Ang pagiging ‘cut off’ ni Kristo ay nahulaan nang may detalye ng mga Propeta sa Lumang Tipan
Sa huling post, nakita natin na nahulaan ni Daniel na ang ‘Kristo’ ay magiging ‘cut off’ matapos ang ilang cycle ng mga taon. Ang hula na ito ni Daniel ay naisakatuparan nang matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–dito rin siya naipresenta bilang ang Kristo ng Israel–eksaktong 173,880 na araw matapos maipasa ang Kautusan ng Persya upang buuing muli ang Jersusalem. Ang pariralang ‘cut off’ ay pumapatungkol sa imahen ni Isaias na may sanga na tutubo mula sa isang patay na tuod. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin niya rito?
Mayroon ding ibang mga propesiya si Isaias na isinulat sa kaniyang libro, gumagamit din siya ng iba’t ibang tema maliban sa Sanga. Isang tema niya ang pumapatungkol sa pagdating ng isang Lingkod. Sino nga ba ang ‘Lingkod’ na ito? Ano nga ba ang kaniyang gagawin? Ating titignan ang isang sipi para sa mga detalye. Aking kinopya ito ng eksakto, ngunit mayroong ibang sipi tungkol sa aking mga personal na komento.
Ang Paparating na Lingkod. Ang Kumpletong Sipi Mula sa Isaias 52:13 hanggang sa Isaias 53:12
“Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay, siya’y dadakilain at itataas, at magiging napakataas. Kung paanong marami ang namangha sa kanya[a]— ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao, at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya; sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita, at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.” (Isaias 52:13-15)
Alam natin na ang Lingkod ay magiging tao na lalaki, dahil tinutukoy siya ni Isaias gamit ang mga panghalip na ginagamit para sa mga lalaki, at partikular na inilalarawan ang mga darating na mga pangyayari (mula sa mga parirala na ‘ay magtatagumpay…’, ‘siya’y dadakilain at itataas…’, at marami pang iba), kung kaya’t ito ay isang tahasang propesiya. Ngunit tungkol nga ba saan ang propesiyang ito?
Nang mag-offer ang mga Paring Hudyo ng mga alay para sa mga Israelita, winisikan nila ito ng dugo na mula sa alay mismo–sinisimbulo ito na ang kanilang mga kasalanan ay siya nang natakpan at hindi na ito maaaring gamitin ng laban sa kanila. Ngunit sinasabi rito na ang Lingkod ay wiwisikan ang ‘maraming bansa’, kung kaya’t sinasabi ni Isaias na, sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay din ng parehong pagwiwisik para rin sa kasalanan ng mga hindi Hudyo na katulad na lamang ng ginagawa ng mga Pari sa Lumang Tipan para sa mga mananampalatayang Hudyo. Dahil dito, nagiging parallel ito sa hula ni Zacarias na ang Sanga ay magiging Pari, at siya rin mismo ang makakapag-isa ng tungkulin ng parehong Hari at Pari, dahil ang pari lamang ang puwedeng magwisik ng dugo. Ang global na saklaw ng ‘maraming bansa’ ay sumusunod sa mga historikal at napapatunayang mga pangako na naibigay, ilang siglo na ang nakararaan kay Abraham, na ang ‘lahat ng bansa’ ay pagpapalain sa pamamagitan ng kaniyang mga anak.
Ngunit sa pagwiwisik ng maraming bansa, ang mismong ‘anyo’ at ‘hugis’ ng Lingkod ay nahulaan na magiging ‘napakarumi’ at ‘sira’. At dahil hindi pa masyadong klaro kung ano nga ba ang gagawin ng Lingkod na ito, sinasabing isang araw ang mga bansang ito ay siya rin nilang ‘maiintindihan’.
“Sinong naniwala sa aming narinig? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagkat siya’y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa. Siya’y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya. Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya’y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.” (Isaias 53:1-3)
Kahit na ang Lingkod ay wiwisikan ang maraming bansa, siya rin ay ‘hahamakin’ at ‘hindi siya pahahalagahan’, at siya rin ay puno ng ‘pagdurusa’ at ‘sanay sa kalungkutan’.
“Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan. Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” (Isaias 53:4-5)
Aalisin ng Lingkod ang ‘ating’ mga sakit. Ang Lingkod din na ito ay ‘nasugatan’ at ‘binugbog’ bilang ‘parusa’. Ang parusang ito ay maghahatid sa atin (ang mga tao sa maraming bansa) ng ‘kapayapaan’ at dahil din dito ay gagaling tayo.
Akin itong isinusulat ngayong Biyernes Santo. Parehong ang sekular at ang mga biblikal na sources ay sinasabing 2,000 na taon na ang nakararaan (ngunit 700+ na taon matapos isulat ni Isaias ang hula niyang ito), ipinako sa krus si Hesus. Dahil dito, siya ay literal na nasugatan, kagaya na lamang nang hula ni Isaias na ang Lingkod ay masusugatan sa pamamagitan ng pako ng krusipiksyon.
“Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.” (Isaias 53:6)
Nakita natin sa Corrupted… Pag-miss sa Target, na ang biblikal na paglalarawan sa kasalanan ay ‘pag-miss sa hinahangad na target’. Kagaya na lamang ng baluktot na arrow, tayo rin ay pupunta sa ‘sarili nating direksyon’. Ang Lingkod na ito ay dadalhin ang parehong kasalanan (kasamaan) na atin nang dala dala.
“Siya’y inapi, at siya’y sinaktan, gayunma’y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi, kaya’t hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.” (Isaias 53:7)
Ang Lingkod na ito ay magiging parang kordero na dinadala sa kaniyang ‘katayan’. Ngunit hindi siya nagsalita o kahit ‘ibuka man lamang ang kaniyang bibig’. Nakita natin sa Tanda ni Abraham na ang tupa ay ipinalit bilang alay kapalit ng kaniyang anak. Ang tupang ito–isang kordero–ay kinatay. Si Hesus din ay pinatay sa parehong lugar (Bundok Moriah = Jerusalem). Nakita rin natin sa Paskuwa na mayroong kordero na kinatay sa mismong Paskuwa–at si Hesus din ay mismong pinatay noong Paskuwa.
“Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya; at tungkol sa kanyang salinlahi, na itinuring na siya’y itiniwalag sa lupain ng mga buháy, at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.” (Isaias 53:8)
Ang Lingkod ay naging ‘cut off’ mula sa ‘lupain ng mga buhay’. Ito mismo ang eksaktong termino na ginamit ni Daniel noong hinulaan niya kung ano nga ba ang mangyayari sa Kristo matapos siyang ipresenta sa Israel bilang ang kanilang Mesiyas. Ang hula ni Isaias ay mayroong mas malawak na detalye kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘cut off’, at ayon sa kaniya, ito ay ‘ma-cut off mula sa lupain ng mga buhay’–simple lamang ang ibig sabihin nito, ito ay kamatayan! Kung kaya’t sa mapalad na Biyernes Santo, si Hesus ay namatay, at literal na ‘na-cut off mula sa lupain ng mga buhay’, at ito ay ilang araw lamang matapos siyang maipresenta bilang ang Mesiyas sa kaniyang matagumpay na pagdating.
“At ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng karahasan, o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.” (Isaias 53:9)
Bagaman si Hesus ay na-execute at namatay bilang isang kriminal (‘ang kaniyang libingan ay kasama ng masasama’), sinasabi ng mga manunulat ng ebanghelyo na isang mayamang lalaki mula sa namumunong Sandherin, Jose ng Arimathea, ay kinuha ang labi ni Hesus at inilibing niya ito sa kaniyang sariling libingan (Mateo 27:60). Naisakatuparan ni Hesus ang parehong panig ng hulang paradoxical–kahit na siya ay ‘ginawan ng libingan na kasama ang mga masasama’, siya rin ay ‘mayaman kahit pa sa kaniyang kamatayan’.
“Gayunma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; kanyang inilagay siya sa pagdaramdam; kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan, makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw; at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.” (Isaias 53:10)
Ang kubuuan ng malupit na kamatayang ito ay hindi lamang isang teribleng aksidente o kamalasan. Ito ay ang malinaw na ‘kalooban ng Panginoon’ na siyang masaktan. Ngunit bakit nga ba? Kagaya na lamang nga mga kordero sa sistema ng pag-aalay ni Moises, ang mga kordero ay alay upang ang mga tao na nagbibigay ng nasabing alay ay mawala ang mga kasalanan, at dito, ang ‘buhay’ ng Lingkod na ito ay isa ring ‘alay para sa mga kasalanan’. Ngunit para sa kasalanan nino? Dahil ikinukunsidera na ang ‘maraming mga bansa’ ay ‘wiwisikan’ (sa itaas), ito ay ang kasalanan ng mga tao sa ‘maraming bansa’. Para ito sa ‘lahat’ ng ‘tumalikod’ at ‘naligaw ng landas’. Ang pinapatungkulan ni Isaias ay ikaw at ako.
“Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.” (Isaias 53:11)
Bagaman ang daanan ng Lingkod ay kakila-kilabot, dito ay para bang nagbago ang tono at naging optimistic at matagumpay. Matapos ang teribleng pagdurusa (ng pagiging ‘cut off mula sa lupain ng mga buhay’ at pagkakaroon ng ‘libingan’), ang Lingkod na ito ay makikita ang ‘liwanag ng buhay’. Mabubuhay siyang muli? Aking tinignan ang isyu ng resureksyon. Naririto ang pagkahula.
At sa ‘pagkakakita sa liwanag ng buhay’, ang Lingkod na ito ay ‘mabibigyang katuwiran’ ang marami. Ang ‘pagbibigay katuwiran’ ay kapareho ng pagbibigay ng ‘kabanalan’. Maaalala natin na si Abraham ay naging ‘credited’ o binigyan ng ‘kabanalan’. Sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay katuwiran o magke-credit ng kabanalan sa ‘marami’.
“Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga lumalabag; gayunma’y pinasan niya ang kasalanan ng marami, at namagitan para sa mga lumalabag. (Isaias 53:12)
Ang daanan ng Lingkod ay misteryosong nagtuturo sa krusipiksyon at resureksyon ni Hesus, kung kaya’t may iilang mga kritiko na nagsasabing ang naratibo ng ebanghelyo ay ginawa para partikular na maging ‘angkop’ para sa sipi ng Lingkod. Ngunit sa kongklusyong ito, nilabanan ni Isaias ang mga kritikong ito. Ang kongklusyon ay hindi ang hula ng krusipiksyon at resureksyon, kung hindi, ang impact ng kamatayang ito marami nang taon matapos itong maganap. Ano nga ba ang hula ni Isaias? Ang Lingkod na ito, bagaman siya ay mamamatay bilang isang kriminal, ay isang araw magiging kabilang sa mga ‘dakila’. Ang mga manunulat ng ebanghelyo ay hindi maaaring ‘maiangkop’ ang parteng ito sa naratibo ng ebanghelyo, dahil ang ebanghelyo mismo ay naisulat lamang ng ilang dekada matapos ang krusipiksyon ni Hesus–at noong mga panahong ito, ang impact ng kamatayan ni Hesus ay siya pa ring pingdududahan.
Sa mata ng mundo, si Hesus pa rin ay ang na-execute na lider ng na-reject na kulto noong isulat ang ebanghelyo. Tayo ay naririto, 2,000 na taon na matapos, at makikita natin ang impact ng kamatayan ni Hesus, at mare-realize natin kung paano sa kurso ng kasaysayan siya ay naging ‘dakila’. Hindi ito kayang makini-kinita ng mga manunulat ng ebanghelyo. Ngunit nakita ito ni Isaias. Ang Lingkod, na kilala rin bilang ang Sanga, ay magpapahikayat sa mga tao palapit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga boluntaryong sakripisyo–upang sambahin siya–kagaya na lamang nang nahulaan ni Hesus nang tawagin niya ang kaniyang sarili na ‘Anak ng Tao’ sa kaniyang paglilitis sa Sanhedrin.