Tayo ay patuloy na tumitingin sa tema ng Sanga na umaabot sa mga kasulatan ng ilan sa mga propeta ng Lumang Tipan. Nakita natin na si Jeremias ay ipinagpatuloy ang tema noong 600 B.C. (ang tema na sinimulan ni Isaias 150 taon ang nakararan) at idineklara niya na ang Sanga na ito ay siyang magiging Hari. Sinundan ni Zacarias si Jeremias, at sa nakaraang post ay nakita natin kung paano nahulaan ni Zacarias na ang Sanga ay papangalanang Hesus, at pag-iisahin niya ang tungkulin ng Hari at ng Pati–ito ay isang bagay na hindi pa kailanman nangyayari sa kasaysayan ng mga Israelita.
Ang Palaisipan ni Daniel sa Oras ng Pagdating ng Anointed
Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Si Daniel, na siyang nabuhay sa kalagitnaan ng panahon nina Jeremias at Zacarias, ay nagbanggit ng titulo na ang ‘Anointed’ (na ating nakita rito na = ‘Kristo’ o ‘Mesiyas’), at sa parehong panahon ay nagbanggit sa tema ng Sanga sa isang kamangha-manghang palaisipan na nakapaghula kung kailan maibubunyag ang Mesiyas. Sa panahong 538 B.C., isinulat ni Daniel ang sumumunod:
“Kaya’t iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu’t dalawang sanlinggo. Ito’y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan. Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.” (Daniel 9:25-26)
Sa kadahilanang ang Anointed = Kristo = Mesiyas (tignan dito), alam natin na si Daniel ay nagsusulat tungkol sa darating na Kristo. Nagbigay si Daniel ng espesipikong oras ng pagsisimula (“paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem”) at espesipikong agwat ng oras (“pitong ‘sanlinggo’ at animpapu’t dalawang ‘sanlinggo’”) na siyang magtatapos sa pagbubunyas kay Kristo (o ng Anointed) na siya ring ‘mapuputol’. Ang kalahatang istraktura ng hula na ito ay maliwanag. Ngunit kaya nga ba nating masubaybayan ang pagbubunyag sa Kristo? Ating simulan sa pamamagitan ng pagtingin sa nasimulan na pag-tick ng propetang orasan.
Ang Paglalabas ng Kautusan na Panumbalikin at Muling Itayo ang Jerusalem
Matapos ang halos 100 taon matapos mabuhay si Daniel, si Nehemias ay tagapagdala ng kopa ng Persyanong Emperador na si Artaxerxes. Dahil dito, nangangahulugan na si Nehemias ay isang tao na mayroong access sa pinakamakapangyarihang tao sa Imperyong Persya. Sa kontekstong iyon, siya ay humingi at nakatanggap ng royal na kautusan upang panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Ito ang kaniyang sinabi:
“Sa buwan ng Nisan, nang ikadalawampung taon ni Artaxerxes na hari, samantalang mayroong alak sa harapan niya, kinuha ko ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi pa ako naging malungkot nang gayon sa kanyang harapan. At sinabi ng hari sa akin, ‘Bakit malungkot ang iyong mukha, samantalang wala ka namang sakit? Ito’y walang iba kundi kalungkutan ng puso.’ Nang magkagayo’y lubha akong natakot. Sinabi ko sa hari, ‘Mabuhay ang hari magpakailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha, gayong ang lunsod, ang lugar ng mga libingan ng aking mga ninuno ay giba, at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy?’ Nang magkagayo’y sinabi ng hari sa akin, ‘Ano ang iyong kahilingan?’ Kaya’t ako’y nanalangin sa Diyos ng langit. Sinabi ko sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari at kung ang iyong lingkod ay nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, suguin mo ako sa Juda, sa lunsod ng libingan ng aking mga ninuno, upang aking muling maitayo ito.’ Sinabi ng hari sa akin, (ang reyna ay nakaupo sa tabi niya), ‘Gaano katagal kang mawawala, at kailan ka babalik?’ Sa gayo’y ikinalugod ng hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kanya ng panahon. Sinabi ko naman sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari, bigyan sana ako ng mga sulat para sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, upang ako’y kanilang paraanin hanggang sa ako’y makarating sa Juda; at isang sulat para kay Asaf na tagapag-ingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga troso upang gawing mga biga sa mga pintuan ng kuta ng templo at para sa pader ng lunsod at sa bahay na aking papasukan.’ Ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking hiniling, sapagkat ang mabuting kamay ng aking Diyos ay nasa akin. At ako’y pumunta sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Ang hari ay nagsugo na kasama ko ang mga punong-kawal ng hukbo at mga mangangabayo.” (Nehemias 2:1-9)
Dito ay makikita natin ang royal na utos, na mayroong mga liham na sumusuporta kasama ng militar ng Imperyong Persya para panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Dahil ang Persyanong Emperador na si Artaxerxes ay kilala sa sekular na kasaysayan, at dahil ang utos na ito ay tumutukoy sa simula ng pamumuno ni Artaxerxes (ika-20 na taon sa buwan ni Nisan), at makikita natin kung kailan ito. Naging Emperador si Artaxerxers matapos ang kamatayan ng kaniyang ama na si Xerxes noong Disyembre 465 B.C. at dahil ang kautusang ito ay naipatupad noong Nisan 1 (Marso/Abril) nang kaniyang ika-20 na taon, masasabing ang naipatupad ang kautusan noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C.
Pitong ‘Sanlinggo’ at Animnapu’t Dalawang ‘Sanlinggo’
Ngunit ano nga ba itong mga ‘sanlinggo’ na ginagamit ni Daniel upang masubaybayan ang oras? Sa Batas ni Moises, mayroong cycle ng pitong taon kung saan ang lupain ay kinakailangang maipahinga mula sa paglilinang ng agrikultura kada pitong taon. Makikita ito sa sumusunod:
“‘Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Pagdating ninyo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang lupain ay mangingilin ng isang Sabbath sa Panginoon. Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong pupungusan mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang kanyang bunga. Subalit ang ikapitong taon ay magiging ganap na kapahingahan sa lupain, isang Sabbath sa Panginoon; huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni pupungusan ang iyong ubasan.’” (Levitico 25:2-4)
Sa konteksto ng sinasabi ni Daniel ay ‘taon’, kung kaya’t ang ‘sanlinggo’ ay cycle ng pitong taon. Kung kaya’t sa kasong ito, ang pitong ‘sanlinggo’ at animnapu’t dalawang ‘sanlinggo’ ay arithmecally na masasabing (7 + 62) * 7 = 483 na taon.
Ang 360-Araw na Taon
Ang haba ng taon ay bahagyang nagpapapakumplikado sa mga bagay. Sa panahon ngayon, ginagamit natin ang solar year (=365.24219879 na araw kada taon) dahil atin nang nasusukat ang pag-inog ng earth sa paligid ng araw. Noong mga panahon na iyon, common na pagbasehan ang taon sa pamamagitan ng pag-inog ng earth sa buwan (ito pa rin ang ginagamit na kalendaryo ng Islam), at ito ay nagbibigay ng 354 na araw kada taon, o sa paggamit ng 12 na 30-araw kada buwan na nagbibigay ng 360 na araw kada taon. Sa ibang mga kaso, sila ay nag-adjust para ‘magawa’ ang pagkakaiba-iba sa mga pag-inog. (Sa ating kalendaryong Western, tayo ay gumagamit ng leap year–366 na araw–para mai-adjust ang sumusobrang araw, at mayroon ding ibang mga leap years na hindi nasusunod.) Sa sinaunang sibilisasyon ng mga tiga-Ehipto, Babylonia, Indiyano at Griyego, common ang 360-araw na kalendaryo. Mapapansin natin na ito ang kalendaryong sinusundan ni Daniel. Ang ilan pang mga rason sa paggamit ng 360-araw kada taon na kalendaryo ay makikita rito.
Ang Scheduled na Pagdating ng Kristo
Sa pamamagitan ng mga impormasyong ito, atin ng makakalkula kung kailan nga ba darating ang Kristo base sa propesiya ni Daniel. Ang 483 na taon na may 360-araw kada taon ay magbibigay sa atin ng sumusunod:
483 na taon * 360-araw kada taon = 173,880 na araw
Sa ating modernong kalendaryo, mabibigyan tayo nito ng 476 na taong solar na may tirang 25 na araw. (173,880 / 365.24219879 = 476 na may 25 na tira).
Ang pinakaunang punto sa kalkulasyong ito ay ang kautusan ni Artaxerxes na naipatupad noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C. Kapag dinagdagan ito ng 476 na taong solar, bibigyan tayo nito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D. (Walang taong 0, ang kalendaryo ay nagmumula sa 1 B.C. patungo sa 1 A.D. sa isang taon, kung kaya’t arithmetically, ito ay -444 + 476 + 1 = 33). Kung kukunin natin ang natitirang 25 na araw at ia-add natin ito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D., tayo ay babalik sa ika-30 ng Marso taong 33 A.D., ito ay nakatala sa timeline sa ilalim, o kagaya na lamang ng sinabi ni Hoehner (na aking sinundan ang mga kalkulasyon):
“Sa pag-add ng 25 na araw sa ika-5 ng Marso (444 B.C.) tayo ay darating sa ika-30 ng Marso (33 A.D.), na siyang Nisan 10. Ito ay araw ng matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem…” (Hoener, Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI, 1977, pg. 16)
Ito ang timeline ng propesiya ni Daniel na ‘sanlinggo’ na nag-culminate sa matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem
Matagumpay na Pagdating ni Hesus–Ang Araw na Iyon
Ito ay ang Linggo ng Palaspas, ang mismong araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem. Sa may palagay na ating nagawa ang lahat sa itaas at sa paggamit ng basic na aritmetika, makikita natin na ang palaisipan ni Daniel na ‘sanliggo’ ay dadalhin tayo sa eksaktong araw na ito. Ito ang araw na siyang ipinresenta si Hesus bilang ang Hari o ang Kristo sa nasyon ng mga Hudyo. Alam natin ito dahil si Zacarias (na siyang nanghula sa pangalan ng Kristo) ay sinulat ang sumusunod:
“Magalak ka nang husto, O anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem! Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo; siya’y matuwid at matagumpay, mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.” (Zacarias 9:9)
Ang pinakahihintay na Hari ay maibubunyag at papunta sa Jerusalem na sakay ng isang asno at sinasalubong ng mga sumisigaw at nagsasayang mga tao. Sa araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–sa mismong araw din na iyon na nahulaan ni Daniel sa kaniyang palaisipan na ‘sanlinggo’–si Hesus ay sumakay papuntang Jerusalem sa isang asno. Sinasabi ni Lucas ang sumusunod:
“Nang malapit na siya at nakita ang lunsod, ito’y kanyang iniyakan, na sinasabi, ‘Kung sa araw na ito ay alam mo sana ang mga bagay na tungo sa kapayapaan! Subalit ngayo’y nakakubli ito sa iyong mga mata. Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na ang mga kaaway mo ay magtatayo ng muog sa palibot mo at papaligiran ka, at gigipitin ka sa bawat panig. At ibabagsak ka sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Sa iyo’y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.’” (Lucas 19:41-44)
Sinasabi rito na lumuha si Hesus hindi dahil hindi nakilala ng mga tao ang mismong araw na siyang nahulaan nina Zacarias at Daniel. Lumuha si Hesus dahil hindi nila nakilala na sa araw na iyon, ang Kristo ay maibubunyag, at isang hindi inaasahang pangyayari ang mangyayari. Nahulaan ni Daniel, sa parehong berso kung saan binigay niya ang palaisipan ng ‘sanliggo’ ang sumusunod:
“Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na. At siya’y gagawa ng isang matibay na tipan sa marami sa loob ng isang linggo, at sa kalagitnaan ng sanlinggo ay kanyang patitigilin ang handog at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay darating ang isang mangwawasak, hanggang sa ang iniutos na wakas ay maibuhos sa mangwawasak.” (Daniel 9:26-27)
Sa halip na makuha ang trono para maghari, ang Kristo ay ‘maka-cut off’ at magkakaroon ng ‘wala’. Sa pamamagitan ng paggamit ng pariralang ‘cut off’ (sa ilang mga Bibliya, ang salin nito ay ‘ang mamamatay’), si Daniel ay pumapatungkol sa ‘Sanga’, na galing sa tuod ni Jesse, na nasa propesiya ni Isaias, na pinaliwanagang mabuti ni Jeremias, na mayroong pangalan na nahulaan ni Zacarias, at ngayon ay nakini-kinita nina Daniel at Zacarias. Ang Sanga ay mapuputol o magiging ‘cut off’. At ang siyudad ng Jerusalem ay masisira (na siyang nangyari noong 70 A.D.). Ngunit paano nga bang mapuputol ang Sanga na ito? Babalikan natin si Isaias sa ating susunod na post upang magkaroon ng mas malinaw pa na kasagutan.
*Ang mga reperesiyang ginamit ay ang Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI ni Hoehner, Harold W.