue mission na ito ay kilala bilang ang Paskuwa–kung saan pinalaya ng Diyos ang mga Israelita sa paraan na itinuturo nito ang kalayaan ng sangkatauhan sa hinaharap. Ngunit ang misyon ni Moises ay hindi nasasara sa pamumuno sa mga Israelita upang kumawala sa pang-aalipin ng mga tiga Ehipto. Misyon din ni Moises na pamunuan at gabayan ang mga Israelita patungo sa bagong paraan ng pamumuhay. Kung kaya’t limampung araw matapos ang Paskuwa ng sumagip sa mga Israelita, pinamunuan sila ni Moises patungo sa Bundok Sinai (o Bundok Horeb) kung saan tinanggap nila ang mga Utos.
Ano nga ba ang mga utos na tinanggap ni Moises? Bagaman ang kumpletong mga Utos ay medyo mahaba, nang una ay nakatanggap si Moises ng lista ng mga moral na utos na isinulat mismo ng Diyos sa isang tablet na gawa sa bato, at ito ay kilala bilang ang Sampung Utos (o Decalogue). Ang Sampung ito ay ang bumuo ng buod ng mga Utos–ang moral na prerequisites bago ang iba–at ito na nga ang active na kapangyarihan ng Diyos upang manghikayat na mag-repent.
Ang Sampung Utos
Naririto ang Sampung Utos na isinulat ng Diyos sa bato at siyang naitala ni Moises sa Bibliya sa ilalim ng libro ng Exodo:
“Binigkas ng Diyos ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, ‘Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin; ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng Panginoon ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya’t binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. Huwag kang papatay. Huwag kang mangangalunya. Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa. Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa.’ Nang masaksihan ng buong bayan ang mga kulog at kidlat, ang tunog ng trumpeta at ang bundok na umuusok, ay natakot sila at nanginig, at sila’y tumayo sa malayo.” (Exodo 20:1-18)
Ang Pamantayan ng Sampung Utos
Sa panahon ngayon, madalas nating makalimutan na ang mga ito ay siyang mga utos. Hindi sila mga suggestions. Hindi rin sila rekomendasyon. Ngunit sa anong hangganan nga ba natin ito dapat sundin? Ang mga sumusunod ay siyang dumating bago ang pagbibigay ng Sampung Utos.
“Si Moises ay umakyat tungo sa Diyos, at tinawag siya ng Panginoon mula sa bundok, na sinasabi, ‘Ganito ang sasabihin mo sa sambahayan ni Jacob, at sasabihin mo sa mga anak ni Israel: Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig at tutuparin ang aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari na higit sa lahat ng bayan; sapagkat ang buong daigdig ay akin.’” (Exodo 19:3,5)
Ito ay ibinigay pagkatapos ng Sampung Utos.
“Kanyang kinuha ang aklat ng tipan, binasa sa pandinig ng bayan, at kanilang sinabi, ‘Lahat ng sinabi ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magiging masunurin.” (Exodo 24:7)
Atin itong lubos na pag-isipan. Minsan sa aking mga exams sa paaralan, nagbibigay ang aming guro ng multiple questions (para sa 20 na halimbawa) ngunit ire-require niya lamang na sagutan ang iilang mga tanong. Halimbawa, pwede tayong mamili ng 15 na taong sa loob ng 20 upang sagutan. Halos ang lahat ng mga estudyante ay pipiliin ang 15 na pinakamadaling mga tanong upang kaniyang sagutan. Sa ganitong paraan ay para bang dinalian ng guro ang exam.
Maraming tao ang nagtatrato sa Sampung Utos sa parehong paraan. Iniisip nila na ang Diyos, matapos ibigay ang Sampung Utos, ay nagsasabing, “Atimin niyong gawin ang pinakamadaling anim mula sa sampung ito.” Ganito tayo mag-isip dahil instinctively nating ini-imagine ang Diyos na binabalanse ang ating mga ‘magagandang gawain’ laban sa ating mga ‘masasamang gawain’. Kapag ang ating magagandang merits ay mas mabigat o nagkakansela sa ating mga masasamang pag-uugali, tayo ay umaasa na ito ay sapat na upang anihin ang pabor ng Diyos o upang makakuha ng pass papunta sa langit. Dahil sa parehong rason, marami sa atin ang nagtatangkang umani ng mga relihiyosong merit sa pamamagitan ng paggawa ng mga relihiyosong activities kagaya na lamang ng pagpunta sa simbahan, moske o templo, pagdarasal, pagfa-fasting, at pagbibigay ng pera sa mga mahihirap. Tayo ay umaasa na sana, ang mga kilos na ito ay maibabalanse ang mga panahon na hindi natin sinunod ang isa sa mga Sampung Utos.
Gayunpaman, ang matapat na pagbabasa natin sa Sampung Utos ay nagpapakita na hindi ito ibinigay para hindi sundin. Ang mga tao ay dapat sumunod at panatilihin ang LAHAT ng utos–sa kahit anong panahon pa man. Ang lubos na kahirapan ng pagsunod dito ay umani ng maraming rebel laban sa Sampung Utos. Ang tanyag na ateista na si Christopher Hitchens ay inatake ang Sampung Utos sa dahilang ito:
“…at dumating ang apat na tanyag na ‘hindi dapat’ na siyang sumusuway sa pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, at sa maling saksi. Sa wakas, mayroon nang pagbabawal sa kasakiman, ang pagbabawal sa pagnanais sa ‘iyong kapwa’…ari-arian. Sa halip ng pagko-condemn sa mga maling gawain, mayroong kakaibang sinasabi sa pagko-condemn sa maruming pag-iisip. Nagde-demand ito ng imposible. Maari nating pigilan ang isang tao sa paggawa ng masama, ngunit para pigilan ang isang tao mula sa pag-iisip ay siyang sobra na. Kung gusto talaga ng Diyos na maging malinis ang mga tao mula sa masasamang pag-iisip, dapat siya ay naging mas maingat sa pag-iimbento ng ibang nilalang.” (Christopher Hitchens, 2007, God is not great: How religion spoils everything, p.99-100)
Bakit nga ba binigay ng Diyos ang Sampung Utos?
Ngunit kung ating iniisip na tumatanggap ang Diyos ng 50% na effort, o na ang Diyos ay nagkakamali sa pagde-demand ng imposible ay hindi natin lubos na naiintindihan ang dahilan at layunin ng Sampung Utos. Ibinigay ang Sampung Utos upang tulungan tayong kilalalin ang ating mga problema.
Tayo’y mag-illustrate sa pamamagitang ng halimbawa. Sabihin nating ikaw ay bumagsak ng malakas sa sahig at ang iyong braso ay lubhang sumakit–masakit man ito ngunit hindi ka pa sigurado kung ano nga ba ang naging internal na pinsala. Nabali nga ba ang buto mo sa braso o hindi? Hindi ka sigurado kung ito nga ba ay gagaling o kakailanganin mo ng cast sa iyong braso. Kung kaya’t ikaw ay sumailalim sa x-ray at ang imahe ng x-ray ng iyong braso ay naglalahad na kailangan mo nga ng cast dahil ang buto mo sa braso ay nabali. Pinagaling ba ng x-ray ang iyong braso? Mas naging maayos ba ang braso mo dahil sa x-ray? Hindi. Ang buto mo sa braso ay bali pa rin, ngunit ngayon alam mong ito nga ay siyang bali, at kailangan mo itong lagyan ng cast upang ito ay tuluyang gumaling. Hindi naresolba ang problema sa pamamagitan ng x-ray, sa halip ay nailahad nito ang problem para ikaw ay sumailalim sa tamang mga treatment.
Ang Utos ay naglalahad sa mga Kasalanan
Sa parehong paraan na ang Sampung Utos ay ibinigay ay upang ang problema sa ating kalooban ay mailahad–ang ating mga kasalanan. Ang salitang kasalanan o ‘sin’ ay literal na nangangahulugang ‘ang nawawala’ sa target na inaasahan ng Diyos mula sa atin sa pamamagitan ng ating pagtrato sa ibang tao, sa ating sarili, at sa Diyos. Sinasabi sa Bibliya na:
“Ang Panginoon ay nakadungaw mula sa langit sa mga anak ng mga tao, upang tingnan kung may sinumang kumikilos na may talino, na hinahanap ang Diyos. Silang lahat ay naligaw, sila ay pare-parehong naging masasama; walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” (Mga Awit 14:2-3)
Lahat tayo ay mayroong panloob na problema ng pagka-corrupt nang dahil sa kasalanan. Ito ay seryoso dahil ang Diyos mismo ay nagsasabi na ang ating ‘magagandang gawain’ (na ating inaasahan na magkakansela sa ating mga kasalanan) ay:
“Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan. Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon, at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.” (Isaias 64:6)
Ang ating mga relihiyosong merit sa mga relihiyosong paggawa o sa pagtulong sa ating kapwa ay siya lamang ‘maruruming kasuotan’ laban sa ating mga kasalanan.
Ngunit sa halip na kilalanin ang ating mga problema, lagi na lamang nating kinukumpara ang ating sarili sa ibang mga tao (ating sinusukat ang ating sarili laban sa maling mga standard), lagi tayong nagsusumikap na makakuha ng mas maraming relihiyosong merit, o sumuko na lamang at mamuhay ng para sa sarap. Samakatuwid, pinasimulan ng Diyos ang Sampung Utos upang:
“Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay ‘walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,’ sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” (Roma 3:20)
Kung ating sisiyasatin ang ating buhay sa pamamagitan ng standard ng Sampung Utos, magmimistulan itong x-ray na nagpapakita ng ating internal na problema. Hindi ‘maaayos’ ng Sampung Utos ang ating mga problema, sa halip ay maliwanag nitong ibinubunyag ang problema natin para tayo ay tumanggap ng remedyo na siyang ibinibigay ng Diyos. Sa halip na magpatuloy sa self-deception, ang mga Utos ay nagpapakita sa atin ng ating mga sarili sa pinaka-accurate na paraan.
Ang regalo ng Diyos ay ibinigay sa pamamagitan ng repentance
Ang remedyo na ibinibigay ng Diyos ay ang regalo ng kapatawaran mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ang regalo ng buhay ay siya lamang ibinibigay sa atin kung tayo ay mayroong tiwala o pananampalataya sa Kaniyang mga gawa.
“…at nalalaman natin na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at tayo ay sumasampalataya kay Cristo Jesus, upang ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinumang laman.” (Galacia 2:16)
Kagaya na lamang ng pagkaka-justified ni Abraham sa harap ng Diyos, tayo rin ay maaaring mabigyan ng katuwiran. Ang repentance ay palagi na lamang hindi naiintidihan ng karamihan, ngunit ang mag-repent ay simpleng nangangahulugan na ‘baguhin ang ating pag-iisip’. Pumapaloob dito ay paglayo mula sa kasalanan at pagpunta patungo sa Diyos at sa regalong Kaniyang inaalok. Ito ay ipinapaliwanag sa Bibliya:
“Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” (Mga Gawa 3:19)
Ang pangako para sa akin at para sa iyo ay kung tayo ang magre-repent at lalapit sa Diyos, ang ating mga kasalanan ay hindi na bibilangin laban sa atin at tayo ay siyang pagkalolooban ng buhay.
Ang Sampung Utos sa Kalendaryo
Kasama ng unang Paskuwa at ng pagsubok ni Abraham na siyang nag-stamp ng pirma ng Diyos sa planong ito upang tayo ay maging assured na ito nga ay Kaniya. Ang espisipikong araw kung kailan ang Sampung Utos ay ibinigay kay Moises ay siya ring nagtuturo sa pagdating ng Espiritu ng Diyos. Ang Pista ng mga Linggo ng mga Hudyo, o ang Shavuot, ay nakatugma rin sa pagbibigay ng Sampung Utos, na siya ring tumutugma sa eksaktong araw ng Pentekost sa Mga Gawa 2 na siyang dumating ang Espiritu Santo.
Ipinapakita na ang araw kung kailan ang Espiritu ay dumating upang manirahan sa mga taong repentant ay dumadapo sa parehong araw na ginugunita ang pagbibigay ng Sampung Utos ay ang sagot ng Diyos sa reklamo ni Christopher Hitchens. Ang Diyos ay ‘maingat na nag-iimbento ng ibang nilalang’–isang nilalang na siyang pinaninirahan ng Kaniyang Espiritu, upang tayo ay magkaroon ng abilidad na mamuhay ng iba. Ang katiyakan sa timing ay, siya na namang Kaniyang pirma na nakasulat sa canvas ng oras upang tayo ay magiging assured na parehong ang Utos at ang Espiritu ay siya ngang galing sa Diyos.