Si Hesus ay mayroong mga kritiko na nagkuwestiyon sa kaniyang awtoridad. Sinasagot niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga propetang nauna sa kaniya na nagsasabing nakini-kinita nila ang kaniyang buhay. Naririto ang isang halimbawa ng sagot ni Hesus:
“Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39)
Sa madaling salita, nagke-claim si Hesus na siya ay nasa propesiya sa Lumang Tipan, na siyang nauna sa kaniya ng ilang daang taon. Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagke-claim na kumukuha sila ng inspirasyon sa Diyos para sa kani-kanilang mga isinusulat. Dahil walang sinuman ang makakahula sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan, sinabi ni Hesus na ito ay siya ngang ebidensiya para makumpirma kung siya nga ba ay dumating bilang parte ng plano ng Diyos o hindi. Ito ay isang pagsubok upang makita kung totoo nga ba ang Diyos, at kung Siya nga ba ay nagsasalita. Maaari nating basahin ang Lumang Tipan para, sa ating sarili, ay ma-examine at maikunsidera ang parehong katanungang ito.
Una, ito ay ilan sa mga pagsusuri. Ang pagdating ni Hesus ay mayroong pahiwatig sa pinakaunang bahagi ng Lumang Tipan. Pagkatapos ay nakita natin na ang sakripisyo ni Abraham ay ipinahiwatig ang siyang lugar kung saan, sa kinabukasan, ay siya ring isasakripisyo si Hesus habang ang Paskuwa naman ay ipinahiwatig ang araw sa taon kung kailan ito mangyayari. Nakita rin natin na sa Mga Awit 2 kung paano ginamit ang titulong ‘Kristo’ upang ipahiwatig ang pagdating ng Hari. Ngunit hindi lamang ito rito nagtatapos. Marami pang dokumento ang naisulat na mayroong pagtanaw sa kinabukasan na ginagamitan ng iba’t ibang titulo at tema. Mayroong tema na sinimulan si Isaias (750 B.C.) na siya ring na-develop sa Lumang Tipan. Ito ang pagdating ng Sanga.
Si Isaias at ang Sanga
Ang laraw sa ibaba ay nagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline kasama ng ibang manunulat mula sa Lumang Tipan:
Makikita natin mula sa timeline na ang libro ni Isaias ay isinulat sa kapanahunan ng royal na dinastiya ni David (1,000-600 B.C.). Noong mga panahon na iyon (ca. 750 B.C.), and dinastiya at ang kaharian ay corrupt. Nagsumamo si Isaias sa mga hari na sila ay magbalik loob na sa Diyos at sa kaugalian at sa espirito ng Mosaic na Batas. Ngunit alam din ni Isaias na hindi magsisisi ang Israel, kung kaya’t nagsaad siya ng propesiya na ang Israel ay masisira at ang royal na dinastiya ay magtatapos.
Gumamit siya ng specific na metapora o imahe para sa royal na dinastiya. Inihalintulad niya ito sa isang matayog na puno. Ang punong ito ay mayroong ugat na si Jesse, ang ama ni Haring David. Nagsimula ang dinastiya kay Jesse at sumunod kay David, at sumunod sa kaniyang tagapagmana na si Solomon, at ang puno ay nagpatuloy na lumago at nag-develop.
Una, Isang Puno…Sumunod, Isang Tuod…Sumunod, Isang Sanga
Isinulat ni Isaias na ang ‘puno’ na siyang dinastiya ay malapit nang maputol at maging isang tuod. Naririto kung paano niya sinimulan ang imahe ng puno na siya niyang ginawang isang palaisipan ng isang tuod at isang sanga:
“May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat. At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon…” (Isaias 11:1-2)
Ang pagpuputol ng ‘puno’ na ito ay nangyari makalipas ang 150 na taon matapos mabuhay si Isaias. Ito ay sinasabing nasa 600 B.C. nang ang mga tiga-Babylonia ay sinakop ang Jerusalem at isinama ang mga tao nito at ang kanilang hari upang ipatapon sa Babylonia (ang pulang panahon sa timeline na nasa itaas). Si Jesse ang ama ni Haring David, at siya rin ang ugat ng dinastiya ni David. Ang ‘Tuod ni Jesse’ ay isang metapora para sa nalalapit na pagkasira ng dinastiya ni David.
Ang Sanga: Ang Darating na ‘Siya’ Mula kay David na Nagdadala ng Karunungan
Ngunit ang propesiyang ito ay siya ring tumanaw ng mas malayo pa sa kinabukasan at hindi lamang sa pagputol sa mga hari. Nahulaan ni Isaias na kahit na ang ‘tuod’ ay mukhang patay (kagaya na lamang kung paano nagmumukha ang mga tuod), isang araw sa kinabukasan, mayroong isang sibol na kilala bilang ang Sanga, na sisibol mula sa tuod na iyon, kagaya na lamang kung paano ang ilang mga sibol ay umuusbong mula sa mga tuod ng mga puno. Ang Sanga ay tinutukoy na ‘siya’ kung kaya’t si Isaias ay tumutukoy sa isang specific na tao, na manggagaling mula sa linya ni David pagkatapos maputol ng dinastiya. Ang taong ito ay magkakaroon ng ibang klaseng kalidad ng karunungan, kapangyarihan at kaalaman na para bang ang Espiritu ng Diyos ay nasa kaniya.
Hesus… Ang ‘Siya’ na Mula kay David na Nagtataglay ng Karunungan
Akma kay Hesus ang mga requirement na manggagaling sa ‘tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay ang kaniyang mga ninuno. Naging hindi pangkaraniwan si Hesus dahil sa karunungan at pang-unawa na kaniyang taglay. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kabatiran sa pakikitungo sa kaniyang mga kalaban at sa kaniyang mga disipulo ay patuloy na nagpapahanga sa kaniya mga kritiko at taga sunod magpanoon pa man. Ang kapangyarihan niya sa ebanghelyo sa pamamagitan ng mga mirakulo ay sadyang hindi maikakaila. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang hindi pansinin. Akma kay Hesus ang mga katangian na siyang nagtataglay ng kahanga-hangang karunungan at kapangyarihan na siyang nahulaan ni Isaias na, isang araw, ay siyang manggagaling sa Sanga.
Si Jeremias at Ang Sanga
Ito ay maihahalintulad sa isang posteng pananda na inilatag ni Isaias sa kasaysayan. Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Ang posteng pananda na ito ay isa lamang sa iilang mga palatandaan. Si Jeremias ay siyang nabuhay nang 150 na taon matapos kay Isaias. Noong ibinubuwag ang dinastiya ni David sa kaniyang harapan, isinulat niya ito:
“Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y magbabangon para kay David ng isang matuwid na Sanga. At siya’y mamumuno bilang hari at gagawang may katalinuhan, at maggagawad ng katarungan at katuwiran sa lupain. Sa kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda at ang Israel ay tiwasay na maninirahan. At ito ang pangalan na itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ang ating katuwiran’.” (Jeremias 23:5-6)
Si Jeremias ay nagpalawig sa tema ng Sanga mula sa dinastiya ni David na siyang pinangunahan ni Isaias 150 na taon ng mas maaga. Ang Sanga ang magiging isang Hari na siyang maghahari. Ngunit ito mismo ang nakasaad sa propesiya na nagmumula sa Mga Awit 2 na pumapatungkol sa pagdating ng Anak ng Diyos/Kristo/Mesiyas. Maaari nga ba na ang Sanga at ang Anak ng Diyos ay iisa lamang?
Ang Sanga: Ang Panginoon Ang Ating Katuwiran
Ngunit ano nga ba ang itatawag sa Sanga? Siya ay tatawaging ‘Panginoon’ na siyang magiging ‘ating’ (ito ay tayo–mga tao) Katuwiran. Kagaya na lamang ng nakita natin kay Abraham, ang problema sa ating mga tao ay tayo ay masyadong mga ‘corrupt’, kung kaya’t kailangan natin ng ‘katuwiran’. Sa paglalarawan ng Sanga rito, makikita natin na mayroong pahiwatig na ang mga tao sa kinabukasan ni Jeremias ay makakamtan ang kanilang kinakailangang ‘katuwiran’ sa pamamagitan ng Panginoon–si YHWH mismo (YHWH ang pangalan para sa Diyos sa Lumang Tipan). Ngunit paano nga ba ito mangyayari? Magtutuon tayo ng pansin kay Zacarias na siyang magbibigay ng iba pang detalye para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pagde-develop sa tema ng Paparating na Sanga, na siya ring makakahula pati na rin sa pangalan ni Hesus. Ito ang ating titingnan sa susunod.