Kung magbibigay nga tayo ng ilang mga classic na love story, maisa – suggest natin sina Helen ng Troy at Paris (na silang nagpasimula sa kung tawagin ay Trojan War, na siyang lubhang nag-dramatize sa Iliad), Cleaopatra at Mark Antony (na siyang pag-ibig ay pumulupot sa digmaang sibil sa pagitan ng Roma at ni Octavian o Augustus Caear), Romeo at Juliet, at Beauty at ang Beast, o siguro ay sina Cinderella at Prince Charming. Dahil sa kanila, ang kasaysayayn, pop culture, at romantic fiction ay siyang nabuo at nagbibigay ng marubdob na love stories na pumupukaw sa ating mga puso, emosyon at imahinasyon.
Ang Love Story nina Ruth at Boaz
Nakamamanghang isipin na ang pag-ibig na nag-spark sa pagitan nina Ruth at Boaz ay nagpapatunay na mas tumagal at mas marangal ito kaysa sa iba’t ibang mga nabanggit natin na love affairs. Masasabi rin natin na naaapektuhan pa rin tayo ng pag-ibig na ito—at ito nga ay tatlong libong taon na ang nakakaraan matapos magtagpo ang dalawang magkasintahan. Ang pagmamahalan ring ito ay nagpapakita ng mistikal at espirirituwal na pag-ibig na inihahandog din sa ating lahat. Ang istorya nina Ruth at Boaz ay nagpapatungkol sa cross-cultural at forbidden love, imigrasyon, at ang relasyon ng isang makapangyarihang lalaki at ng isang bulnerableng babae—masasabing magagamit rin ang paksang ito sa kasalukuyang era ng #MeToo. Ito rin ay nagiging blueprint kung paano tayo dapat mag-establish ng isang malusog na kasal o relasyong pang-asawa. Dahil sa mga ito, ang love story nina Ruth at Boaz ay dapat malaman ng lahat.
Ang kanilang pag-ibig ay nakatala sa Libro ng Ruth sa Bibliya. Isa itong maikling libro na may 2,400 lamang na salita – ito ay dapat mabasa ng lahat! Naitala ito noong 1,150 BCE, at ito ay ang isa sa mga pinakalumang love story na naitala sa buong kasaysayan. Naging inspirasyon din ito sa iba’t ibang mga pelikula.
Ang Love Story ni Ruth
Si Naomi at ang kaniyang asawa, kasama ng kanilang dalawang anak na lalaki, ay lumisan sa Israel upang matakasan ang tagtuyot at manirahan sa kalapit na bansa ng Moab (ito ay ang bansang Jordan sa panahon ngayon). Matapos makapag-asawa ng dalawang lokal na babae, ang dalawang anak na lalaki ay silang namatay, pati na rin ang asawa ni Naomi. Kung kaya’t naiwan na lamang siya kasama ng kaniyang dalawang manugang na babae. Napagdesisyunan ni Noami na gusto na niyang bumalik sa Israel, at ang isa niyang manugang, si Ruth, ay siyang nagdesisyon na samahan siya. Matapos ang maraming taon, nakabalik din si Naomi sa Bethlehem bilang isang biyuda at siyang may kasamang isang bata at bulnerableng imigranteng babae na mula sa Moab: si Ruth.
Ang Pagtatagpo nina Ruth at Boaz
Dahil wala masyadong kita, nagpupunta si Ruth sa isang bukid upang tipunin ang mga natitirang butil na naiwan ng mga lokal na magsasaka. Dahil sa Batas ni Moises, isa itong sosyal na safety net, kung saan inuutusan ang mga magsasaka na mag-iwan ng ilang mga tirang butil sa kanilang mga bukid upang tipunin ng mga taong walang makain. Napaka-random na makita ni Ruth ang kaniyang sarili na nagtitipon ng mga butil mula sa bukid ng isang mayamang haciendero na nagngangalang Boaz. Napansin ni Boaz si Ruth kasama ng ibang mga nagtatrabaho upang magtipon ng butil na iniwan ng kaniyang mga magsasaka. Matapos niyang makita si Ruth, initusan niya ang kaniyang mga tauhan na mag-iwan pa ng ilang mga butil sa bukid para makapagtipon pa si Ruth ng mas maraming butil.
Dahil maraming butil ang kaniyang natitipon, bumabalik si Ruth sa bukid ni Boaz araw-araw upang magtipon pa ng mga tirang butil. Sinisigurado ni Boaz na hindi naha-harass o namomolestya si Ruth ng kaniyang mga tauhan. Mapapansing interesado sina Ruth at Boaz sa isa’t isa, ngunit dahil sa pagkakaiba ng kanilang edad, social status, at nasyonalidad, wala sa kanilang dalawa ang gumagawa ng paraan upang magkausap. Kung kaya’t gumawa ng paraan si Naomi upang maging match maker ng dalawa. Inutusan niya si Ruth na humiga sa tabi ni Boaz isang gabi pagkatapos niyang magdiwang sa pagtitipon ng ani. Naintindihan ni Boaz ang hakbang na ito bilang isang proposal, kung kaya’t napagdesisyunan niyang pakasalan si Ruth.
Kamag-anak ng Tagapagtubos
Ngunit ang sitwasyon ay mas komplikado kaysa sa pag-ibig nilang dalawa. Kamag-anak ni Boaz si Naomi, at dahil manugang niya si Ruth, magkamag-anak sina Boaz at Ruth sa pamamagitan ng kasal. Kinakailangan siyang pakasalan ni Boaz bilang ang kaniyang ‘kamag-anak ng tagapagtubos’. Nangangahulugan ito na, sa ilalim ng Batas ni Moises, pakakasalan siya ni Boaz ‘sa ngalan’ ng kaniyang unang asawa (ang anak na lalaki ni Naomi) at siya rin ay magpo-provide para sa kaniya. Nakasama sa batas na ito na kailangang bilhin ni Boaz ang bukirin ng pamilya ni Naomi (at syempre, pakasalan si Ruth). Kung kaya’t ang kasal ni Ruth kay Boaz ay nakasalalay kung mayroong isa pang lalaki na may gustong kumuha ng responsibilidad na alagaan sina Naomi at Ruth. Sa isang public na pagtitipon, ang mga city elders ay ang mga kauna-unahang hindi sumang-ayon sa kasalang ito dahil malalagay ang kanilang mga sariling bukirin sa kapahamakan. Kung kaya’t malaya si Boaz na bilhin at tubusin ang bukirin ng pamilya ni Naomi, at siyang pakasalan si Ruth.
Ang Pamana nina Ruth at Boaz
Sa kanilang unyon, nagkaroon sila ng anak na tatawaging Obed. Si Obed ay siyang magiging Lolo ni Haring David. Si David ay pinangakuan na ang isang ‘Kristo’ ay magmumula sa kaniyang pamilya. Marami pang mga propesiya ang naibigay at sa wakas, si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem, ang siyang parehong bayan kung saan nagtagpo sina Ruth at Boaz, maraming taon na ang nakararaan. Ang kanilang pagmamahalan, kasal at linya ng pamilya ay nagresulta ng isang supling na kung saan, ngayon, ay siyang nakabase ang ating modernong kalendaryo, at mga global na holidays kagaya ng Pasko at Easter—hindi na masama para sa pagmamahalan na nangyari sa isang maalikabok na nayon tatlong libong taon na ang nakararaan.
Paglalarawan sa Mas Malaking Love Story
Ang chivalry at respeto kung paano tinrato ng mayaman at makapangyarihang Boaz si Ruth, isang banyagang babae, ay isang modelo ng pagkakaiba ng pangha-harass at eksploytasyon na nagiging common na sa ating panahon sa pamamagitan ng #MeToo. Ang historical na impact ng linya ng pamilya na nai-produce ng pagmamahalan at kasal na ito, kapansin-pansin sa tuwing makikita natin ang petsa sa ating mga devices, ay nagbibigay sa love story na ito ng matatag na pamana. Pero ang love story nina Ruth at Boaz ay siya ring nagpapakita ng mas malaki pang pag-ibig—isang pag-ibig kung saan ikaw at ako ay siya ring imbitado.
Inilalarawan tayo ng Bibliya sa isang paraan na nage-evoke kay Ruth na nagsasabing:
“At aking ihahasik siya para sa akin sa lupa; at ako’y mahahabag sa kanya na hindi nagtamo ng kahabagan. At aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, ‘Ikaw ay aking bayan’; at siya’y magsasabi, ‘Ikaw ay aking Diyos.’”
Hoseas 2:23
Ang propetang si Hoseas mula sa Lumang Tipan (ca 750 BC) ay gumamit ng pagkakasundo sa pagkasira ng kaniyang sariling kasal upang magbigay larawan sa Diyos at sa pag-abot Niya sa atin gamit ang Kaniyang pag-ibig. Kagaya na lamang ni Ruth na siyang pumasok sa bayan bilang isang taong hindi minamahal, ngunit biglang pinakitaan ng pagmamahal ni Boaz, ninanais Niyang pakitaan tayo ng Kaniyang pagmamahal kahit na parang malayo tayo sa Kaniyang pag-ibig. Ito ay nakatala sa Bagong Tipan kung paano tayo ninanais abutin ng Diyos lalo na ang mga taong malayo sa pagmamahal Niya.
“Gaya naman ng sinasabi niya sa Hoseas, ‘Tatawagin kong ‘aking bayan’ ang hindi ko dating bayan; at ‘minamahal’ ang hindi dating minamahal.”
Roma 9:25
Paano nga ba naipapakita ang Kaniyang pagmamahal? Si Hesus, ang inapo ng supling mula kina Boaz at Ruth, ay ang Diyos na come-in-the-flesh at dahil dito, siya ay ang ating ‘kamag-anak’, kagaya na lamang ni Boaz kay Ruth. Binayaran ni Hesus ang ating utang dahil sa ating kasalanan sa Diyos noong siya ay naipako sa krus.
“Siya ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.”
Tito 2:14
Kung paano naging ‘kamag-anak at tagapagtubos’ si Boaz na siyang nagbayad upang matubos si Ruth, si Hesus ay ang ating ‘kamag-anak at tagapagtubos’ na siyang nagbayad (ng kaniyang buhay) upang matubos tayo.
Ang Modelo Para sa Ating Mga Kasal
Ang paraan kung paano tinubos ni Hesus (at Boaz) at siyang mapanalunan ang kaniyang bride ay iminomodelo kung paano natin dapat itayo ang ating mga kasal. Ipinapaliwanag ng Bibliya kung paano natin dapat itatatag ang ating mga kasal:
“Pasakop kayo sa isa’t isa dahil sa takot kay Cristo. Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Cristo na ulo ng iglesya, na siya ang tagapagligtas ng katawan. Subalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Cristo, gayundin ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay. Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya; upang kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita, upang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.
Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kanya-kanyang sariling asawa gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili. Sapagkat walang sinumang napoot sa kanyang sariling katawan, kundi inaalagaan at iniingatan ito, gaya naman ni Cristo sa iglesya; sapagkat tayo ay mga bahagi ng kanyang katawan. Dahil dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman. Ang hiwagang ito ay dakila, subalit ako ay nagsasalita tungkol kay Cristo at sa iglesya. Gayunman, dapat ibigin ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling asawa gaya ng kanyang sarili, at igalang ng babae ang kanyang asawa.”
Efeso 5:21-33
Kung paano naitaguyod nina Boaz at Ruth ang kanilang kasal base sa pagmamahal at respeto, gayon din ang pag-aaruga ni Hesus para sa simbahan ay modelo rin para sa mga asawang lalaki upang kanilang mahalin ang kanilang mga asawang babae, kung kaya’t dapat nating tangkaing ipundar ang ating mga kasalan sa parehong mga paniniwala.
Isang Kasalang Imbitasyon Para Sa’yo at Sa’kin
Kagaya na lamang ng mga magagandang love stories, nagco-conclude rin ang Bibliya sa isang kasalan. Kagaya na lamang kung paano binayaran ni Boaz ang pagtubos kay Ruth para matupad ang kanilang kasal. Ang presyo na binayaran ni Hesus ay siya ring nagbigay katuparan para sa ating kasal. Ang kasal ay hindi figurative pero totoo, at ang mga tumatanggap ng imbitasyon sa kaniyang kasal ay tinatawag na ‘Ang Bride ni Kristo’. Kagaya na lamang ng sinasabi sa sumusunod:
“Tayo’y magalak at tayo’y magpakasaya at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero, at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili.”
Apocalipsis 19:7
Ang mga tumanggap ng alok ni Hesus na pagtubos ay magiging ‘bride’ niya. Ang makalangit na kasal na ito ay inaalok sa ating lahat. Ang Bibliya ay nagtatapos sa imbitasyon para sa iyo at sa akin na pumunta sa kaniyang kasal.
“Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, ‘Halika.’ At ang nakikinig ay magsabi, ‘Halika.’ At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.”
Apocalipsis 22:17
Ang relasyon sa pagitan nina Ruth at Boaz ay isang modelo ng pag-ibig na siya pa rin nating nararamdaman sa panahon ngayon. Ito ay larawan ng heavenly na romance ng Diyos na siyang nagmamahal sa atin. Pakakasalan Niya ang Kaniyang bride na siyang tatanggap sa kaniyang proposal sa kasal. Kagaya na lamang ng ibang mga proposal na kasal, ang alok na ito ay dapat nating timbangin kung dapat nga ba natin itong tanggapin. Simulan natin sa ‘plano’ na nakalatag sa simula pa lamang, dito rin natin makikita kung gaano Siya kaseryoso, ito ay kung paano tayo tutubusin ng Tagapagligtas, at ito ay kung gaano katagal na nahulaan bago natin malaman kung ito na nga ba ang proposal ng Diyos.