Likha Mula sa Imahe ng Diyos

Maaari ba nating magamit ang Bibliya upang maintindihan kung saan tayo nagmula? Marami ang magsasabing ‘hindi’, ngunit marami sa ating ang sasang-ayon na maraming bagay ang magkakaroon ng kabuluhan kapag naisangguni natin ito sa sinasabi sa Bibliya. Halimbawa, balikan natin kung ano ang nakasaad sa Bibliya patungkol sa ating pagkalikha. Sa unang kabanata ang sabi ay:

“Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.’ Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,” (Genesis 1:26-27)

Ang Imahe ng Diyos

Ano ang ibig sabihin na ang sangkatauhan ay nilikha sa ‘imahe ng Diyos’? Hindi ibig sabihin na ang Diyos ay mayroong dalawang braso at isang ulo. Sa halip, ang ibig nitong sabihin ay ang ating mga pangunahing katangian ay nagmula sa Diyos. Sa Bibliya, ang Diyos ay maaaring maging malungkot, nasaktan, galit o masaya–ito ay ang ilan sa mga emosyon na tayong mga tao ay nakakadama rin. Tayo ay gumagawa ng mga desisyon sa ating pang-araw araw na buhay. Ang Diyos mismo ay gumagawa rin ng mga desisyon. Tayo ang nakapag-iisip, at ang katangiang ito ay nagagawa rin ng Diyos. Ang pagiging ‘likha mula sa imahe ng Diyos’ ay nangangahulugang tayo ay mayroong sapat na pag-iisip, emosyon at kagustuhan dahil ang Diyos ay mayroon ding sapat na pag-iisip, emosyon at kagustuhan, at tayo ay Kaniyang nilikha para maging katulad Niya sa ganitong mga bagay. Siya ang pinagmulan na lahat ng nakikita natin sa ating sarili.

Tayo ay self-aware at may kamalayan sa pagiging ‘ako’ at ‘ikaw’. Tayo ay hindi impersonal na ‘ito’. Tayo ay ganito dahil sa ganitong paraan din ang Diyos. Ang Diyos ng Bibliya ay hindi isang non-personality kagaya ng ‘Force’ sa pelikulang Star Wars at tayo ay hindi rin gan’on dahil tayo ay likha sa imahe ng Diyos.

Bakit Natin Gusto ang Kagandahan?

Pinapahalagahan din natin ang art, drama at kagandahan. Kailangan natin ng kagandahan sa ating kapaligiran, musika at mga libro. Ang musika ay pinagyayaman ang ating buhay at ito ay nagbibigay sa atin ng kakayanan upang magsayaw. Gusto natin ng magandang mga istorya dahil ang mga istoryang ito ay mayroong mga bida, kontrabida, drama, at ang magagandang mga istoryang ito ay inilalagay ang mga bida, kontrabida at drama sa ating imahinasyon. Ginagamit natin ang art at ang iba’t iba nitong anyo para makapagpasaya, makapag-relax at makapagpa-refresh sa atin dahil ang Diyos mismo ay isang artist at tayo ay nilikha sa Kaniyang imahe. Ito ay isang tanong na karapat dapat na maitanong: Bakit tayo naghahanap ng kagandahan sa art, drama, musika, sayaw, kalikasan o literatura? Si Daniel Dennett, isang outspoken na atheist at isang eksperto sa pag-intindi sa utak, ay sinagot ito mula sa perspektibo na hindi galing sa Bibliya:

“Ngunit karamihan sa research na ito ay binabaliwala pa rin ang musika. Bihira itong nagtatanong: Bakit mayroong musika? Mayroong maikling sagot, at ito ay totoo: ito ay nabubuhay dahil gustung-gusto natin ang musika at tayo mismo ang nagdadala nito sa ating pang-araw araw na buhay. Ngunit bakit natin ito gusto? Dahil nakikita nating ito ay may taglay na kagandahan. Ngunit bakit ito maganda para sa atin? Isa itong magaling at biological na tanong, ngunit wala pa itong magaling na sagot.” (Daniel Dennett, Breaking the Spell: Religion as a Natural Phenomenon, p. 43)

Bukod sa Diyos, walang malinaw na sagot  na nagpapaliwanag kung bakit lahat ng anyo ng art ay napakahalaga sa atin. Mula sa punto de bista ng Bibliya, dahil ito sa pagkakalikha ng Diyos sa mgagandang mga bagay at Siya mismo ay nahahalina at natutuwa sa kagandahan ng mga bagay na ito. Tayo, na likha sa Kaniyang imahe, ay kagaya rin ng Diyos. Ang turo na ito na mula sa Bibliya ay nagbibigay ng kabuluhan kung bakit tayo ay mapagmahal at mahilig sa art.

Bakit Tayo Moral?

Ang pagiging ‘likha sa imahe ng Diyos’ ay nagpapaliwanag sa ang moral capability. Naiintindihan natin kung anu-ano ang mga ‘masasamang’ gawain at mga ‘magagandang’ gawain–kahit na ang ating mga lengguwahe at kultura ay may pagkakaiba-iba. Ang mora na pangangatwiran ay nasa ‘kalooban’ natin. Gawa ng sabi ng tanyag na atheist na si Richard Dawkins:

“Ang pagmamaneho ng ating mga moral judgements ay isang unibersal na balarila…kagaya ng wika, ang mga prinsipyo na bumubuo rito na nagbibigay dahil para sa ating moral na balarila upang lumipad sa ilalim ng radar ng ating kamalayan.” (Richard Dawkins, The God Delusion, p. 223)

Naipaliwanag ni Dawkins na ang ating kamalayan ng tama at mali ay buo sa atin kagaya ng ating abilidad na magkaroon ng wika, ngunit hirap siyang ipaliwanag kung bakit mayroon lamang tayong pisikal na pinagkukunan. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa tuwing hindi natin ina-acknowledge na ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng ating moral compass. Kagaya na lamang na isang pagtutol mula sa isa na namang tanyag na atheist na si Sam Harris:

“Kung ikaw ay tama sa paniniwala na ang relihiyosong pananampalataya ay ang tanging nagbibigay ng totoong batayan sa moralidad, kung gayon ay ang mga atheists ay dapat magkaroon ng mas mababang moral mula sa mga mananampalataya.” (Sam Harris, 2005, Letter to a Christian Nation, p. 38-39)

Naiintidihan ito ni Harris. Ayon sa Bibliya, ang ating sense of morality ay nagmumula sa pagiging likha sa imahe ng Diyos, hindi sa pagiging relihiyoso. Ito ang dahil kung bakit ang mga atheists, kagaya ng karamihan sa atin, ay mayroong moral sense at nakakakilos ng may moral. Ngunit ang mga atheists ay hindi naiintindihan kung bakit tayo ay ganito.

Bakit Tayo ay Mahilig sa Pakikipag Relasyon?

Nakasaad sa Bibliya na ang umpisa ng pag-intindi sa ating mga sarili ay ang pagkilala na tayo ay likha sa imahe ng Diyos. Hindi mahirap makita ang importansiya na inilalagay ng mga tao sa mga relasyon. Masarap makapanuod ng maganda pelikula, ngunit mas magandang manuod ng pelikula kapag may kasama kang kaibigan. Tayo ay natural na naghahanap ng mga kaibigan at kapamilya na ating mababahagian ng mga karanasan sa buhay at makakasama at pagpapabuti sa ating mga sarili. Sa kabaligtaran, ang kalungkutan at pagiging sira ng relasyon sa ating pamilya o mga kaibigan ay nagbibigay sa atin ng stress. Kung tayo ay nasa imahe ng Diyos, dapat na makita natin ang parehong pagpapahala sa Diyos–at nagagawa nga natin ito. Ang sabi sa Bibliya, “…ang Diyos ay pag-ibig,” (1 Juan 4:8). Napakaraming nakasaad sa Bibliya patungkol sa importansiya ng pagmamahal na inilalagay ng Diyos sa ating puso para sa kaniya at para sa iba–tinatawag ito ni Hesus na dalawa sa pinakaimportanteng kautusan sa Bibliya. Kung iisipin nga natin, ang pag-ibig ay dapat na relational dahil kinakailangan nito ang dalawa man laman na tao.

Kaya kailangan nating ituring ang Diyos na isang mangingibig. Kung tinuturing lamang natin ang Diyos bilang ‘Benevolent Being’, hindi tayo nagpapatungkol sa Diyos sa Bibliya–sa halip ay bumuo tayo ng ibang panginoon sa ating pag-iisip. Ang Diyos ay tunay ngang mabait, at Siya rin ay passionate sa mga relasyon. Hindi niya ‘kailangan’ ng pag-ibig. Siya ‘mismo’ ang pag-ibig. Ang dalawa sa pinakakilalang halimbawa ng relayson ng Diyos at tao sa Bibliya ay ang relasyon ng ama sa kaniyang anak at ang relasyon ng asawang lalaki sa kaniyang maybahay. Ang mga ito ay hindi malayong mga relasyon ngunit napakalalim at intimate. Sabi sa Bibliya na ang Diyos ay kagaya nito.

Ito ang natutunan natin ngayon. Ang mga tao ay likha sa image ng Diyos na pumapatungkol sa pag-iisip, emosyon at sa gawa. Tayo ay may kani-kaniyang kamalayan patungkol sa ating sarili at maging sa ibang tao. Alam natin ang pagkakaiba ng tama at mali. Tayo ay nakaka-appreciate ng kagandahan, drama, art at mga istorya sa iba’t iba nitong mga anyo at tayo ay natural na maghahanap at magde-develop ng mga relasyon at pagkakaibigan sa iba. Tayo ay binubuo ng lahat ng ito dahil ganito rin ang Diyos at tayo ay likha sa imahe ng Diyos. Tayo ay magpapatuloy sa pagsaliksik ng eksplanasyon ng Bibliya kung bakit madalas ang ating mga relasyon sa ibang tao ay lagi tayong binibigo at kung bakit parang malayo sa atin ang Diyos. Bakit ang ating mga inaasam ay minsan hindi nagkakatotoo.