Ang Araw ng Pentekost ay laging natatapat na Linggo. Ipinagdiriwang nito ang isang napaka-remarkable na araw, ngunit hindi lamang nito ipinagdiriwang kung ano ang nangyari nang araw na ito kun’di kung kailan at bakit ito nangyari na nagre-reveal sa kamay ng Diyos, at ng napakamakapangyarihang regalo para sa’yo.
Ang Pangyayari noong Pentekost
Kung narinig mo na ang ‘Pentokost’, maaaring alam mo na ito ang araw kung kailan ang Espiritu Santo ay bumaba upang manirahan sa mga tagasunod ni Hesus. Ito ang araw kung kailan ang Simbahan, ang ‘mga tinawag’ ng Diyos, ay ipinanganak. Ang mga kaganapang ito ay nakatala sa Mga Gawa 2 ng Bibliya. Noong araw na iyon, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba sa unang 120 na tagasunod ni Hesus at sila’y nagsimulang magsalita ng malakas sa iba’t ibang mga wika mula sa buong mundo. Isa itong napakalaking komosyon kung kaya’t ang libu-libong mga tao na nasa Jerusalem noong araw na ‘yon ay lumabas upang makita kung ano nga ba ang nangyayari. Sa harap ng natipon na masa, si Pedro ay ipinalaganap ang unang mensahe ng ebanghelyo at ‘tatlong libo ang nadagdag sa kanilang bilang noong araw na iyon’ (Mga Gawa 2:41). Ang bilang ng mga tagasunod ng ebanghelyo ay lubhang lumalawak matapos ang Linggo ng Pentekost.
Ang araw na ito ay naganap 50 na araw matapos ang resureksyon ni Hesus. Sa loob ng 50 na araw na ito ay ang panahon kung kailan ang mga disipulo ni Hesus ay naging kumbinsido na si Hesus ay muling nabuhay mula sa kamatayan. Noong Linggo ng Pentekost, isinapubliko nila ito at dahil dito, ang kasaysayan ay nabago. Kung naniniwala ka man sa resureksyon o hindi, masasabi rin nating ang buhay mo ay nagbago at naging apektado ng dahil sa mga kaganapan noong Linggo ng Pentekost.
Ang ganitong pag-intindi ng Pentekost, kahit tama, ay hindi pa rin kumpleto. Maraming tao ang may kagustuhan na umulit ang Linggo ng Pentekost sa iba ngunit parehong experience. Dahil ang mga unang disipulo ni Hesus ay may experience na Pentekostal sa pamamagitan ng ‘paghihintay sa regalo ng Espiritu’, sa ngayon, ang mga tao ay umaasa na sa pamamagitan ng ‘paghihintay’ Siya ay babalik mula sa parehong paraan. Sa makatuwid, maraming tao ang nagmamakaawa at naghihintay sa Diyos upang magdala na isa pang Pentekost. Ang pag-iisip na ito ay nag-a-assume na ang nagdala sa Espiritu ng Diyos noon ay ang paghihintay at ang pagdarasal. Ang pag-iisip na ito ay nangangaligta sa katiyakan nito–dahil ang Pentekost na nakatala sa Mga Gawa 2 ay hindi ang unang Pentekost.
Ang Pentekost Mula sa Batas ni Moises
Ang ‘Pentekost’ ay isa talagang taunang pista sa Lumang Tipan. Si Moises (1,500 B.C.) ay nagtatag ng ilang mga pista upang ipagdiwang sa loob ng isang taon. Ang Paskuwa ang unang pista ng mga Hudyo sa buong taon. Si Hesus ay ipinako sa araw ng Pista ng Paskuwa. Ang ekstaktong oras ng kaniyang kamatayan ang eksaktong sakripisyo ng mga tupa ng Paskuwa ay nagbibigay ng palatandaan.
Ang pangalawang pista ay ang Pista ng ‘Unang Bunga’, at ang Batas ni Moises ay nagsasabing dapat itong ipagdiwang sa ‘araw matapos’ ang Sabado ng Paskuwa (Linggo). Si Hesus ay nabuhay muli ng Linggo, kung kaya’t ang kaniyang muling pagkabuhay ay eksaktong nangyari noong Pista ng Unang Bunga. Dahil ang kaniyang muling pagkabuay ay nangyari nong ‘Unang Bunga’, ang pangako na ang ating resureksyon ay susunod kinamamayaan (para sa lahat ng nagtitiwala sa kaniya). Ang kaniyang muling pagkabuhay ay literal na ‘unang bunga’, kagaya na lamang ng isinapropesiya ng pangalan ng pista.
Tiyak na 50 na araw matapos ang Linggo ng ‘Unang Bunga’, ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang Pentekost (ang ‘pente’ ay 50, at ito rin ay tinatawag na Pista ng mga Linggo dahil ito ay binibilang ng pitong linggo). Ang mga Hudyo ay ipinagdiriwang na ang Pentekost ng 1,500 na taon noong ang Pentekost sa Mga Gawa 2 ay nangyari. Ang dahilan kung bakit mayroong mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo noong Pentekost na iyon sa Jerusalem para marinig ang mensahe ni Pedro ay tiyak na dahil sila’y nandoon upang ipagdiwang ang Pentekost ng Lumang Tipan. Sa ngayon, ipinagdiriwang pa rin ng mga Hudyo ang Pentekost ngunit tinatawag na nila itong Shavuot.
Ating babasahin mula sa Lumang Tipan kung paano nga ba ipinagdiriwang ang Pentekost:
“Hanggang sa kinabukasan pagkalipas ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limampung araw; pagkatapos ay mag-aalay kayo ng handog na bagong butil sa Panginoon. Mula sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay upang iwagayway, na ang bawat isa ay dalawang ikasampung bahagi ng isang efa na mula sa piling harina, at lulutuin na may pampaalsa bilang unang bunga sa Panginoon. (Levitico 23:16-17)
Ang Katiyakan ng Pentekost: Ebidensiya ng Utak
Mayroong tiyak na timing ang Pentekost sa Mga Gawa 2 dahil nangyari ito sa mismong araw ng taon kagaya ng Pentekost sa Lumang Tipan (Pista ng mga Linggo). Ang pagkakapako ni Hesus na nagyari noong Paskuwa, ang muling pagkabuhay ni Hesus na nangyari noong Unang Bunga, at ang Pentekost ng Mga Gawa 2 na nangyari noong Pista ng mga Linggo ng Hudyo, ay nagpapakita ng isang koordinasyon ng pag-iisip sa pamamagitan ng kasaysayan. Sa dinami-rami ng araw sa isang taon, bakit kaya ang pagkakapako ni Hesus, ang kaniyang muling pagkabuhay, at ang pagdating ng Espiritu Santo ay sabay na nangyari sa bawat araw ng mga pista sa Lumang Tipan, maliban na lamang kung sila nga ay pinlano? Ang tiyak na mga planong ganito ay nangyayari lamang kung mayroong utak sa likod nito.
‘Ginawa’ nga lamang ba ni Lucas ang Pentekost?
Mayroong ilang mga magsasabi na si Lucas (ang manunulat ng Mga Gawa) ay ginawa lamang ang mga kaganapan sa Mga Gawa 2 para ‘mangyari’ ito sa Pista ng Pentekost. Kung gayon, siya dapat ang magiging ‘utak’ sa likod ng timing na ito. Ngunit hindi sinasabi sa kaniyang tala na ang Mga Gawa 2 ay ‘magfu-fulfill’ sa Pista ng Pentekost., hindi rin naman ito binabanggit dito. Ngunit bakit nga ba siya mag-aabala pa na gumawa ng dramatikong mga kaganapan upang ‘mangyari’ sa araw na iyon at hindi na lamang tulungan ang mga mambabasa na makita kung paano ito ‘magfu-fulfill’ sa Pista ng Pentekost? Sa makatuwid, si Lucas ay gumawa ng napakagandang trabaho na itala ang mga kaganapan kaysa interpretahin ito kung kaya’t kalimitan sa mga tao ngayon ay hindi alam na ang mga kaganapan sa Mga Gawa 2 ay nangyaring kasabay ng Pista ng Pentekost sa Lumang Tipan. Maraming tao ang nag-iisip na ang Pentekost ay nangsimula lamang sa Mga Gawa 2. Dahil kalimitan sa mga tao ngayon ay hindi aware sa koneksyon ng dalawa, magiging imposible ang sitwasyon ni Lukas at ang kanyang pagiging henyo para imbentuhin ang koneksyon ng dalawa kung kaya’t lubos niya itong ipinaliwanag.
Pentekost: Ang Bagong Kapangyarihan
Sa halip, tinuturo tayo ni Lukas sa isang propesiya sa Lumang Tipan sa libro ni Joel na nag-predict na isang araw ang Espiritu ng Diyos ay bubuhos sa lahat ng tao. Ang Pentekost sa Mga Gawa 2 ay nag-fulfill sa propesiyang ito.
Isang rason kung bakit ang Ebanghelyo ay ang ‘magandang balita’ ay dahil nagbibigay ito ng kapangyarihan na mamuhay ng kakaibang buhay–ng mas magandang buhay. Ngayon, ang buhay ay isa nang union sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. At ang union na ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbuhos ng Espiritu ng Diyos–na nagsimula noong Linggo ng Pentekost sa Mga Gawa 2. Ang Magandang Balita ay ngayon, pwede na tayong mamuhay sa ibang lebel, at ng may relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu. Ipinapaliwanag ito ng Bibliya sa ganitong paraan:
“Sa kanya’y kayo rin naman, na nakarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo. Siya ang katibayan ng ating mana, hanggang sa ikatutubos ng pag-aari, sa ikapupuri ng kanyang kaluwalhatian.” (Efeso 1:13-14)
“Ngunit kung ang Espiritu niyaong bumuhay na muli kay Jesus ay nananatili sa inyo, siya na bumuhay na muli kay Cristo mula sa mga patay ay magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na naninirahan sa inyo.” (Roma 8:11)
“At hindi lamang sangnilikha, kundi pati naman tayo na mayroong mga unang bunga ng Espiritu, na tayo nama’y dumaraing din sa ating mga sarili, sa masidhing paghihintay ng pagkukupkop, ang pagtubos sa ating katawan.” (Roma 8:23)
Ang paninirahan ng Espiritu ng Diyos ay isa ring unang bunga, dahil ang Espiritu ay isang pastulan–isang garantiya–ng pagkumpleto ng ating transpormasyon bilang ‘mga anak ng Diyos’.
Ang ebanghelyo ay nag-aalok ng isang masaganang buhay ngunit hindi sa pamamagitan ng pag-aari, pleasure, estado, kayamanan at lahat ng ibang lumilipas na maliliit na mga bagay na hinahabol ng mundong ito, na siya ring sinasabing bulang walang laman ani Solomon–ngunit sa pamamagitan ng paninirahan ng Espiritu ng Diyos. Kung totoo nga ito–na ang Diyos ay nag-aalok na manirahan at bigyan tayo ng kapangyarihan–ito ay napakagandang balita. Ang Pentekost sa Lumang Tipan kasama ng pagdiriwang ng masarap na tinapay na niluto na may pampaalsa ay sinasabing nagpapakita ng paparating na masaganang buhay. Ang katiyakan sa pagitan ng Luma at Bagong Pentekost ay isang perpektong ebidensiya na ang Diyos nga ang ‘Utak’ sa likod ng mga kaganapang ito at ito ang kapangyarihan ng masaganang buhay.