Paano nga ba naisapropesiya ang detalye ng kamatayan ni Kristo?

Ang pagiging ‘cut off’ ni Kristo ay nahulaan nang may detalye ng mga Propeta sa Lumang Tipan

Sa huling post, nakita natin na nahulaan ni Daniel na ang ‘Kristo’ ay magiging ‘cut off’ matapos ang ilang cycle ng mga taon. Ang hula na ito ni Daniel ay naisakatuparan nang matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–dito rin siya naipresenta bilang ang Kristo ng Israel–eksaktong 173,880 na araw matapos maipasa ang Kautusan ng Persya upang buuing muli ang Jersusalem. Ang pariralang ‘cut off’ ay pumapatungkol sa imahen ni Isaias na may sanga na tutubo mula sa isang patay na tuod. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin niya rito?

Ipinapakita sa Isaias sa isang makasaysayang timeline. Siya ay nabuhay noong panahon ng mga Haring Davidic

Mayroon ding ibang mga propesiya si Isaias na isinulat sa kaniyang libro, gumagamit din siya ng iba’t ibang tema maliban sa Sanga. Isang tema niya ang pumapatungkol sa pagdating ng isang Lingkod. Sino nga ba ang ‘Lingkod’ na ito? Ano nga ba ang kaniyang gagawin? Ating titignan ang isang sipi para sa mga detalye. Aking kinopya ito ng eksakto, ngunit mayroong ibang sipi tungkol sa aking mga personal na komento.

Ang Paparating na Lingkod. Ang Kumpletong Sipi Mula sa Isaias 52:13 hanggang sa Isaias 53:12

“Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay, siya’y dadakilain at itataas, at magiging napakataas. Kung paanong marami ang namangha sa kanya[a]— ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao, at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya; sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita, at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.” (Isaias 52:13-15)

Alam natin na ang Lingkod ay magiging tao na lalaki, dahil tinutukoy siya ni Isaias gamit ang mga panghalip na ginagamit para sa mga lalaki, at partikular na inilalarawan ang mga darating na mga pangyayari (mula sa mga parirala na ‘ay magtatagumpay…’, ‘siya’y dadakilain at itataas…’, at marami pang iba), kung kaya’t ito ay isang tahasang propesiya. Ngunit tungkol nga ba saan ang propesiyang ito?

Nang mag-offer ang mga Paring Hudyo ng mga alay para sa mga Israelita, winisikan nila ito ng dugo na mula sa alay mismo–sinisimbulo ito na ang kanilang mga kasalanan ay siya nang natakpan at hindi na ito maaaring gamitin ng laban sa kanila. Ngunit sinasabi rito na ang Lingkod ay wiwisikan ang ‘maraming bansa’, kung kaya’t sinasabi ni Isaias na, sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay din ng parehong pagwiwisik para rin sa kasalanan ng mga hindi Hudyo na katulad na lamang ng ginagawa ng mga Pari sa Lumang Tipan para sa mga mananampalatayang Hudyo. Dahil dito, nagiging parallel ito sa hula ni Zacarias na ang Sanga ay magiging Pari, at siya rin mismo ang makakapag-isa ng tungkulin ng parehong Hari at Pari, dahil ang pari lamang ang puwedeng magwisik ng dugo. Ang global na saklaw ng ‘maraming bansa’ ay sumusunod sa mga historikal at napapatunayang mga pangako na naibigay, ilang siglo na ang nakararaan kay Abraham, na ang ‘lahat ng bansa’ ay pagpapalain sa pamamagitan ng kaniyang mga anak.

Ngunit sa pagwiwisik ng maraming bansa, ang mismong ‘anyo’ at ‘hugis’ ng Lingkod ay nahulaan na magiging ‘napakarumi’ at ‘sira’. At dahil hindi pa masyadong klaro kung ano nga ba ang gagawin ng Lingkod na ito, sinasabing isang araw ang mga bansang ito ay siya rin nilang ‘maiintindihan’.

“Sinong naniwala sa aming narinig? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Sapagkat siya’y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa. Siya’y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya. Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya’y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.” (Isaias 53:1-3)

Kahit na ang Lingkod ay wiwisikan ang maraming bansa, siya rin ay ‘hahamakin’ at ‘hindi siya pahahalagahan’, at siya rin ay puno ng ‘pagdurusa’ at ‘sanay sa kalungkutan’.

“Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan. Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.” (Isaias 53:4-5)

Aalisin ng Lingkod ang ‘ating’ mga sakit. Ang Lingkod din na ito ay ‘nasugatan’ at ‘binugbog’ bilang ‘parusa’. Ang parusang ito ay maghahatid sa atin (ang mga tao sa maraming bansa) ng ‘kapayapaan’ at dahil din dito ay gagaling tayo.

Akin itong isinusulat ngayong Biyernes Santo. Parehong ang sekular at ang mga biblikal na sources ay sinasabing 2,000 na taon na ang nakararaan (ngunit 700+ na taon matapos isulat ni Isaias ang hula niyang ito), ipinako sa krus si Hesus. Dahil dito, siya ay literal na nasugatan, kagaya na lamang nang hula ni Isaias na ang Lingkod ay masusugatan sa pamamagitan ng pako ng krusipiksyon.

“Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.” (Isaias 53:6)

Nakita natin sa Corrupted… Pag-miss sa Target, na ang biblikal na paglalarawan sa kasalanan ay ‘pag-miss sa hinahangad na target’. Kagaya na lamang ng baluktot na arrow, tayo rin ay pupunta  sa ‘sarili nating direksyon’. Ang Lingkod na ito ay dadalhin ang parehong kasalanan (kasamaan) na atin nang dala dala.

“Siya’y inapi, at siya’y sinaktan, gayunma’y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi, kaya’t hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.” (Isaias 53:7)

Ang Lingkod na ito ay magiging parang kordero na dinadala sa kaniyang ‘katayan’. Ngunit hindi siya nagsalita o kahit ‘ibuka man lamang ang kaniyang bibig’. Nakita natin sa Tanda ni Abraham na ang tupa ay ipinalit bilang alay kapalit ng kaniyang anak. Ang tupang ito–isang kordero–ay kinatay. Si Hesus din ay pinatay sa parehong lugar (Bundok Moriah = Jerusalem). Nakita rin natin sa Paskuwa na mayroong kordero na kinatay sa mismong Paskuwa–at si Hesus din ay mismong pinatay noong Paskuwa.

“Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya; at tungkol sa kanyang salinlahi, na itinuring na siya’y itiniwalag sa lupain ng mga buháy, at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.” (Isaias 53:8)

Ang Lingkod ay naging ‘cut off’ mula sa ‘lupain ng mga buhay’. Ito mismo ang eksaktong termino na ginamit ni Daniel noong hinulaan niya kung ano nga ba ang mangyayari sa Kristo matapos siyang ipresenta sa Israel bilang ang kanilang Mesiyas. Ang hula ni Isaias ay mayroong mas malawak na detalye kung ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘cut off’, at ayon sa kaniya, ito ay ‘ma-cut off mula sa lupain ng mga buhay’–simple lamang ang ibig sabihin nito, ito ay kamatayan! Kung kaya’t sa mapalad na Biyernes Santo, si Hesus ay namatay, at literal na ‘na-cut off mula sa lupain ng mga buhay’, at ito ay ilang araw lamang matapos siyang maipresenta bilang ang Mesiyas sa kaniyang matagumpay na pagdating.

“At ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng karahasan, o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.” (Isaias 53:9)

Bagaman si Hesus ay na-execute at namatay bilang isang kriminal (‘ang kaniyang libingan ay kasama ng masasama’), sinasabi ng mga manunulat ng ebanghelyo na isang mayamang lalaki mula sa namumunong Sandherin, Jose ng Arimathea, ay kinuha ang labi ni Hesus at inilibing niya ito sa kaniyang sariling libingan (Mateo 27:60). Naisakatuparan ni Hesus ang parehong panig ng hulang paradoxical–kahit na siya ay ‘ginawan ng libingan na kasama ang mga masasama’, siya rin ay ‘mayaman kahit pa sa kaniyang kamatayan’.

“Gayunma’y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; kanyang inilagay siya sa pagdaramdam; kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan, makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw; at ang kalooban ng Panginoon ay uunlad sa kanyang kamay.” (Isaias 53:10)

Ang kubuuan ng malupit na kamatayang ito ay hindi lamang isang teribleng aksidente o kamalasan. Ito ay ang malinaw na ‘kalooban ng Panginoon’ na siyang masaktan. Ngunit bakit nga ba? Kagaya na lamang nga mga kordero sa sistema ng pag-aalay ni Moises, ang mga kordero ay alay upang ang mga tao na nagbibigay ng nasabing alay ay mawala ang mga kasalanan, at dito, ang ‘buhay’ ng Lingkod na ito ay isa ring ‘alay para sa mga kasalanan’. Ngunit para sa kasalanan nino? Dahil ikinukunsidera na ang ‘maraming mga bansa’ ay ‘wiwisikan’ (sa itaas), ito ay ang kasalanan ng mga tao sa ‘maraming bansa’. Para ito sa ‘lahat’ ng ‘tumalikod’ at ‘naligaw ng landas’. Ang pinapatungkulan ni Isaias ay ikaw at ako.

“Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.” (Isaias 53:11)

Bagaman ang daanan ng Lingkod ay kakila-kilabot, dito ay para bang nagbago ang tono at naging optimistic at matagumpay. Matapos ang teribleng pagdurusa (ng pagiging ‘cut off mula sa lupain ng mga buhay’ at pagkakaroon ng ‘libingan’), ang Lingkod na ito ay makikita ang ‘liwanag ng buhay’. Mabubuhay siyang muli? Aking tinignan ang isyu ng resureksyon. Naririto ang pagkahula.

At sa ‘pagkakakita sa liwanag ng buhay’, ang Lingkod na ito ay ‘mabibigyang katuwiran’ ang marami. Ang ‘pagbibigay katuwiran’ ay kapareho ng pagbibigay ng ‘kabanalan’. Maaalala natin na si Abraham ay naging ‘credited’ o binigyan ng ‘kabanalan’. Sa parehong paraan, ang Lingkod na ito ay magbibigay katuwiran o magke-credit ng kabanalan sa ‘marami’.

“Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga lumalabag; gayunma’y pinasan niya ang kasalanan ng marami, at namagitan para sa mga lumalabag. (Isaias 53:12)

Ang daanan ng Lingkod ay misteryosong nagtuturo sa krusipiksyon at resureksyon ni Hesus, kung kaya’t may iilang mga kritiko na nagsasabing ang naratibo ng ebanghelyo ay ginawa para partikular na maging ‘angkop’ para sa sipi ng Lingkod. Ngunit sa kongklusyong ito, nilabanan ni Isaias ang mga kritikong ito. Ang kongklusyon ay hindi ang hula ng krusipiksyon at resureksyon, kung hindi, ang impact ng kamatayang ito marami nang taon matapos itong maganap. Ano nga ba ang hula ni Isaias? Ang Lingkod na ito, bagaman siya ay mamamatay bilang isang kriminal, ay isang araw magiging kabilang sa mga ‘dakila’. Ang mga manunulat ng ebanghelyo ay hindi maaaring ‘maiangkop’ ang parteng ito sa naratibo ng ebanghelyo, dahil ang ebanghelyo mismo ay naisulat lamang ng ilang dekada matapos ang krusipiksyon ni Hesus–at noong mga panahong ito, ang impact ng kamatayan ni Hesus ay siya pa ring pingdududahan.

Sa mata ng mundo, si Hesus pa rin ay ang na-execute na lider ng na-reject na kulto noong isulat ang ebanghelyo. Tayo ay naririto, 2,000 na taon na matapos, at makikita natin ang impact ng kamatayan ni Hesus, at mare-realize natin kung paano sa kurso ng kasaysayan siya ay naging ‘dakila’. Hindi ito kayang makini-kinita ng mga manunulat ng ebanghelyo. Ngunit nakita ito ni Isaias. Ang Lingkod, na kilala rin bilang ang Sanga, ay magpapahikayat sa mga tao palapit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga boluntaryong sakripisyo–upang sambahin siya–kagaya na lamang nang nahulaan ni Hesus nang tawagin niya ang kaniyang sarili na ‘Anak ng Tao’ sa kaniyang paglilitis sa Sanhedrin.

Ang Sanga: Pagtubo sa Eksaktong Oras Para Putulin

Tayo ay patuloy na tumitingin sa tema ng Sanga na umaabot sa mga kasulatan ng ilan sa mga propeta ng Lumang Tipan. Nakita natin na si Jeremias ay ipinagpatuloy ang tema noong 600 B.C. (ang tema na sinimulan ni Isaias 150 taon ang nakararan) at idineklara niya na ang Sanga na ito ay siyang magiging Hari. Sinundan ni Zacarias si Jeremias, at sa nakaraang post ay nakita natin kung paano nahulaan ni Zacarias na ang Sanga ay papangalanang Hesus, at pag-iisahin niya ang tungkulin ng Hari at ng Pati–ito ay isang bagay na hindi pa kailanman nangyayari sa kasaysayan ng mga Israelita.

Ang Palaisipan ni Daniel sa Oras ng Pagdating ng Anointed

Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Si Daniel, na siyang nabuhay sa kalagitnaan ng panahon nina Jeremias at Zacarias, ay nagbanggit ng titulo na ang ‘Anointed’ (na ating nakita rito na = ‘Kristo’ o ‘Mesiyas’), at sa parehong panahon ay nagbanggit sa tema ng Sanga sa isang kamangha-manghang palaisipan na nakapaghula kung kailan maibubunyag ang Mesiyas. Sa panahong 538 B.C., isinulat ni Daniel ang sumumunod:

“Kaya’t iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu’t dalawang sanlinggo. Ito’y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan. Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.” (Daniel 9:25-26)

Sa kadahilanang ang Anointed = Kristo = Mesiyas (tignan dito), alam natin na si Daniel ay nagsusulat tungkol sa darating na Kristo. Nagbigay si Daniel ng espesipikong oras ng pagsisimula (“paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem”) at espesipikong agwat ng oras (“pitong ‘sanlinggo’ at animpapu’t dalawang ‘sanlinggo’”) na siyang magtatapos sa pagbubunyas kay Kristo (o ng Anointed) na siya ring ‘mapuputol’. Ang kalahatang istraktura ng hula na ito ay maliwanag. Ngunit kaya nga ba nating masubaybayan ang pagbubunyag sa Kristo? Ating simulan sa pamamagitan ng pagtingin sa nasimulan na pag-tick ng propetang orasan.

Ang Paglalabas ng Kautusan na Panumbalikin at Muling Itayo ang Jerusalem

Matapos ang halos 100 taon matapos mabuhay si Daniel, si Nehemias ay tagapagdala ng kopa ng Persyanong Emperador na si Artaxerxes. Dahil dito, nangangahulugan na si Nehemias ay isang tao na mayroong access sa pinakamakapangyarihang tao sa Imperyong Persya. Sa kontekstong iyon, siya ay humingi at nakatanggap ng royal na kautusan upang panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Ito ang kaniyang sinabi:

“Sa buwan ng Nisan, nang ikadalawampung taon ni Artaxerxes na hari, samantalang mayroong alak sa harapan niya, kinuha ko ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi pa ako naging malungkot nang gayon sa kanyang harapan. At sinabi ng hari sa akin, ‘Bakit malungkot ang iyong mukha, samantalang wala ka namang sakit? Ito’y walang iba kundi kalungkutan ng puso.’ Nang magkagayo’y lubha akong natakot. Sinabi ko sa hari, ‘Mabuhay ang hari magpakailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha, gayong ang lunsod, ang lugar ng mga libingan ng aking mga ninuno ay giba, at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy?’ Nang magkagayo’y sinabi ng hari sa akin, ‘Ano ang iyong kahilingan?’ Kaya’t ako’y nanalangin sa Diyos ng langit. Sinabi ko sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari at kung ang iyong lingkod ay nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, suguin mo ako sa Juda, sa lunsod ng libingan ng aking mga ninuno, upang aking muling maitayo ito.’ Sinabi ng hari sa akin, (ang reyna ay nakaupo sa tabi niya), ‘Gaano katagal kang mawawala, at kailan ka babalik?’ Sa gayo’y ikinalugod ng hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kanya ng panahon. Sinabi ko naman sa hari, ‘Kung ikakalugod ng hari, bigyan sana ako ng mga sulat para sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, upang ako’y kanilang paraanin hanggang sa ako’y makarating sa Juda; at isang sulat para kay Asaf na tagapag-ingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga troso upang gawing mga biga sa mga pintuan ng kuta ng templo at para sa pader ng lunsod at sa bahay na aking papasukan.’ Ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking hiniling, sapagkat ang mabuting kamay ng aking Diyos ay nasa akin. At ako’y pumunta sa mga tagapamahala ng lalawigan sa kabila ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Ang hari ay nagsugo na kasama ko ang mga punong-kawal ng hukbo at mga mangangabayo.” (Nehemias 2:1-9)

Dito ay makikita natin ang royal na utos, na mayroong mga liham na sumusuporta kasama ng militar ng Imperyong Persya para panumbalikin at muling itayo ang Jerusalem. Dahil ang Persyanong Emperador na si Artaxerxes ay kilala sa sekular na kasaysayan, at dahil ang utos na ito ay tumutukoy sa simula ng pamumuno ni Artaxerxes (ika-20 na taon sa buwan ni Nisan), at makikita natin kung kailan ito. Naging Emperador si Artaxerxers matapos ang kamatayan ng kaniyang ama na si Xerxes noong Disyembre 465 B.C. at dahil ang kautusang ito ay naipatupad noong Nisan 1 (Marso/Abril) nang kaniyang ika-20 na taon, masasabing ang naipatupad ang kautusan noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C.

Pitong ‘Sanlinggo’ at Animnapu’t Dalawang ‘Sanlinggo’

Ngunit ano nga ba itong mga ‘sanlinggo’ na ginagamit ni Daniel upang masubaybayan ang oras? Sa Batas ni Moises, mayroong cycle ng pitong taon kung saan ang lupain ay kinakailangang maipahinga mula sa paglilinang ng agrikultura kada pitong taon. Makikita ito sa sumusunod:

“‘Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Pagdating ninyo sa lupaing ibinibigay ko sa inyo, ang lupain ay mangingilin ng isang Sabbath sa Panginoon. Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong pupungusan mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang kanyang bunga. Subalit ang ikapitong taon ay magiging ganap na kapahingahan sa lupain, isang Sabbath sa Panginoon; huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni pupungusan ang iyong ubasan.’” (Levitico 25:2-4)

Sa konteksto ng sinasabi ni Daniel ay ‘taon’, kung kaya’t ang ‘sanlinggo’ ay cycle ng pitong taon. Kung kaya’t sa kasong ito, ang pitong ‘sanlinggo’ at animnapu’t dalawang ‘sanlinggo’ ay arithmecally na masasabing (7 + 62) * 7 = 483 na taon.

Ang 360-Araw na Taon

Ang haba ng taon ay bahagyang nagpapapakumplikado sa mga bagay. Sa panahon ngayon, ginagamit natin ang solar year (=365.24219879 na araw kada taon) dahil atin nang nasusukat ang pag-inog ng earth sa paligid ng araw. Noong mga panahon na iyon, common na pagbasehan ang taon sa pamamagitan ng pag-inog ng earth sa buwan (ito pa rin ang ginagamit na kalendaryo ng Islam), at ito ay nagbibigay ng 354 na araw kada taon, o sa paggamit ng 12 na 30-araw kada buwan na nagbibigay ng 360 na araw kada taon. Sa ibang mga kaso, sila ay nag-adjust para ‘magawa’ ang pagkakaiba-iba sa mga pag-inog. (Sa ating kalendaryong Western, tayo ay gumagamit ng leap year–366 na araw–para mai-adjust ang sumusobrang araw, at mayroon ding ibang mga leap years na hindi nasusunod.) Sa sinaunang sibilisasyon ng mga tiga-Ehipto, Babylonia, Indiyano at Griyego, common ang 360-araw na kalendaryo. Mapapansin natin na ito ang kalendaryong sinusundan ni Daniel. Ang ilan pang mga rason sa paggamit ng 360-araw kada taon na kalendaryo ay makikita rito.

Ang Scheduled na Pagdating ng Kristo

Sa pamamagitan ng mga impormasyong ito, atin ng makakalkula kung kailan nga ba darating ang Kristo base sa propesiya ni Daniel. Ang 483 na taon na may 360-araw kada taon ay magbibigay sa atin ng sumusunod:

483 na taon * 360-araw kada taon = 173,880 na araw

Sa ating modernong kalendaryo, mabibigyan tayo nito ng 476 na taong solar na may tirang 25 na araw. (173,880 / 365.24219879 = 476 na may 25 na tira).

Ang pinakaunang punto sa kalkulasyong ito ay ang kautusan ni Artaxerxes na naipatupad noong ika-5 ng Marso taong 444 B.C. Kapag dinagdagan ito ng 476 na taong solar, bibigyan tayo nito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D. (Walang taong 0, ang kalendaryo ay nagmumula sa 1 B.C. patungo sa 1 A.D. sa isang taon, kung kaya’t arithmetically, ito ay -444 + 476 + 1 = 33). Kung kukunin natin ang natitirang 25 na araw at ia-add natin ito sa ika-5 ng Marso taong 33 A.D., tayo ay babalik sa ika-30 ng Marso taong 33 A.D., ito ay nakatala sa timeline sa ilalim, o kagaya na lamang ng sinabi ni Hoehner (na aking sinundan ang mga kalkulasyon):

“Sa pag-add ng 25 na araw sa ika-5 ng Marso (444 B.C.) tayo ay darating sa ika-30 ng Marso (33 A.D.), na siyang Nisan 10. Ito ay araw ng matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem…” (Hoener, Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI, 1977, pg. 16)

The Timeline of Daniel's prophecy of 'sevens' culminating in Jesus Triumphant entry

Ito ang timeline ng propesiya ni Daniel na ‘sanlinggo’ na nag-culminate sa matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem

Matagumpay na Pagdating ni Hesus–Ang Araw na Iyon

Ito ay ang Linggo ng Palaspas, ang mismong araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem. Sa may palagay na ating nagawa ang lahat sa itaas at sa paggamit ng basic na aritmetika, makikita natin na ang palaisipan ni Daniel na ‘sanliggo’ ay dadalhin tayo sa eksaktong araw na ito. Ito ang araw na siyang ipinresenta si Hesus bilang ang Hari o ang Kristo sa nasyon ng mga Hudyo. Alam natin ito dahil si Zacarias (na siyang nanghula sa pangalan ng Kristo) ay sinulat ang sumusunod:

“Magalak ka nang husto, O anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang malakas, O anak na babae ng Jerusalem! Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo; siya’y matuwid at matagumpay, mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.” (Zacarias 9:9)

Ang pinakahihintay na Hari ay maibubunyag at papunta sa Jerusalem na sakay ng isang asno at sinasalubong ng mga sumisigaw at nagsasayang mga tao. Sa araw ng matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem–sa mismong araw din na iyon na nahulaan ni Daniel sa kaniyang palaisipan na ‘sanlinggo’–si Hesus ay sumakay papuntang Jerusalem sa isang asno. Sinasabi ni Lucas ang sumusunod:

“Nang malapit na siya at nakita ang lunsod, ito’y kanyang iniyakan, na sinasabi, ‘Kung sa araw na ito ay alam mo sana ang mga bagay na tungo sa kapayapaan! Subalit ngayo’y nakakubli ito sa iyong mga mata. Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na ang mga kaaway mo ay magtatayo ng muog sa palibot mo at papaligiran ka, at gigipitin ka sa bawat panig. At ibabagsak ka sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Sa iyo’y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.’” (Lucas 19:41-44)

Sinasabi rito na lumuha si Hesus hindi dahil hindi nakilala ng mga tao ang mismong araw na siyang nahulaan nina Zacarias at Daniel. Lumuha si Hesus dahil hindi nila nakilala na sa araw na iyon, ang Kristo ay maibubunyag, at isang hindi inaasahang pangyayari ang mangyayari. Nahulaan ni Daniel, sa parehong berso kung saan binigay niya ang palaisipan ng ‘sanliggo’ ang sumusunod:

“Pagkalipas ng animnapu’t dalawang sanlinggo, ang Mesiyas ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong darating ang wawasak sa lunsod at sa santuwaryo. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na. At siya’y gagawa ng isang matibay na tipan sa marami sa loob ng isang linggo, at sa kalagitnaan ng sanlinggo ay kanyang patitigilin ang handog at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay darating ang isang mangwawasak, hanggang sa ang iniutos na wakas ay maibuhos sa mangwawasak.” (Daniel 9:26-27)

Sa halip na makuha ang trono para maghari, ang Kristo ay ‘maka-cut off’ at magkakaroon ng ‘wala’. Sa pamamagitan ng paggamit ng pariralang ‘cut off’ (sa ilang mga Bibliya, ang salin nito ay ‘ang mamamatay’), si Daniel ay pumapatungkol sa ‘Sanga’, na galing sa tuod ni Jesse, na nasa propesiya ni Isaias, na pinaliwanagang mabuti ni Jeremias, na mayroong pangalan na nahulaan ni Zacarias, at ngayon ay nakini-kinita nina Daniel at Zacarias. Ang Sanga ay mapuputol o magiging ‘cut off’. At ang siyudad ng Jerusalem ay masisira (na siyang nangyari noong 70 A.D.). Ngunit paano nga bang mapuputol ang Sanga na ito? Babalikan natin si Isaias sa ating susunod na post upang magkaroon ng mas malinaw pa na kasagutan.

*Ang mga reperesiyang ginamit ay ang Chronological Aspects of the Life of Christ: Part VI ni Hoehner, Harold W.

Ang Sanga: Pinangalanan ng Daang Taon Bago ang Kaniyang Kapanganakan

Nakita natin kung paano ginamit ni Isaias ang imahe ng Sanga. Ang ‘siya’ mula sa natumbang dinastiya ni David, at nagtataglay ng karunungan at kapangyarihan ay darating. Sinundan ito ni Jeremias na nagsabing ang Sanga na ito ay makikilala bilang ang Panginoon (ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan) mismo.

Ipinagpatuloy ni Zacarias ang Sanga

Nagbalik si Zacarias pagkatapos ng pagpapatapon sa Babylonia upang muling itayo ang Templo

Ang propeta na si Zacarias ay nabuhay noong 520 B.C., matapos ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Jerusalem matapos ang unang pagpapatapon sa Babylonia. Noong panahong iyon, ang mga Hudyo ay muling itinatayo ang kanilang nasirang templo. Ang Punong Pari noon ay isang lalaki na nagngangalang Josue, at siya niyang sinimulang muli ang mga trabaho ng mga pari. Ang propetang si Zacarias at ang Punong Pari na si Josue ay nagsanib puwersa sa pamumuno sa mga Hudyo. Ito ang sinabi ng Diyos tungkol kay Josue, sa pamamagitan ni Zacarias:

“‘Pakinggan mo ngayon, O Josue na pinakapunong pari, ikaw at ang iyong mga kaibigan na nakaupo sa harapan mo, sapagkat sila’y mga palatandaan ng mga bagay na mangyayari. Ilalabas ko ang aking lingkod na Sanga. Sapagkat, narito, ang bato na aking inilagay sa harapan ni Josue, sa ibabaw ng isang bato na may pitong mata, narito, ako’y mag-uukit ng titik nito,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ‘at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing iyon sa loob ng isang araw.’” (Zacarias 3:8-9)

Ang Sanga! Sinimulan ni Isaias 200 taon ang nakalilipas, na sinundan ni Jeremias 60 taon ang nakalilipas, at si Zacarias ay mas pinalalawig pa ang tema ng ‘Sanga’. Dito, tinatawag din ang Sanga na ‘aking tagapaglingkod’. Sa ilang paraan, ang Punong Pari na si Josue sa Jerusalem noong 520 B.C., na siyang kasamahan ni Zacarias, ay simboliko sa pagdating ng Sanga. Ngunit paano? Sinasabing sa ‘loob ng isang araw’ ang mga kasalanan ay aalisin ng Panginoon. Ngunit paano nga ba ito mangyayari?

Ang Sanga: Pakikipag-isa sa Pari at Hari

Ipinaliwanag ito na Zacarias. Para lubos natin itong maintindihan, kailangan nating malaman na ang tungkulin ng Pari at Hari ay istrikto at magkahiwalay sa Lumang Tipan. Walang sinuman sa mga Haring Davidic ang puwedeng maging pari, at walang sinuman sa mga pari ang puwedeng maging hari. Ang tungkulin ng pari ay ang mamagitan sa pagitan ng Diyos at ng tao sa pagsasagawa ng mga hayop na isasakripisyo para sa Diyos upang matubos ang kasalanan ng mga tao. Ang tungkulin naman ng hari ay ang mamahala nang may hustiya sa trono. Pareho itong mahalaga, at pareho rin itong katangi-tangi. Ngunit naisulat pa rin ito ni Zacarias mula sa hinaharap:

“Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi: ‘Kumuha ka mula sa mga bihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedias, na dumating sa pagkabihag mula sa Babilonia. Sa araw ding iyon ay pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias. Kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong korona at iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadak, na pinakapunong pari. Sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sinabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito ang lalaking ang pangala’y Sanga: sapagkat siya’y magsasanga sa kanyang dako at itatayo niya ang templo ng Panginoon. Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at siya’y magtataglay ng karangalan, at siya’y uupo at mamumuno sa kanyang trono. At siya’y magiging pari sa kanyang trono at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan nila.’” (Zacarias 6:9-13)

Dito, kontra sa lahat ng dating mga patakaran, ang Punong Pari noong panahon ni Zacarias (Josue) ay siyang maglalagay ng malaharing korona na sumisimbulo sa Sanga. Ating alalahanin na si Josue ay ‘sumisimbulo ng mga bagay na paparating’. Si Josue, na siyang Punong Pari, ay naglagay ng malaharing korona, at nakini-kinita niya ang pakikipag-isa ng Hari at Pari sa iisang tao–isang pari sa trono ng Hari. Hindi lamang iyon, isinulat din ni Zacarias na ‘Josue’ ang pangalan ng Sanga. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ang Pangalang ‘Josue’ ay Ang Pangalang ‘Hesus’

Upang lubos natin itong maintindihan, kailangan nating alalahanin ang kasaysayan ng translation ng Lumang Tipan. Ang orihinal na Hebreong Lumang Tipan ay isinalin sa Griyego noong 250 B.C.E., at ito ay kilala bilang ang Septuagint o LXX. Ito ay malawakan pa rin na ginagamit, at nakita natin kung paanong ang pangalang ‘Kristo’ ay unang ginamit sa LXX at susundan natin ang analysis na ito para kay ‘Josue’.

joshuajesus-diagram

‘Josue’ = ‘Hesus’, at pareho itong nagmula sa Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’

Kagaya na lamang ng nakikita natin sa imahe, ang Josue ay ang Ingles na transliteration sa orihinal na Hebreong pangalan na ‘Yhowshuwa’. Ipinapakita ng quadrant #1 kung paano isinulat ni Zacarias ang pangalang ‘Josue’ sa Hebreo noong 520 B.C.E. Ito ay naging transliterated bilang ‘Josue’ sa Ingles (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Josue sa Ingles. Noong ang LXX ay naisalin mula sa Hebreo patungo sa Griyego noong 250 B.C.E., ang Yhowshua ay naging transliterated patungo sa Iesous (mula sa quadrant #1 patungo sa quadrant #2). Ang pangalang ‘Yhowshuwa’ sa Hebreo ay kapareho ng pangalang Iesous sa Griyego. Noong ang Griyego ay naisalin sa Ingles, ang Iesous ang naging transliterated patungo sa ‘Hesus’ (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3). Ang pangalang Iesous sa Griyego ay kapareho ng pangalang Hesus sa Ingles.

Si Hesus ay tinatawag na Yhowshuwa kapag siya ay kinakausap sa Hebreo, ngunit sa Griyegong Bagong Tipan, ang kaniyang pangalan ay nakasulat bilang ‘Iesous’–kahawig kung paano ito isinulat sa Griyegong Bagong Tipan LXX. Noong ang Bagong Tipan ay isinalin mula sa Griyego patungo sa Ingles (mula sa quadrant #2 patungo sa quadrant #3), ang pangalang ‘Iesous’ ay naging transliterated patungo sa pamilyar na pangalang ‘Hesus’. Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga pangalang ‘Hesus’ = ‘Josue’, ang ‘Hesus’ ay nanggaling mula sa mga Griyego, at ang ‘Josue’ ang nanggaling naman ng direkta mula sa Hebreo. Parehong sina Hesus ng Nazareth, at ang Punong Pari na sa Josue nang 520 B.C.E. ay mayroong magkaparehong pangalan, at sila ay pareho ring tinawag na ‘Yhowshuwa’ sa kanilang sariling wika na Hebreo. Sa Griyego, sila ay parehong tinawag na ‘Iesous’.

Si Hesus ng Nazareth ay Ang Sanga

Ngayon, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang propesiya ni Zacarias. Ito ay isang hula, na gawa noong 520 B.C.E., na ang pangalan ng darating na Sanga ay ‘Hesus’, at ito ay direktang nagtuturo kay Hesus ng Nazareth.

Ang pagdating ni Hesus, ayon kay Zacarias, ay makakapag-isa sa tungkulin ng Hari at ng Pari. Ano nga ba ang ginagawa ng mga pari? Sa ngalan ng mga tao, sila ay nag-aalay ng mga sakripisyo sa Diyos para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga tao. Tinatakpan ng pari ang kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay. Sa parehong paraan, ang darating na Sanga na si ‘Hesus’ ay siya ring magiging alay para ang Panginoon ay ‘maalis ang kasalanan ng lupaing ito sa isang araw’–ito ang araw na inialay ni Hesus ay kaniyang sarili.

Si Hesus ng Nazareth ay kilala rin sa labas ng ebanghelyo. Ang Talmud na Hudyo, si Josephus, at ang iba’t iba pang makasaysayang manunulat ay nagsulat ng patungkol kay Hesus–parehong ang mga kaibigan at ang mga kaaway ay laging pumapatungkol sa kaniya bilang ‘Hesus’ o ‘Kristo’, kung kaya’t ang kaniyang pangalan ay hindi naimbento sa Ebanghelyo. Ang pangalan niya ay nahulaan ni Zacarias 500 taon bago pa man siya maisilang.

Si Hesus ay nanggaling ‘mula sa tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay kaniyang mga ninuno. Si Hesus ay nagtataglay ng kakaibang karunungan at pang-unawa na nagbubuklod sa kaniya mula sa iba. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kaalaman ay patuloy na nagpapahanga sa parehong mga kritiko at tagasunod niya. Hindi maitatanggi ang kaniyang kapangyarihan na maipapakita mula sa mga milagrong kaniyang naipamalas sa ebanghelyo. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang ipagsawalang bahala. Si Hesus ay nagtataglay ng mga katangian ng pambihirang karunungan at kapangyarihan na sinasabi ni Isaias na, isang araw, ay magmumula sa Sanga.

Ngayon, isipin natin ang buhay ni Hesus ng Nazareth. Siya na mismo ang nagpahayag na siya ay isang hari–Ang Hari, sa makatuwid. Ito ang ibig sabihin ng ‘Kristo’. Ngunit ang mga ginawa niya habang siya ay nasa lupa ay mga gawa ng pari. Ang tungkulin ng pari ay mag-alay ng mga katanggap-tanggap na sakripisyo sa ngalan ng mga Hudyo. Ang kamatayan ni Hesus ay may kabuluhan dahil ito mismo ay isang alay sa Diyos, sa ngalan nating mga tao. Ang kaniyang kamatayan ay nag-aalis ng mga kasalanan at pagkakasala ng lahat ng tao, hindi lamang ng mga Hudyo. Ang kasalanan ng lupain ay literal na natanggal ‘sa isang araw’, kagaya na lamang ng sinabi ni Zacarias–sa araw na namatay si Hesus nang mabayaran ang lahat ng kasalanan. Sa kaniyang kamatayan, siya ay tumupad sa lahat ng tungkulin bilang Pari, kahit na siya ay mas kilala bilang ‘Ang Kristo’ o Ang Hari. Siya niya ngang pinag-isa ang dalawang mga tungkulin. Ang Sanga, ang siyang tinawag ni David na ‘Kristo’, ay ang Pari-Hari. Ang kaniya ring pangalan ay nahulaan ni Zacarias 500 na taon bago pa siya isilang.

Ang Tanda ng Sangay: Ang Patay na Tuod ay Isinilang Muli

Si Hesus ay mayroong mga kritiko na nagkuwestiyon sa kaniyang awtoridad. Sinasagot niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga propetang nauna sa kaniya na nagsasabing nakini-kinita nila ang kaniyang buhay. Naririto ang isang halimbawa ng sagot ni Hesus:

“Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 5:39)

Sa madaling salita, nagke-claim si Hesus na siya ay nasa propesiya sa Lumang Tipan, na siyang nauna sa kaniya ng ilang daang taon. Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagke-claim na kumukuha sila ng inspirasyon sa Diyos para sa kani-kanilang mga isinusulat. Dahil walang sinuman ang makakahula sa kung ano man ang mangyayari sa kinabukasan, sinabi ni Hesus na ito ay siya ngang ebidensiya para makumpirma kung siya nga ba ay dumating bilang parte ng plano ng Diyos o hindi. Ito ay isang pagsubok upang makita kung totoo nga ba ang Diyos, at kung Siya nga ba ay nagsasalita. Maaari nating basahin ang Lumang Tipan para, sa ating sarili, ay ma-examine at maikunsidera ang parehong katanungang ito.

Una, ito ay ilan sa mga pagsusuri. Ang pagdating ni Hesus ay mayroong pahiwatig sa pinakaunang bahagi ng Lumang Tipan. Pagkatapos ay nakita natin na ang sakripisyo ni Abraham ay ipinahiwatig ang siyang lugar kung saan, sa kinabukasan, ay siya ring isasakripisyo si Hesus habang ang Paskuwa naman ay ipinahiwatig ang araw sa taon kung kailan ito mangyayari. Nakita rin natin na sa Mga Awit 2 kung paano ginamit ang titulong ‘Kristo’ upang ipahiwatig ang pagdating ng Hari. Ngunit hindi lamang ito rito nagtatapos. Marami pang dokumento ang naisulat na mayroong pagtanaw sa kinabukasan na ginagamitan ng iba’t ibang titulo at tema. Mayroong tema na sinimulan si Isaias (750 B.C.) na siya ring na-develop sa Lumang Tipan. Ito ang pagdating ng Sanga.

Si Isaias at ang Sanga

Ang laraw sa ibaba ay nagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline kasama ng ibang manunulat mula sa Lumang Tipan:

Pagpapakita kay Isaias sa pamamagitan ng isang makasaysayang timeline. Siya ay nabuhay noong panahon na ang mga namumuno ay mga Haring Davidic

Makikita natin mula sa timeline na ang libro ni Isaias ay isinulat sa kapanahunan ng royal na dinastiya ni David (1,000-600 B.C.). Noong mga panahon na iyon (ca. 750 B.C.), and dinastiya at ang kaharian ay corrupt. Nagsumamo si Isaias sa mga hari na sila ay magbalik loob na sa Diyos at sa kaugalian at sa espirito ng Mosaic na Batas. Ngunit alam din ni Isaias na hindi magsisisi ang Israel, kung kaya’t nagsaad siya ng propesiya na ang Israel ay masisira at ang royal na dinastiya ay magtatapos.

Ang imahe na ginamit ni Isaias para sa dinastiya bilang isang puno

Gumamit siya ng specific na metapora o imahe para sa royal na dinastiya. Inihalintulad niya ito sa isang matayog na puno. Ang punong ito ay mayroong ugat na si Jesse, ang ama ni Haring David. Nagsimula ang dinastiya kay Jesse at sumunod kay David, at sumunod sa kaniyang tagapagmana na si Solomon, at ang puno ay nagpatuloy na lumago at nag-develop.

Una, Isang Puno…Sumunod, Isang Tuod…Sumunod, Isang Sanga

Isinulat ni Isaias na ang ‘puno’ na siyang dinastiya ay malapit nang maputol at maging isang tuod. Naririto kung paano niya sinimulan ang imahe ng puno na siya niyang ginawang isang palaisipan ng isang tuod at isang sanga:

“May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat. At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon…” (Isaias 11:1-2)

Ang dinastiya na inilalarawan bilang ang Tuod ni Jesse–ang ama ni David

Ang pagpuputol ng ‘puno’ na ito ay nangyari makalipas ang 150 na taon matapos mabuhay si Isaias. Ito ay sinasabing nasa 600 B.C. nang ang mga tiga-Babylonia ay sinakop ang Jerusalem at isinama ang mga tao nito at ang kanilang hari upang ipatapon sa Babylonia (ang pulang panahon sa timeline na nasa itaas). Si Jesse ang ama ni Haring David, at siya rin ang ugat ng dinastiya ni David. Ang ‘Tuod ni Jesse’ ay isang metapora para sa nalalapit na pagkasira ng dinastiya ni David.

Ang Sanga: Ang Darating na ‘Siya’ Mula kay David na Nagdadala ng Karunungan

Ang sibol mula sa patay na tuod ni Jesse

Ngunit ang propesiyang ito ay siya ring tumanaw ng mas malayo pa sa kinabukasan at hindi lamang sa pagputol sa mga hari. Nahulaan ni Isaias na kahit na ang ‘tuod’ ay mukhang patay (kagaya na lamang kung paano nagmumukha ang mga tuod), isang araw sa kinabukasan, mayroong isang sibol na kilala bilang ang Sanga, na sisibol mula sa tuod na iyon, kagaya na lamang kung paano ang ilang mga sibol ay umuusbong mula sa mga tuod ng mga puno. Ang Sanga ay tinutukoy na ‘siya’ kung kaya’t si Isaias ay tumutukoy sa isang specific na tao, na manggagaling mula sa linya ni David pagkatapos maputol ng dinastiya. Ang taong ito ay magkakaroon ng ibang klaseng kalidad ng karunungan, kapangyarihan at kaalaman na para bang ang Espiritu ng Diyos ay nasa kaniya.

Hesus… Ang ‘Siya’ na Mula kay David na Nagtataglay ng Karunungan

Akma kay Hesus ang mga requirement na manggagaling sa ‘tuod ni Jesse’ dahil sina Jesse at David ay ang kaniyang mga ninuno. Naging hindi pangkaraniwan si Hesus dahil sa karunungan at pang-unawa na kaniyang taglay. Ang kaniyang katalinuhan, tindig at kabatiran sa pakikitungo sa kaniyang mga kalaban at sa kaniyang mga disipulo ay patuloy na nagpapahanga sa kaniya mga kritiko at taga sunod magpanoon pa man. Ang kapangyarihan niya sa ebanghelyo sa pamamagitan ng mga mirakulo ay sadyang hindi maikakaila. Maaaring hindi mo ito paniwalaan; ngunit hindi mo ito kayang hindi pansinin. Akma kay Hesus ang mga katangian na siyang nagtataglay ng kahanga-hangang karunungan at kapangyarihan na siyang nahulaan ni Isaias na, isang araw, ay siyang manggagaling sa Sanga.

Si Jeremias at Ang Sanga

Ito ay maihahalintulad sa isang posteng pananda na inilatag ni Isaias sa kasaysayan. Ngunit hindi ito rito nagtatapos. Ang posteng pananda na ito ay isa lamang sa iilang mga palatandaan. Si Jeremias ay siyang nabuhay nang 150 na taon matapos kay Isaias. Noong ibinubuwag ang dinastiya ni David sa kaniyang harapan, isinulat niya ito:

“Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y magbabangon para kay David ng isang matuwid na Sanga. At siya’y mamumuno bilang hari at gagawang may katalinuhan, at maggagawad ng katarungan at katuwiran sa lupain. Sa kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda at ang Israel ay tiwasay na maninirahan. At ito ang pangalan na itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ang ating katuwiran’.” (Jeremias 23:5-6)

Si Jeremias ay nagpalawig sa tema ng Sanga mula sa dinastiya ni David na siyang pinangunahan ni Isaias 150 na taon ng mas maaga. Ang Sanga ang magiging isang Hari na siyang maghahari. Ngunit ito mismo ang nakasaad sa propesiya na nagmumula sa Mga Awit 2 na pumapatungkol sa pagdating ng Anak ng Diyos/Kristo/Mesiyas. Maaari nga ba na ang Sanga at ang Anak ng Diyos ay iisa lamang?

Ang Sanga: Ang Panginoon Ang Ating Katuwiran

Ngunit ano nga ba ang itatawag sa Sanga? Siya ay tatawaging ‘Panginoon’ na siyang magiging ‘ating’ (ito ay tayo–mga tao) Katuwiran. Kagaya na lamang ng nakita natin kay Abraham, ang problema sa ating mga tao ay tayo ay masyadong mga ‘corrupt’, kung kaya’t kailangan natin ng ‘katuwiran’. Sa paglalarawan ng Sanga rito, makikita natin na mayroong pahiwatig na ang mga tao sa kinabukasan ni Jeremias ay makakamtan ang kanilang kinakailangang ‘katuwiran’ sa pamamagitan ng Panginoon–si YHWH mismo (YHWH ang pangalan para sa Diyos sa Lumang Tipan). Ngunit paano nga ba ito mangyayari? Magtutuon tayo ng pansin kay Zacarias na siyang magbibigay ng iba pang detalye para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang pagde-develop sa tema ng Paparating na Sanga, na siya ring makakahula pati na rin sa pangalan ni Hesus. Ito ang ating titingnan sa susunod.