Mga programang audio at video sa tagalog
Ano ang kahulugan ng pagpapa-kasakit ni Hesus?
Dumating si Hesus upang ipagka-loob Niya ang sarili upang matakasan ng lahat ng tao ang kasalanan at muling magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ang plano ng kaligtasan ay napaihayag sa pasimula pa lamang ng kasayasayan ng sangkatauhan. Ito ay ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng handog ni Abraham na tumutukoy sa Bundok ng Moriah kung saan si Hesus ay ipagkaka-loob bilang isang haing-handog. Ang haing-handog sa pagdiriwang ng Paskua ay tanda na tumutukoy sa araw at taon kung kailan ipagkaka-loob si Hesus bilang haing-handog.
Bakit ang sakripisyo ni Hesus ay mahalaga? Ito ay makabuluhang tanong. Ang Bibliya ay nagpapahayag ng Kautusan ng bangitin nito:
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan …(Roma 6:23)
“Kamatayan” ang literal na kahulugan ay “pagkahiwalay.” Kapag ang ating kaluluwa ay humiwalay mula sa ating katawan tayo ay mamamatay sa ating pisikal na katawaan. Kahalintulad nito ay ating pagkahiwalay mula sa Diyos ay nagbunga ng ating kamatayan sa espirituwal. Ito ay naganap dahil ang Diyos ay Banal (walang bahid ng kasalanan) habang tayo ay naging makasalanan mula sa ating orihinal na kalagayan nang tayo ay unang likhain.
Ito ay maisalalarawan sa pamamagitan ng pag-gamit ng dalawang talampas kung saan ang Diyos ay nasa kabilang bahagi at tayo ay nasa kabilang tapat na pinaghihi-walay ng walang hanggang hukay. Tulad ng isang sanga na napahiwalay sa puno ay naging patay, gayun din naman tayo na napahiwalay mula sa Diyos at tayo ay nangamatay sa ating espirituwal na kalagayan.
Ang pagkahiwalay ay nagbubunga ng patuloy na pagkakasala at pagkatakot. Ano ang ating pangkaraniwang ginagawa upang makatawid tayo mula sa ating kinalalagyan tungo sa kabila bahagi ng bangin? Marami tayong sinusubok na gawin tulad ng; pagtungo sa simbahan, templo o kaya ay sa Moske, pagiging relihiyoso, pagiging mabuting tao, pagtulong sa mahihirap o nangangailangan, pagmumuni-muni, pagdarasal, at marami pang iba. Ang mga nabanggit na mga mabubuting gawa para maging makabuluhan ay napakahirap at para maisa-pamuhay ito ay napaka-mahirap. Ito ay maipapaliwanag sa kasunod na larawan.
Ang balakid sa ating mga pagsisikap, sa mga mabuting gawa bagama’t ang mga ito ay hindi masama, lahat ng mga ito ay hindi sapat sapagkat ang kabayaran ng ating mga kasalanan ay “kamatayan”. Ang lahat ng ating pagsisikap ay tulad ng isang “tulay” na sinusubukang pag-abutin ang dalawang talampas na pinaghi-hiwalay ng isang malaking bangin na syang naghihiwalay sa atin mula sa Diyos, subalit hindi nito mapagtagpo ang dalawang dako. Dahil ang ating mga mabuting gawa ay hindi nito nilulutas ang pinaka-ugat ng ating suliranin. Tulad ng pagsisikap na pagalingin ang isang may kanser (nagbubunga ng kamatayan) sa pamamagitan ng pagkain lang ng mga gulay. Ang pagkain ng gulay ay hindi masama, ito nga ay mabuti-subalit hindi nito pinagagaling ang sakit na kanser. Sapagkat ang kanser ay nangangailangan ng ibang uri ng paggamot.
Ang Kautusan ay Masamang Balita-ito ay masama na kadalasan ay ayaw nating marinig kaya’t ating pinupunan ang ating buhay ng mga gawain at ng mga bagay sa pag-asang ang Kautusan ay maglalaho. Subalit ang Bibliya ay nagsasaad na ang Kautusan ng kasalanan at kamatayan ay nagdadala sa atin upang hanapin ang tunay na lunas nito na isang simple at makapangyarihan.
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit… (Roma 6:23)
Ang payak na salitang “ngunit” ay nagsasaad na ang tinutungo ng mensahe ay ang pagbabago ng ating patutunguhan, tungo sa Mabuting Balita ng Ebanghelyo-na syang tanging lunas. Pinapakita nito ang kagandahang loob at pag-ibig ng Diyos.
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo-Jesus na ating Panginoon. (Roma 6:23)
Ang Mabuting Balita ng Ebanghelyo ay ang sakripisyo ng kamatayan ni Hesus na syang sapat na tulay na mag-aalis ng ating pagka-hiwalay mula sa Diyos. Alam natin ito sapagkat tatlong (3) araw pagkatapos mamatay, ay bumangon mula sa kamatayan ang Kanyang pisikal na katawan. Marami sa atin ay hindi nakaka-alam sa mga nagpapa-tunay ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang matibay na pagpapa-tunay nito ay maaaring makita at mapanuod tulad ng aking itinuro sa isang unibersidad (video link dito). Ang sakripisyo ni Hesus ay sinisimbulo noon pa man ng maganap ang haing-handog ni Abraham at ng haing-handog ng Pagdiriwang ng Paskua. Ang mga gawaing yaon ay tumutukoy kay Hesus para ating makamtan ang tunay na lunas.
Si Hesus ay namuhay bilang isang tunay na tao na walang bahid ng kasalanan. Kaya’t Sya lamang ang pwedeng maging tulay na mag-uugnay sa Diyos at tao, Siya ang Tulay ng Buhay na makikita natin sa larawan.
Ito ang sakripisyo ni Hesus na ipinagkaloob niya sa atin. Ito ay ipinagkaloob bilang isang “regalo” . Isipin mo ang regalo. Ang anumang regalo ay magiging tunay na regalo kung ito ay isang bagay na hindi mo pinaghirapan at hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapat-dapat.
Kung nakamit mo ang regalo dahil ikaw ay karapat-dapat, hindi na ito regalo – ito ay isang bayad. Sa parehong paraan, ang sakripisyo ni Hesus ay hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapadapat. Bagkus, ito ay ipinagkaloob sa iyo bilang isang regalo. Ganun ito ka-simple.
At ano itong regalo? Ito ay “buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin na ang kasalanan ng nagdala sa atin ng kamatayan ay pinawawalang bisa na. Si Hesus bilang Tulay ng Buhay ay nagdulot ng ating muling pakiki-ugnayan sa Diyos at tanggapin ang buhay na walang hanggan. Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ganun ito maka-pangyarihan.
Paano tayo makaka-tawid sa “Tulay ng Buhay”? Muli, ating isipin yung regalo. Kapag mayroong isang tao na magbibigay sa iyo ng regalo, dapat mo itong “tanggapin.” Kapag ang isang regalo ay ipinagka-kaloob, tayo ay may dalawang kapasiyahan. Ang kapasiyahang hindi tatanggapin (“Salamat, subalit hindi ko matatanggap”) o kaya ang kapasiyahang tanggapin ito, (“Salamat, akin itong tinatanggap”). Magkagayun, ang regaling ito ay dapat tanggapin. Hindi lamang sa aking isipan na ito ay aking nauunawaan. Ipinakikita ng kasunod na larawan kung saan tayo ay dapat lumakad sa Tulay patungo sa Diyos upang tanggapin ang regaling kaloob sa atin.
Paano natin matatanggap ang regalo ito? Ang sabi ng Bibliya ay…
Kaya’t walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya’y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, Roma 10:12
Ating pansinin na ang pangakong ito ay para sa “bawat isa.” Simula ng Siya ay nabuhay mula sa mga patay, si Hesus ay buhay magpa-hanggang ngayon at Siya ay Panginoon. Kaya’t kapag tumawag ka sa Kanya ikaw ay kanyang didinggin at ipagkaka-loob saiyo ang kanyang regalo. Tumawag ka sa Kanya at kausapin mo Siya. Maaring hindi mo pa nagagawa ito dati. Mayroong nakasulat na panalangin sa ibaba na magiging gabay mo. Hindi ito isang mahiwagang mga salita. ang bawat salita hindi nagbibigay ng kapangyarihan. Bagkus, tiwala lamang ang kailangan tulad ng pagtitiwala ni Abraham upang tanggapin natin ang regalo ng Diyos. Sa ating pagtitiwala at pananampalataya ay Kanyang didinggin ang ating panalangin. Ang Ebanghelyo ay makapangyarihan bagama’t simple. Hayaan mong sundan ang halimbawa ng panalangin.
Panginnong Hesus. Aking inaamin na ako ay makasalanan na syang nagpahiwalay sa akin mula Diyos. Bagamat aking sinubukan ang lahat upang ako ay makalapit sa Iyo subalit ang mga ito ay hindi sapat. Aking nauunawaan na ang iyong kamatayan ay isang sakripisyo na naglinis sa aking mga kasalanan. Ako ay naniniwala na ikaw ay nabuhay mula sa mga patay pagkatapos mong ialay ang iyong sarili at ito ay sapat na sakripisyo. Ako po ay linisin nyo sa aking mga kasalanan at mailapit sa Diyos upang tanggapin ang buhay na walang hanggan. Ako pa ay palayain mo mula sa aking mga kasalanan sapagkat ayaw ko na pong maging alipin nito. Salamat po sa kaligtasan at simula ngayon ako po ay gabayan ninyo. Amen