…at Nawawala sa Target Corrupted (Part 2)

Inilalarawan tayo ng Bibliya bilang corrupted mula sa imahe pinaggawaan ng Diyos sa atin. Paano ito nangyari? Nakalathala ang mga pangyayaring ito sa libro ng Genesis sa Bibliya. Ilang sandali lamang matapos malikha mula ‘sa imahe ng Diyos’ ang mga unang nilalang (Adan at Eba) ay napasubok sila upang magdesisyon. Inilalarawan ng Bibliya ang kanilang pakikipag-usap sa  isang ‘ahas’. Ang ahas na ito ay laging nauunawaan na siya si Satanas–ang isang ispirito na kaaway ng Diyos. Sa Bibliya, si Satanas ay karaniwang nagsasalita sa pamamagitan ng ibang tao. Sa kasong ito, nagsalita siya bilang isang ahas.

Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng PanginoongYahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”

Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”

Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”

Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya’y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya’t pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito. (Genesis 3: 1-6)

Ang kanilang pinili (at temptasyon), ay nang masabi sa kanila na maaari silang maging ‘katulad ng Diyos’. Hanggang sa puntong ito ay nagtiwala sila sa Diyos para sa lahat, ngunit ngayon ay mayroon na silang pagpipilian na maging ‘kagaya sila ng Diyos’, na magtiwala sila sa kanilang mga sarili na lamang at maging sarili nilang mga diyos.

Sa kanilang kagustuhang maging malaya, sila ay nagbago. Nakaramdam sila ng hiya at sila ay nagtangkang magtakip sa kanilang mga sarili. Nang komprontahin ng Diyos si Adan, sinisi niya si Eba (at ang Diyos na gumawa sa kaniya). Si Eba naman ay sinisi ang ahas. Walang nagtangkang maglakas loob na umako sa kasalanan at sa responsibilidad.

Kung ano ang nasimulan noong araw na iyon ay nagpatuloy na lamang dahil namana natin ang kanilang kagustuhang maging malaya. May iilang tao na hindi nakakaunawang maigi sa Bibliya at ang kanilang tingin ay tayong mga tao ay nasisisi rin para sa mga masamang nagawa ni Adan. Ang katotohanan ay ang tanging nasisi ay si Adan ngunit tayo ay nakatira sa bunga ng kaniyang mga naging desisyon. Ngayon, ating namana ang siyang pag-uugali ni Adan sa kagustuhang maging malaya. Hindi man natin gustong maging diyos ng buong kalawakan, ngunit gusto naman nating maging diyos ng ating sariling kapaligiran, na nakahiwalay sa totoong Diyos.

Ito ay labis na nagpapaliwanag sa buhay ng mga tao: nila-lock natin ang ating mga pinto, kailangan natin ng mga pulis, at mayroon tayong sari-sariling mga computer passwords–dahil kung hindi, tayo lamang ay magnanakawan. Ito ang dahilan kung bakit ang iba’t ibang mga lipunan ay patuloy nang nagsisibagsakan–dahil ang kultura ay may ingklinasyon sa pagkabulok. Ito rin ang dahilan kung bakit ang lahat ng anyo ng gobyerno at ang mga sistema ng ekonomiya, bagaman ang iba ay mas mahuhusay kaysa sa iba, sa huli ay nasisira at bumabagsak din sila. Mayroon tayong katangian na nagpapa-miss sa atin kung ano nga ba talaga ang buhay sa nakaraan.

Ang salitang ‘miss’ ay naglalahad ng ating sitwasyon. Mayroong taludtod mula sa Bibliya na nakakapagbigay sa atin ng larawan upang mas maunawaan ang mga ito. Ang sabi rito ay:

 Sa kabuuan ay kabilang ang 700 piling kawal na pawang kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador ang hibla ng buhok. (Mga Hukom 20:16)

Inilalarawan dito ang mga sundalo na mga eksperto sa paggamit ng tirador at mga hindi pumapalya. Ang salitang ito sa Hebreo na isinalin sa ‘miss’ sa itaas ay יַחֲטִֽא. Ito rin ay isinalin na kasalanan mula sa Lumang Tipan.

Kumuha ng bato ang sundalo at inihagis niya ito upang matamaan ang kaniyang target. Kapag siya ay lumampas, siya ay magiging talunan at nabigo siya sa kaniyang layunin. Sa parehong paraan, tayo ay nilikha mula sa imahe ng Diyos para matamaan ang target kung saan tayo ay makaka-relate sa Kaniya at kung paano natin itatrato ang ibang tao. Ang ‘magkasala’ ay ang pagkaligta sa ating layunin, o target, na nakalaan para sa atin.

Itong missed-the-target na larawan ay hindi masaya o mabuti. Minsan malakas ang reaksyon ng mga tao sa pagtuturo ng Bibliya sa kasalanan. Sinabi minsan sa akin ng isang estudyante sa unibersidad na, “Hindi ako naniniwala dahil hindi ko gusto kung ano ang sinasabi nito.” Ngunit ano nga ba ang kinalaman ng pagkakagusto sa katotohanan? Hindi ko gusto ang mga taxes, giyera, o mga lindol–walang may gusto ng mga ito–ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi sila totoo. Hindi natin sila pwedeng ipagsawalang bahala. Lahat ng sistema ng batas, pulisya, pagkandado, at seguridad na itinayo sa ating lipunan upang tayo ay alagaan mula sa ating mga sarili ay nagsasabihing mayroong mali. Sana lamang ay ang Biblikal na pagtuturo sa atin ng kasalanan ay maikukunsidera sa isang open-minded na paraan.

Mayroon tayong problema. Tayo ay corrupted mula sa imahe kung saan tayo ay unang nilikha, at ngayon ay nawawala tayo sa target kapag dumating na ito sa ating moral na mga aksyon. Ngunit hindi tayo iniwan ng Diyos na walang kakayanan. Siya ay mayroong plano para iligtas tayo, at ito ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ay literal na nangangahulungang ‘magandang balita’–dahil sa planong ito nakasaad ang magandang balita na tayo ay ililigtas Niya. Hindi na hinintay ng Diyos si Abraham para ianunsyo ang balitang ito; Siya na mismo ang nagsabi nito sa Kaniyang pakikipag-usap kina Adan at Eba. Titignan natin ang pag-anunsyo ng unang magandang balita sa susunod.

Corrupted…kagaya ng mga Orcs sa Middle-eart

Noong nakaraan ay tinignan natin kung ano ang ibig sabihin sa Bibliya kapag sinabi na ang mga tao ay gawa sa ‘imahe ng Diyos’. Dito maipapaliwanag kung bakit ang buhay ng tao ay mahalaga. Gayunpaman, ipinagpapatuloy ng Bibliya ang pagkakalikha para talakayin ang isang seryosong problema. Ang problemang ito ay makikita mula sa libro ng Awit (awit) mula sa Bibliya.

Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha’y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa,
na sa kanya’y gumagalang at sumasamba.
Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama,
wala ni isa man, wala nga, wala! (Mga Awit 14:2-3)

Sinasabi rito na ‘lahat’ tayo ay naging ‘corrupt’. Bagaman tayo ay ‘likha sa imahe ng Diyos’, mayroon sa atin na isang bagay na sumira ng imaheng ito para sa ating lahat. Ang korapsyon ay nagpapakita ng napiling kalayaan mula sa Diyos (‘lahat ay napaliko’ mula sa ‘paghahangad sa Diyos’) at sa hindi paggawa ng ‘mabuti’.

Nag-iisip na mga Elves at Orcs

Ang mga orcs ay napakapangit na mga nilalang sa maraming paraan, pero sila lamang ay simpleng corrupted na mga elves.
Ang mga orcs ay napakapangit na mga nilalang sa maraming paraan, pero sila lamang ay simpleng corrupted na mga elves.

Para mas maunawaan natin, ating ipagkumpara ang mga orcs at elves mula sa pelikulang Lord of the Rings. Ang mga orcs ay mga pangit at masasamang mga nilalang. Ang mga elves ay maganda at payapang mga nilalang (tignan si Legolas). Ngunit ang mga orcs ay minsan ring naging mga elves na naging corrupt na lamang dahil kay Sauron. Ang mga orihinal na imahe ng mga elf sa loob ng mga orcs ay nasira na nang tuluyan. Sa parehong paraan na sinasabi ng Bibliya kung paano naging corrupted ang mga tao. Ang nilikha ng Diyos ay mga elves ngunit tayo’y nagmimistulang mga orcs.

Ang mga elves, kagaya ni Legolas, ay mga mararangal at dakila.
Ang mga elves, kagaya ni Legolas, ay mga mararangal at dakila.

Halimbawa, alam natin kung ano ang siyang ‘tama’ at ‘mali’ na pag-uugali. Ngunit hindi tayo patuloy na namumuhay nang ayon sa ating nalalaman. Kagaya ito ng isang computer virus na sumisira sa tamang pagtakbo ng isang computer. Ang ating moral code ay naririyan pa rin–ngunit nahawahan na ito ng nasabing virus. Nagsisimula ang Bibliya sa mga taong mababait at magaganda ang mga asal, ngunit sila rin ay nagiging mga corrupted. Dito naaangkop ang kung ano man ang naoobserbahan natin mula sa ating mga sarili. Ngunit nagdudulot din ito ng isang katanungan: bakit tayo ginawa ng Diyos na ganito? Alam natin kung ano ang tama at mali ngunit tayo pa rin ay nagiging corrupted. Kagaya ng reklamo ng ateista na si Christopher Hitchens:

“…Kung gusto talaga ng Diyos na mawala ang mga ito sa kaisipan ng tao [i.e. mga corrupt], dapat ay nagdahan-dahan pa siya sa pag-iimbento ng ibang pang mga nilalang.” Christopher Hitchens, 2007, God is not great: How religion spoils everything, p. 100

Ngunit nakaligtaan niya ang isang bagay na sadyang napakaimportante, ang sabi sa Bibliya ay hindi tayo ginawa ng Diyos na ganito, ngunit mayroong nakakikilabot na pangyayari matapos tayong malikha. Ang mga sinaunang tao ay naghimasik laban sa Diyos at nang dahil sa kanilang rebelyon, sila ay tuluyan nang nagbago at naging corrupted.

Ang Pagbagsak ng Sangkatauhan

Ito ay kalimitang tinatawag na Ang Pagbagsak. Si Adam, ang unang lalaki, ay nilikha ng Diyos. Mayroong kasunduan sa pagitan ng Diyos at ni Adam, parang isang kontrata ng kasal para sa katapatan, at sinira ito ni Adam. Nakalathala sa mga records sa Bibliya na si Adam ay kumain ng bunga mula sa ‘Puno ng Karunungan sa Mabuti at Masama’ kahit na napagkasunduan nilang hindi siya maaaring kumain ng bunga mula sa punong iyon. Ang kasunduan at ang puno mismo, ang nagbigay kay Adam ng kalayaang mamili kung siya ay mananatiling tapat sa Diyos o hindi. Si Adam ay nilikha mula sa imahe ng Diyos, at siya rin ay binigyan ng pagkakataon na maging kaibigan ng Diyos. Ngunit si Adam ay walang pagpipilian hinggil sa kaniyang nilikha, kaya’t pinayagan siya ng Diyos na piliin ang kaniyang pakikipagkaibigan sa Diyos. Kagaya ng pagpipilian na ang pagtayo ay hindi totoo kung ang pag-upo ay imposible, ang pakikipagkaibigan at pagtitiwala ni Adam sa Diyos ay kinakailangang maging sarili niyang desisyon. Ang desisyong ito ay nakasentro sa kautusang hindi siya pwedeng kumain ng bunga mula sa isang natatanging puno. Ngunit pinili ni Adam na magrebelde. Ang nasimulan ni Adam sa kaniyang pagrerebelde ay hindi na natigil at nananatili sa lahat ng henerasyon maging sa atin sa kasalukuyan. Tayo ay titingin sa kasunod kung ano nga ba ang ibig sabihin nito.

Likha Mula sa Imahe ng Diyos

Maaari ba nating magamit ang Bibliya upang maintindihan kung saan tayo nagmula? Marami ang magsasabing ‘hindi’, ngunit marami sa ating ang sasang-ayon na maraming bagay ang magkakaroon ng kabuluhan kapag naisangguni natin ito sa sinasabi sa Bibliya. Halimbawa, balikan natin kung ano ang nakasaad sa Bibliya patungkol sa ating pagkalikha. Sa unang kabanata ang sabi ay:

“Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.’ Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,” (Genesis 1:26-27)

Ang Imahe ng Diyos

Ano ang ibig sabihin na ang sangkatauhan ay nilikha sa ‘imahe ng Diyos’? Hindi ibig sabihin na ang Diyos ay mayroong dalawang braso at isang ulo. Sa halip, ang ibig nitong sabihin ay ang ating mga pangunahing katangian ay nagmula sa Diyos. Sa Bibliya, ang Diyos ay maaaring maging malungkot, nasaktan, galit o masaya–ito ay ang ilan sa mga emosyon na tayong mga tao ay nakakadama rin. Tayo ay gumagawa ng mga desisyon sa ating pang-araw araw na buhay. Ang Diyos mismo ay gumagawa rin ng mga desisyon. Tayo ang nakapag-iisip, at ang katangiang ito ay nagagawa rin ng Diyos. Ang pagiging ‘likha mula sa imahe ng Diyos’ ay nangangahulugang tayo ay mayroong sapat na pag-iisip, emosyon at kagustuhan dahil ang Diyos ay mayroon ding sapat na pag-iisip, emosyon at kagustuhan, at tayo ay Kaniyang nilikha para maging katulad Niya sa ganitong mga bagay. Siya ang pinagmulan na lahat ng nakikita natin sa ating sarili.

Tayo ay self-aware at may kamalayan sa pagiging ‘ako’ at ‘ikaw’. Tayo ay hindi impersonal na ‘ito’. Tayo ay ganito dahil sa ganitong paraan din ang Diyos. Ang Diyos ng Bibliya ay hindi isang non-personality kagaya ng ‘Force’ sa pelikulang Star Wars at tayo ay hindi rin gan’on dahil tayo ay likha sa imahe ng Diyos.

Bakit Natin Gusto ang Kagandahan?

Pinapahalagahan din natin ang art, drama at kagandahan. Kailangan natin ng kagandahan sa ating kapaligiran, musika at mga libro. Ang musika ay pinagyayaman ang ating buhay at ito ay nagbibigay sa atin ng kakayanan upang magsayaw. Gusto natin ng magandang mga istorya dahil ang mga istoryang ito ay mayroong mga bida, kontrabida, drama, at ang magagandang mga istoryang ito ay inilalagay ang mga bida, kontrabida at drama sa ating imahinasyon. Ginagamit natin ang art at ang iba’t iba nitong anyo para makapagpasaya, makapag-relax at makapagpa-refresh sa atin dahil ang Diyos mismo ay isang artist at tayo ay nilikha sa Kaniyang imahe. Ito ay isang tanong na karapat dapat na maitanong: Bakit tayo naghahanap ng kagandahan sa art, drama, musika, sayaw, kalikasan o literatura? Si Daniel Dennett, isang outspoken na atheist at isang eksperto sa pag-intindi sa utak, ay sinagot ito mula sa perspektibo na hindi galing sa Bibliya:

“Ngunit karamihan sa research na ito ay binabaliwala pa rin ang musika. Bihira itong nagtatanong: Bakit mayroong musika? Mayroong maikling sagot, at ito ay totoo: ito ay nabubuhay dahil gustung-gusto natin ang musika at tayo mismo ang nagdadala nito sa ating pang-araw araw na buhay. Ngunit bakit natin ito gusto? Dahil nakikita nating ito ay may taglay na kagandahan. Ngunit bakit ito maganda para sa atin? Isa itong magaling at biological na tanong, ngunit wala pa itong magaling na sagot.” (Daniel Dennett, Breaking the Spell: Religion as a Natural Phenomenon, p. 43)

Bukod sa Diyos, walang malinaw na sagot  na nagpapaliwanag kung bakit lahat ng anyo ng art ay napakahalaga sa atin. Mula sa punto de bista ng Bibliya, dahil ito sa pagkakalikha ng Diyos sa mgagandang mga bagay at Siya mismo ay nahahalina at natutuwa sa kagandahan ng mga bagay na ito. Tayo, na likha sa Kaniyang imahe, ay kagaya rin ng Diyos. Ang turo na ito na mula sa Bibliya ay nagbibigay ng kabuluhan kung bakit tayo ay mapagmahal at mahilig sa art.

Bakit Tayo Moral?

Ang pagiging ‘likha sa imahe ng Diyos’ ay nagpapaliwanag sa ang moral capability. Naiintindihan natin kung anu-ano ang mga ‘masasamang’ gawain at mga ‘magagandang’ gawain–kahit na ang ating mga lengguwahe at kultura ay may pagkakaiba-iba. Ang mora na pangangatwiran ay nasa ‘kalooban’ natin. Gawa ng sabi ng tanyag na atheist na si Richard Dawkins:

“Ang pagmamaneho ng ating mga moral judgements ay isang unibersal na balarila…kagaya ng wika, ang mga prinsipyo na bumubuo rito na nagbibigay dahil para sa ating moral na balarila upang lumipad sa ilalim ng radar ng ating kamalayan.” (Richard Dawkins, The God Delusion, p. 223)

Naipaliwanag ni Dawkins na ang ating kamalayan ng tama at mali ay buo sa atin kagaya ng ating abilidad na magkaroon ng wika, ngunit hirap siyang ipaliwanag kung bakit mayroon lamang tayong pisikal na pinagkukunan. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa tuwing hindi natin ina-acknowledge na ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng ating moral compass. Kagaya na lamang na isang pagtutol mula sa isa na namang tanyag na atheist na si Sam Harris:

“Kung ikaw ay tama sa paniniwala na ang relihiyosong pananampalataya ay ang tanging nagbibigay ng totoong batayan sa moralidad, kung gayon ay ang mga atheists ay dapat magkaroon ng mas mababang moral mula sa mga mananampalataya.” (Sam Harris, 2005, Letter to a Christian Nation, p. 38-39)

Naiintidihan ito ni Harris. Ayon sa Bibliya, ang ating sense of morality ay nagmumula sa pagiging likha sa imahe ng Diyos, hindi sa pagiging relihiyoso. Ito ang dahil kung bakit ang mga atheists, kagaya ng karamihan sa atin, ay mayroong moral sense at nakakakilos ng may moral. Ngunit ang mga atheists ay hindi naiintindihan kung bakit tayo ay ganito.

Bakit Tayo ay Mahilig sa Pakikipag Relasyon?

Nakasaad sa Bibliya na ang umpisa ng pag-intindi sa ating mga sarili ay ang pagkilala na tayo ay likha sa imahe ng Diyos. Hindi mahirap makita ang importansiya na inilalagay ng mga tao sa mga relasyon. Masarap makapanuod ng maganda pelikula, ngunit mas magandang manuod ng pelikula kapag may kasama kang kaibigan. Tayo ay natural na naghahanap ng mga kaibigan at kapamilya na ating mababahagian ng mga karanasan sa buhay at makakasama at pagpapabuti sa ating mga sarili. Sa kabaligtaran, ang kalungkutan at pagiging sira ng relasyon sa ating pamilya o mga kaibigan ay nagbibigay sa atin ng stress. Kung tayo ay nasa imahe ng Diyos, dapat na makita natin ang parehong pagpapahala sa Diyos–at nagagawa nga natin ito. Ang sabi sa Bibliya, “…ang Diyos ay pag-ibig,” (1 Juan 4:8). Napakaraming nakasaad sa Bibliya patungkol sa importansiya ng pagmamahal na inilalagay ng Diyos sa ating puso para sa kaniya at para sa iba–tinatawag ito ni Hesus na dalawa sa pinakaimportanteng kautusan sa Bibliya. Kung iisipin nga natin, ang pag-ibig ay dapat na relational dahil kinakailangan nito ang dalawa man laman na tao.

Kaya kailangan nating ituring ang Diyos na isang mangingibig. Kung tinuturing lamang natin ang Diyos bilang ‘Benevolent Being’, hindi tayo nagpapatungkol sa Diyos sa Bibliya–sa halip ay bumuo tayo ng ibang panginoon sa ating pag-iisip. Ang Diyos ay tunay ngang mabait, at Siya rin ay passionate sa mga relasyon. Hindi niya ‘kailangan’ ng pag-ibig. Siya ‘mismo’ ang pag-ibig. Ang dalawa sa pinakakilalang halimbawa ng relayson ng Diyos at tao sa Bibliya ay ang relasyon ng ama sa kaniyang anak at ang relasyon ng asawang lalaki sa kaniyang maybahay. Ang mga ito ay hindi malayong mga relasyon ngunit napakalalim at intimate. Sabi sa Bibliya na ang Diyos ay kagaya nito.

Ito ang natutunan natin ngayon. Ang mga tao ay likha sa image ng Diyos na pumapatungkol sa pag-iisip, emosyon at sa gawa. Tayo ay may kani-kaniyang kamalayan patungkol sa ating sarili at maging sa ibang tao. Alam natin ang pagkakaiba ng tama at mali. Tayo ay nakaka-appreciate ng kagandahan, drama, art at mga istorya sa iba’t iba nitong mga anyo at tayo ay natural na maghahanap at magde-develop ng mga relasyon at pagkakaibigan sa iba. Tayo ay binubuo ng lahat ng ito dahil ganito rin ang Diyos at tayo ay likha sa imahe ng Diyos. Tayo ay magpapatuloy sa pagsaliksik ng eksplanasyon ng Bibliya kung bakit madalas ang ating mga relasyon sa ibang tao ay lagi tayong binibigo at kung bakit parang malayo sa atin ang Diyos. Bakit ang ating mga inaasam ay minsan hindi nagkakatotoo.

Simple at Makapangyarihan: Ano ang kahulugan ng pagpapa-kasakit ni Hesus?

Dumating si Hesus upang ipagka-loob Niya ang sarili upang matakasan ng lahat ng tao ang kasalanan at muling magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ang plano ng kaligtasan ay napaihayag sa pasimula pa lamang ng kasayasayan ng sangkatauhan. Ito ay ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng handog ni Abraham na tumutukoy sa Bundok ng Moriah kung saan si Hesus ay ipagkaka-loob bilang isang haing-handog. Ang haing-handog sa pagdiriwang ng Paskua ay tanda na tumutukoy sa araw at taon kung kailan ipagkaka-loob si Hesus bilang haing-handog.

Bakit ang sakripisyo ni Hesus ay mahalaga? Ito ay makabuluhang tanong. Ang Bibliya ay nagpapahayag ng Kautusan ng bangitin nito:

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan …(Roma 6:23)

“Kamatayan” ang literal na kahulugan ay “pagkahiwalay.” Kapag ang ating kaluluwa ay humiwalay mula sa ating katawan tayo ay mamamatay sa ating pisikal na katawaan.  Kahalintulad nito ay ating pagkahiwalay mula sa Diyos ay nagbunga ng ating kamatayan sa espirituwal. Ito ay naganap dahil ang Diyos ay Banal (walang bahid ng kasalanan) habang tayo ay naging makasalanan mula sa ating orihinal na kalagayan nang tayo ay unang likhain.

Ito ay maisalalarawan sa pamamagitan ng pag-gamit ng dalawang talampas kung saan ang Diyos ay nasa kabilang bahagi at tayo ay nasa kabilang tapat na pinaghihi-walay ng walang hanggang hukay. Tulad ng isang sanga na napahiwalay sa puno ay naging patay, gayun din naman tayo na napahiwalay mula sa Diyos at tayo ay nangamatay sa ating espirituwal na kalagayan.

Tayo ay napahiwalay mula sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan tulad ng malawak na bangin na naghihiwalay sa dalawang talampas.
Tayo ay napahiwalay mula sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan tulad ng malawak na bangin na naghihiwalay sa dalawang talampas.

Ang pagkahiwalay ay nagbubunga ng patuloy na pagkakasala at pagkatakot. Ano ang ating pangkaraniwang ginagawa upang makatawid tayo mula sa ating kinalalagyan tungo sa kabila bahagi ng bangin?  Marami tayong sinusubok na gawin tulad ng; pagtungo sa simbahan, templo o kaya ay sa Moske, pagiging relihiyoso, pagiging mabuting tao, pagtulong sa mahihirap o nangangailangan, pagmumuni-muni, pagdarasal, at marami pang iba. Ang mga nabanggit na mga mabubuting gawa para maging makabuluhan ay napakahirap at  para maisa-pamuhay ito ay napaka-mahirap.  Ito ay maipapaliwanag sa kasunod na larawan.

Ang Mabuting Pagsisikap- bagama’t mahalaga-hindi ito maaring maging tulay upang mapalapit sa Diyos mula sa pagiging hiwalay o malayo sa Kanya
Ang Mabuting Pagsisikap- bagama’t mahalaga-hindi ito maaring maging tulay upang mapalapit sa Diyos mula sa pagiging hiwalay o malayo sa Kanya

Ang balakid sa ating mga pagsisikap, sa mga mabuting gawa bagama’t ang mga ito ay hindi masama, lahat ng mga ito ay hindi sapat sapagkat ang kabayaran ng ating mga kasalanan ay “kamatayan”. Ang lahat ng ating pagsisikap ay tulad ng isang “tulay” na sinusubukang pag-abutin ang dalawang talampas na pinaghi-hiwalay ng isang malaking bangin na syang naghihiwalay sa atin mula sa Diyos, subalit hindi nito mapagtagpo ang dalawang dako. Dahil ang ating mga mabuting gawa ay hindi nito nilulutas ang pinaka-ugat ng ating suliranin. Tulad ng pagsisikap na pagalingin ang isang may kanser (nagbubunga ng kamatayan) sa pamamagitan ng pagkain lang ng mga gulay. Ang pagkain ng gulay ay hindi masama, ito nga ay mabuti-subalit hindi nito pinagagaling ang sakit na kanser. Sapagkat ang kanser ay nangangailangan ng ibang uri ng paggamot.

Ang Kautusan ay Masamang Balita-ito ay masama na kadalasan ay ayaw nating marinig kaya’t ating pinupunan ang ating buhay ng mga gawain at ng mga bagay sa pag-asang ang Kautusan ay maglalaho. Subalit ang Bibliya ay nagsasaad na ang Kautusan ng kasalanan at kamatayan ay nagdadala sa atin upang hanapin ang tunay na lunas nito na isang simple at makapangyarihan.

 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit… (Roma 6:23)

Ang payak na salitang “ngunit” ay nagsasaad na ang tinutungo ng mensahe ay ang pagbabago ng ating patutunguhan, tungo sa Mabuting Balita ng Ebanghelyo-na syang tanging lunas. Pinapakita nito ang kagandahang loob at pag-ibig ng Diyos.

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo-Jesus na ating Panginoon. (Roma 6:23)

Ang Mabuting Balita ng Ebanghelyo ay ang sakripisyo ng kamatayan ni Hesus na syang sapat na tulay na mag-aalis ng ating pagka-hiwalay mula sa Diyos. Alam natin ito sapagkat tatlong (3) araw pagkatapos mamatay, ay bumangon mula sa kamatayan ang Kanyang pisikal na katawan. Marami sa atin ay hindi nakaka-alam sa mga nagpapa-tunay ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang matibay na pagpapa-tunay nito ay maaaring makita at mapanuod tulad ng aking itinuro sa isang unibersidad (video link dito).  Ang sakripisyo ni Hesus ay sinisimbulo noon pa man ng maganap ang haing-handog ni Abraham at ng haing-handog ng Pagdiriwang ng Paskua. Ang mga gawaing yaon ay tumutukoy kay Hesus para ating makamtan ang tunay na lunas.

Si Hesus ay namuhay bilang isang tunay na tao na walang bahid ng kasalanan.  Kaya’t Sya lamang ang pwedeng maging tulay na mag-uugnay sa Diyos at tao, Siya ang Tulay ng Buhay na makikita natin sa larawan.

Si Hesus ang Tulay na magdudugtong sa dalawang malawak na pagitan na naghihiwalay sa Diyos at tao.
Si Hesus ang Tulay na magdudugtong sa dalawang malawak na pagitan na naghihiwalay sa Diyos at tao.

Ito ang sakripisyo ni Hesus na ipinagkaloob niya sa atin. Ito ay ipinagkaloob bilang isang “regalo” . Isipin mo ang regalo. Ang anumang regalo ay magiging tunay na regalo kung ito ay isang bagay na hindi mo pinaghirapan at hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapat-dapat.

Kung nakamit mo ang regalo dahil ikaw ay karapat-dapat, hindi na ito regalo – ito ay isang  bayad. Sa parehong paraan, ang sakripisyo ni Hesus ay hindi mo natanggap dahil ikaw ay karapadapat. Bagkus, ito ay ipinagkaloob sa iyo bilang isang regalo. Ganun ito ka-simple.

At ano itong regalo? Ito ay “buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin na ang kasalanan ng nagdala sa atin ng kamatayan ay pinawawalang bisa na. Si Hesus bilang Tulay ng Buhay ay nagdulot ng ating muling pakiki-ugnayan sa Diyos at tanggapin ang buhay na walang hanggan. Gayun na lang ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ganun ito maka-pangyarihan.

Paano tayo makaka-tawid sa “Tulay ng Buhay”? Muli, ating isipin yung regalo. Kapag mayroong isang tao na magbibigay sa iyo ng regalo, dapat mo itong “tanggapin.” Kapag ang isang regalo ay ipinagka-kaloob, tayo ay may dalawang kapasiyahan. Ang kapasiyahang hindi tatanggapin (“Salamat, subalit hindi ko matatanggap”) o kaya ang kapasiyahang tanggapin ito, (“Salamat, akin itong tinatanggap”).  Magkagayun, ang regaling ito ay dapat tanggapin. Hindi lamang sa aking isipan na ito ay aking nauunawaan.  Ipinakikita ng kasunod na larawan kung saan tayo ay dapat lumakad sa Tulay patungo sa Diyos upang tanggapin ang regaling kaloob sa atin.

Ang Sakripisyo ni Hesus ay isang regalo sa bawat isa sa atin na dapat nating tanggapin
Ang Sakripisyo ni Hesus ay isang regalo sa bawat isa sa atin na dapat nating tanggapin

Paano natin matatanggap ang regalo ito? Ang sabi ng Bibliya ay…

Kaya’t walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya’y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya. (Roma 10:12)

Ating pansinin na ang pangakong ito ay para sa “bawat isa.” Simula ng Siya ay nabuhay mula sa mga patay, si Hesus ay buhay magpa-hanggang ngayon at Siya ay Panginoon. Kaya’t kapag tumawag ka sa Kanya ikaw ay kanyang didinggin at ipagkaka-loob saiyo ang kanyang regalo. Tumawag ka sa Kanya at kausapin mo Siya. Maaring hindi mo pa nagagawa ito dati. Mayroong nakasulat na panalangin sa ibaba na magiging gabay mo. Hindi ito isang mahiwagang mga salita. ang bawat salita hindi nagbibigay ng kapangyarihan. Bagkus, tiwala lamang ang kailangan tulad ng pagtitiwala ni Abraham upang tanggapin natin ang regalo ng Diyos. Sa ating pagtitiwala at pananampalataya ay Kanyang didinggin ang ating panalangin. Ang Ebanghelyo ay makapangyarihan bagama’t simple. Hayaan mong sundan ang halimbawa ng panalangin.

Panginnong Hesus.  Aking inaamin na ako ay makasalanan na syang nagpahiwalay sa akin mula Diyos. Bagamat aking sinubukan ang lahat upang ako ay makalapit sa Iyo subalit ang mga ito ay hindi sapat. Aking nauunawaan na ang iyong kamatayan ay isang sakripisyo na naglinis sa aking mga kasalanan. Ako ay naniniwala na ikaw ay nabuhay mula sa mga patay pagkatapos mong ialay ang iyong sarili at ito ay sapat na sakripisyo. Ako po ay linisin nyo sa aking mga kasalanan at mailapit sa Diyos upang tanggapin ang buhay na walang hanggan. Ako pa ay palayain mo mula sa aking mga kasalanan sapagkat ayaw ko na pong maging alipin nito. Salamat po sa kaligtasan at simula ngayon ako po ay gabayan ninyo. Amen