Nakita natin kung paano ginamit ni Isaias ang imahe ng Sanga. Ang ‘siya’ mula sa natumbang dinastiya ni David, at nagtataglay ng karunungan at kapangyarihan ay darating. Sinundan ito ni Jeremias na nagsabing ang Sanga na ito ay makikilala bilang ang Panginoon (ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan) mismo.
Ipinagpatuloy ni Zacarias ang Sanga
Ang propeta na si Zacarias ay nabuhay noong 520 B.C., matapos ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem matapos ang unang pagpapatapon sa Babylonia. Noong panahong iyon, ang mga Hudyo ay muling itinatayo ang kanilang nasirang templo. Ang Punong Pari noon ay isang lalaki na nagngangalang Josue, at siya niyang sinimulang muli ang mga trabaho ng mga pari. Ang propetang si Zacarias at ang Punong Pari na si Josue ay nagsanib puwersa sa pamumuno sa mga Hudyo. Ito ang sinabi ng Diyos tungkol kay Josue, sa pamamagitan ni Zacarias:
“‘Pakinggan mo ngayon, O Josue na pinakapunong pari, ikaw at ang iyong mga kaibigan na nakaupo sa harapan mo, sapagkat sila’y mga palatandaan ng mga bagay na mangyayari. Ilalabas ko ang aking lingkod na Sanga. Sapagkat, narito, ang bato na aking inilagay sa harapan ni Josue, sa ibabaw ng isang bato na may pitong mata, narito, ako’y mag-uukit ng titik nito,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.’” (Zacarias 3:8-9)
Ang Sanga! Sinimulan ni Isaias 200 taon ang nakalilipas, na sinundan ni Jeremias 60 taon ang nakalilipas, at si Zacarias ay mas pinalalawig pa ang tema ng ‘Sanga’. Dito, tinatawag din ang Sanga na ‘aking tagapaglingkod’. Sa ilang paraan, ang Punong Pari na si Josue sa Jerusalem noong 520 B.C., na siyang kasamahan ni Zacarias, ay simboliko sa pagdating ng Sanga. Ngunit paano? Sinasabing sa ‘loob ng isang araw’ ang mga kasalanan ay aalisin ng Panginoon. Ngunit paano nga ba ito mangyayari?
Ang Sanga: Pakikipag-isa sa Pari at Hari
Ipinaliwanag ito na Zacarias. Para lubos natin itong maintindihan, kailangan nating malaman na ang tungkulin ng Pari at Hari ay istrikto at magkahiwalay sa Lumang Tipan. Walang sinuman sa mga Haring Davidic ang puwedeng maging pari, at walang sinuman sa mga pari ang puwedeng maging hari. Ang tungkulin ng pari ay ang mamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao sa pagsasagawa ng mga hayop na isasakripisyo para sa Diyos upang matubos ang kasalanan ng mga tao. Ang tungkulin naman ng hari ay ang mamahala nang may hustiya sa trono. Pareho itong mahalaga, at pareho rin itong katangi-tangi. Ngunit naisulat pa rin ito ni Zacarias mula sa hinaharap:
“Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi: ‘Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias. Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari. Sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘Narito ang lalaking ang pangala’y Sanga: sapagkat siya’y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon. Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya’y magtataglay ng karangalan, at siya’y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya’y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.’” (Zacarias 6:9-13)
Dito, kontra sa lahat ng dating mga patakaran, ang Punong Pari noong panahon ni Zacarias (Josue) ay siyang maglalagay ng malaharing korona na sumisimbulo sa Sanga. Ating alalahanin na si Josue ay ‘sumisimbulo ng mga bagay na paparating’. Si Josue, na siyang Punong Pari, ay naglagay ng malaharing korona, at nakini-kinita niya ang pakikipag-isa ng Hari at Pari sa iisang tao–isang pari sa trono ng Hari. Hindi lamang iyon, isinulat din ni Zacarias na ‘Josue’ ang pangalan ng Sanga. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Ang Pangalang ‘Josue’ ay Ang Pangalang ‘Hesus’
Upang lubos natin itong maintindihan, kailangan nating alalahanin ang kasaysayan ng translation ng Lumang Tipan. Ang orihinal na Hebreong Lumang Tipan ay isinalin sa Griyego noong 250 B.C.E., at ito ay kilala bilang ang Septuagint o LXX. Ito ay malawakan pa rin na ginagamit, at nakita natin kung paanong ang pangalang ‘Kristo’ ay unang ginamit sa LXX at susundan natin ang analysis na ito para kay ‘Josue’.
‘Josue’ = ‘Hesus’, at pareho itong nagmula sa Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’
Kagaya na lamang ng nakikita natin sa imahe, ang Josue ay ang Ingles na transliteration sa orihinal na Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’. Ipinapakita ng quadrant #1 kung paano isinulat ni Zacarias ang pangalang ‘Josue’ sa Hebreo noong 520 B.C.E. Ito ay naging transliterated bilang ‘Josue’ sa Ingles (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Josue sa Ingles. Noong ang LXX ay naisalin mula sa Hebreo patungo sa Griyego noong 250 B.C.E., ang Yhowshua ay naging transliterated patungo sa Iesous (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #2). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Iesous sa Griyego. Noong ang Griyego ay naisalin sa Ingles, ang Iesous ang naging transliterated patungo sa ‘Hesus’ (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang Iesous sa Griyego ay kapareho ng pangalang Hesus sa Ingles.
Si Hesus ay tinatawag na Yhowshuwa kapag siya ay kinakausap sa Hebreo, ngunit sa Griyegong Bagong Tipan, ang kaniyang pangalan ay nakasulat bilang ‘Iesous’–kahawig kung paano ito isinulat sa Griyegong Bagong Tipan LXX. Noong ang Bagong Tipan ay isinalin mula sa Griyego patungo sa Ingles (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3), ang pangalang ‘Iesous’ ay naging transliterated patungo sa pamilyar na pangalang ‘Hesus’. Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga pangalang ‘Hesus’ = ‘Josue’, ang ‘Hesus’ ay nanggaling mula sa mga Griyego, at ang ‘Josue’ ang nanggaling naman ng direkta mula sa Hebreo. Parehong sina Hesus ng Nazareth, at ang Punong Pari na sa Josue nang 520 B.C.E. ay mayroong magkaparehong pangalan, at sila ay pareho ring tinawag na ‘Yhowshuwa’ sa kanilang sariling wika na Hebreo. Sa Griyego, sila ay parehong tinawag na ‘Iesous’.
Si Hesus ng Nazareth ay Ang Sanga
Ngayon, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang propesiya ni Zacarias. Ito ay isang hula, na gawa noong 520 B.C.E., na ang pangalan ng darating na Sanga ay ‘Hesus’, at ito ay direktang nagtuturo kay Hesus ng Nazareth.
Ang pagdating ni Hesus, ayon kay Zacarias, ay makakapag-isa sa tungkulin ng Hari at ng Pari. Ano nga ba ang ginagawa ng mga pari? Sa ngalan ng mga tao, sila ay nag-aalay ng mga sakripisyo sa Diyos para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga tao. Tinatakpan ng pari ang kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay. Sa parehong paraan, ang darating na Sanga na si ‘Hesus’ ay siya ring magiging alay para ang Panginoon ay ‘maalis ang kasalanan ng lupaing ito sa isang araw’–ito ang araw na inialay ni Hesus ay kaniyang sarili.
Si Hesus ng Nazareth ay kilala rin sa labas ng ebanghelyo. Ang Talmud na Hudyo, si Josephus, at ang iba’t iba pang makasaysayang manunulat ay nagsulat ng patungkol kay Hesus–parehong ang mga kaibigan at ang mga kaaway ay laging pumapatungkol sa kaniya bilang ‘Hesus’ o ‘Kristo’, kung kaya’t ang kaniyang pangalan ay hindi naimbento sa Ebanghelyo. Ang pangalan niya ay nahulaan ni Zacarias 500 taon bago pa man siya maisilang.
Si Hesus ay nanggaling ‘mula sa tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay kaniyang mga ninuno. Si Hesus ay nagtataglay ng kakaibang karunungan at pang-unawa na nagbubuklod sa kaniya mula sa iba. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kaalaman ay patuloy na nagpapahanga sa parehong mga kritiko at tagasunod niya. Hindi maitatanggi ang kaniyang kapangyarihan na maipapakita mula sa mga milagrong kaniyang naipamalas sa ebanghelyo. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang ipagsawalang bahala. Si Hesus ay nagtataglay ng mga katangian ng pambihirang karunungan at kapangyarihan na sinasabi ni Isaias na, isang araw, ay magmumula sa Sanga.
Ngayon, isipin natin ang buhay ni Hesus ng Nazareth. Siya na mismo ang nagpahayag na siya ay isang hari–Ang Hari, sa makatuwid. Ito ang ibig sabihin ng ‘Kristo’. Ngunit ang mga ginawa niya habang siya ay nasa lupa ay mga gawa ng pari. Ang tungkulin ng pari ay mag-alay ng mga katanggap-tanggap na sakripisyo sa ngalan ng mga Hudyo. Ang kamatayan ni Hesus ay may kabuluhan dahil ito mismo ay isang alay sa Diyos, sa ngalan nating mga tao. Ang kaniyang kamatayan ay nag-aalis ng mga kasalanan at pagkakasala ng lahat ng tao, hindi lamang ng mga Hudyo. Ang kasalanan ng lupain ay literal na natanggal ‘sa isang araw’, kagaya na lamang ng sinabi ni Zacarias–sa araw na namatay si Hesus nang mabayaran ang lahat ng kasalanan. Sa kaniyang kamatayan, siya ay tumupad sa lahat ng tungkulin bilang Pari, kahit na siya ay mas kilala bilang ‘Ang Kristo’ o Ang Hari. Siya niya ngang pinag-isa ang dalawang mga tungkulin. Ang Sanga, ang siyang tinawag ni David na ‘Kristo’, ay ang Pari-Hari. Ang kaniya ring pangalan ay nahulaan ni Zacarias 500 na taon bago pa siya isilang.