Minsan, nagtatanong-tanong ako sa iba’t ibang tao kung ano nga ba ang apelyido ni Hesus. Kadalasan ang kanilang mga sagot ay, “Siguro ang apelyido niya ay ‘Kristo’ pero hindi ako sigurado.” Kasunod kong tinatanong ay, “Kung gayon, noong bata ba si Hesus ay dinadala siya nina Jose Kristo at Maria Kristo sa palengke?” Sa pagkakarinig sa ganoong paraan, nare-realize nila na hindi pala ‘Kristo’ ang apelyido ni Hesus. Kung gayon, ano nga ba ang ‘Kristo’? Saan nga ba ito nagmula? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.
Translation vs. Transliteration
Una, kailangan nating malaman ang ilan sa mga basics ng translation. Minsan ang mga translators ay pinipiling i-translate ang ilang mga salita batay sa kanilang parehong tunog kaysa sa kahulugan, lalo na sa mga pangalan at titulo. Ito ay kilala bilang transliteration. Sa Bibliya, ang mga translators ay kinailangang magdesisyon kung ang mga salita rito (lalo na ang mga pangalan at titulo) ay mas magiging mainam sa translated na wika sa pamamagitan ng translation (sa kahulugan) o sa pamamagitan ng transliteration (sa tunog). Sa totoo lang, wala naman talagang tiyak na patakaran.
Ang Septuagint
Ang Bibliya ay unang nai-translate noong 250 B.C. noong ang Hebreong Lumang Tipan ay nai-translate sa Griyego. Ang translation na ito ay ang Septuagint (o LXX) at ito ay ginagamit pa rin hanggang ngayon. Dahil ang Bagong Tipan ay isinulat 300 na taon na ang lumipas sa Griyego, ang mga manunulat nito ay siya nang pinagbasehan ang Griyegong Septuagint at hindi ang Hebreong Lumang Tipan.
Translation at Transliteration sa Septuagint
Ipinapakita ng larawan sa baba kung paano ito nakaaapekto sa modernong araw na mga Bibliya.
Ang Lumang Tipan ay isinulat sa Hebreo–quadrant 1. Ang mga arrow mula sa #1 patungo sa #2 ay nagpapakita ng translation nito patungo sa Griyego sa quadrant #2 noong 250 B.C. Ang Lumang Tipan ngayon ay nakasalin na sa dalawang wika: Hebreo at Griyego. Ang Bagong Tipan ay isinulat sa Griyego kung kaya’t ito ay nagsimula sa quadrant #2. Parehong ang Luma at Bagong tipan ay mayroong salin sa Griyego dahil ito ang unibersal na wika noon–halos 2,000 na taon na ang nakararaan.
Ang nasa ilalim naman (#3) ay isang modernong wika na kagaya na lamang ng Ingles. Kadalasan na ang Lumang Tipan ay naita-translate mula sa orihinal na Hebreo (mula sa #1 patungo sa #3) at ang Bagong Tipan naman ay mula sa Griyego (mula sa #2 patungo sa #3).
Ang Pinagmulan ng ‘Kristo’
Ngayon ay sinusundan natin ang parehong pagkakasunud-sunod, nungit ating pagtuonan ng pansin ang salitang ‘Kristo’ na lumitaw sa mga Ingles na Bagong Tipan.
Ang orihinal na salita na ginamit sa Hebreong Lumang Tipan ay ‘mashiyach’ na inilalarawan sa Hebreong dictionary bilang ‘anointed o consecrated’ na tao. Ang mga hari sa Hebreo ay matatawag na anointed dahil pinapahiran sila ng langis sa seremonya bago sila maging hari, kung kaya’t sila ay tinatawag na mga anointed o mashiyach. May propesiya rin sa Lumang Tipan na pumapatungkol sa specific na mashiyac. Para naman sa Septuagint, ang mga translators ay pumili ng salita sa Griyego na may parehong kahulugan: Χριστός (na katunog ng Christos), ito ay nagmula sa salita chrio, na nangangahulugang magpahid ng langis sa seremonyas. Kung gayon, ang Christos ay nai-translate ng mula sa kahulugan (at hindi transliterated mula sa tunog) mula sa orihinal na Hebreo na ‘mashiyach’ sa Griyegong Septuagint. Ang mga manunulat sa Bagong Tipan ay patuloy na gumamit ng salitang Christos sa kanilang mga kasulatan upang makilala si Hesus bilang ang mashiyach.
Sa Ingles na Bibliya, ang Hebreong Lumang Tipan na Mashiyach ay kadalasang naita-translate bilang ‘ang anointed’ at minsan ay nagiging transliterated bilang ‘Mesiyas’. Ang Christos naman sa Bagong Tipan ay transliterated bilang ‘Kristo’. Ang salitang ‘Kristo’ ay isang napaka-specific na titulo mula sa Lumang Tipan, nagmula ito sa translation mula sa Hebreo patungo sa Griyego, at naging transliteration mula sa Griyego patungo sa Ingles.
Dahil hindi naman natin kaagad nakikita ang salitang ‘Kristo’ sa Lumang Tipan ngayon, ang koneksyon nito sa Lumang Tipan ay mas mahirap makita. Ngunit mula sa pagsusuring ito, malalaman natin na ang Biblical na ‘Kristo’ = ‘Mesiyas’ = ‘Ang Anointed’ at na ito ay isang specific na titulo.
Ang Kristo na Hinintay sa ika-Unang Siglo
Nasa ilalim ang reaksiyon ni Haring Herodes noong ang mga Wise Men na nagmula sa Silangan ay dumating at hinanap ang ‘Hari ng mga Hudyo’, ito ay parte ng kilalang istorya sa Pasko. Pansinin nating ang ‘ang’ na nauna sa Kristo, kahit na hindi ito specific na pumapatungkol kay Hesus.
Nang marinig ito ni Haring Herodes, siya ay nagambala, pati na rin ang buong Jerusalem. Noong ipinatawag niya ang lahat ng mga punong saserdote at mga guro ng batas, siya niyang tinanong kung kailan ang Kristo ay siyang ipapanganak.
“Nang marinig ito ni Haring Herodes, siya ay nabahala, pati ang buong Jerusalem. Nang matipon niyang lahat ang mga punong pari at mga eskriba ng bayan, nagtanong siya sa mga ito kung saan isisilang ang Cristo.” (Mateo 2:3-4)
Ang ideya ng ‘ang Kristo’ ay karaniwang kaalaman sa pagitan ni Herodes at ng kaniyang tagapayo sa relihiyon–kahit noong hindi pa ipinapanganak si Hesus–at ito ay ginagamit dito kahit hindi ito specific na pumapatungkol kay Hesus. Ito ay dahil ang ‘Kristo’ ay nagmula sa Griyegong Lumang Tipan na siyang pangkaraniwang binabasa ng mga Hudyo noong ika-unang siglo. Ang ‘Kristo’ ay siyang isang titulo, hindi pangalan. Ito ay ginagamit na daang taon bago pa man magsimula ang Kristiyanismo.
Ang Lumang Tipan ay Nagpropesiya Tungkol sa ‘Ang Kristo’
Sa katunayan, ang ‘Kristo’ ay isang prophetic na titulo na nakasaad sa Mga Awit na isinulat ni David noong 1,000 B.C.–matagal na panahon bago pa ang kapanganakan ni Hesus.
“Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili, at ang mga pinuno ay nagsisangguni, laban sa Panginoon at sa kanyang binuhusan ng langis, na nagsasabi, ‘Ang kanilang panggapos ay ating lagutin, at itapon ang kanilang mga panali mula sa atin.’ Siya na nakaupo sa kalangitan ay tumatawa; at ang Panginoon ay kumukutya sa kanila. Kung magkagayo’y magsasalita siya sa kanila sa kanyang poot, at tatakutin sila sa kanyang matinding galit, na nagsasabi, ‘Gayunma’y inilagay ko ang aking hari sa Zion, sa aking banal na burol.’ Aking sasabihin ang tungkol sa utos ng Panginoon: Sinabi niya sa akin, ‘Ikaw ay aking anak”… (Mga Awit 2:2-7)
Sa Mga Awit 2 sa Septuagint ay mababasa ito sa sumusunod na paraan (inalagay ko ang transliterated na Christos upang inyong ‘makita’ ang Kristo na titulo kung paano rin ito makikita ng mambabasa ng Septuagint).
“Inihanda ng mga hari sa lupa ang kanilang sarili, at ang mga pinuno ay nagsisangguni, laban sa Panginoon at sa kanyang Kristo, na nagsasabi”. (Mga Awit 2)
Atin nang ‘makikita’ ang Kristo sa siping ito kagaya na lamang kung paano ito makikita ng mambabasa mula sa ika-unang siglo. Ngunit Ang Awit ay nagpatuloy pang magbigay ng mga pagtukoy sa paparating na Kristo. Aking inilagay ang standard na sipi na katabi ang sipi na transliterated na may ‘Kristo’ para makita natin ito ng maigi.
Mga Awit 132: Mula sa Hebreo | Mga Awit 132: Mula sa Septuagint |
“Alang-alang kay David na iyong lingkod, mukha ng iyong binuhusan ng langis ay huwag mong italikod. Ang Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan na hindi niya tatalikuran: ‘Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Doo’y magpapasibol ako ng sungay para kay David, aking ipaghahanda ng ilawan ang aking binuhusan ng lagis.” | “Alang-alang kay David na iyong lingkod, mukha ng iyong Kristo ay huwag mong italikod. Ang Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan na hindi niya tatalikuran: ‘Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. Doo’y magpapasibol ako ng sungay para kay David, aking ipaghahanda ng ilawan ang aking Kristo.” |
Makikita natin sa Mga Awit 132 na ito ay nagsasalita sa panghinaharap (“…magpapasibol ako ng sungay para kay David…”) katulad na lamang ng napakarami pang mga sipi sa loob ng Lumang Tipan. Hindi naman ito dahil ang Bagong Tipan ay siya na lamang kumukuha ng iba’t iba mga ideya mula sa Lumang Tipan para ‘gawin’ itong angkop kay Hesus. Ang mga Hudyo ay siya lang laging naghihintay para sa kanilang Mesiyas (o Kristo). Ang katotohanan na sila ay naghihintay at naghahanap para sa pagdating ng Mesiyas ay siyang may kagagawan kung bakit ang propesiyang ito sa Lumang Tipan ay gumagamit ng panghinaharap.
Ang Propesiya sa Lumang Tipan: Tinutukoy na Kagaya ng Lock-Key na Sistema
Ang dahilan kung bakit ang Lumang Tipan ay siyang partikular na nagpe-predict sa hinaharap ay siyang gumagawa sa Bibliya na hindi pangkaraniwang uri literatura. Ito ay kagaya na lamang ng lock ng isang pinto. Ang mga lock ay may tiyak na hugis upang ang isang specific na ‘susi’ na bumabagay sa lock ang siya lamang makakapag-unlock dito. Kagaya na rin ito kung paanong ang Lumang Tipan ay isang lock. Nakita natin ang ilang halimbawa sa mga posts sa Ang Sakripisyo ni Abraham, Ang Simula ni Adan, at ang Paskuwa ni Moises. Idinaragdag din ng Mga Awit 132 ang requirement na sinasabing ‘ang Kristo’ ay kinakailangang manggaling sa linya ni David. Ito ang isang tanong na karapat dapat nating itanong: Si Hesus ba ang bagay na ‘susi’ na nag-a-unlock sa mga propesiya?