Inilalarawan tayo ng Bibliya bilang corrupted mula sa imahe pinaggawaan ng Diyos sa atin. Paano ito nangyari? Nakalathala ang mga pangyayaring ito sa libro ng Genesis sa Bibliya. Ilang sandali lamang matapos malikha mula ‘sa imahe ng Diyos’ ang mga unang nilalang (Adan at Eba) ay napasubok sila upang magdesisyon. Inilalarawan ng Bibliya ang kanilang pakikipag-usap sa isang ‘ahas’. Ang ahas na ito ay laging nauunawaan na siya si Satanas–ang isang ispirito na kaaway ng Diyos. Sa Bibliya, si Satanas ay karaniwang nagsasalita sa pamamagitan ng ibang tao. Sa kasong ito, nagsalita siya bilang isang ahas.
Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng PanginoongYahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”
2 Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
4 Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!5 Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
6 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya’y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya’t pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito. (Genesis 3: 1-6)
Ang kanilang pinili (at temptasyon), ay nang masabi sa kanila na maaari silang maging ‘katulad ng Diyos’. Hanggang sa puntong ito ay nagtiwala sila sa Diyos para sa lahat, ngunit ngayon ay mayroon na silang pagpipilian na maging ‘kagaya sila ng Diyos’, na magtiwala sila sa kanilang mga sarili na lamang at maging sarili nilang mga diyos.
Sa kanilang kagustuhang maging malaya, sila ay nagbago. Nakaramdam sila ng hiya at sila ay nagtangkang magtakip sa kanilang mga sarili. Nang komprontahin ng Diyos si Adan, sinisi niya si Eba (at ang Diyos na gumawa sa kaniya). Si Eba naman ay sinisi ang ahas. Walang nagtangkang maglakas loob na umako sa kasalanan at sa responsibilidad.
Kung ano ang nasimulan noong araw na iyon ay nagpatuloy na lamang dahil namana natin ang kanilang kagustuhang maging malaya. May iilang tao na hindi nakakaunawang maigi sa Bibliya at ang kanilang tingin ay tayong mga tao ay nasisisi rin para sa mga masamang nagawa ni Adan. Ang katotohanan ay ang tanging nasisi ay si Adan ngunit tayo ay nakatira sa bunga ng kaniyang mga naging desisyon. Ngayon, ating namana ang siyang pag-uugali ni Adan sa kagustuhang maging malaya. Hindi man natin gustong maging diyos ng buong kalawakan, ngunit gusto naman nating maging diyos ng ating sariling kapaligiran, na nakahiwalay sa totoong Diyos.
Ito ay labis na nagpapaliwanag sa buhay ng mga tao: nila-lock natin ang ating mga pinto, kailangan natin ng mga pulis, at mayroon tayong sari-sariling mga computer passwords–dahil kung hindi, tayo lamang ay magnanakawan. Ito ang dahilan kung bakit ang iba’t ibang mga lipunan ay patuloy nang nagsisibagsakan–dahil ang kultura ay may ingklinasyon sa pagkabulok. Ito rin ang dahilan kung bakit ang lahat ng anyo ng gobyerno at ang mga sistema ng ekonomiya, bagaman ang iba ay mas mahuhusay kaysa sa iba, sa huli ay nasisira at bumabagsak din sila. Mayroon tayong katangian na nagpapa-miss sa atin kung ano nga ba talaga ang buhay sa nakaraan.
Ang salitang ‘miss’ ay naglalahad ng ating sitwasyon. Mayroong taludtod mula sa Bibliya na nakakapagbigay sa atin ng larawan upang mas maunawaan ang mga ito. Ang sabi rito ay:
Sa kabuuan ay kabilang ang 700 piling kawal na pawang kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador ang hibla ng buhok. (Mga Hukom 20:16)
Inilalarawan dito ang mga sundalo na mga eksperto sa paggamit ng tirador at mga hindi pumapalya. Ang salitang ito sa Hebreo na isinalin sa ‘miss’ sa itaas ay יַחֲטִֽא. Ito rin ay isinalin na kasalanan mula sa Lumang Tipan.
Kumuha ng bato ang sundalo at inihagis niya ito upang matamaan ang kaniyang target. Kapag siya ay lumampas, siya ay magiging talunan at nabigo siya sa kaniyang layunin. Sa parehong paraan, tayo ay nilikha mula sa imahe ng Diyos para matamaan ang target kung saan tayo ay makaka-relate sa Kaniya at kung paano natin itatrato ang ibang tao. Ang ‘magkasala’ ay ang pagkaligta sa ating layunin, o target, na nakalaan para sa atin.
Itong missed-the-target na larawan ay hindi masaya o mabuti. Minsan malakas ang reaksyon ng mga tao sa pagtuturo ng Bibliya sa kasalanan. Sinabi minsan sa akin ng isang estudyante sa unibersidad na, “Hindi ako naniniwala dahil hindi ko gusto kung ano ang sinasabi nito.” Ngunit ano nga ba ang kinalaman ng pagkakagusto sa katotohanan? Hindi ko gusto ang mga taxes, giyera, o mga lindol–walang may gusto ng mga ito–ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi sila totoo. Hindi natin sila pwedeng ipagsawalang bahala. Lahat ng sistema ng batas, pulisya, pagkandado, at seguridad na itinayo sa ating lipunan upang tayo ay alagaan mula sa ating mga sarili ay nagsasabihing mayroong mali. Sana lamang ay ang Biblikal na pagtuturo sa atin ng kasalanan ay maikukunsidera sa isang open-minded na paraan.
Mayroon tayong problema. Tayo ay corrupted mula sa imahe kung saan tayo ay unang nilikha, at ngayon ay nawawala tayo sa target kapag dumating na ito sa ating moral na mga aksyon. Ngunit hindi tayo iniwan ng Diyos na walang kakayanan. Siya ay mayroong plano para iligtas tayo, at ito ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ay literal na nangangahulungang ‘magandang balita’–dahil sa planong ito nakasaad ang magandang balita na tayo ay ililigtas Niya. Hindi na hinintay ng Diyos si Abraham para ianunsyo ang balitang ito; Siya na mismo ang nagsabi nito sa Kaniyang pakikipag-usap kina Adan at Eba. Titignan natin ang pag-anunsyo ng unang magandang balita sa susunod.