Tekstuwal na Pagpuna at ang Bibliya
Sa ating scientific at edukadong panahon, maraming paniniwalang non-scientific na pinaniniwalaan ng mga nakatatanda sa atin ay ating nakukuwestiyon. Ang pagdududang ito ay lalong totoo para sa Bibliya. Lalong-lalo na sa kadahilanang ang Bibliya ay naisulat dalawang libong taon na ang nakararaan. Sa karamihan ng millenia na ito ay walang printing press, photocopy machines o kahit na mga publishing companies. Kung kaya’t ang mga orihinal na manuskrito ay kinopkopya sa pamamagitan ng kamay, at pasalin-salin sa mga henerasyon, may mga wikang namatay at mayroon din namang mga wikang naisilang, at sa pagbabago ng mga imperyo at pag-akyat ng bagong mga kapangyarihan. Dahil ang mga orihinal na manuskrito ay matagal na panahon nang nawawala, paano nga ba natin malalaman na ang mga nakatalang bagay na ating nababasa sa Bibliya ngayon ay ang siya ngang mga salita na isinulat ng mga manunulat nito? O ang Bibliya nga ba ay nagbago na o siya nang naging corrupted, siguro sa kamay ng mga lider ng simbahan, o mga pari at monghe na silang nagnanais na baguhin ang mensahe upang siyang umangkop sa kanilang mga layunin?
Ang Prinsipyo ng Tekstuwal na Pagpuna
Likas na totoo ang tanong na ito sa alin mang sinaunang kasulatan. Ang timeline sa ibaba ay naglalarawan ng proseso kung saan ang mga sinaunang kasulatan ay siyang naipepreserba sa paglipas ng mga panahon. Nagpapakita ito ng isang halimbawa ng isang sinaunang dokumento na naisulat noong 500 B.C. (ang petsang ito ay random na pinili). Ang orihinal nito ay palaging hindi nagtatagal, kung kaya’t bago ito mabulok, mawala, o masira, isang manuskritong kopya nito ay nagagawa (unang kopya). Ang mga propesyonal na uri ng mga tao na kung tawagin ay ‘scribes’ ang gumagawa ng pagkopya nito. Sa pagtagal ng panahon, ang mga kopya ng orihinal na manuskrito ay siya ring nakokopya (ikalawa at ikatlong kopya). Sa isang punto, isang kopya ang itinatago upang ito ay siyang magamit at upang ito ay mapreserba para sa kasalukuyang panahon (ikatlong kopya). Sa ating halimbawa, ang kasalukuyang kopya ay naisulat noong 500 A.D. Ibig sabihin, ito ay ang pinakaunang estado ng dokumentong ito na ating malalaman ay nagmumula sa 500 A.D.
Dahil dito, sa panahon mula sa 500 B.C. hanggang sa 500 A.D. (nakalabel na x sa diagram) ay ang panahon kung saan hindi tayo makakakuha ng mga pagpapatunay na kopya dahil lahat ng mga manuskrito sa panahong ito ay siya nang nawala. Halimbawa, kung mayroong pagkakamali (intensyonal man o hindi) na nagawa noong kinopya ang ikalawang kopya mula sa unang kopya, hindi na natin ito magagawang pag-aralan dahil ang parehong dokumentong ito ay wala na. Ang panahon kung saan nag-predate ang mga kopya sa kasalukuyan (ang period x) ay ang pagitan ng tekstuwal na walang katiyakan. Dahil dito, ang prinsipyo na ginagamit upang tugunan ang mga katanungan na pumapatungkol sa tekstuwal na reliability ay ang pagtanaw sa haba ng panahong ito. Ang mas maikling agwat (‘x’ sa diagram) ay mas tiyak tayo na nilalagay natin ang siguradong preserbasyon ng dokumento sa kasalukuyan, dahil ang panahon ng pag-aalinlangan ay siya nang nabawasan.
Syempre, kadalasan ay mayroong higit pa sa isang manuskritong kopya ang isang dokumento na nag-eexist sa kasalukuyan. Ipalagay natin na mayroon tayong dalawang kopya ng manuskrito at sa parehong section sa kanilang dalawa ay makikita natin ang mga sumusunod na pahayag:
Ang orihinal na manunulat ay siyang nagsulat ng tungkol kay Juana o ng tungkol kay Juan, at ang lahat ng mga sumusunod na manuskrito ay naglalaman ng error sa pagkopya. Ang tanong ay: alin sa dalawa ang siyang naglalaman ng error? Mula sa mga available na manuskrito, ito ay siya nang napakahirap na madetermina.
Ngayon naman ay ipagpalagay natin na may nakita tayong dalawa pang mga kopya ng manuskrito ng parehong akda, tulad ng ipinapakita sa ibaba:
Ngayon ay mas madali na nating mahuhulaan kung aling manuskrito ang mayroong error. Kadalasan ay isang beses lamang nagagawa ang error kaysa magawa ang parehong error ng tatlong beses, kung kaya’t ang ikalawang manuskrito ay siyang mayroong error sa pagkopya, at ang manunulat ay siyang nagsusulat ng patungkol kay Juana, at hindi kay Juan.
Ang simpleng halimbawang ito ay naglalarawan sa ikalawang prisipyo na ginagamit upang ma-verify ang integridad ng mga manuskrito. Ang higit na maraming manuskritong nag-eexist sa panahon ngayon, ay mas madali nang ma-detect at maitama ang mga errors nito, at ma-access ang mga nilalaman ng orihinal na manuskrito.
Tekstuwal na Pagpuna sa Classical na Kasulatang Greco-Roman Kumpara sa Bagong Tipan
Ngayon ay mayroon tayong dalawang mga indicators na base sa dalawang mga ebidensiya na ginagamit upang madetermina ang tekstuwal na reliability ng sinaunang mga dokumento:
- Ang pagsukat ng panahon mula sa orihinal na komposisyon at sa pinakaunang umiiral na kopya ng manuskrito.
- Ang pagbibilang ng mga kopya ng manuskrito.
Dahil ang mga indicators na ito ay tumutukoy sa kahit anong sinaunang kasulatan, maaari natin itong gamitin sa mga katanggap-tanggap na gawa ng kasaysayan, kagaya na lamang ng nasa ibaba (1):
Manunulat | Kailan Isinulat | Pinakamaagang Kopya | Time Span | # |
Caesar | 50 BC | 900 AD | 950 | 10 |
Plato | 350 BC | 900 AD | 1250 | 7 |
Aristotle* | 300 BC | 1100 AD | 1400 | 5 |
Thucydides | 400 BC | 900 AD | 1300 | 8 |
Herodotus | 400 BC | 900 AD | 1300 | 8 |
Sophocles | 400 BC | 1000 AD | 1400 | 100 |
Tacitus | 100 AD | 1100 AD | 1000 | 20 |
Pliny | 100 AD | 850 AD | 750 | 7 |
*Mula sa kahit anong gawa
Ang mga manunulat na ito ay nagrerepresenta sa mga major na classical na manunulat ng sinaunang panahon—ito ang mga kasulatan na humulma sa pag-unlad ng Western na sibilisasyon. Sa karaniwan, ang mga ito ay unti-unting naipapasa sa atin bilang mga 10-100 na manuskrito na siyang naipepreserba sa simula ng 1000 na taon matapos maisulat ang orihinal na manuskrito. Mula sa siyentipikong point-of-view, ang mga data na ito ay maikukunsiderang mga control na experiment natin dahil binubuo ito ng mga data (classical na kasaysayan at pilosopiya) na siyang katanggap-tanggap at ginagamit ng mga akademiko at mga unibersidad sa buong mundo.
Ang sumusunod na mga table ay nagkukumpara sa mga kasulatan sa Bagong Tipan gamit ang sumusunod na mga criteria (2). Ito ay maikukunsidera bilang ang ating experimental na data na siyang maikukumpara sa ating control na data, kagaya na lamang ng kahit anong siyentipikong imbestigasyon.
MSS | Kailan Isinulat | Petsa ng MSS | Time Span |
John Rylan | 90 AD | 130 AD | 40 yrs |
Bodmer Papyrus | 90 AD | 150-200 AD | 110 yrs |
Chester Beatty* | 60 AD | 80 AD | 20 yrs |
Codex Vaticanus | 60-90 AD | 325 AD | 265 yrs |
Codex Sinaiticus | 60-90 AD | 350 AD | 290 yrs |
* Tradisyonal na napetsahan noong 200 AD, ngunit ang bagong pananaliksik ay tumutukoy sa isang mas maagang petsa ng 80 AD
Ang table sa itaas ay siyang nagbibigay ng maikling highlight para sa iilang mga umiiral na manuskrito. Ang bilang ng mga manuskrito ng Bagong Tipan ay siyang napakalawak, kung kaya’t magiging imposible itong ilista lahat sa iisang table. Kagaya na lamang ng sinabi ng isang iskolar (3) na siyang lubhang nag-aral ng isyung ito:
“Tayo ay mayroong mahigit na 24,000 MSS na kopya ng mga bahagi ng Bagong Tipan na umiiral sa panahon ngayon. Walang ibang dokumento sa sinaunang panahon ang siyang lalapit sa bilang at pagpapatunay dito. Sa paghahambing, ang ILIAD ni Homer ay pumapangalawa dahil mayroon itong 643 MSS na siyang nananatili.”
Isa namang nangungunang iskolar ng British Museum (4) ang nagpapatunay dito:
“Ang mga iskolar ay nasisiyahan na dahil sila ay nagmamay-ari ng kabuuan ng totoong teksto ng pangunahing mga manunulat na Griyego at Romano… ngunit ang ating kaalaman ng kanilang mga naisulat ay dumidipende sa maliit lamang na MSS, samantalang ang MSS ng Bagong Tipan ay nabibilang sa… libo.”
Ang Tekstuwal na Pagpuno sa Bagong Tipan at si Constantine
At karamihan sa bilang ng mga manuskritong ito ay sobrang luma na. Nagmamay-ari ako ng isang libro na pumapatungkol sa pinakaunang dokumento ng Bagong Tipan. Ang introduction nito ay nagsisimula sa:
“Ang librong ito ay nagpo-provide ng pagsasalin ng 69 na pinakaunang manuskrito ng Bagong Tipan…na nagmumula pa noong maagang ikalawang siglo hanggang sa maagang ikaapat na siglo (100-300 A.D.). Naglalaman ito ng ⅔ ng teksto ng Bagong Tipan.”
Lubha itong mahalaga dahil ang mga manuskritong ito ay nagmumula bago pa man dumating ang Romanong Emperador na si Constantine (circa 325 A.D.) at ang pagtaas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko, na minsan ay parehong napagbibintangan ng pagbabago sa mga Biblical na teksto. Sa katotohanan ay maaari nating ma-test ang claim na ito sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga teksto ng bago dumating si Constantine (dahil hawak natin ang mga ito) at ang mga teksto na siyang dumating pagkatapos ni Constantine. Nang ma-test natin ang mga ito, nakita natin na ang mga ito ay pareho. Ang mensahe ng teksto noong 200 A.D. ay pareho ng nasa 1200 A.D. Hindi nabago nina Constantine o ng Simbahang Katoliko ang Bibliya. Ito ay hindi isang relihiyosong pahayag, kun’di isang pahayag na siyang nagbabase sa purong siyantipikong data. Ang table sa ibaba ay naglalarawan ng timeline ng mga manuskrito mula sa kung saan nababase ang Bagong Tipan sa Bibliya:
Mga Implikasyon ng Tekstuwal na Pagpuna sa Bibliya
Ano nga ba ang ating makukuha mula rito? Tiyak nating masasabi na masusukat natin talaga na ang Bagong Tipan ay siyang na-verify sa mas mataas na antas kaysa sa ibang mga classical na gawa. Ang verdict na siyang nagtuturo sa ebidensiya ay siyang malalagom ng mga sumusunod (6):
“Para maging skeptical sa resulta ng teksto ng Bagong Tipan ay siyang pagpalagay na ang lahat ng classical at mga sinaunang gawa ay siyang mapadpad sa karimlan, sa dahilan na walang iba pang mga dokumento na mula sa sinaunang panahon ang siyang mas pinatototohanan biographically kagaya na lamang ng Bagong Tipan.”
Sinasabi ng akademiko na tayo ay dapat maging consistent, kung magpapasya tayo na pagdudahan ay reliability na pagpepreserba sa Bibliya, dapat nating iwaksi ang lahat ng ating nalalaman na pumapatungkol sa pangkalahatan ng classical na kasaysayan—at ito ay hindi pa nagagawa ng kahit sinong informed na historian. Alam din natin na ang mga teksto sa Bibliya ay hindi nababago kahit ang mga panahon, wika, at imperyo ay nagbabago, dahil ang pinakamaagang umiiral na MSS ay nagbibigay ng petsa para sa mga pangyayaring ito. Halimbawa na lamang, alam natin na walang sinumang lubhang masigasig na monghe ang siyang naidagdag sa mga mirakulo ni Hesus sa mga account ng Bibliya, dahil nasasaatin ang mga manuskrito na siyang nagbibigay ng petsa ng mga medyebal na monghe at ang lahat ng mga may petsa na manuskrito ay siyang nagtatala ng mga mirakulong accounts ni Hesus.
Paano ang pagsasalin ng Bibliya?
Ngunit paano nga ba ang mga error na nasasangkot sa pagsasalin, at ang katotohanan na napakarami na ngang bersyon ng Bibliya sa panahon ngayon? Hindi ba nakikita rito na imposibleng maditermina ang eksakto at orihinal na mga kasulatan na isinulat ng mga manunulat?
Una, dapat nating iklaro ang isa sa mga napaka-common na misconception. Maraming tao ang naniniwala na ang Bibliya natin ngayon ay dumaan sa napakahabang proseso ng pagsasalin, na may isang bagong wika na naisasalin mula sa luma, isang proseso na parang ganito: Griyego-Latin-Medyebal na Ingles-Ingles ni Shakespeare-Modernong Ingles-Iba pang Modernong Wika. Ngunit, sa makatuwid, sa lahat ng wika ngayon ay naisalin na direktang mula sa orihinal nitong wika. Para sa Bagong Tipan, ang salin ay ganito: Griyego-Kahit anong modernong wika. Para naman sa Lumang Tipan, ang salin ay ganito: Hebreo- Kahit anong modernong wika. Ang base na Griyego at Hebreong mga teksto ay siyang mga standard. Kung kaya’t ang mga pagkakaiba sa mga bersyon ng Bibliya ay nagmumula sa kung paanong pinili ng mga tagapagsalin na isalin ang mga parirala sa tatanggap na wika.
Dahil sa napakalawak na mga classical na literatura na siyang nakasulat sa Griyego (ang orihinal na wika ng Bagong Tipan), ito ay naging posible na tiyak na maisalin ang mga orihinal na kaisipan at salita ng mga orihinal na manunulat. Sa katunayan, ang iba’t ibang mga modernong bersyon ay siyang magpapatunay dito. Halimbawa, basahin natin ang isa sa mga kilalang berso sa iba’t ibang mga pangkaraniwang bersyon, at pansinin ang mga kaunting pagbabago sa salita, ngunit iisa ang ideya at ang kahulugan:
“For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus or Lord.” —Romans 6:23 New International Version
“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang walang-bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggang kay Cristo Jesus na ating Panginoon.” —Roma 6:23 Filipino Standard Version
“Porque la paga del pecado es muerte, mintras que la dadiva de Dios es vida eterna en Cristo Jesús, nuestro Señor.”—Romanos 6:23 Nueva Verción Internacional
“Car le salaire que verse le péché, c’est la mort, mais le don de la grâce que Dieu accorde, c’est la vie éternelle dans l’union avec Jésus-Christ norte Seigneur.” —Romain 6:23 La Bible du Semeur
“τὰ γὰρ ὀψώνια τῆς ἁμαρτίας θάνατος, τὸ δὲ χάρισμα τοῦ θεοῦ ζωὴ αἰώνιος ἐν Χριστῷ Ἰησοῦ τῷ κυρίῳ ἡμῶν.” —ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 6:23 SBL Greek New Testament
Makikita natin na walang mga hindi pagkakaunawan sa pagitan ng mga salin—at sinasabi nila ang parehong mga ideya ngunit sa iba’t ibang mga gamit na salita.
Sa pagbubuod, hindi oras o salin ang nag-corrupt sa mga ideya at kaisipan na naipapahayag sa orihinal na manuskrito ng Bibliya upang itago ito sa atin sa kasalukuyan. Alam natin na ang Bibliya sa kasalukuyan ay eksaktong mababasa sa kung ano ang naisulat ng mga manunulat sa panahon noon. Ito ay tekstuwal na reliable.
Importanteng ma-realize natin kung ano ang mga ipinapakita at ang mga hindi ipinapakita ng pag-aaral na ito. Hindi nito pinapatunayan na ang Bibliya ay talaga ngang ang Salita ng Diyos. Mapagtatalunan pa rin na kahit na ang orihinal na mga ideya ng mga manunulat ng Bibliya ay siya ngang eksaktong naihahatid sa ating sa kasalukuyan, hindi nito napapatunayan o ipapahiwatig na ang mga orihinal na mga ideya na ito ay tama o na ang mga ito ay galing nga sa Diyos. Totoo nga. Ngunit sa pag-iintindi ng tekstuwal na reliability ng Bibliya ay nagbibigay ng start-point kung saan tayo ay makapagsisimulang seryosong imbestigahan ang Bibliya upang makita kung ang iilan sa mga tanong dito ay masasagot, at upang maging informed tayo kung ano nga ba ang mensahe. Ipinapahayag ng Bibliya na ang mensahe nito ay isang pagpapala mula sa Diyos. Paano kung mga tyansa ngang ito ay totoo? Bigyan natin ng panahon upang pag-aralanan ay ilan sa mga importanteng pangyayari sa Bibliya na ipinapaliwanag sa website na ito.
Importanteng ma-realize natin kung ano ang mga ipinapakita at ang mga hindi ipinapakita ng pag-aaral na ito. Hindi nito pinapatunayan na ang Bibliya ay talaga ngang ang Salita ng Diyos. Mapagtatalunan pa rin na kahit na ang orihinal na mga ideya ng mga manunulat ng Bibliya ay siya ngang eksaktong naihahatid sa ating sa kasalukuyan, hindi nito napapatunayan o ipapahiwatig na ang mga orihinal na mga ideya na ito ay tama o na ang mga ito ay galing nga sa Diyos. Totoo nga. Ngunit sa pag-iintindi ng tekstuwal na reliability ng Bibliya ay nagbibigay ng start-point kung saan tayo ay makapagsisimulang seryosong imbestigahan ang Bibliya upang makita kung ang iilan sa mga tanong dito ay masasagot, at upang maging informed tayo kung ano nga ba ang mensahe. Ipinapahayag ng Bibliya na ang mensahe nito ay isang pagpapala mula sa Diyos. Paano kung mga tyansa ngang ito ay totoo? Bigyan natin ng panahon upang pag-aralanan ay ilan sa mga importanteng pangyayari sa Bibliya na ipinapaliwanag sa website na ito.
____________________________________________
- McDowell, J., Evidence that Demands a Verdict, pp. 42-48, 1979
- Comfort, P.W., The Origin of the Bible, p. 193, 1992
- McDowell, J., Evidence that Demands a Verdict, p. 40, 1979
- Kenyon, F.G., (dating direktor ng British Museum), Our Bible and the Ancient Manuscripts, p. 23, 1941
- Comfort, P.W., The Text of the Earliest New Testament Greek Manuscripts, p. 17, 2001
- Montgomery, History and Christianity, p. 29, 1971