Ilang taon na ang nakararaan, ang aking kaibigan at katrabaho na si ‘J’ ay nagtungo sa aking mesa. Si J ay matalino at edukado–at tiyak na hindi naniniwala sa ebanghelyo. Ngunit siya ay para bang curious, at ito ay nagreresulta sa ilang mga mainit-init at bukas na pag-uusap sa pagitan naming dalawa. Hindi pa siya talaga nakakabasa ng Bibliya, kung kaya’t hinikayat ko siya noon at upang imbestigahan ito.
Isang araw ay nagpunta siya sa aking opisina na may dalang Bibliya upang ipakita sa akin na siya niyang sinisiyasat ito. Binuksan niya ng random ang Bibliya sa gitna, at tinanong ko siya kung ano nga ba ang kaniyang binabasa. Ganito ang aming naging pag-uusap:
“Binabasa ko ang Mga Awit 22,” ani niya.
“Talaga?” Sabi ko. “May ideya ka ba kung ano ang binabasa mo?”
“Binabasa ko ang tungkol sa pagkakapako ni Hesus,” sagot ni J.
“Magandang hula iyan,” sinabi ko habang tumatawa, “Ngunit ikaw ay maaga ng isang libong taon. Ang Mga Awit 22 ay isinulat ni David noong 1,000 B.C., at ang pagkakapako ni Hesus ay noong 30 C.E..”
Dahil hindi naman pamilyar si J sa Bibliya, hindi niya namalayan na ang Mga Awit ay hindi ang nagdadala ng tala ng buhay ni Hesus na isinulat ng mga tao sa kaniyang panahon. Nakakarinig lamang si J ng mga kuwento tungkol kay Hesus, kasama na rin ang kaniyang pagkakapako, at mula sa pagkakabukas ng kaniyang Bibliya ng random, at mula sa kaniyang perspektibo, ito ay naglalarawan sa pagkakapako. Dahil hindi niya alam ang totoong mga tala sa Bibliya, inakala niyang ito ang kuwento ng krusipiksyon. Kami ay parehong natawa dahil sa pagkakabasa at interpreta niya ng Bibliya.
Matapos non ay tinanong ko sa J kung ano ang nabasa niya sa Mga Awit 22 para akalain na ang kuwentong kaniyang binabasa ay pumapatungkol sa pagkakapako ni Hesus. Dito nagsimula ang aming pag-iimbestiga. Iniimbitahan ko kayong ikunsidera ang mga pagkakapareho na napansin ni J sa pamamagitan ng pagtatabi sa mga sipi. Para lubos pang makatulong, aking kinulayan ng magkakaparehong kulay ang mga teksto na may pagkakapareho.
Ang Pagkakatulad ng mga Talaga sa Ebanghelo Tungkol sa Pagkakako na May Kasamang mga Detalye sa Mga Awit 22
Detalye ng Pagkakapako mula sa Ebanghelyo | Mga Awit 22–na isinulat noong 1,000 B.C. |
(Mateo 27:31-48) Ipinako si Hesus sa krus… 39“Siya’y inalipusta ng mga nagdaraan at pailing-iling, 40na nagsasabi, ‘Ikaw na gigiba sa templo, at sa ikatlong araw ay itatayo ito, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!’ 41Sa gayunding paraan ay nilibak siya ng mga punong pari, kasama ang mga eskriba at ng matatanda na nagsasabi, 42 ‘Niligtas siya ng iba; hindi na mailigtas ang kanyang sarili. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo sa kanya. 43Nagtiwala siya sa Diyos; kanyang iligtas siya ngayon kung ibig niya, 46At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus na may malakas na tinig, na sinasabi, ‘Eli, Eli, lama sabacthani?’ na ang kahulugan ay ‘Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Tumakbo kaagad ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha, pinuno ito ng suka, inilagay sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin.” (Marcos 15:16-20) 16“Pagkatapos ay dinala siya ng mga kawal sa bulwagan na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong batalyon. Siya’y kanilang dinamitan ng kulay-ube, at nang makapagtirintas ng isang koronang tinik ay ipinatong nila ito sa kanya. 18At pinasimulan nilang pagpugayan siya, ‘Mabuhay, Hari ng mga Judio!’ 19Hinampas nila ang kanyang ulo ng isang tungkod, dinuraan siya at lumuhod sa harapan niya. 20Pagkatapos na siya’y kanilang libakin, inalis nila ang kanyang kulay-ube na balabal at isinuot sa kanya ang kanyang mga damit. At siya’y kanilang inilabas upang ipako sa krus. 37Si Jesus ay sumigaw nang malakas at nalagutan ng hininga.” (Juan 19:34) “Subalit tinusok ng sibat ng isa sa mga kawal ang kanyang tagiliran at biglang lumabas ang dugo at tubig.” (Juan 20:25) “Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, ‘Nakita namin ang Panginoon.’ Ngunit sinabi niya sa kanila, ‘Malibang makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kanyang tagiliran ay hindi ako maniniwala.” (Juan 19:23-24) “Nang maipako ng mga kawal si Jesus, kanilang kinuha ang kanyang mga kasuotan at hinati sa apat na bahagi, sa bawat kawal ay isang bahagi. Gayundin ang tunika, at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas. Kaya’t sinabi nila sa isa’t isa, ‘Huwag natin itong punitin, kundi tayo’y magpalabunutan kung kanino mapupunta.” | 1‘Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?’ Bakit napakalayo mo sa pagtulong sa akin, sa mga salita na aking karaingan? 2 O Diyos ko, sumisigaw ako kapag araw, ngunit hindi ka sumasagot man lamang, at kapag gabi, hindi ako makatago ng kapahingahan. 7 Silang lahat na nakakakita sa akin ay tinatawanan ako; nginungusuan nila akou, iiling-iling ang kanilang mga ulo. 8 ‘Ipinagkatiwala niya ang kaniyang usapin sa Panginoon; hayaan kanyang iligtas siya, hayaang kanyang sagipin siya, sapagkat kanyang kinaluluguran siya!’ 9 Ngunit ikaw ang kumuha sa akin mula sa bahay-bata; iningatan mo ako nang ako’y nasa dibdib ng aking ina. 10 Sa iyo ako’y inilagak mula sa aking pagluwal, at mula nang ako’y ipagbuntis ng aking ina ang Diyos ko’y ikaw. 11Sa akin ay huwag kang lumayo, sapagkat malapit ang gulo, at walang sinumang sasaklolo. 12 Paliligiran ako ng maraming toro, ng malalakas na toro ng Basan ay pinalilibutan ako. 13 Sa akin ang kanilang bibig ay binuksan nila ng maluwang, gaya ng sumasakmal at leong umuungal. |
Ang fact na si J ay nagbigay ng lohikal ngunit maling kongklusyon na ang Mga Awit 22 ay ang tala ng mga eye-witness sa pagkakapako noong Biyernes Santo, ay dapat makapagbigay sa atin ng katanungan. Paano nga ba natin ipapaliwanag ang pagkakapareho sa pagitan ng mga tala sa ebanghelyo at ng Mga Awit 22? Ito nga ba ay pagkakataon at coincidence na ang mga detalyeng ito ay sobrang magkakatugma at isinasama rin dito na ang mga damit ay PAREHONG mahahati (ang mga damit na may tahi ay mapupunit sa mga tahi at pagpapasa-pasahan ng mga sundalo) AT magkakaroon ng palabunutan (ang mga damit na walang tahi ay masisira sa pamamagitan ng pagkakapunit dito kung kaya’t sila ay nagpalabunutan para rito).
Ang Mga Awit 22 ay isinulat bago ang pagkakapako sa krus ngunit inilalarawan pa rin dito ang iba’t ibang detalye (pagkakapako sa kamay at paa, ang pagkalas ng mga buto–ang pakaka-stretch ng buto sa pamamagitan ng pagkakasabit). Sa pagdaragdag, ang Ebanghelyo ni Juan ay nagsasaad na may dugo at tubig na dumaloy noong tinusok ng sibat ang tagiliran ni Hesus, at sinasabi rito na nagkaroon ng fluid buildup sa kaniyang pericardium cavity na pumapalibot sa kaniyang puso. Namatay si Hesus dahil sa atake sa puso. Pareho ito ng kahulugan sa Mga Awit 22 na sinasabing ‘ang aking puso ay parang pagkit’. Ang salitang Hebreo sa b. 16 ng Mga Awit 22 ay nai-translate sa ‘pagtusok’ ay literal na nangangahulugang ‘kagaya ng leon’. Sa madaling salita, ang mga kamay at paa ay niluray at binugbog habang sila ay ipinapako. Kung gayon, ano nga ba ang gagawin natin sa lahat ng ito?
Si Hesus, sa pamamagitan ng mga pluma ng manunulat ng Ebanghelyo, ay ipinapaliwanag na ang pagkakapareho ng mga ito ay prophetic. Binigyang inspirasyon ng Diyos ang mga propeta sa Lumang Tipan ilang daang taon bago mabuhay si Hesus para mahulaan ang detalye ng kaniyang buhay at kamatayan upang ating malaman na lahat ng ito ay nakasaad sa plano ng Diyos. Ang tawag dito ay ‘prophetic fulfillment’ dahil katulad ito ng pagkakaroon ng banal na lagda sa mga pangyayari noong Biyernes Santo dahil walang sinumang tao ang makakahula sa hinaharap. Ito ay ebidensya ng intervention ng Diyos sa kasaysayan.
Ang Paliwanag ni Bart Ehrman
Si Bart Ehrman ay isang kilalang iskolar ng Bibliya at kritiko ng Ebanghelyo. Siya rin ay isa sa kumokontra ng mga credentials ng Mga Awit 22 dahil ayon sa kanya, mali ito at ang punto ng kuwentong ito sa Ebanghelyo ay ang ‘Mesiyas’ o ang ‘Kristo’ ay ang taon na siyang dapat isasakripisyo, at ayon sa kaniya, walang sinasabing ang biktima ng sakripisyo sa Mga Awit 22 ay ang ‘Mesiyas’.
“Ngunit ano nga ba ang gagawin natin sa katotohanan na walang propesiyang Hudyo na nagsasabing ang Mesiyas ay maghihirap at mamamatay?” (Bart Ehrman, Jesus Interrupted, p. 234)
Ngunit nagbibigay ito ng isa pang isyu. Hindi lang naman isa ang propesiya (kagaya ng Mga Awit 22) na kailangang gampanan ni Hesus, ngunit marami ang mga ito. Ang mga propesiyang ito ay isinulat ng iba’t ibang mga manunulat sa iba’t ibang mga panahon at mula sa iba’t ibang mga social strata na mula sa panahon ng Lumang Tipan–at kaya natin itong patunayan dahil pwede natin itong i-check kung nangyari nga ba ang mga ito o hindi. Kung kaya’t para patunayan ang challenge ni Ehrman, si Daniel na naninirahan sa exile sa Babylon noong 550 B.C. ay nagkaroon ng pangitain noong siya ay pinagsabihan ng prophetic na bugtong:
“Kaya’t iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu’t dalawang sanlinggo. Ito’y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan. Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.” (Daniel 9:25-26)
Hmmm. May lubos akong respeto sa iskolar na ito ng Bagong Tipan, ngunit nakaligtaan niya ito sa Lumang Tipan. Dito natin makikita, kagaya na lamang ng kaniyang challege, ang propesiya ng ‘Ang Anointed’ (Kristo = Mesiyas) ay magiging cut off. Ang timing nito at ang detalye ng ‘cut off’, na siyang nakini-kinita ang kahulugan ng kamatayan ni Hesus, ay siyang nagre-refute ng pahayag ni Ehrman na walang propesiya sa Lumang Tipan na ang ‘Kristo’ ay siyang magdurusa at mamamatay.
Ang Paliwanag ni Spong
Mayroong ibang mga tao na kagaya ni Shelby Spong na nagsasabing ang pagkakatulad ng Mga Awit 22 sa mga kaganapan sa pagkakapako noong Biyernes Santo ay simpleng dahil sa katotohanan na ang mga manunulat ng Ebanghelyo ay gumawa na lamang ng kanilang mga sariling kasulatan para lamang maihalintulad ito sa propesiya. Mayroon siyang napakadetalyadong verse-by-verse na analysis na nagpapakita sa pagkakatulad ng Mga Awit 22 at ng pagkakapako ni Hesus sa Ebanghelyo. Ngunit ang sinasabi sa teorya ni Spong ay kailangan lamang niya ng eksplanasyon sa kung bakit magkatulad ang mga ito. Ngunit ang eksplanasyong ito ay siya ring hindi nagbibigay pansin sa testimonya ng mga mananalaysay na mula pa sa labas ng Bibliya. Sinasabi sa atin nina Josephus at Tacitus ang mga sumusunod:
“Sa panahong ito ay mayroong napakatalinong tao…Hesus…mabuti, at…walang bahid ng kasalanan. At maraming mga Hudyo at iba’t ibang tao na mula pa sa iba’t ibang nasyon ang kaniyang naging mga disipulo. Hinatulan Siya ni Pilato upang ipako sa krus para mamatay.” (Josephus, 90 A.D., Antiquities xviii. 33/Si Josephus ay isang Mananalaysay na Hudyo)
“Si Christus, ang nagtatag ng pangalan, ay siyang pinapatay ni Pontio Pilato, ang prokurator ng Judea sa paghahari ni Tiberius.” (Tacitus, 117 A.D., Annals xv. 44/Si Tacitus ay isang Mananalaysay sa Roman)
Ang kanilang mga testimonya ay sumasang-ayon sa ebanghelyo na si Hesus ay siyang ipinako nga sa krus. Importante ito dahil marami ang mga detalye sa Mga Awit 22 na siyang simpleng mga partikular na kaganapan noong ipinako si Hesus. Kung ang mga manunulat ng ebanghelyo ay gagawa ng sarili nilang mga kaganapan kaysa sabihin ang mga aktwal na ganap upang ito ay maging ‘fit’ sa Mga Awit 22, kakailanganin nilang gumawa ng sarili nilang pagkakapako. Ngunit walang sinuman mula sa panahong iyon na tumangging naganap ang pagkakapako, at ang mananalaysay na Hudyo na si Josephus ay tahasang sinabi na ito ang dahilan ng kaniyang pagkakapatay.
Ang Mga Awit 22 at ang Legasiya ni Hesus
Ngunit ang Mga Awit 22 ay hindi nagtatapos sa bersong 18 kagaya ng nasa itaas–nagpapatuloy pa ito. Pansinin natin kung paanong ang mood ay matagumpay sa huli–matapos mamatay ng tao!
“Ang dukha ay kakain at masisiyahan, yaong mga humanap sa kanya ay magpupuri sa Panginoon! Mabuhay nawa ang inyong mga puso magpakailanman. Maaalala ng lahat ng mga dulo ng lupa, at sa Panginoon ay manunumbalik sila; at lahat ng mga sambahayan ng mga bansa ay sa harapan mo magsisamba. Sapagkat sa Panginoon ang kaharian, at siya ang namumuno sa mga bansa. Oo, sa kanya ang lahat ng masasagana sa lupa ay kakain at sasamba; sa harapan niya ay yumuyukod ang lahat ng bumabalik sa alabok, at siya na hindi mapapanatiling buháy ang kanyang kaluluwa. Ang susunod na salinlahi sa kanya ay magsisilbi, ang Panginoon ay ibabalita ng mga tao sa darating na salinlahi. Sila’y darating at maghahayag ng kanyang katuwiran sa isang bayang isisilang, na dito ay siya ang may kagagawan.” (Mga Awit 22:26-30)
Pansinin natin na hindi ito pumapatungkol sa detalye ng kaganapan ng kamatayan ng isang tao. Ang mgaa detalye ng kamatayang ito ay sinasabi sa unang bahagi ng Mga Awit. Ina-address na ngayon ng salmista ang impact ng kamatayan ng taong ito sa mga ‘salinlahi’ at sa mga ‘susunod na henerasyon’ (berso 30). Ngunit sino nga ba ang mga ito? Tayo ang mga ito na siyang namumuhay nang 2,000 na taon matapos ang pagkakapako. Sinasabi sa atin ng salmista na ang ‘salinlahi’ na siyang sumusunod sa ‘pierced’ na tao na siyang namatay ng isang nakakapangilabot na kamatayan ay siyang ‘pagsisilbihan’ siya at siyang ‘mapapagsabihan ng tungkol sa kaniya’. Nahuhulan sa berso 27 ang geographic na saklaw ng impact na ito–ito ay pupunta sa ‘dulo ng mundo’ at sa ‘bawat pamilya sa iba’t ibang bayan’ at magdudulot ito na ‘magbalik sa Panginoon’. Nahuhulaan sa berso 29 na ‘siya na hindi mapapanatiling buhay ang kanyang kaluluwa’ (ito ay lahat tayo dahil lahat din naman tayo ay mamamatay) ay luluhod sa kaniya balang araw. Ang kabanalan ng taong ito ay ipagsisigawan sa lahat ng tao na hindi pa nabubuhay (ang ‘mga hindi pa buhay’) sa oras ng kaniyang kamatayan.
Walang sinumang makagagawa ng mas magandang hula sa subsequent na legasiya ng kamatayan ni Hesus kaysa sa Mga Awit 22. Halos 2,000 na taon matapos si Hesus ay ating ipinagdiriwang ang Biyernes Santo na siyang nagha-highlight sa impact ng kamatayan ni Hesus, na siyang nagfu-fulfill sa kongklusyon ng Mga Awit 22 na tama lamang kagaya ng kung paano nahulaan ito ng mga bersong nauna sa kaniya. Sino pa sa kasaysayan ng mundo ang maaaring gumawa ng isang claim na ang mga detalye ng kanyang kamatayan pati na rin ang legacy ng kanyang buhay hanggang sa malayong hinaharap ay hinuhulaan 1,000 taon bago pa man siya mabuhay?
Ang kongklusyon ng Awit 22 ay walang kinalaman sa kung ang mga ulat ng ebanghelyo ay hiniram mula dito o binubuo ang mga pangyayari sa pagpapako sa krus sapagkat ito ay kasalukuyang nakikitungo sa maraming mga kaganapan sa hinaharap–ito ang nasa ating kasalukuyang panahon. Ang mga manunulat ng ebanghelyo, na naninirahan sa ika-1 na siglo ay hindi kayang ‘gumawa’ ng sarili nilang mga kaganapan sa impact ng kamatayan ni Jesus hanggang sa ating panahon. Hindi nila alam kung ano ang magiging epekto nito. Paano isasama ng Spong ang katotohanang ito sa kanyang paliwanag? Hindi niya ginagawa. Binabalewala niya ang huling bahagi ng Mga Awit 22.
Siguro, kagaya ng kaibigan kong si J, maaari mo ring kuhanin ang oportunidad na ito upang ikunsidera ang Mga Awit 22 sa liwanag ng pagkakapako ni Hesus. Kakailanganin mo ng kaunting mental na effort. Ngunit huwag mo itong hayaang pumigil sa’yo. Ang reward ay worth it dahil ang tao na pinag-uusapan sa Mga Awit 22 ang nangako ng sumusunod:
“Ang magnanakaw ay dumarating lamang upang magnakaw, pumatay, at pumuksa. Ako’y pumarito upang sila’y magkaroon ng buhay, at magkaroon nito nang may kasaganaan.” (Juan 10:10)
Gagawin nitong fulfilling ang inyong Pasko ng Pagkabuhay. Naririto ang buong Mga Awit 22, at ang tala ng pagkakapako ayon kina Mateo, Marcos, Lukas, at Juan. Nawa’y maranasan niyo ang mga ito at hindi lamang sa Biyernes Santo kun’di sa araw araw.